TVFN 5 : Pure Magdalene

By BonitaBabyy

1.5M 20K 1.8K

Sa likod ng inosenteng kagandahan ay nagtatago ang isang maruming pagkatao na kailanman ay hindi matatanggap... More

Pure Magdalene
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Finale

Chapter 25

35.3K 511 63
By BonitaBabyy

Chapter 25

Manonood na sana kami ni Harry ng movie ng kumatok yung isa sa mga katulong nila at sinabing naroon na daw si Sydney. I mean Ate Sydney. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ganito din yung pakiramdam ko nung malaman ko na ipapakilala pala ako ni Harry sa parents niya. Sana naman mabait din si Ate Sydney katulad ng parents nila. Hindi ako sanay ng ganitong pinapakilala sa mga magulang ng boyfriend pero siyempre iba naman si Harry.

"Let's go babe, I'm sure Ate will like you." sana nga Harry. Nginitian ko nalang siya at magka holding hands kaming bumaba sa sala kung saan nagtatawanan sina Tita at yung isang magandang babae na umiinom ng juice. Maganda pala si Ate Sydney, okay feel na feel ko talaga yung pagtawag sa kanya ng Ate. Haha. So maganda nga siya pero hindi siya kamuka ni Tita at mas lalong hindi siya kamuka ni Harry siguro nagmana siya dun sa daddy niya. Hindi ko pa nga pala natatanong kay Harry kung sino ang daddy ni Ate Sydney.

"Nariyan na pala kayong dalawa, halika kayo at tabihan niyo kami dito." nakita ko na agad tumayo si Ate Sydney at ngumiti sa gawi namin. Hmm. Sa ngiti niya mukang warm naman yung pakikitungo niya at dahil doon medyo nakahinga naman ako ng maluwag.

"Omg. Harry my dear brother I miss you!" niyakap ni Ate Sydney si Harry kaya naman napabitaw ako sa kanya. Pagkatapos noon ay ako naman ang hinarap niya at nakipagbeso.

“So ikaw pala ang girlfriend. You're pretty tho. Magaling pumili itong kapatid ko ha. Hi Elaine, I hope makasama kita minsan sa pag shopping. Is that alright?" okay. I love this girl na. Haha. Agad naman akong tumango.

"Sure. That's a great idea. By the way ang ganda ganda mo din." siyempre naman kailangan bola bolahin ko din 'tong kapatid ni Harry para naman good shot na good shot na talaga diba? Haha.

"I think ngayon palang magkakasundo tayo. Hey Harry ngayon palang sorry kasi for sure ma-out of place ka samin ni Elaine. Haha. I'll show you something mamaya Elaine I'm sure you will love it. Madalas ka kasing i-kwento ni Mom kaya naman I bought you something na din." oh diba kahit medyo conyo ang bait pa din talaga niya.

"Tara na mga anak at ng makakain na tayo alam kong pagod sa biyahe si Sydney." aya sa amin ni Tito. Bilib din ako kay Tito kasi kahit hindi niya anak si Ate Sydney sa nakikita ko ay sobrang close talaga sila. Hindi hadlang yung hindi sila magkadugo, parang si mommy kahit hindi naman niya kami anak pero higit pa sa isang tunay na mommy ang pag trato niya sa amin. Ngayon ko lang lahat narealize lahat lahat ng iyon. Somehow, magkamukha kami ng kwento ni Ate Sydney.

Pagkatapos naming mag tanghalian ay nag-kwentuhan lamang kaming lima sa sala hanggang sa nagpaalam na si Ate Sydney dahil may pupuntahan daw siya. Pinagpatuloy nalang namin ni Harry yung panonood ng movie. Medyo awkward nga lang para sakin yung plot ng kwento.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang magbenta ng katawan ng mga babae. Lahat ng lalaki ang gusto nila sa babae ay yung malinis. Sila talaga dapat yung nirerespeto. Sa tingin ba nila may magseseryoso pa sa kanila." out of the blue na comment ni Harry sa pinapanood namin samantalang ako muntik ng mabulunan.

"Hindi naman nila ginusto yun Harry, malay mo gipit lang talaga sila diba? Hindi lahat ng prostitute ay madudumi." siyempre pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

"Hindi madumi? Pinagpasa-pasahan na sila no." medyo hindi na ko natutuwa sa topic namin. Baka mag-away lang kami. Ayoko na marinig yung mga panghuhusga niya. Wala siyang alam.

"Paano kung hindi na ko virgin Harry anong gagawin mo? Matatanggap mo ba ko?" tanong ko kay Harry. Ilang segundo rin siyang hindi nakapagsalita.

"Oo n-naman pero sigurado ako na virgin ka pa Elaine. Ako lang diba?" ngumiti na lang ako ng peke at tumango. Paano nalang kung malaman ni Harry ang lahat sa pananalita palang niya ngayon parang diring diri na siya. Napabuntong hininga nalang tuloy ako at tahimik na lamang na nanood. Paminsan minsan nagcocomment si Harry sa movie pero di ko nalang pinapansin.

“Pano pag prostitute din ako?” hindi ako nakatingin sa kanya pero nakita ko sa peripheral vision ko na napatigil siya saglit sa panonood.

“Papatol ka pa din?” I asked him. Naninikip yung dibdib ko habang hinihintay yung sagot niya. Bakit si Grant tanggap ako kahit anong mangyari? Naiinis ako! Bakit ba palagi ko nalang silang pinagkukumpara! Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa na akala mo nagjoke lang ako. Ngumiti nalang ako habang siya naman patuloy sa pagtawa.

“That’s impossible! Ikaw si Elaine Ronquillo, you will never stoop down to that level. Itong mahal ko kung anu-ano sinasabi. Halika ka nga dito. Ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko.” Niyakap niya ako at tinadtad ng halik sa mukha, isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa kanyang leeg habang hinigpitan pa niya ang yakap sa akin.

“Sige para mapanatag ka kahit alam kong di mangyayari yun siyempre kahit ano pa yung pasukan mo, kahit ano ka pa mamahalin pa din kita. Haha. Mahal na mahal kita. I love you darling.” Sana nga Harry. Sana nga.

“I love you too.” Mahina ko na lamang na bulong at yumakap sa kanya ng mahigpit.

“Basta kung may problema ka mahal ko sabihin mo lang sakin ha? Nandito lang ako palagi sayo.”

Bakit ganun yung nararamdaman ko? Kami nga ni Harry pero parang may gap kaming dalawa. Yes, comfortable ako sa kanya pero bakit pag kasama ko siya hindi ko ma-express yung totoong ako. Hindi ko masabi kung ano talaga yung iniisip at nararamdaman ko. Unlike kay Grant na kahit hindi ako magsalita alam na niya kung ano yung nararamdaman at iniisip ko. Naiinis ako sa tuwing ikinukumpara ko sila sa isa’t-isa pero hindi ko mapigilan. Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Mahal ko si Harry pero parang may kulang.

Kung sana pwede kong buksan yung puso ko para alam ko kung kanino ito tumitibok.

***

“Mommy” yakap ko kay mommy from her back habang pinagluluto niya ako dito sa luma niyang condo.

“Oh?” natatawang tanong ni mommy.

“Wala lang. Ang tagal din kitang hindi nalambing.” Humarap siya sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

“Oo nga. Ilang taon ka ding naging mailap sa akin. Ang daddy mo kailan mo kakausapin? Huwag mo ng palakihin pa lalo yung alitan niyong mag-ama.” Masuyong payo ni mommy. Napaka soft spoken talaga ni mommy samantalang si daddy naman ang boss.

“Hindi ko alam. Alam mo naman na kay daddy ako nagmana ng pride diba?” natatawang tumango si mommy.

“Basta tatandaan mo anak na kahit anong mangyari, kahit na hindi man tayo kasing perpekto ng lahat kami pa din ng daddy mo ang matatakbuhan mo pag may problema. Tayo tayo na nga lang magdadamayan diba?”

“Noted.” At sabay kaming tumawa ni mommy.

Maaari tayong mamili ng kaibigan, maaari tayong mamili ng mamahalin pero ang pamilya hindi natin mapipili. Magkaka-isip ka na lamang na sila pala ang pamilya mo kaya naman wala tayong magagawa kundi ang tanggapin at mahalin sila. Lahat tayo ay itinadhana sa isang pamilya upang bigyan itong importansya. Mayroong masaya at buong pamilya, mayroong pamilya na hindi pinili na maging isang pamilya. Isa ako roon.

Isa kaming pamilya nila mommy, daddy, Ivan, Landon and Vanessa. Akala ko kaya kong mabuhay na wala ang parents ko. Minsan nasasakal tayo sa kanila, minsan hindi natin maunawaan ang ating mga magulang pero sa mga nangyari I realized na kahit anong mangyari, kahit ano pang nagawa mo nariyan ang pamilya. Maligaw ka man ng landas may UUWIAN ka pa din. Kahit saan ka mang lugar mapunta may isang lugar ka pa din na hahanap hanapin at babalik balikan. Walang katumbas ang pagmamahal ng pamilya kumpara sa ibang tao.

Ngayon na nalaman ko na ang tunay na kahalagahan ng pamilya, nagpapasalamat ako at hindi pa huli ang lahat para maging masaya kaming muli.

“Mommy, hindi ako magsasawa humingi ng sorry sa lahat ng nagawa ko sainyo. Thankful ako na hindi mo sinukuan.” Maluha luha kong sabi. Pagdating sa pamilya napakahina ko.

“Bakit naman kita susukuan? I know it’s worth it.” Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ako sa noo.

“Naku! Nililibang mo ko yung niluluto ko nga pala. After lunch mag shopping tayo.” Masiglang aya sa akin ni mommy at binalikan na ang kanyang niluluto.

Pinanood ko lang siya ng may ngiti sa labi ko.

Pagkatapos naming kumain ng lunch ni mommy ay inaya ko na siya sa mall para mag shopping at naisipan din naming manood ng sine. Ang tagal na din naming hindi nakakapag bonding ni mommy. Doon kami nagpunta sa mall nila Harry para naman maipakilala ko na din si mommy sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilan ang ma-excite habang papasok kami sa mall.

“Really? Boyfriend mo ang may ari nito? Wow, magaling kang pipili anak.” Nagkkwentuhan kaming dalawa ni mommy about kay Harry ng mapunta sa isang tao ang mga mata ko at sa kasama nito.

“Ate Sydney?” hindi ko sure if siya yun pero nasa ice cream parlor siya at may kasamang bata. May anak na ba siya? Para makasiguro ay inaya ko si mommy na lapitan si Ate Sydney pero nagulat ako kung sino yung kasama niyang bata. Si Bubuy? Bakit kasama niya ang anak ni Paula?

“Elaine! What are you doing here?” masiglang tanong sa akin ni Ate Sydney habang ako hindi pa din makapagsalita. Parang may masama akong kutob at sana hindi tama ang iniisip ko.

“Sino yang kasama mong bata Ate? A-anak mo?” I know hindi niya anak si Bubuy. Please. Wag naman sana.

“Ah! He’s Miguel. My nephew.” she smirked.

 itutuloy...

Updated! Please vote and comment naman po. Silent readers! :)) next week ulit UD.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
222K 6.8K 44
Inisip ni Shin ang kapakanan ni Jordan. Pinili niyang iwan ito para sa kanyang kaligtasan. Pinilit na lumimot ni Jordan matapos siyang talikuran at...
24.5M 715K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.2M 94.9K 44
COMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that...