Fide et Amor [TimeTravel Roma...

By justbreathesofie

53.1K 1K 641

GALING SILA SA MAGKAIBANG MUNDO AT PANAHON. Ang isa ay galing sa nakaraan habang ang sa kasalukuyan naman an... More

Teaser
Fide et Amor [On-going]
PREFACIO
PROLOGO
CAPITULO I
CAPITULO II
CAPITULO III
CAPITULO IV
CAPITULO V
CAPITULO VI
CAPITULO VII
CAPITULO VIII
CAPITULO IX
CAPITULO X
CAPITULO XII
CAPITULO XIII
CAPITULO XIV
CAPITULO XV
CAPITULO XVI
CAPITULO XVII
CAPITULO XVIII
CAPITULO XIX
CAPITULO XX
CAPITULO XXI
CAPITULO XXII
CAPITULO XXIII
CAPITULO XXIV

CAPITULO XI

1.2K 27 22
By justbreathesofie

A/N: Sorry, it took me again 5 days to update.  Lola is in the hospital and I was distracted.  Thank you for understanding...

....

Tangan pa din niya ang Fide et Amor.  Isang palaisipan kung papaano at sino ang nagdala nito sa kasalukuyan.

Ipinakita niya kay Callasandra ang obra maestra niya.  Sabi ng kaibigan, ito ang pinakamagandang naipinta niya.  Isinangguni niya ang pagbebenta sa kanyang mga obra.  Nais niyang ipagbili ang mga ito upang makalikom siya ng sapat na salapi papuntang Espanya upang kausapin ang Mahal na Reyna Isabela.  Siya ang magbibigay ng pardon sa kanyang ama upang makalaya sa kulungan.  Ngunit walang nagawa ang kaibigan.  Tinatanggihan daw siya ng mga galeria dahil gawa daw ito ng isang babae.  Hindi kinikilala ang mga babaeng pintor sa kanilang panahon.

Umupo siya sa kama.  Unti-unting tumulo ang luha niya habang tinignan ang Fide et Amor.  Kailangan niyang malaman ang nangyari sa kanyang pamilya - kay Luis at sa mama niya.  Kung nawala siya sa taong  Mil Ocho sientos singkwenta’y-uno, ang ibig sabihin, hindi niya naisalba ang pamilya niya.  Marahil siya rin ang nagpabigat ng loob nila dahil nawalan siya ng malay o inisip na patay sa kanyang silid.

Tinignan niya muli ang Fide et Amor.  Nais niyang malaman kung bakit ito nasa pag-aari ni Jordan.  Ito ba ang kanilang naging koneksyon at dahilan ng pagpunta niya sa kasalukuyan?  Ano naman ang estatwang nadatnan niya noong araw na magising siya sa sala nina Jordan?  Gusto niyang malaman ang kanilang ugnayan bakit sila pinagtagpo.  Ibinalik niya muli ang obra sa kinaroroonan nito at lumabas ng silid.

Tangan ni Jordan ang isang parihabang bagay at kinakausap ito.  Nagtataka siya kung ano ang bagay na yun.  Maaring isang mahiwagang bagay na naman ang masasaksihan niya sa Dos Mil Trece.

Hindi pa ready pumunta si Jordan sa Canada, kahit pa wala na siyang aasahang trabaho.  Ayaw niyang lumabas na umaasa siya sa mga magulang niya--pero ganun na rin ang nangyayari.  The mere fact na nakatira pa din siya sa bahay ng parents niya and still unmarried at thirty, wala pa din siyang napapatunayan sa buhay.  He was broken hearted--and almost got laid-off.  Now his parents are pressuring him to join them abroad.  He didn’t want that before.  But wala na siyang choice, this time.  He must go there to start afresh.  He needed to do what he has been wanting to do before--get in touch with his artistic side.

“Okay lang ang work mommy.  Kami ni KV--maayos kami dito.  Pero siya ang mauunang pumunta diyan--tsaka na lang ako.”  Hindi niya ipinaalam ang status niya sa work niya--mag-aalala sila.

“Pero sana hindi ka na matagalan para magkakasama na tayo dito.  Tamang tama, may ipapakilala nga pala ako sa’yo.  Anak siya ng neighbor namin--Si Andrea.  Maganda Yun--hindi hamak na maganda kay Camille.”

Ano ka ba naman, Melissa, kabago-bago pa lang nilang naghiwalay--”  Comment ng dad niya.

“---Eh ano naman?  Hindi sila bagay, hindi maganda ugali ng babaing yun.”  Pinabayaan na lang niya ang mga sinasabi ng parents niya.  Nagpaalam na rin siya at nagpromise na aayusin niya ang papers niya for Canada.  He will go there--but not now.  Naisip niya bigla si Anthea.

Anthea.  Since he met her, hindi na siya maalis sa isip niya.  Naririnig din niya ang pagtawag nito, lalo na noong pinaalis niya ito sa unit niya.  Nagpakabasa siya siya sa ulan.  Ayaw man niyang sundan ito, he just couldn’t ignore her call.

Nakita niya si Anthea--nakatayo sa labas ng kwarto niya.  Nakatingin ito sa kanya at sa ipad niya.  "Bakit...papaano...s-sino..." Nauutal sa tanong  ni Anthea.  Hindi niya mawari kung bakit kinakausap ni Jordan ang mahiwagang parihabang bagay na tangan nito.

"Mommy at Daddy ko.  Nasa ibang bansa sila.  Gusto nilang pumunta ako dun."  Napakunot ang noo ni Anthea, hindi maintindihan ang sinasabi ni Jordan.

"Mga magulang ko.  Sila ang kausap ko kanina."  Di makapaniwala si Thea sa narinig.  Lumapit siya kay Jordan at tinignan ang bagay na hawak nito. Isang parihabang bagay na  itim panlabas at may itim na salamin sa harapan.  Tinignan niya si Jordan at ibinalik ang tingin sa mahiwagang bagay.

"Maari mong makausap ang kapamilya mo gamit ang bagay na iyan?"  Namamangha pa din si Anthea.

"Pwede basta may Internet  Ipad ang tawag dito.  Teka, may naalala ka na?  Naalala mo na ang pamilya mo--mga magulang mo?"

"H-Hindi nawala ang memorya ko.  Paumanhin, maari ko bang  makausap ang papa ko o ang mama?  Nais kong malaman kung ano na ang lagay nila."

"P...wede.  A-Ano ba ang pangalan nila?  Alam mo ang skype name nila?"  Nakita niyang nacoconfuse na naman si Thea.  Pinaupo niya si Thea sa tabi niya.  Pinakita niya kay Thea ang Ipad niya--ipinaliwang ang paggamit dito.  Sinabi niyang maari mong makausap ang mga taong malayo sa’yo--kahit nasa ibang bansa sila.  Pinaliwanag niyang hindi pwedeng makausap ang mga taong patay gamit ang Ipad.  Ang mga buhay na tao lang at may skype id gaya ng parents niya.

“Lingid sa aking kaalaman ang mga bagay na naimbento matapos ang panahon namin.  Nakakamangha.”  Natutuwang sabi ni Anthea.  Tiningnan siyang mabuti ni Jordan.

“S-So, hindi ka nawalan ng memorya?  Sino ka ba talaga at sino ang pamilya mo?”

Huminga ng malalim si Anthea.  “Ako si Anthea Beatrice Olondrez.  Galing ako sa taong Mil Ocho cientos cinkwenta’y uno.  Ang aming tahanan ay nasa Maynila--sa Calle Inviernes.”  Familiar si Jordan sa last name ni Anthea.  Hindi niya malaman kung saan niya narinig pangalang yun.

“Medyo familiar ang last name mo, pero hindi ko matandaan.  Well, paano ka napunta dito?  Ano ang koneksyon natin?”

“Wala akong kasagutan sa mga tanong na yaan.  Ngunit papaano ka nakalikha ng esculturang kawangis ko?  Nakita ko yoon sa sala mo--pagpunta ko sa kasalukuyan.  Kasama na rin ang Fide et Amor na natagpuan ko sa iyong silid.  Maaring ang mga bagay na iyon ang dahilan ng pagtatagpo natin.”

“Teka, anong Fide et Amor?”

“Yun ang obra maestra ko na natagpuan ko sa kwarto mo.”  Nagtataka si Jordan sa mga sinasabi ni Anthea.

“Ano?”

“Kanina, nakita ko sa kwarto mo ang pininta ko, ang Fide et Amor.  Larawan ng isang babaing nakasuot ng kwintas at hawak-hawak ang colgante nito.”  Kumunot ang noo ni Jordan.  “Isang palawit sa kwintas.” Paliwang ni Anthea.

“Ah, pendant.  Teka--ah, yung F. Amor?  Ikaw ang nagpaint nun?”  

“Oo.”

“Ano ang F. Amor?  Ano ang ibig sabihin nun?”

“Ang fide et Amor ay salitang latin na ang ibig sabihin ay pananampalataya at wagas na pagpapamahal.”

“Talaga?  Amazing.  Hindi ko matandaan ang sinabi nung pinagbilhan namin nun eh.  Pero sobrang nagandahan ako, hindi ko nabitawan.  Now that explains the connection, you were telling me about.  Ang galing, pinahanga mo ako as an artist.”  Namula si Thea dahil si Jordan lang ang kauna-unahang lalaking humanga sa mga ipininta niya.

“Salamat.”  Ngumiti siya ng bahagya kay Jordan.  Nang makita ni Jordan ang ngiti niya, naalala niya ang babaing laging nasa panaginip niya.  It was Anthea.

“Ikaw yun.”  Tinitigan niya si Anthea.  “A-ano?”  Napatitig si Thea sa mga mata niya.  Hinawakan niya ang kamay ni Thea.

“Ikaw ang babaing nasa panaginip ko.  Mula nung bilin ko ang painting, lagi ka nang nasa panaginip ko.”  Nakatitig siya sa mga mata ni Anthea at ganun din ito sa kanya.  He wants to kiss her--inalis ni Anthea ang kanyang tingin.  Ramdam niya ang labis na pamumula ng mukha at pagkabog ng dibdib niya.

“Sana Jordan, matulungan mo akong makabalik sa nakaraan.” Matapos bumuntong hininga, inilihis niya ang tingin niya kay Jordan.

“Oo.  Sige.”  Binuksan ni Jordan ang Ipad niya.  “Ito muna ang gamitin natin para mahanap ang pamilya mo.  Olondrez ang last name mo, di ba?”  Pagsearch niya, unang nagpull up ang pangalang Juan Antonio Olondrez.

“Juan Antonio Olondrez...” Binasa ni Jordan ang nakalagay sa screen niya.

“Siya ang papa ko!”  Pinakita niya ang page kay Anthea pero hindi nito maintindihan ang mga nakasulat dahil nakasulat ito sa Ingles.

“Maari mo bang basahin at isalin ang mga nakasulat?”

“Antonio Olondrez, a philanthropist and the founder of Casa Olondrez.  In 1826, he established Casa Olondrez with a  partner, Domingo Prieto, to engage in sugar coffee, cotton and indigo cultivation.  They also manufacture liquors, castings and gun powders.  It was a propitious time as the Philippines had just been opened up to foreign trade...”  Pinagpatuloy niya ang pagbabasa at sinalin niya naman ito para kay Anthea. Nagagalak si Anthea dahil kinikilala sa kasaysayan ang ama niya bilang isang pilantropo.  Kasama na rin ang mga naiambag nito sa kasaysayan ng Pilipinas.

“Don Antonio was incarcerated three times.”  Tinuloy ni Jordan ang pagbabasa.  Napatingin siya kay Anthea.  “Nakulong ang papa mo?” Binalikan niya muli ang page at pinagpatuloy ang pagbabasa.

“The Spanish authorities suspected that he was a sympathizer of the Filipino cause and had not only published anti-Spanish tracts, but supported rebellions.”  Napatingin ulit siya kay Anthea at nakikita na niya itong lumuluha.  Hinawakan niya ang kamay nito at binigyan ng panyo.

“Minahal ng papa ang Pilipinas ngunit mahal din niya ang Espanya.  Gusto lamang ng papa na ang maging maayos na ang pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino.  Indio ang turing nila sa mga katutubong Pilipino.  Sabi ng papa, matatalino, magagaling at hindi mangmang ang mga Pilipino, taliwas sa mga iniisip ng mga Espanyol.” Napayuko si Anthea at pinunasan ang luha niya.

“Siya ba ang dahilan ng pagpunta mo sa panahon namin?  Gusto mo siyang mapalaya?”  Umiling lang si Anthea.  “Hindi.”

“Bakit ka napunta dito?”

“Hindi ko alam kung papaano.  Noong panahong yun, nais kong makatakas.”

“Saan?”

“Sa aking kasal…”  Napatingin lang si Jordan sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 97 38
Taong 1962, ang panahong namamayagpag sina Amalia Fuentes at Gloria Romero ng Sampaguita Pictures, may isang kakatwang pari na nanilbihan sa parokya...
473K 30K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
13.6M 608K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
9.2K 508 55
"Gusto ko na lang lunurin ang sarili ko sa paraan ng pagkanta niya ngayong hating gabi, pero umaasa ako na isang araw, masilayan ko siya, sa umaga, k...