Altheria: School of Alchemy

By Penguin20

23.3M 794K 138K

Jasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too gro... More

Altheria: School of Alchemy
Prologue
Chapter 1: Welcome to Altheria
Chapter 2: Magical School?!
Chapter 3: White Magic
Chapter 4: Healing Potion
Chapter 5: Polto's Forest
Chapter 6: White Soldiers
Chapter 7: Light of Necklace
Chapter 8: Raven
Chapter 9: Cure Potion Research
Chapter 10: Getting Ingredients
Chapter 11: Battle in Polto's Forest
Chapter 12: The Truth
Chapter 13: Back to Normal
Chapter 14: Festival Preparation
Chapter 15: Meeting The Members
Chapter 16: Athletic Games
Chapter 17: Closing Ceremony
Chapter 18: Saving her
Chapter 19: The Stars Above
Chapter 20: Getting Back
Chapter 21: Capturing Him
Chapter 22: Amnesia
Chapter 24: Dare with Red
Chapter 25: Old school house
Chapter 26: The truth
Chapter 27: Bound in sadness"
Chapter 28: Puzzle Piece
Chapter 29: Naturology II Class
Chapter 30 "Klein's Explanation"
Chapter 31 "Combat Training"
Chapter 32: Save your Queen
Chapter 33: Marsham Ball 1
Chapter 34: Marsham Ball 2
Chapter 35: Marsham Ball 3
Chapter 36:Marsham Ball 4
Chapter 37:Battle for Queen
Chapter 38: Finding her
Chapter 39 "The Culprit"
Chapter 40 "Against White Soldiers"
Chapter 41 "Light of Necklace"
Chapter 42 "Getting okay"
Chapter 43 "Not her Prince"
Book One End.
Klein Misadventure 1
Klein Misadventure 2
Klein Misadventure 3
Klein Misadventure 4
Klein Misadventure 5
Klein Misadventure 6
Klein Misadventure 7
Chapter 44 "Welcome Back"
Chapter 45 "Meeting"
Chapter 46 "Seating Arrangement"
Chapter 47 "Ballpen"
Chapter 48 "To Floriton Academy"
Chapter 49 "Arcane Students"
Chapter 50 "Fortune Ring"
Chapter 51 "Unknown attacker"
Chapter 52 "Revenge of Arcane"
Chapter 53 "Trap in Love"
Chapter 54 "Apology and Goodbye"
Chapter 55 "Back to Altheria"
Chapter 56 "Special mission"
Chapter 57 "Jacob's Dare"
Chapter 58 "First heart race"
Chapter 59 "Playful hearts"
Chapter 60 "Training together"
Chapter 61 "Against sir Steven"
Chapter 62 "The match"
Chapter 63 "Adventure start!"
Chapter 64 "Different adventures"
Chapter 65 "Night sky"
Chapter 66 "De Lorgans"
Chapter 67 "Our Revenge"
Chapter 68 "In danger"
Chapter 69 "Connective hearts"
Chapter 70 "Charmaine Vs. Siete"
Chapter 71 "Save us"
Chapter 72 "Jasmine Necklace"
Chapter 73 "Defense in Altheria"
Chapter 74 "Raven Clan"
Chapter 75 "Pleasing the Leader"
Chapter 76 "Klein's Feelings"
Chapter 77 "Going Back"
Chapter 78 "Friendship"
Book Two End
Chapter 79 "Merged of Division"
Chapter 80 "Weakness is Strength"
Chapter 81 "Start of Practice"
Chapter 82 "Back in class"
Chapter 83 "Trying Magic"
Chapter 84 "Ranking"
Chapter 85 "Deja vu"
Chapter 86 "Make it worst"
Chapter 87 "Unexpected comeback"
Chapter 88 "The contest"
Chapter 89 "Realization"
Chapter 90 "For my Friends"
Chapter 91 "Without Jasmin"
Chapter 92 "Us against Altherians"
Chapter 93 "Searching begins"
Chapter 94 "Kill the Prince"
Chapter 95 "Pay for Betrayal"
Chapter 96 "Attempt to Escape"
Chapter 97 "His Identity"
Chapter 98 "The Wedding"
Chapter 99 "King and Queen"
Epilogue
FINAL NOTE
Special Chapter: Jacob and Bea
Special Chapter Klein and Cathy

Chapter 23: Midterm Exam

213K 7.4K 900
By Penguin20



"Nakakapagod!" Malakas kong sigaw noong makaupo kaming dalawa ni Bea sa bench na nasisilungan ng mataas na puno.

Kakatapos lang ng exam namin sa Crafting at hindi siya ganoon kadali dahil actual kaming nag-perform ng synthesization sa harap ni Ms. Melanie, may kaunting mga mali ako pero sa tingin ko naman ay makakapasa ako sa Crafting na 'yon.

Habang nakaupo kami ay nakita namin si Klein na may buhat-buhat na maraming test papers. By the way, habang nandito si Klein ay nag-aaral na rin siya bilang utos ng aming punong guro na si mrs. Evelyn. Sa kabilang seksyon siya, katabi ng room namin.

"Oh Klein saan ang punta mo?" Pagtatanong ko sa kanya.

Noong makita kami ni Klein ay ngumiti ito. "Galing ako doon sa isang classroom para kuhanin 'tong mga test papers, dadalhin ko sa faculty."

"Aba himala, nagsisipag ka yata ngayon?" Mataray na pagtatanong ni Bea. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nakaka-get over 'tong kaibigan ko sa panlalait na ginawa ni Klein kay Mrs. Evelyn.

"Nagsisipag? Utos ni tanda 'to. Ang sabi niya bilang kapalit daw ng pananatili ko sa Altheria Academy ay magiging student assistant niya ako. Hangga't hindi pa bumabalik ang ala-ala ko, dito muna ako sa Altheria Academy pansamantagal," Nakangiting sabi ni Klein. "Ayos ba Jasmin?" Nag-thumbs up naman ako sa kanya bilang pagsagot.

"Anong pansamantagal? Baka ilang araw lang ang lumipas bumalik na ang alaala mo." Inis na sabi ni Bea. Dinilaan lamang siya ni Klein at kumaripas na ng takbo paalis. "Aba't sinusubukan talaga ako ng taga-raven clan na 'yon."

Muling umupo sa tabi ko si Bea habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagdadaan. Mamaya ay may exam na naman kami sa predictology, huling exam na namin iyon ngayong araw.

Napatingin ako sa kalangitan ng mapansin ko ang ibon na parang papunta sa direksyon namin. "Uy Bea tingnan mo yung ibon oh papunta rito,"

Sakto naman na bumaba sa lupa ang magandang pipit na ibon at unti-unti itong nag-anyong tao. "Jasmin! Bea!" Nakangiting sabi sa amin ni Kuya Hades. Siya lang pala ang makulay na ibon na 'yon. Si kuya Hades ay isa sa mga miyembro ng White Soldiers kung inyong matatandaan.

"Uy kuya Hades, ba't naparito ka? May kailangan ka ba?" Pagtatanong ni Bea.

"Actually pinapunta ako ni Red dito kasi may technique daw siyang gustong matutunan, eh bago ako pumunta sa kanya ay naisipan ko kayong bisitahin at kamustahin." Nakangiting sabi sa amin ni Kuya Hades.

Naikuwento na sa akin ni Kuya Hades na Human transformer siya o may kakayahan siyang reconstruct ang kanyang cellular structure sa kahit anong hayop o bagay na makita niya. So in short, kaya niyang mag-transform.

"Kuya Hades matanong ko lang, ba't hindi nadadalaw sa amin si Kuya Carlo? Ang tagal na nung huling makita namin siya." Sabi ni Bea kay Kuya Hades.

"Exam din niya, mas kailangan niyang mag-effort ngayon dahil alanganin lahat ng grades ni Carlo. After the exam, paniguradong manggugulo na naman 'yon dito sa Marsham division." Sabi ni kuya Hades at parehas kaming natawa ni Bea. Puro hangin lang kasi si Carlo sa ulo, medyo wala naman pala siyang binatbat pagdating sa academics.

"Oh sige maiwan ko na kayo at pupuntahan ko pa si Red." sabi ni kuya Hades at nag-anyong ibon ulit at lumipad sa langit.

"Sana umilaw na 'tong kwintas ko..." Sabi ni Bea sa akin habang nakaupo kami.

"Oo nga para naman makalaban na ako kapag nasa panganib tayo,"

"Baliw! Gusto kong umilaw 'tong kwintas ko para ako naman ang turuan ni kuya Hades, ang pogi kaya" Mahina pang hinampas-hampas ni Bea ang aking braso.

"Wala naman pangit sa paningin mo," Natatawa kong tugon sa kanya.

"Oy meron kaya, si Klein!"

"Pero last time sabi mo gwapo 'yon."

"Puwede naman bawiin yung sinabi 'diba? Tsaka nakita mo naman ang ugali ng taga-Raven clan na 'yon? Ang sama! Nakalimot na't lahat masama pa rin ang ugali. Maygahd!" Pagmamaktol sa akin ni Bea na parang batang nagsusumbong

"Mabait naman si Klein ah, ang sarap nga niyang kausap eh," Totoo naman 'tong sinabi ko kasi sobrang bubbly ng personality ni Klein at ang sarap pang kausap kapag kasama.

"Ba't mo ba pinagtatanggol 'yon? Alam mo gutom lang 'yan, kumain na tayo sa cafeteria bago mag-start ang exam natin sa predictology." Hinatak na ni Bea ang aking kamay kaya naman wala na akong choice kun'di samahan siya kahit hindi pa naman ako gutom.

"Anong sa'yo? Ako na ang o-order." Sabi sa akin ni Bea kaya saglit akong nag-scan sa menu list.

"Cheese cake na lang tsaka ice tea... Yung normal, ha." Pagpapaalala ko sa kanya, alam niyo naman sa mundong ito. Lahat ay may halong magic.

Pagkaalis ni Bea ay doon ko lang napansin na nasa kabilang table pala ang isa sa mga kambal na si Charmaine, napansin niya naman ang aking prisensya kaya naman inirapan niya ako. Hmp! As if naman na gusto ko rin siya 'no?

"Predictology ang next class natin hindi ba?" Pagtatanong ni Charmaine sa kausap niya, "Mukhang nape-predict ko na kung sino sa mga classmate natin ang babagsak, ang pangalan... Jasmin." sabi niya at nagtawanan sila sa table nila. Luh? Ano kayang nakakatawa doon? Mga nagsama-sama silang siraulo sa iisang table.

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na si Bea dala ang aming order. "Oh nandito pala si Charmaine, inasar ka na naman ba ng bruhildang 'yan?" Mahinang bulong sa akin ni Bea.

"Immune na ko sa bakulaw na 'yan, wala ng talab ang mga pang-aasar niyan. Pakisabi naman sa kanya na next time i-improve niya yung mga sarcastic jokes niya, siya lang ang natatawa." Wika ko kay Bea at nangisi naman kaming parehas.

Matapos naming kumain ay pumunta na kami sa classroom namin upang mag-exam sa predictology. Ito na yata ang pinakamadaling exam namin sa lahat ng in-exam namin dahil huhulaan lang namin ang mga pwedeng mangyari sa mga partikular na sitwasyon na ibinigay sa test.

***

 Matapos ang test ay may dalawang araw kaming pahinga at matapos noon ay malalaman na ang resulta na ang exam. Kung pasado ka, makakapagbakasyon ka sa normal na mundo sa loob ng tatlong araw pero kung babagsak ka naman ay kailangan mong manatili sa Altheria Academy.

"Oh ano Jasmin handa na ba yung mga gamit na dadalhin mo kapag bumalik ka na sa normal world?" Pagtatanong sa akin ni Bea habang siya ay patalon-talon sa kama dahil excited na siyang makabalik at makasama ang kanyang pamilya.

"Ang saya mo ah, sure ka na bang papasa ka?" Pagtatanong ko sa kanya pero naglalagay na rin ako ng ilang gamit sa aking bag.

"Yup! Nakita mo naman kung paano ako magpuyat sa pag-aaral habang ikaw ay nakikipagkuwentuhan sa kung sino-sinong estudyante," Well, she has a point there kaya naman wala akong maiaangal. Mas mahirap pang mag-review keysa mag-synthesis ng kung ano-anong magic items.

"Bea! Jasmin!" Malakas na sigaw ang aming narinig galing sa labas—Kay Harly. "Naka-post na yung result sa Vaefonia Hall, tara na!"

Nagkatinginan kami ni Bea at agad na lumabas. Tumakbo kaming tatlo papunta sa Vaefonia hall pero kasabay nito ang malakas na kabog ng aking dibdib dahil dito nakasalalay ang Masaya kong tatlong araw na bakasyon sa piling ng aking papa sa normal na mundo.

Pagkapunta namin sa Vaefonia Hall ay napakaraming estudyante ang nagsisiksikan, may ilan na umiiyak sa sulok dahil hindi nakapasa pero mas marami ang nagsisigawan sa tuwa.

Ilang beses akong natutunggo at hirap akong makipagsiksikan sa maraming tao. "Hawakan mo yung kamay ko." sabi sa akin ni Harly, hinawakan ko ang kanyang kamay at pansin ko rin ang panlalamig ng kamay niya. Kinakabahan din siguro 'to sa test result.

"Excuse me. Excuse me." Paulit-ulit naming sabi ni Harly habang hinahawi ang mga estudyante. Pagkarating namin mismong harap ng bulletin board ay hinanap agad namin ang pangalan. Nakakaayos naman ng by section ang listahan kaya naman hindi ako nahirapan na hanapin ang pangalan ko.

"Pasado ko!" Malakas kong sigaw sa tuwa at napayakap kay Harly. Saglit siyang natigilan at napangiti sa akin, "Sorry. Nadala lang ng bugso ng damdamin."

Lumabas na kami ng Vaefonia hall at hinintay si Bea. "Pasado ka Jasmin?" Tumango ako sa kanya at nagyakapan kami habang nagtatalon dahil sa tuwa. "Makakapagbakasyon tayo!"

"Eh ikaw ba Harly, pasado ka?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Sows! 'Wag mo ng tanungin 'yan. Andoon yung pangalan niya oh." Sabi niya at itinuro ang malaking tarpaulin. 

Marsham top 10 Alchemist.

Tatlo sa mga kaklase ko ang pumasok. Si Harly na Top 2. Si Charly na Top 7. At ang pinakakagulat sa lahat at medyo nagpainis sa akin ay ang pagpasok ni Red na saktong pang-Top 10.

"Ba't nakapasok si Red!? Eh halos parehas kaming lagi wala sa Altheria. Siya nga bihira ring pumapasok sa klase."

"Ano ka ba Jasmin, huwag mong ikumpara ang utak mo sa utak ni Red. In born ang pagiging matalino noon at mataas ang nakuha niya sa mga exam." Pagpapaliwanag sa akin ni Bea.

Nasa gitna kami ng kasiyahan ng biglang sumulpot si Klein. "Hindi ko naman gustong sirain ang kasiyahang nagaganap sa inyo pero Jasmin tawag kayo ni Red sa Detention room"

"Ha? Bakit daw?" Kinakabahan kong tanong.

"Ewan ko. Utos lang ni tanda. Mauna na ako dahil hahanapin ko pa si Red." Naglakad na paalis si Klein.

***

Pagkarating ko sa detention room ay tumambad sa akin ang nakakatakot na aura ni Sir Steven. Guro namin sa recreation. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Red.

"Tawag ninyo raw kami?" Arogante niyang pagtatanong. Tignan niyo 'tong lalaki na 'to! Wala man lang greetings. Well, ayos na rin 'yon dahil gusto ko ng umalis dito sa detention room.

"As you can see, marami kayong nilabag parehas na school rules—"

"Pero sir yung last time eh hindi naman kami talaga lumabas kasi kinidnap ako," Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Rules are rules Ms. Jasmin. Si Mrs. Evelyn na rin ang nagbigay sa inyo ng punishment na hindi muna kayo makakapagbakasyon sa normal na mundo this week bagkus ay magkakaroon kayo ng school service for three days" Sabi ni Sir Steven.

"What!? Pero pasok ako sa Top 10 student!" Sigaw ni Red.

"Kay Mrs. Evelyn kayo magreklamo huwag sa akin Red." Nakangiting sabi ni Sir Steven na parang nang-aasar.

Gusto ko ng maiyak. Yung bakasyon na pinapangarap ko, nasayang lang. Rules are rules pero gusto ko na talagang makita si papa.

Continue Reading

You'll Also Like

17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
80.1K 2.9K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
434K 1.2K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...