Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Finale
Epilogue
Special Update #1
Special Update #2
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Chapter 50

305K 3.7K 272
By asherinakenza

 Chapter 50

KEI'S P.O.V

Hinawakan ko ang kamay niya ng halikan niya ang noo ko... Tapos na kaagad ang dalawang araw, bakit ang bilis? Nandito pa rin kami sa ospital, sa isang araw pa ang labas namin ng mga anak ko.

"Baby...mukhang mas mahirap 'to kesa sa unang alis ko ah?" Nakangiting sabi niya, pero kita ko sa mata niya na malungkot siya... Marahan kong hinila ang kamay niya para mayakap ko siya, nakahiga kasi ako sa kama, bawal pa magkikilos dahil hindi pa hilom yung tahi ko...

"Kyle..." Pinipigilan kong h'wag tumulo ang luha ko, kasi naman mamimiss ko nanaman siya... Naramdaman kong hinaplos niya ang braso ko.

"Eleven more months baby..." Bulong niya sa tenga ko, tumango tango ako...

"Ingat ka Daddy..."

Narinig kong tumawa siya ng mahina...

"I will Mommy...gagawa pa tayo ng kambal di ba?" Bulong niya, alam kong nakatingin saamin ngayon ang mga magulang namin at kaibigan ko, pero hindi na ako mahihiya, bakit pa? Aalis ang asawa ko kaya kailangan maiparamdam ko sakanya kung gaano ko siya kamahal.

"Oo Daddy...kambal ulit." Pag sang ayon ko sakanya, lumayo ulit siya ng kaunti sa akin at napapikit ako ng halikan niya ako sa labi ng sobrang tagal, yung tipong hindi niya ginagalaw yung labi niya... Nakatigil lang yung labi niya sa labi ko at maya maya pa dahan dahan na niyang iginalaw iyon na mabilis ko namang tinugon.

"I love you...mag iingat kayo ng mga anak natin ha?" Bulong niya bago niyakap ulit ako, napansin ko namang mamasa masa yung mata niya, pero kaagad siyang tumalikod sa akin at lumabas na ng kwarto ko. Ang kaninang luhang pinipigilan ko bumagsak na, ngayon ko nararamdaman yung hirap na malayo sakanya. Pero kakayanin ko, para rin naman saaming dalawa ito. Lalong lalo na sakanya, pangarap niya yon at naniniwala akong para sakanya talaga ang bagay na yon. Napatingin ako sa bedside table ng magvibrate ang cellphone ko, kaagad kong kinuha iyon... Isang text mula kay Kyle.

From: Daddy Kyle <3

Sobrang mahal na mahal po kita. Ang hirap magpaalam, pakiramdam ko maghihiwalay tayo kahit hindi naman. Mamimiss nanaman kita, pati yung kambal. Babalik ako baby, at pagbalik ko pinapangako kong hindi na ako aalis ulit. Magulang na rin tayo, may anak na...ang sarap sa pakiramdam Mommy, lalo na at ikaw ang asawa ko. Mahal na mahal kita. Payakap. Pahalik ng matagal......

Para akong timang na nakangiti habang umiiyak, kaagad naman akong inabutan ni Marie ng tissue, nginitian niya ako.

"Don't worry sis...mabilis na lang ang eleven months..." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Sana nga bukas tapos na yung eleven months na yon." Natatawang sabi ko.

_____

"Happy Valentines day Mommy!"

"Happy Valentines day Daddy..." Nakangiting bati ko sakanya, magkachat nanaman kami sa skype. Ganito rin kami nung pasko at bagong taon. Nagpadala din siya ng mga gamit para sa kambal, limang buwan na ang anak namin at habang tumatagal mas lalo silang nagiging kamukha ng Daddy nila, grabe lang talaga yung dugo ni Kyle ang lakas! Haha.

"Thank you sa chocolates at flowers baby...pero bakit parang ang dami?" Natatawang sabi ko sakanya, kasi naman halos mapuno ng bulaklak yung labas ng bahay namin, nandito pa rin naman ako nakatira sa Frog House.

"Okay lang yan baby...pinaparating lang ng mga bulaklak na yan na sobrang miss na miss na kita!" Nakangising sabi niya, alas dos na ng madaling araw don, at alas dos naman ng hapon dito... Kita ko sa itsura niya na pagod siya sa trabaho, hindi pa nga siya nakakapag palit ng damit, kauuwi lang niya.

"You look exhausted baby..." Malungkot na sabi ko sakanya, ngumiti siya at inilapit niya pa lalo ang mukha niya sa camera, walang duda mas lalong gumuwapo ang asawa ko kahit mukhang pagod siya.

"Oo nga baby eh...ang dami kasing ginawa kanina, pero wala na ngayon yung pagod ko nakita na kita eh." Masayang sabi niya, medyo namumungay na yung mata niya dahil sa antok, nitong mga nakaraang araw talaga namang pagod siya, pero pinipilit niyang magkausap kami kahit sandali lang, sabi ko nga sakanya ipahinga na lang niya naiintindihan ko naman siya. Pero siya itong mapilit, hindi daw siya makakatulog ng hindi kami nakikita ng mga anak namin, mas lalo siyang naging sweet simula ng magkaanak kami. Minsan nga naiisip ko sobra sobra na yung effort na ginagawa niya para lang maging masaya kami pareho, pero ayoko namang magkasakit siya.

"Magpahinga ka na..." Nakangiting sabi ko sakanya, nakita kong tumayo siya at binitbit niya yung laptop, pinatong niya yata sa bedside table niya, tapos nahiga na siya.

"I love you Mommy..." Bulong niya na medyo husky ang boses, at napangiti ako ng makita kong ipinikit na niya ang mata niya. Haay, hindi na nakapag shower ang asawa ko dahil sa sobrang pagod.

Napatingin naman ako sa dalawang anak ko na mahimbing rin na natutulog, magkakasabay matulog ang tatlong lalaki sa buhay ko.

_____

"Ang gwapo gwapo naman nitong inaanak ko!" Magiliw na sabi ni Marie habang nilalaro yung kambal ko na panay ang gapang sa carpet dito sa sala, oo gumagapang na sila... walong buwan na, ang bilis nga ng panahon at naeexcite na ako sa nalalapit na pag uwi ng asawa ko. Tatlong buwan na lang.

Busy ako sa pagpe-prepare ng merienda namin ni Marie ng biglang marinig ko ang pangalan ng asawa ko sa TV!

"KEI!!" Sigaw ni Marie mula sa sala kaya naman nanakbo ako! Nasa tv si Kyle, at ipinapakita ang ilang kuha niya sa fashion week sa New York.

--Sa loob ng siyam na buwan na pananatili ni Kyle Cando sa New York, naipakita niya kaagad ang kanyang talento sa larangan ng photography. Naging matunog din ang pangalan niya sa bawat fashion week na ginaganap sa New York dahil siya—

"Hanep sis! Big time na ang asawa mo! Hindi mo naman sinabi na ganyan kasikat pala yang loko na yan sa New York." Masayang sabi ni Marie, napangiti na lang ako, kahit naman ako hindi ko alam... Hindi ko na naintindihan pa yung mga sumunod na sinasabi na balita sa tv dahil titig na titig lang ako sa itsura ng asawa ko na ipinapakita ang pagkuha sa mga models ng fashion week, nakasulat sa ilalim ng balita na 'isang Pinoy nanaman ang bumida International! '

"Kyle Anong naging inspirasyon mo para magawa lahat ng ito?" Tanong sakanya ng babaeng reporter.

"Asawa ko." Matipid ngunit nakangiting sagot niya. Napawow naman ang babaeng nag-i-interview sakanya. Nagwala nanaman ang puso ko dahil sakanya.

"Kailan ang balik mo sa Pinas? May mga plans ka ba pagkatapos ng contract mo dito sa New York? O pipirma ka ulit ng bagong kontrata?" Nakangiting tanong ulit sakanya.

"Siguro after three months babalik na rin ako, tama na siguro yung isang taong contract ko para dito, and yeah, of course I have a lot of plans... Hindi naman maaalis yon lalo na ngayon may dalawa na akong anak at plano ko pang sundan yon ng dalawa." Pilyong sabi niya, halatang nagmamadali din sila ni Felix, sa sobrang focus ko kay Kyle hindi ko napansin na pati pala si Felix iniinterview rin.

"Any messages para sa mga kababayan natin sa Pilipinas?" Huling tanong sakanila.

"Well actually hindi naman ganun kataas ang tingin ng mga kababayan natin sa mundo ng photography, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano nabibigyang pansin na ngayon ang mga ganitong talento na bihira lang talagang magustuhan ng isang tao. Thank you." Napangiti nanaman ako, asawa ko ba talaga yung nagsasalita sa tv? Nakakaproud sobra, lahat ng tinatamasang blessings na asawa ko ngayon ay para sakanya talaga, dahil alam kong pinaghirapan niyang maabot iyon.


"Huy, natulala ka na jan..." Natatawang untag sa akin ni Marie, tapos na ang interview nila Kyle pero nakatitig pa rin ako sa tv.

"Marie...asawa ko ba talaga yon? Bakit ang taas taas na niya? Sobrang saya ko para sakanya..."

"Haay nako sis... Asawa mo talaga yon... Ang galing nga niya eh... Pero alam mo sis, bakit ganito dito saatin? Mapapansin lang nila ang isang tao kapag alam nilang kaya nilang ipagmalaki. Katulad na lang ng sinabi niyang asawa mo kanina, hindi ganung pinapansin ang mundo ng photography dito saatin, pero dahil sa husay niyang asawa mo napatunayan niyang hindi dapat minamaliit yung ginagawa niya... Tignan mo naman ngayon ang asawa mo ang pinakasikat, na magaling na photographer, grabe yung mga pictures na ipinapakita kanina ha! Hindi naman maganda yung ibang model pero dahil sakanya gumanda yung mga yon!" Natatawang litanya ni Marie, napailing na lang ako sa mga sinabi niya. May point naman siya don, ganon nga dito saatin. Pero at least alam natin na basta pinoy ang sumabak sinosuportahan pa rin ng mga kapwa pinoy.

_____

Gabi na rin ng tumawag sa akin si Kyle.

"Daddy!Nakita kita kanina sa tv, sobrang nakakaproud ka." Masayang bungad ko sakanya.

"Yun naman ang gusto kong marinig mula sa asawa ko eh... Ang maging proud ka, dahil para sa inyo ng mga anak natin ang ginagawa ko dito baby..." Alam kong habang nagsasalita siya ngiting ngiti siya.

"Congratulations Kyle...masaya ako dahil naaabot mo na ang mga pangarap mo." Naiiyak ako, hindi ko alam. Basta sobrang saya ko lang para sakanya.

"Thank you baby...kung hindi dahil sayo hindi ko magagawa ang mga 'to." Masayang sabi niya.

Ang sarap lang marinig na nagiging inspirasyon ka ng asawa mo para matupad lahat ng pangarap niya.

"Siguro naman baby may premyo ako pag uwi ko?" Pilyong tanong niya sa akin.

Napangiti naman ako at napatingin sa anak namin na kanina pa naglalaro sa crib, medyo maingay na nga rin sila, sigaw sila ng sigaw. Pero bumalik ang atensyon ko kay Kyle ng bigla nanaman siyang magsalita.

"Baby...ready ka na ba para sa susunod nakambal?"

Continue Reading

You'll Also Like

26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
2M 15.9K 93
Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in searc...
100K 6.1K 60
Tarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and s...
924K 14K 35
Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa...