WELCOME TO THE LONELY HEARTS CLUB

6.8K 207 237
                                    

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.


*****

Ngayong araw ay may panibagong edad na naman ako. Isang taon na naman ang tinanda ko at sa totoo lang hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na tumatanda na ako o hindi. Dati akala ko masdadali ang buhay pag matanda na ako, kasi hindi ka na papagalitan, hindi mo na kinakailangang gumising ng maaga para pumasok, pwede mo na panuorin kahit ano, magkakaroon ka na ng sariling pera at sa kung ano – anong pang kadahilanan. Hindi pala, Hindi pala ganoon kasimple ang buhay, infact mas naging komplikado pa ang buhay ko nung tumanda at magkatrabaho ako. Hay nakakamiss maging bata.

Ngayong araw rin ay signal number 3 ang lakas ng bagyo dito sa Pinas at kasabay ng araw na ito ay wala si Clyde sa tabi ko. At bago pa kayo mag isip ng kung ano- ano  wala ring Red sa tabi ko.

"Wala eh canceled lahat ng flight kainis nga eh" inis na sabi ni Clyde sa akin na noon ay kausap ko sa cellphone

"Ang lakas ng ulan eh makakancel talaga yan"

"Pano yan?"

4 days ago pa nung pumunta siya ng Cebu for work related stuff. Kahapon pa dapat siya nakabalik pero dahil sa sobrang lakas ng ulan kung kayat na kansela yung flight nya pabalik ng Manila

"Okey lang yan ang importante okey ka dyan" sabi ko sa kanya

"Sigurado ka"

"Oo naman. Isa pa wala ka rin namang magagawa"

"Sorry" malambing nyang sabi

"Clyde...okey nga lang"

"Dapat kasi hindi na ako pum-"

"Ano ka ba importante yan"

"Hindi ka galit?"

"Hindi"

"Sure?"

"Oo nga"

"Nagtatampo"

"Para kang sira hindi no"

"Babawi ako pag dating ko"

"I know"

"Happy Birthday Heski"

"Thank you"

"I love you"

"I Love you too"

*****

Minsan may isang taong malapit sa puso ko na nagtanong sa akin anong pinagkaiba ng faithful at loyal sa isang relasyon? Well maliban sa spelling naniniwala ako na faithful means never kang titingin sa iba at yung puso mo ay dapat na tumibok lang para dun sa taong minamahal mo. Habang ang loyal naman ay sinasabing pwede kang tumingin sa iba, magkagusto sa iba pero at the end of the day, kahit sino pang makilala mo babalik at babalik ka parin sa kanya kasi siya yung taong minamahal mo. Maganda yung idea ng pagiging faithful pero parang masmakatotohanan yung salitang loyal.

BE BOYS II (BROMANCE) : REMEMBRANCE OF WHO WE AREHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin