My Magical Dream (COMPLETED)

By eujenica

29.9K 590 59

Panaginip? Alam naman natin na sadyang di makatotohanan ang mga iyon. Pero, paano magawa mong mahulog sa taon... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Nicholas' last point of view

Chapter 36

310 8 0
By eujenica

Ang Kotse

"1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14,15,16" What? 16 days na agad? Bakit ang bilis!! Psh!

Binibilang ko yung araw na natitira dito kay Nicholas. Siguro sa mga susunod na araw, kailangan maging masaya at enjoy kami.

Binilugan ko naman at nilagyan ng note kung ano bang pwede naming gawin sa araw na yun.

[Phone Ringing]

Kinuha ko naman agad ang cellphone ko na katabi ko lang para tignan kung sino yung tumatawag. nakita ko sa screen ng phone ko, Si Mika.

Bakit naman kaya siya tatawag? May kailangan kaya siya?

"Hello?" sabi ko pagkasagot ko ng phone.

"H-hello bes" nanginginig ang boses niya. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Oh? napatawag ka? anong nangyari sayo? bakit nanginginig ang boses mo?" napatayo ako sa pagkakahiga ko sa kama ko.

"A-ano. Si Nicholas. A-ano" pautal utal pa rin at nanginginig ang boses niya. Nagkaroon ako ng pagtataka sa utak ko.

"Ano Miks? Di kita maintindihan! ayusin mo pagsasalita mo!" sigaw ko.

"S-si Nicholas... Ahm Br-broom broom! A-ano"

Ano daw? di ko talaga siya maintindihan. Ano bang nangyayari dito?

Nicholas? broom broom? Ano daw?

"Wait nga? Nasaan ka ba? pupuntahan kita!"

"Na-nasa public park, yung malapit sa restaurant mo!"

Lumabas agad ako sa kwarto ko at dali daling lumabas pero bago pa man ako lumabas, hinarang ako ni Lolo ng salita.

"Saan ka pupunta?"

"Sa public park lang" Ang tanda tanda ko na eh! Psh! pati ba naman pag alis ko?

Tinakbo ko nalang ang park. pero nung nasa gate na ko ng subdivision, hindi ko na kinaya kaya tumawag ako ng taxi.

"Taxi taxi!" pangatlong taxi na ito na tinawag ko at ito lang ang tumigil. sumakay naman agad ako.

"Manong sa public park po" inandar naman agad ni Manong ang sasakyan. pero masyado itong mabagal.

Sinubukan kong tawagan si Mika pero hindi siya macontact! Kinakabahan ako! Baka may hindi magandang nangyari.... Lalo na kay Nicholas!

"Manong pwede po bang pabilisan? Ti-triplehin ko po ang bayad ko!" mayabang kong sinabi sa driver.

"Ma'am bakit po hinihingal kayo? may nangyari po ba?" tanong ng driver.

"Manong pakibilisan naman po. may kailangan po akong habulin eh"

"Ma'am bakit po kayo nagmamadali?" nainis ako sa mga tanong ni Manong dahil kailangan niya pang magtanong nang magtanong.

"Pwede po bang wag na po kayong makealam?! Bilisan niyo po ang pagmamaneho niyo!!" sigaw ko sa sobrang gigil ko. kainis!

Pinaharurot naman ni Manong yung taxi niya at agad naman kaming nakarating sa public park.

Nadatnan ko naman si Mika na nag aantay doon sa Bench at parang hindi mapakali.

"Miks!" kumaway ako para makita niya ko agad. lumapit naman ako sa kanya.

"Hoy miss! yung bayad mo!!" sigaw nung driver nung medyo makalayo ako. Oo! muntikan ko na makalimutan! Lintek!

Bumalik naman ako pagkatapos kumuha sa wallet ko ng isang libo. at binigay sa kanya.

tumakbo na ulit ako at nilapitan siya.

"Ano bang nangyari? Miks? Asan si Nicholas?

"Nandoon" ha? saan? jusko naman.

"Saan doon?"

"Saan nga?!"

"Doon nga! hindi mo naman sinabi na napakayaman ng boyfriend mo!!" sigaw niya. ha? mayaman? Sino? Si Nicholas.

Maya maya may pumarada sa harap namin na Audi rs5 na itim na kotse. at binuksan ang bintana nito.

Tumambad naman sakin ang mukha ni Nicholas na nakangiti. lumapit naman kami doon.

Bumaba naman siya at may ibinigay na susi sa'kin.

"A-ano to?" sumalubong ang kilay ko. ano ba talaga to?

"Susi" pilosopong sagot ni Nicholas. Aish! Loko loko talaga itong lalaki na ito.

"Alam ko!! Susi to! ang ibig kong sabihin, para saan tong susi na to?"

"It's yours!" sabi niya sakin na ikanalaki naman ng mata ko. Akin to? Joke ba to? panaginip ba? baka namamalikmata lang ako. Pakisampal nga ko!

Nicholas! Wag naman yung ganitong joke.

"Are you serious?! Its mine?" nilibot ko naman ang buong kotse para tignan ang itsura nito.

Ang ganda! Ang ganda ganda! ito yung pinapangarap ko! tapos nasa harap ko na ngayon. Feeling ko, maiiyak ako sa sobrang saya!

Pero teka? paano niya naman nalaman na itong ito ang gusto kong kotse?

"Do i look i'm joking? Sinabi sakin ni Mika kung ano yung pinakagusto mong bagay na magkaroon ka, ayan daw, kaya ibinili kita " what? miks?

Napatingin naman ako kay Mika. kumunot ang noo ko.

"Wala akong alam jan! Nagtanong siya eh!" pangangatwiran niya.

"This is too much Nicholas!" medyo mangiyak ngiyak kong sinabi ito sa kanya.

Ayaw kasi ako bilhan ng lolo ko nito. Magtrabaho daw muna ako sa company nila. Psh! no way! magtatrabaho lang ako sa kanila pag bumagsak na ang restaurant ko. baka pilit pang mangyari yun.

"No. lagi mo kong pinapasaya. ito na siguro ang kalahati ng bayad ko sayo!" tumawa naman siya. "Pwede mong subukan"

Pinagbukas niya ko ng pinto, dahan dahan naman akong pumasok dito. pinagmasdan ko yung loob. hinawak hawakan ko pa. hindi talaga ko makapaniwala.

Ang ganda ng tunog. ang sarap pakinggan!

Nilagay ko naman ang susi pagkatapos inistart na ito. at pinaandar. Ang sarap nitong imaneho.

"Whoooooo" inikot ko ito sa paligid ng park. ang saya. para akong batang nagkaroon ng bagong laruan.

Pumarada naman ako sa tapat nila.

"Nicholas!" pinukpok ko ng bahagya yung sideseat. "Sakay ka dali"

Pumasok naman siya agad sa kotse. Ang naiwan namang nakaupo doon, Si Mika.

"Ako? hindi mo ko papasakayin?" nakapout pa siya habang sinasabi ito. tinawanan ko lang siya pagkatapos sinabi sa kanya. "Sige next time!"

Pinaandar ko na ulit ito. Ngiting ngiti ako habang minamaneho ito.

Nakikita ni Nicholas ang pagngiti ko, ang ngiting abot hanggang tenga. Ay hindi! Hangang batok pala!



"Tama ako! Matutuwa ka talaga" aniya.


"Hindi ko alam kung paano ako magtathank you sayo sa bagay na to. Sobrang saya ko" sandali kong itinigil ang pagmamaneho at tumingin sa kanya.


"Wala ka namang dapat sabihin para pasalamatan ako eh" hinawakan niya naman ang pisngi ko "Ako ang dapat magpasalamat sayo dahil minahal mo 'ko"

Hinawakan ko naman siya sa mukha din at dali daling nagnakaw ng halik sa kanya.

Napatulala naman siya sa ginawa ko. natawa naman ako sa reaskyon niya.

Nagmaneho naman na ko agad malapit kay Mika.

"Tara na! Baba na tayo! Ha-ha!" bababa na sana ako at nakaready na ang kamay ko para buksan ang pinto nito pero hinila niya ko at hinalikan din.

Napatulala naman ako sa pagkagulat. Alam ko namang hindi ito ang first time! pero nagulat ako. tumawa naman siya at bumaba na. Sumunod naman ako bumaba.

"Thank you Nicholas." niyakap ko naman siya. naramdaman ko naman ang kamay niya na nasa likod ko. Nakayakap din siya sakin. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.

tumingala naman ako sa kanya. nahuli ko siyang nakatingin sakin.


"Oh? bat ka nakatingin sakin? Nagagandahan ka ba sa Most beautiful girl in the world?"


"Oo na!" tumawa naman siya at pinisil ang ilong ko.

Natawa naman ako sa kanya nang biglang tumigil ang pagtatawanan namin dahil biglang may nagsalita at tinawag ako.


"Krista?"




Continue Reading

You'll Also Like

26.1K 2.4K 40
#180 in ACTION (Highest rank achieved) Miracle Saavedra - Her family owns huge agencies of secret agent in the philippines. And for that reaso...
46.8K 1.4K 63
Dark Royalties Book Series #3: HIDDEN MASKS **** Finah Aira Smith, ang babaeng puno ng sikreto. At sa likod ng kanyang kalmadong mukha, nakatago ang...
974K 33.5K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.6K 54 4
Genre: Historical Fiction | Short Story | Random Status: COMPLETED Kapangyarihan, kayangraan, posisyon, koneksyon, kayamanan. Ano ba ang mahalaga? Th...