BE BOYS II (BROMANCE) : REMEM...

By redaviu13

77.8K 2.9K 2.1K

Just read :) More

11:13:15
GROWING UP
THAT TIME YOU SAY GOODBYE
FIVE STEPS TO MOVING FORWARD
BLUE
HELLO HEARTACHE
SOMETHING LIKE SUMMER (Part One)
SOMETHING LIKE SUMMER (Part Two)
OXYGEN
WELCOME TO THE LONELY HEARTS CLUB
BULLSHIT
OUR HAPPY ENDING
GOOD BOY
ALWAYS HAVE, ALWAYS WILL

WHY DO WE KEEP BREAKING HEARTS

4.1K 187 133
By redaviu13



*****

Sa pag ibig daw may "I love you" may "Promise" at may "Heartbreak". Minsan natanong ko sa sarili ko kung may I love you at I promise bakit kadalasan nauuwi sa heartbreak? Paanong nagagawa ng isang taong saktan ang isang taong labis na nagmamahal sa kanya?

"Kumain ka na?" tanong ko kay Clyde ng dumating ito galing ng trabaho. Sandali nya lang akong tinitigan pero wala akong narinig na sagot mula rito.

Tulad ng naipangako nya sa akin pinilit nya akong patawarin mula sa pagkakasala ko pero deep inside alam kong hindi okey yung lahat. Kahit wala siyang sabihin ay ramdam na ramdam ko yung hinanakit nya sa akin. Totoo nga yata yung sabi nila na mas okey pa yung sigawan ka at sumbatan ka kesa sa tratuhin kang parang hangin. Kasalanan ko naman talaga kaya naipangako ko sa sarili ko na babawi ako sa kanya. Kaya hindi lang doble kung hindi 10x yung effort ako sa kanya ngayon.

Sabi nila ang tiwala daw parang salamin na once na nabasag na mahirap na ulit buuin, siguro nga tama sila kasi sa ngayon yun yung nararamdaman ko. Kahit wala siyang sabihin, alam ko may nagiba sa kanya. May nagiba sa amin.

Mula nung malaman nya yung tungkol sa amin ni Red he start to look at me differently. Paghahalikan ko siya, hindi ko siya tuluyang maramdaman. Sa katunayan nga mag simula nung araw na inamin ko sa kanya yung nangyari sa amin ni Red hindi pa nya ulit ako hinahalikan sa labi laging sa pisngi lang. Ni yakapin nga ako hindi pa nya gagawin kung hindi ako yung yayakap sa kanya. Siguro nga mahirap ng ibalik yung tiwala, pero naniniwala parin ako na walang imposible sa mundo. Kasi kung para talaga kami para sa isat- isa, God would let us survive this trial.

"Kumain ka na?" muli kong tanong sa kanya nung wala akong narinig na sagot

Binaba nya yung bag nya saka pumasok sa kwarto at nagtanggal ng damit

"Gu-gusto mo ba mag hain ako?"

"Um wa-wag na...di naman ako gutom pagod narin ako eh" malumanay nyang sagot saka nagbitiw ito ng isang pilit na ngiti

"Sigurado ka ba?"

Tumango lang ito saka humiga sa kama at kinuha yung remote at nanuod ng TV.

Alam ko naman kung saan yung lugar ko sa mga oras na ito eh. Wala akong karapatang magalit o mainis sa kanya. Kasi kahit balik baliktarin pa natin kasalanan ko naman eh pero sana lang...ahhhhh!! ugh! hindi ko alam gusto kong makaramdam ng emosyon mula sa kanya.

Hindi ko alam kung naiintindihan nyo yung mga sinasabi ko ngaun o marahil pati kayo naguguluhan sa akin. I guess yung gusto kong sabihin is okey lang naman kung sigawan nya ako, awayin nya ako, kahit nga saktan nya ako eh kahit ano. Mas gusto ko yung maynarararamdaman kesya yung tila ba isa akong hangin na hindi nya nakikita.

"Eh gawan nalang kaya kita ng sandwich saka juice?"

"Wag na"

"Hindi iaakyat ko nalang dito kung gusto mo"

Hindi nya ako ulit sinagot imbes ay pinagpatuloy lang nya ang panunuod ng TV kaya nagpasya nalang din ako na kunan parin siya ng pagkain.

Pagbalik ko ay nadatnan ko na nakaupo na sya sa study table nya at nalalaptop kaya agad kong pinatong sa tabi nya yung dala kong pagkain

"Hindi nga ako gutom diba?" medyo may tonong pagkairita yung boses nya na tila agad rin nyang napansin kaya bigla nya itong sinundan ng "sayang lang kasi yan" mahina at halatang nagpipigil lang ito.

"Clyde iniisip ko lang naman kasi na-"

"Hesk may ginagawa ako? Mamaya na"

"O-okey si-sige eto nalang juice iiwan ko nalang-"

"Heski sabing wag-"

Akmang ilalagay ko sana yung juice sa tabi nya ng biglang inusog nya yung kamay nya kaya na out of balance ako at natapon sa laptop nya yung juice

"Tangina naman oh!" sigaw nya sa akin

"Clyde sorry"

"Ano ka ba! Bingi ka ba o hindi ka lang makaintindi?" sigaw nya sa akin sabay tulak sa akin saka agad na tumayo at pinunasan yung laptop nya

Nakatitig lang ako sa kanya noon kasi first time nya akong sigawan at itulak ng ganun.

"So-sorry" biglang yuko nyang sabi ng marealized nya yung nagawa nya saka tuluyang lumabas ng kwarto at pumunta ng sala.

*****

"Clyde mag usap naman tayo oh?" mahinahon kong sabi sa kanya saka ako umupo sa tabi nya

Agad din naman nyang pinatay yung TV pero hindi nya nagawang umiik

"Clyde akala ko ba napatawad mo na ako?"

"Pinatawad kita kasi hiniling mong patawarin kita" mahinahon nyang sabi "yun yung gusto mo diba?"

Nakatitig nuon ako sa kanya samantalang siya ay hindi man lang ako magawang titigan. Nakatingin lang siya ng deretsyo sa TV kahit pa nakapatay na ito

"Clyde"

Hindi siya sumagot

"Clyde tingan mo naman ako oh...pag usapan na-"

"Hindi porket hiniling mo na patawarin kita hindi ibig sabihin nung hindi na ako nasaktan. Na hindi ako nasasaktan. Na hindi mo ako sinaktan" naiiyak nyang sabi nyang sabi

"Sorry...sorry talaga" sabi ko saka ako yumakap sa kanyang braso "Clyde kung maibabalik ko lang –"

"Heski mahalin mo naman ako"

"Clyde mahal naman din kita eh"

"Mahal? Mahal mo din ako? Heski yun nga yung problema eh mahal mo DIN ako?"

Hindi ko nuon alam anong dapat kong sabihin

"Heski ayaw ko ng may kahati!" inis nyang sabi saka tinanggal nya yung mga kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya at agad na tumayo

"Clyde ano bang dapat kong gawin para maniwala kang mahal kita?"

"Kakalimutan mo na si Red. Mangako ka na hindi mo na siya iisipin, tatawagan , kakausapin o aalalahanin man lang"

Alam ko na madali lang sabihin yung salitang oo pero minsan na akong nagsinungaling kay Clyde ayaw kong ulitin kaya hindi ko maipapangako na kaya kong kalimutan at hindi mahalin si Red.

"Clyde buong buhay ko andyan na si Red. Hindi naman ibig sabihin na tayo na dapat ko na siyang kalimutan diba?...kasi kahit gustuhin ko hindi ko alam kung kakayanin ko na kalimutan siya?"

Hindi ko sinasabi na mamahalin ko parin si Red tulad ng pagmamahal ko kay Clyde ang gusto ko lang sabihin sa kanya ay hindi ko kayang ipangako na hindi na magiging parte si Red ng buhay ko. Kasi paano ko naman basta basta nalang tanggalin sa buhay ko si Red kung halos buong buhay ko siya na yung kasama ko. Ayaw kong magsabi ng oo dahil alam kong magsisinungaling lang ulit ako sa kanya at patuloy ko lang mababasag yung tiwala nya na hirap na hirap akong buoin ngayon.

Sandali syang tumahimik at maya-maya ay tumalikod sa akin, kahit hindi ko siya makita ay alam kong tuluyan na siyang umiiyak. Agad ko siyang nilapitan saka muling niyakap

"Clyde"

"Sinaktan mo ako" mahinahon nyang sabi

"I know pero maniwala ka sana sa akin na sobrang pinigsisisihan ko yun"

"Heski anong bang ginawa kong mali?" umiiyak nyang sabi

Nakatitig lang ako sa kanya nuon

"Gusto lang naman kitang mahalin...bakit mo ako pinahihirapan na mahalin kita"

"Clyde"

"May kulang ba?"

"Clyde wa-wala wala ka ring ginawang mali"

"Then why do you keep breaking my heart?"

Clyde...Im sorry"

"Heski kung hindi mo pala kayang kalimutan si Red eh para saan pinaglalaban pa kita?"

"Clyde"

"Para saan nandito pa ako?"

"Clyde mahal kita maniwala ka naman oh" umiiyak kong sabi

"Heski ubos na ubos na ako oh... ang sakit sakit na"

"Clyde"

"Sorry di ko kayang ipaglaban yung taong kahit kailan ay hindi naman pala magiging akin"

Pinunasan nya yung mga luha sa kanyang mata saka tuluyan akong iniwan.

*****

"Why do you keep hurting him?" inis na tanong ni Jessie sa akin

"Pinipilit ko naman na ayusin eh"

"Oh eh bakit hindi mo maipangako sa kanya na kakalimutan mo na si Red"

"Jessie magsisinungaling lang ako kung sasabihin ko sa kanya yun"

"Then just break up with him!"

"What?"

Tila na realized ni Jessie na nasigawan nya ako kaya sandali itong natigil at napahinga lang ng malalim

"Kaya ko namang ipangako sa kanya na hindi na ulit mauulit yung nangyari sa amin ni Red at kakalimutan ko na yung patingin ko kay Red pero yung kalimutan siya at hindi na siya kausapin hindi ko alam kung kaya ko yun"

"Then break up with him"

"Jess mahal ko naman-"

"Bakit mo ba pinapakomplikado yung mga bagay – bagay?. Si Red yung mas mahal mo...at tutal naman sinabi na rin naman niya na gusto ka nya diba oh eh di go na, kay Red ka na"

"Masasaktan si Clyde"

"Beh nasasaktan na si Clyde. Sinasaktan mo na siya at paulit ulit mo lang siyang sasaktan kasi nga sabi mo nga hindi mo kayang kalimutan si Red"

"Hi-hindi ko alam kung kaya kong iwan ng ganon ganon lang si Clyde"

Muling huminga ito ng malalim

"Ang selfish mo" yun lang yung nasabi nya sa akin saka ako tuluyang iniwan

*****

Kayo ba naranasan nyo na yung tipong hindi nyo kayang mamimili mula sa dalawang bagay? Yung tipong ayaw mong mawala yung isa pero ayaw mo ring i give up yung isa?

Naaala ko nung bata ako meron akong sapatos na gustong gustong gamitin tapos nung minsan umuwi si daddy binilhan nya ako ng bagong sapatos tapos sabi nya ibigay ko na daw sa pinsan ko yung luma. Ewan ko ba pero kahit may bago na akong sapatos nuon ayaw ko paring mawala yung luma kong sapatos kaya kahit anong pilit nila daddy sa akin never kong binigay yung sapatos na yun sa pinsan ko.

15 years later tila nasa ganung sitwasyon parin ako. Kung naalala nyo sa umpisa palang sinabi ko na sa inyo na hindi ako perperkto, may mga araw at panahon din na madamot ako, makasarili at unfair. Tulad nga sabi ni Jessie "selfish" ako. Selfish na kung selfish pero ayaw kong may mawala ni isa sa kanila sa akin. Bakit ba kasi kinakailangan may mawala? Bakit hindi pwedeng parehas silang nasa tabi ko? Bakit sa tuwing magmamahal tayo may kailangang masaktan?

"Heski mahal mo ba talaga ako?" biglang tanong sa akin ni Clyde. Kasalukuyan nuon kaming kumakain na dalawa.

"Clyde mahal kita, mahal na mahal kita"

"Hanggang kelan?"

"Hanggat humihinga ako"

"Ganun mo rin ba katagal mamahalin si Red?"

Maspinili kong hindi sagutin yung tanong nya

"Paano kung sabihin ko sayo na ayaw ko na na mahalin mo ako?"

"Mamahalin parin kita...kahit ayaw mo mamahalin kita" naiiyak kong sabi

Hindi ito umimik. Nakaupo nuon kami sa hapagkainan pero ni isa sa amin ay hindi ginagalaw yung pagkain namin

"Le-let me go" mahina at naiiyak nyang sabi

Parang nabasag yung puso ko nung marinig ko yung tatlong salitang yun

"Clyde wag"

"Heski a-ayaw kong maging katulad ng daddy ko. Ayaw kong patayin ako ng kalungkutan ko"

"Clyde please...hi-hindi ka katulad ng daddy mo"

"Heski hindi ako ikaw. Hindi ko kayang magmahal ng taong may mahal na iba"

"Clyde mahal kita maniwala ka mahal na mahal kita"

"Then why cant I be the only one?"

"Yu-yung pagmamahal ko kay Red pa-parang kapatid nalang yun"

Hindi ulit siya umimik

"Clyde...hindi mo na ba ako mahal?" tanong ko naman sa kanya ngayon

Hindi ulit ito sumagot nakayuko lang siya nuon

"Clyde"

"Hi-hindi na" mahina at nakayuko nyang sabi

"I dont belive you"

"Sa hindi na nga eh" nakayuko parin nyang sabi

"Titigan mo ako sa mga mata ko saka mo sabihin na hindi mo na talaga ako mahal...then i'll let you go"

Dahan – dahan nitong inangat yung kanyang ulo at lumuluhang tumitig sa akin

"Hi-hin...hin...putangina...mahal kita ok!?! mahal na mahal! Pero tangina lang" umiiyak nyang sabi

Agad akong tumayo sa aking kinauupuan saka lumapit at niyakap siya

"I love you heski i love you so much but you keep on hurting me?" umiiyak nyang sabi

"Clyde Im sorry"

*****

Tahimik na umupo si Red sa tabi ko, kasalukuyan nuon kaming asa rooftop ng condo nya. Minessage ko siya na imeet ako sa rooftop dahil alam ko na baka pag sa unit na naman nya ako tumuloy eh kung ano na namang mangyari sa amin.

"So dito mo ba ako babastedin?" nakangiti nyang sabi ng umupo ito sa tabi ko

Tanging ngiti lang yung naitugon ko sa kanya nuon. Pagkatapos nyang sabihin yun ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Yung tahimik pero hindi dahil may akward moment...hindi ko alam ano yung tamang salita para i-describe yung pakiramdam naming dalawa nuon basta ang alam ko tahimik kami parehas at nakatingin sa malayo na tila ba may hinihintay na kung ano.

Mga 20 minutes na kaming hindi nagkikibuan ng maisipan kong kunin yung isang piraso ng cloud9 na dinala ko para sa kanya.

"Diba sabi ko sayo walang epekto sa akin ang chocolate?" biro nyang sabi

"Baka lang gutom ka" biro ko

Parehas kaming nagkatawanan nung mga oras pero alam din namin sa isat isa na hinihintay lang namin yung tamang oras para pagusapan yung sitwasyon namin

"So...um...ma-may boyfriend ka na pla" biglang pagbasag nya ng tawanan namin. "Ka-kayo na pa-pala nung – nung Clyde ba yun?"

Tumango lang ako at ewan ko ba at bakit ang babaw-babaw ng luha ko athalos maiyak iyak na naman ako.

"Ke-kelan pa? Mabait ba siya? Mahal ka ba nya? Ma-mahal mo ba siya? Kwentuhan mo naman ako oh" sunod sunod nyang tanong sa akin

"Um ...oo ma-mahal nya ako mahal na mahal"

"Nice! Ma-masaya ako para sayo Hesk"

"Sa-salamat Red...Um alam mo si Clyde mabait yun. Sobrang bait nun... kaya yung-"

"Heski I love you" biglang pagputol nito ng sinasabi ko na nagdulot ng kuryente sa buong katawan ko pero pinilit kong ilihis yung usapan.

"Sa bi-birthday ko nga balak nya akong dalhin sa-"

"I love you Heski"

"Alam mo kailangan ko ng umalis kasi baka hinihintay na-"

"Heski sagutin mo naman ako"

"Sorry Red ah kailangan ko na talagang uma-"

"Tangina di mo ba ako naririnig!?! sabi ko I love you...I love you i love y-" sigaw nito sa akin

"Naririnig kita!! Dinig na dinig kita Red!" sigaw ko sa kanya

"Heski eto na oh...sinasabi ko na sayo Mahal kita! Mahal na mahal"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at tuluyan na naman akong umiyak. Halo halo yung emosyon ko nung mga oras na yun. Galit, saya, inis, panghihinayang, lungkot at kung ano – ano pa

"Heski mahal kita" umiiyak nyang sabi

"Oh tapos?"

"Huh?"

"Anong gusto mong marinig? Na mahal din kita? Na mahal na mahal kita!" inis kong sabi sa kanya

"Heski alam ko a-"

"Tangina Red! Tangina lang!"

"Hes-"

"Kung alam mo lang...tanginang buhay to!"

Tuluyan narin siyang umiyak noon sabay lapit sa akin pero tinulak ko siya papalayo

"Red ang tagal – tagal kong hinintay na sabihin mo sa akin na mahal mo ako. Na mahal mo rin pala ako" umiiyak kong sabi "Kaso ang tagal –tagal mo"

"Kaya nga eto na...sinasabi ko na sayo ngayon diba?"

"Red bakit ngayon lang? Ba-bakit ngayon lang?"

"Natakot ako...na-...pe-pero mahal mo parin naman ako diba?" umiiyak nyang sabi

"Lintik lang"

"Heski" sabi nito sabay hawak ng mga kamay ko "Mahal mo parin ako diba?"

"Red hindi na pwede"

Nakatitig lang siya nuon sa akin

"Ma-may mahal na akong iba"

Nakita ko sa mga mata nya kung pano tila binasag ko yung puso nya nung mga oras na yun. Ang sakit – sakit para sa akin na panuorin si Red na masaktan dahil sa akin

Muli siyang umupo sa kinakauupuan namin kanina saka sandaling tumahimik

"Lintik first time kong ma basted ah" nakangiti pero umiiyak nyang sabi

Umupo rin ulit ako sa tabi nya

"A-alam mo dati akala ko pag sinabi ko na sayo na mahal kita sasabihin mo rin sa akin na mahal mo din ako. Tapos parang fairytale na may happy ever after"

Hindi ko nuon magawang sumagot

"Nakaka gago talaga yung buhay eh" sabi nito

Tinitigan ko siya

"Sorry ...natagalan...sorry" umiiyak nyang sabi

Tuluyan na naman akong umiyak nuon. Siguro kung may nakapagsabi sa akin nuon na iiyak ako sa araw na sabihin ni Red na mahal nya ako sasabihin kong nasisiraan sila ng bait kasi buong buhay ko matagal kong hinintay yung sandali to pero lintik talaga ang buhay.

"He-hey..."sabi nito sabay lapit sa akin at hawak ng aking mukha saka nya dahan – dahan na pinunasan yung mga luha ko

"Umiiyak ka na naman eh"

"Red sorry" umiiyak kong sabi

"O-okey lang yun...Wag ka ng umiyak. Lagi ka nalang umiiyak dahil sa akin"

"So-sorry hindi na ako nakapag antay"

Niyakap nya ako ng mga sandaling yun

"Si-siguro kung naghintay pa ako ng sadali pa si-sigu-"

"Siguro rin kung hindi ako naduwag-"

"Red"

"Shsss...okey lang yun"

"Sorry"

"Mahal ka nya diba?"

Tumango lang ako

"Mahal mo siya?" seryoso nyang tanong

Alam ko na mahal ko din si Clyde...mahal ko rin siya

"Heski mahal mo siya?"

"Ma-mahal ko din siya"

Pinunasan nito yung mga luha sa mata nya saka muli akong hinawakan

"Masaya ako para sayo Hesk"

Nakayuko lang nuon ako kasi hindi ko siya magawang tingnan dahil ayaw kong makita ulit yung pain sa kanyang mga mata na dulot ko.

"Uy titigan mo naman ako" malambing nyang sabi saka dahan – dahan na inangat yung ulo ko upang harapin siya

"Red"

"A-alam mo may napanuod akong pelikula" kwento nya sa akin "Mahal nila yung isat isa mag simula pagkabata nila pe-pero naging sila lang nung matanda na sila"

"Red"

"Heski...pangako ko sayo hihintayin kita. Ako naman maghihintay sayo"

"Red hindi mo-"

"Wala akong pakialam kahit abutin pa ako na sampung taon, 15 years, 23 kahit pa 80 yrs old na ako ...pangako ko sayo hihintayin kita" naluluha nyang sabi

Ang sakit sakit ng pakiramdam ko nuon dahil alam kong hindi lang yung puso ko yung nadudurog ng mga oras na yun kung hindi pati narin kay Red.

"Balang araw...tulad nung sa pelikula magiging tayo rin"

Niyakap ko nuon ito ng sobrang higit. Niyakap ko siya na para bang hindi ko na siya yayakapin pa ulit

"Alam ko kung bakit?"

"Bakit"

"Naniniwala ako.....na darating yung araw na tayo parin"

"Red"

Ang tagal naming magkayakap nung mga oras na yun natigil lamang kami ng biglang tumunog yung phone ko at nakita kong si Clyde yung tumatawag. Nung sagutin ko ito ay biglang tumalikod si Red sa akin na tila masakit para sa kanya na makita na kausap ko si Clyde.

"U-um Red ka-kailangan ko ng umalis"

Tumango lang ito

Muli akong lumapit sa kanya saka niyakap ito saka ako tuluyang umalis at iniwan itong mag isa sa rooftop.

Kakapasok ko palang nuon sa may elevator ng makita ko itong tumatakbo at tinatawag yung pangalan ko

"Heski! Te-teka"

"Re-red"

Hingal na hingal ito nuon at sobrang nakatitig sa akin tapos ay bigla akong niyakap. Sobrang higpit ng yakap nya nuon punong – puno ng pagmamahal.

"Red"

"Heski wag mo akong kakalimutan ah...pangako mo hindi mo ako kakalimutan"

Umiiyak akong umo-O sa kanya

"Wag mo akong kakalimutan"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Karamihan sa mga kakilala ko nakaka apat, lima o higit pang girlfriend/boyfriend so I always thought breaking up is easy pero bakit ganun pagdating sa akin ang sakit – sakit. Kung ganito kasakit tumapos ng relasyon bakit may mga taong tila nangongolekta nito? Paanong nasasabi natin yung salitang I love you sa isang tao yet at the same time kaya rin natin silang saktan?

Why do we keep breaking hearts? May kulang ba? May iba ba? May iba na ba? Nagsawa na ba? Sa totoo lang may kanya – kaya tayong rason at dahilan eh. But remember everytime we break someones heart ... two things is constant you'll cause them the things we called pain and tears.

END OF CHAPTER NINE

WHY DO WE KEEP BREAKING HEARTS

Written by: Redaviu13

Dedicated to all of you who once broken someones heart. 


Continue Reading

You'll Also Like

29.2K 1.7K 19
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...
1.4M 32.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...