An Angelic-face Demon Princess

By Ekira_Tyche

789K 19K 1K

I am not EVIL...... I'm good....... With a TWIST. -Akier Hikaru Kushiki More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
Not an update
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
Epilogue
Must be read

CHAPTER 44

7K 197 30
By Ekira_Tyche

Kai's POV

Maaga akong nagising ngayon. Kakagaling ko lang rin sa pagjajogging.

Kasalukuyan akong naliligo. Naalala ko nga pala. Sinabihan ako ni Aki na may party daw na mangyayari dito sa mansion mamaya. Nagtataka ako kung bakit sya magpapaparty? Party is not her thing.

Sabi nya pa ay para lang ito sa mga pinsan nya, sa mga kapatid nya, sa mga personal reapers nya which is me and Lei, for Jin , Jin's personal reapers and for the mafia. Ganun ba talaga yun kaimportante para isali ang mafia? Hays!

Tinapos ko na lang ang paliligo ko. Tss! Gusto kong doon muna ako magtigil sa condo ko pero ayaw nyang pumayag. Tss!

Nang matapos ako sa paliligo ko ay nag-ayos lang ako saglit ng sarili ko bago lumabas sa kwarto ko dito sa mansion.

Nagugutom na ako. Sigurado naman akong maagang nagluto ang mga maid dito dahil may event na mangyayari mamaya.

Habang naglalakad ako papunta sa kusina ay may nakita akong pintong nakaawang. Kung hindi ako nagkakamali ay wala namang umookupa ng kwartong ito.

Napatigil ako sa tangkang pagpunta sa kusina. Lumingon muna ako sa paligid para masiguradong walang ibang tao..

Nang masigurado kong walang tao ay dahan dahan akong lumapit sa pinto. Sumilip ako sa awang.

Napakunot ang noo ko nang makita ang dalawang Kushiki sa loob ng kwarto. Seryoso ang mukha nila. Akala ko ay ako pa lang ang gising dito sa mansion maliban sa mga maid at chef?

"What should we do now? Time is running kuya."-Azuri. Ano bang pinag-uusapan nila?

"Tss! We should unmask her."-Akihiro. Unmask who?

Tunguna! Bakit nakakatakot ang itsura nila ngayon? Ano bang nangyayari?

Agad akong napalayo sa pinto dahil bumaling sila dito. Maya maya lang ay may narinig akong mga yabag . Puta! Lalabas na agad sila?

Nagtatakbo ako palayo sa pinto. Nang medyo nakalayo na'ko ay naglakad na lang ako para hindi kahina-hinala.

Anong alam ng magkapatid na yun na hindi namin alam? Tunguna! Mas bata sila samin kaya mas sakit sila sa ulo.

Teka lang! Bakit ko nga ba sila pinoproblema? Si Max ang nakaasign na tagabantay ng dalawang binatang Kushiki. Siguro ay kakausapin ko na lang sya mamaya tungkol dito .

Kairi's POV

Ngayon lang ako nakauwi dito sa mansion nila Aki dahil may inasikaso akong tungkol sa mafia. Ilang linggo ko na rin kasi syang hindi makausap ng matino dahil ang dami dami nyang dahilan. Tapos ngayon ay pinauwi nya ako dahil may party raw. Tss! Para saan ba ang party na yan?

Kahit saan ako lumingon dito sa mansion ay busy ang mga maid. Gaano ba kahalaga ang party na yon at talagang inabala nya ang mga tao dito? Tss! Pasaway.

Naglakad ako patungo sa garden. Maging dito ay busy ang mga maid.

Napakunot ang noo ko ng makita ko si Akihiro at Azuri. Anong ginagawa nila sa garden ng ganitong oras? Sa pagkakaalam ko ay mas gusto pa nilang maglaro ng play station kaysa ang tumigil dito.

Tss! Baka naman may kalokohan na naman ang magkapatid na ito? Pero bakit ang seryoso ng mukha nila?

Hays! Bakit ko nga ba sila inaalala? Nasa loob naman sila ng Kushiki property kaya alam kong hindi sila mapapahamak.

Pumasok akong muli sa loob ng mansion. Nakita ko si Shin na papunta sa garden.

"Hey!"-he greeted.

"Where is babe? "-I asked him. Hindi ko pa sya nakikita. Isa pa, sigurado akong wala sya sa library ng mansion dahil sa nakalipas na linggo at hindi sya tumatambay dun.

"Ha? Tulog pa ata. Sige mamaya na lang ha..."-saad nyang nagmamadali. Anong problema non?

Si Aki tulog pa? Ang tamad talaga ng isang yon. Dapat sya ang nag-oorganize ng party na yan. Tss!

Napailing na lang ako. Bakit kakaiba ang kilos ng mga tao ngayon?

Nagdesisyon na lang ako na pumunta sa library. Baka kahit papaano ay matino ang makakausap dun.

Nang makarating ako sa library ay agad akong pumasok.

Nakaupo si Jiro na mukhang busy na naman sa laptop nya. Seriously? Hindi ko na sya nakita na hindi nya hawak ang laptop nya. Inasawa nya na ba ito? Si Tashi ay kinukutinting na naman ang chess piece ni Aki. Tss!

Umupo ako sa tabi ni Jiro. Paano ako makakahanap ng matinong kausap kung busy si Jiro? Hays! Panigurado naman kasing hindi matinong kausap si Tashi! Puro kalokohan lang ang alam nya.

"Oh...bakit nandito ka?"-Tashi. Bawal na ba ako dito -_____-?

"Pinapunta ako ni Aki."-maikling sagot ko.

Patuloy lang sya sa paglalaro ng chess mag-isa.

"Dahil ba sa party? May iaannounce daw syang importante. Alam mo hindi nya na rin bininisita itong chess nya."-Tashi.

Akala ko ay hindi ko sya makakausap ng matino.

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Bakit kaya hindi na bininisita ni Aki ang chess nya? Masyado na ba syang busy? At anong sasabihin nya mamaya sa party? Bakit hindi nya na lang sabihin kahit walang party? Importante ba talaga yun?

Jin's POV

Nandito ako ngayon sa mall. Pabalik-balik lang ako.

Balak ko sanang bilhan ng regalo si Hikaru. Pambawi ko sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya.

Ano bang magandang pangregalo sa isang babae? Mapili pa naman sya kaya hindi ko alam kung ano ang dapat bilihin.

Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matuwa o dapat ba akong malungkot dahil sa party at sa sasabihin nya. Pero isa lang ang malinaw sakin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang kabang ito.

I heaved a deep sighed. Huwag ko na munang problemahin yun. Ang dapat kong iniisip ay ang panregalo ko sa kanya.

Babae pa rin naman sya kaya siguro ay may magugustuhan sya tulad ng bulaklak at chocolate.

Tama! Bilhan ko na lang sya ng chocolate and flowers. Kailangan ko na lang humanap ng bagay na mas matutuwa sya.

Napatigil ako sa paglalakad ng may mahagip ang mata ko na isang shop. Nilingon ko ito.

Para akong nahipnotismo ng makita ko ito. It's a crescent moon necklace. Napakaganda nya. Simple pero hindi maitatangging maganda. Kumikinang kinang ito na parang may diamante. Sigurado akong bagay 'to sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Kinakabahan na naman ako. Bakit parang may hindi magandang mangyayari mamaya?

Jiro's POV

I'm busy with my laptop. Kahit nandito ako sa library ay Rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa garden.

Anumang oras ay maari ng magsimula ang party. Katulad ng iba ay naguguluhan rin ako kay Aki.

This is not the usual her. Kung may gusto man syang sabihin ay sasabihin nya na lang. Tingin ko ay para sa pagsecelebrate ang party na ito. Pero ano ang isecelebrate?

Ibinaba ko muna ang laptop sa lamesang kaharap ko. Nasaan na ba si Kairi at Tashi? May kailangan pa kaming ayusin tungkol sa mafia.

Tss! Sumasakit ang ulo ko dahil dumami pa ang gawain namin. Ano ba kasing nangyayari kay Aki at parang wala syang pakialam sa mafia?

Nagawa nya pang magpapasok ng isang mafia boss sa mansion. Ganan ba ang epekto ng pag-ibig sa kanya? Hindi na nya iniisip kung ano ang maaaring mangyari sa mafia dahil sa ginawa nya. Kahit sabihin nating mahal nila ang isa't isa ay hindi pa rin mawawala ang pangamba ko lalo na at magkakumpetensya ang mafia nila.

Gumugulo rin sa isip ko ay bakit hindi nya ginagamit ang utak nya? Sa pagkakatanda ko ay mas pinapairal nya ang utak nya kaysa sa puso nya. That's what made her a heartless woman.

Tumayo na ako at lumabas ng library. Bawat madadaanan kong kasambahay ay halos taranta na sa kanilang ginagawa. Masyado nya naman atang pinepressure ang mga tao dito? Hindi na nagawang bumati ng mga ito.

Dumeretso ako sa kusina. Agad akong Kumuha ng malamig na tubig at ininom.

Napasandal lang ako sa gilid ng ref nang makita ko si Akihiro at Azuri. Mas lalo na atang tumibay ang samahan ng magkapatid na ito.

Walang oras na hindi ko sila makitang magkasama.

Isang bagay lang ang gumugulo sakin. Bakit nila iniiwasan ang ate nila?

Sa nakalipas na mga linggo ay ganon ang gawain nila. Madalas rin nilang punahin ang kilos ni Aki. Nakapagtataka rin na walang ginagawa si Aki para kausapin ang mga kapatid. Tss! Takot naman sa kanya ang mga yan pero kabaligtaran ang pinapakita nila.

Shin's POV

Malapit ng magsimula ang party pero hindi ko pa rin nakikita si Aki. Nasaan na ba ang isang yon?

"Hi Oppa ^____^"-bati ni Ayuri at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti lang ako at ginulo ang buhok nya.. Tumango lang sakin si Ayari kaya tumango lang din ako. Tss! Napipi na ba sya?

Naglakad lakad ako dito sa garden. Sobrang gumanda ang garden pero nakakainis ang design. Masyadong girly.

Napatingin ako sa entrance ng garden. Nandito na pala sya.

Casual lang ang suot ng lahat dahil hindi naman ito party na kung saan ay kailangang maging formal.

Wala pa si Jin. Ano bang iaannounce nya? Tungkol ba ito sa kanila ni Jin? Sila na ba? Kung yun lang ang dahilan ay hindi na nakapagtataka.

Nakadressed sya na blue na bumagay sa kanya dahil sa contact lenses nyang blue. Malabo na siguro ang mata nya kaya nagcontact lenses na sya na may grado.

Kumuha ako ng wine sa waiter na dumaan. Mukhang espesyal na party rin ito ah.

Napailing-iling na lang ako at lumapit sa kanya. Kasama nya si Jiro, Tashi at Kairi. Tss! Mukha silang mga bodyguard.

"You look beautiful tonight!"-bungad ko sa kanya. She smiled at me. Buti naman at marunong na syang ngumiti.

"Thank you cousin!"-Aki

"Babe naman! Bakit sa kanya ka lang nagpasalamat?"-kunwaring nagtatampo si Kairi. Tss! Childish!

"Ang pangit mo daw! "-Tashi. Dumila pa sya. Tss! Pasaway!

Iginala ko ang paningin ko. Mukhang nandito na ang buong mafia. Lahat sila ay nagsasaya. Hindi na rin siguro masama ito. Tama lang na bigyan nila ng saya ang sarili nila kahit ngayon lang. Pagkatapos nito ay balik trabaho na sila.

Napakunot ang noo ko nang mapabaling ang tingin ko sa magkapatid.

Parehong seryoso ang mukha nila.

Napalingon naman ako sa entrance ng garden. Tss! Nandito na si Jin. Malapad ang ngiti nya habang may dalang bulaklak at chocolates. Don't tell me na sila na nga?

Lumapit sya kay Aki. Hinalikan nya ito sa pisngi bago iabot ang kanyang dala. Tila pareho silang masaya.

May inilabas si Jin sa kanyang bulsa . Isang pahabang kahon. Nakangiti nya itong binuksan. Isang kuwintas ang inilabas nya mula rito. Isinuot nya ito kay Aki.

Matapos ang ginawa ay sabay silang humarap samin.

"I'll announce it now.."-Aki. Lahat ng atensyon ay napunta sa kanilang dalawa.

"I hope that you will b-------"-someone cut her words. Isang malamig na tinig ang nagsalita. Pakiramdam ko ay nabato ako sa kinatatayuan ko.

"You didn't invite me..."-lahat kami ay napalingon sa nagsalita.

O_____O nanlaki ang mata naming nagpalipat lipat ng tingin sa babaeng bagong dating at sa babaeng ngayon ay nakatulala.

"Aki..."-that's all I could utter. Paanong nangyaring may dalawang Aki?

Naglakad sya papunta samin. Nasa likuran nya si Yuu. Don't tell me na si Aki din talaga sya?

Damn! What the hell is happening? Tumitig sya sa dalagang kapareho nya ng mukha.

"W-what are you doing h-here?"-nauutal na tanong ni Aki na may blonde na buhok.

Ngumisi si Aki na puti ang buhok ko. Puti? Sya ba ang tunay na Aki?

"Is that your way of greeting your older sister....?"-white headed Aki said. Older sister? What the hell? "....Aki....Akimei Hannah Kushiki..."

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
2.8M 73.7K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
346K 7.8K 42
Come Out Come Out. Whatever You Are.. *** There is Something at work in my soul, which i do not understand.
250K 6.1K 43
"She was the girl who can take down any opponent regardless of gender"