The Alexus: The Past (GxG)

By astraeatheuniverse

115K 3.1K 215

(GXG - First Half) Sa mundong ginagalawan natin, dito matatagpuan ang mga hindi ordinaryong tao. Mga sikat ng... More

I warned you already.
Prologue
Alexus 1: Welcome!
Alexus 2: Start
Alexus 3: Sorority
Rules
Alexus 4: Fifth, Shana Casabae.
Alexus 5: Work
Alexus 6: Tree and Friends
Alexus 7: The Beginning
Alexus 8: Work Room
Alexus 8.5: Work Room
Alexus 9: Demons
Alexus 10: Instant Fan Midnight
Alexus 11: Fourth Bankruptcy
Alexus 12: Second The Principal
Alexus 13: Fifth's Heart
Alexus 14: Brothers
Alexus 15: Couple
Alexus 16: First's Mansion
Alexus 17: Photoshoot
Alexus 18: Plan
Alexus 19: Event Battle
Alexus 19.5: Event Battle
Alexus 20: Seventh!
Alexus 21: Wake up, Babe.
Alexus 22: Absent
Alexus 23: Trees of Fifth
Alexus 24: Her Eyes
Alexus 25: Boracay Battle
Alexus 25.5: Boracay Battle
Alexus 26: Tenth's Favor
Alexus 27: Baguio
Alexus 28: Happy 4th Anniversary!
Alexus 29: Sky
Alexus 30: Babe
Alexus 31: Cold Stares
Alexus 32: Best Friend's Advice
Alexus 33: Memories
Alexus 34: Bad vibes, go away!
Alexus 35: Welcome to Hillford University, Shana Casabae.
Alexus 36: Incomplete
Alexus 37: New Designs Release
Alexus 39: Emotional Stress
Alexus 40: Assistant?
Alexus 41: Gabrielle Azel Montenegro
NOTE!
News from Universe

Alexus 38: Photoshoot at SM By The Bay

1.1K 45 0
By astraeatheuniverse

Shana's POV

"Shana, anong oras na?!"

Napatakip ako sa tainga ko at nagkunwaring hindi ko naririnig si Crystal. Nagtext kasi si Xylan sa'kin at siya yung nakabasa since binato ko sa sala yung phone ko kagabi dahil naalala ko si Fiona.

"Lalala~" Bulong ko kasi sa totoo lang, tinatamad ako. Ayokong magphotoshoot ngayon. Pakiramdam ko magkakasakit na ako kasi ang dami ko pang gagawing assignments at projects.

Yung project ko pa, gagawa kami ng scrapbook at dapat may kukunin kaming model galing sa school. Bawal daw sa labas. Si Yuki una kong naisip nun eh, pero nung sinabi ni Professor Johanson na dapat sa loob ng school lang, nablanko yung isip ko.

Hindi rin naman pwede si Yohan kasi busy din siya sa plates niya. Minsan nakakatulog pa siya sa kitchen kasi dun niya ginagawa para malapit daw sa mga pagkain.

Ugh. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung si Zoe kaya? Aish. Magbabayad ako ng malaki sa kanya eh.

Ilalagay kasi sa gallery ng department ko yung mga pipiliin na scrap book. Nasa first floor yun at parang museum.

Syempre gusto kong malagay sa gallery yung akin kasi first time kong mag-aral sa Hillford University. Hays. Sino kaya imomodel ko?

"Shana! Ano ba?! Gumising ka na!" Sigaw ni Crystal sa labas.

Bawal silang pumasok sa kwarto ko dahil ayokong maawa sila sa'kin. Palaging nakapatay ang ilaw ko at binubuksan ko lang kapag may hinahanap akong importanteng files.

"Shana naman, ikaw na lang yung hinihintay don!" Sigaw ulit ni Crystal kaya napabangon ako sa inis.

Ugh. Bwisit.

"Malayo ba yung MOA rito, ha?!" Sigaw ko at binuksan ko yung cabinet ko na sa tingin ko hindi na cabinet to sa sobrang gulo ng mga damit.

Damn it. Hays.

Naghanap ako ng short shorts at tee. Kumuha na rin ako ng cap at shades. Binraid ko yung buhok ko sa may bandang patilya.

Naligo na ako kaninang 12nn dahil hindi ako makatulog. Tapos ngayon, nagising ako dahil kay Crystal at kinakalabog ako. 4pm na kasi. Eh 5pm ang simula dahil sunset dapat yung background.

"Pero kailangan na tayo ron!"

"May one hour pa eh! Excited ka?!" Tanong ko.

"Kailangan daw maaga ka para hindi ka dumugin don!"

"Kahit anong gawin niyo, dudumugin pa rin ako! Nakita ko yung post mo kagabi eh."

Narinig ko siyang tumawa habang nagbibihis ako. Tumaba ata ako. Medyo hindi na kasya yung short shorts ko.

"Sorry naman. Pero sinabi ko, 5pm. Kaya kailangan natin umalis ng maaga para safe ka!"

"May guards naman ah?"

Pakiramdam ko nagtitimpi lang siya. Sinuot ko na yung rubber shoes ko at tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. May liwanag naman galing sa window eh. Pero syempre, natatakpan ng curtain.

"Wala ka kayang guards na pinadala! Sabi mo kasi uuwi ka rin kaagad!"

Napaisip ako. "Wala pala? Balak ko sanang umikot don." Sabi ko habang inaayos ko yung sarili ko.

"Sa susunod ka na mamasyal. May oras pa, hindi ka mamamatay."

"Whatever."

Lumabas na ako sa kwarto ko at madali kong isinara yung pintuan. Dapat ako lang ang makakaalam kung anong meron sa loob nun.

Aish. Except Rai. Nakita niya na pala yung nasa loob ng kwarto ko. May binago kasi ako eh. Secret na kung ano yun. Hehehe.

Nilock ko yun gamit ang susi ko. Nakatitig lang sa'kin si Crystal na nakatulala sa'kin. Hinead to toe niya pa ako kaya pinitik ko siya sa noo since sa Alexus, hanggang tainga ko lang sila. Ako ang mas matangkad.

"Aw." Hinaplos niya yung noo niya. "Masakit yun ah." Umiling ako at kumuha ng sandwich sa plastic na sa tingin ko dala niya.

"Hindi pa ako kumakain eh. Pahingi ah? Sa labas kasi kumain si Yohan kasama si Shaw." Kumagat ako sa sandwich. Ham at lettuce kaya nasarapan ako at kumuha pa ng isa.

"Ginawa ko yan para sayo. Alam kong gugutumin ka eh." Umirap siya sa'kin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Thank you."

"Oh siya, tara na. We need to go. Kanina pa nagwawala yung mga fans mo." Hinila na niya ako palabas ng condo at buti na lang nakuha ko yung plastic na may lamang sandwiches.

Sinarado ko yung pintuan at bumaba na kami sa parking lot. Kotse ko yung gagamitin at may driver sa harap kaya dalawa kami pumwesto sa likod.

"Manong, sea side po sa Mall of Asia." Sabi niya sa driver KO.

"Ma'am, pwede po ba ron?" Tanong nung driver KO.

"Oo, Manong. VIP kami kaya ibaba mo yung windshield sa pwesto ni Shana. Alam na nila yun." Sagot niya sa driver KO.

"Okay, Ma'am." Tumango ang driver KO.

Napailing ako sa naiisip ko. Makautos siya sa driver KO parang driver niya. Hay nako, Crystal. Pinagbigyan ko na lang kasi ginawan niya ako ng sandwich.

Nakatitig lang ako sa labas habang kumakain ng sandwich. Kanina pa kasi ako gutom. Tinamad akong magluto kasi kadalasan, si Fiona ang nagluluto. Hays, Fiona. Miss na miss na kita.

Parang dati lang, malaya kaming pumupunta kahit saan. Walang reporters or whatever. Malaya kami. Pero this time, wala na. As in strict na yung schedules namin. Patago pa kami kung magkita.

Nakakainis.

Napatigil ako sa pag-iisip nung may nakikita akong mga babae at lalaki na nagtatakbuhan papuntang...

"Nasa MOA na tayo?" Tanong ko habang nakatitig sa mga taong mukhang nagmamadali at may dalang banner at magazine. Even dress!

"Yup. At yang mga yan, asahan mo na sila mamaya. Ikaw bahala kung papansinin mo o hindi."

Napabulong ako. "Nakalimutan ko yung pampalit ko. Tska yung ibang lenses..."

"Nako, Shana!" Napatingin ako sa kanya. Napahilamos siya ng mukha niya kaya nagtaka ako. "Nung isang araw ka pa. Ang dami mong nakakalimutan!"

Nung isang araw kasi, nakalimutan kong magdala ng extra damit since sa kalsada yung photoshoot namin. Magpapakuha sana ako kaso hindi na lang kasi uuwi na rin naman ako.

"Pinamadali mo kasi ako." Kalmado kong sabi sa kanya.

"Hays. Next time ka na lang talaga mamasyal." Umiling iling siya kaya napa-sigh ako. Sa susunod na nga lang ako mamamasyal. Hindi talaga para sa'kin ang oras na to.

May mga taong sumusunod sa sasakyan namin at hindi ko alam kung bakit. Yung iba sumisigaw pa kaya naniningkit ang mga mata ko. Tinted naman yung sasakyan.

Napatingin ako kay Crystal na nakangiti sa mga taong nadadaanan namin. Nakabukas yung windshield niya. Letse.

May guard na nagpahinto sa'min kasi bawal daw ang sasakyan dun. Sa pwesto siya ni Crystal sumilip. Tinanggal ko lang yung shades ko at nagprocess pa ata sa utak niya kung sino ako.

"Shana Casabae. Photographer." Tulalang itinuro nung guard yung isang lugar na punong puno ng mga tao.

Since malapit na pala kami, dahan-dahan lang ang pagpapatakbo nung driver ko. Itinaas na rin ni Crystal yung windshield banda sa kanya kaya walang masyadong nakakakita sa'min dahil maski sa harap, tinted din pero kapag nasa loob, parang transparent.

Hinati ng guard ang mga tao kaya napapaurong sila. Dumaan yung kotse ko at walang gana kong sinuot muli ang shades ko. Makakarinig nanaman ako ng malalakas na hiyawan.

Inaantok pa kaya ako.

Huminto na ang sasakyan at madaling bumaba ang driver at pumwesto sa pintuan banda sa'kin. May tinawag ata yung guard kaya hindi pa binubuksan yung pintuan sa tabi ko.

"Sino hinahanap nila?" Tanong ko kay Crystal. Ang daming tao sa labas! May concert ba rito?

"Si Xylan Veron. Sabi ko kasi na sunduin ka at magdala ng hoodie. Alam ko namang ayaw mo ng camera." Natawa si Crystal. Ganun na ba kahalata na ayaw ko ng iniistolen ako?

"Oh, ayan na pala siya. Ibaba mo konti yung windshield mo." Binaba ko naman konti at may inabot si Xylan at kinuha ko yun.

Itinaas ko na yung windshield at sinuot ko na yung hoodie na color gray. Teka, parang akin to ah?

"Huwag ka nang magtaka. Sayo talaga yan. Pinadala ko lang kasama na yung mga camera at gagamitin sa shoot. Akala ko kasi hindi mo kailangan."

"Hindi ko naman talaga kailangan." Sambit ko.

"Malamig kaya! Tska hello, naka-tee ka lang no. Manipis pa. Lalamigin ka niyan." Nag-aalang sabi niya kaya ginulo ko yung buhok niya. Ang sweet-sweet ni Crystal.

"Immune na ako sa lamig. Hindi na bago sa'kin to." Sabi ko sa kanya at inayos yung hoodie.

"Mas mabuti na yung sigurado tayo. Tska nandyan kaya yung mga fans club mo. Lalo na yung Shanatics. Obsess fans club mo yun." Natawa si Crystal. "Halos pasabugin nila yung twitter ko para lang sa update tungkol sayo."

"Manager kita? Ang alam ko editor kita eh." Umirap ako. "At thanks sa hoodie. Mukhang kailangan ko nga talaga." Letse kasi eh. Nagbanggit siya ng fans club. Paniguradong magpopost nanaman ng kung ano-ano ang mga yun about sa'kin. Tsk.

"No worries." Kinatok niya yung windshield sa tabi ko, senyales para buksan na nila yung pintuan.

"Kausapin mo lang si Xylan. Ignore your fans. Gagawa rin tayo ng official fans' day sa susunod." Kinutusan ko siya bago binuksan ni Manong yung pintuan.

Bumaba na ako pero hindi ko sinuot yung hood. Parang ginawa ko lang na jacket at totoo nga ang sinabi ni Crystal, malamig.

May dala akong sandwich kasi gutom pa ako. May naririnig akong tilian kung saan-saan pero hindi ko pinansin ang mga yun. Ngumingiti lang si Crystal at feel na feel ang kasikatan. Whatever.

"Oh, Shana." Ngumiti sa'kin si Xylan. "Mukhang ikaw ang pinunta nila rito."

"Obvious naman di ba, Xylan? Inaantok pa ako eh! Tch." Umirap ako sa kanya kaya inakbayan niya ako. Magkasing height lang kasi kami.

"Alam mo Shana, magigising ka sa mga models ko. Mga magaganda. Imported galing America." Napahinto ako kaya napahinto rin siya.

May naramdaman akong tumama sa likod ko. "Aw." Bulong ni Crystal.

"America?" Tanong ko sa kanya.

"Yup. But don't worry, hindi ko sasabihin sa kanila ang sikreto ni Shana." He chuckled.

"Alam na kaya ng buong mundo. Kaya nga puro babae yung fans ko oh. Tch."

"Maganda ka kasi. Number one richest woman in Earth pa. Hay. Complete package." Bulong niya. "Asa naman ako na may pag-asa ako sayo."

"Good." Natawa kaming dalawa at napatingin ako sa paligid ko. Ang daming babaeng tumitili kaya ngumiti ako sa kanila.

Iniscan ko ang buong paligid at nakakita ako ng bata na buhat ng mama niya. Kumunot ang noo ko at hinila ko si Crystal na nasa likod ko.

"Pagdating ko sa shoot, uupo lang naman muna ako di ba?" Tumango siya sa'kin. "Samahan mo muna ako saglit."

Tumingin ako kay Xylan. "Susunod kami. May pupuntahan lang ako saglit. Don't worry, hindi ako tatakas." Natawa siya kaya tumango na lang din.

"Keep safe." Tumango ako at hinila si Crystal. May barriers na rin kasi banda rito pero may nakasunod sa'min na guards. Hindi pa rin ako sanay na may guards akong kasama.

"Saan ba tayo?! Mga fans na yan oh!" Reklamo niya pero hinila ko pa rin siya kahit pinapabigat niya yung sarili niya.

"Basta."

Lumapit kami sa barriers at haharang sana yung guards kaso tinaasan ko sila ng kilay. "Alis dyan. May gagawin ako."

"Miss---"

"Dalian mo na. Nilalamig na ako."

Tumabi sila kaya ang daming fans na tumili banda sa'min. Ngumiti lang ako sa kanila at tinitigan yung bata na sa tingin ko ay seven years old.

Tinanggal ko yung shades ko kaya ang daming camera na kinukuhaan ako. Hinihila ako ni Crystal pero hindi ako nagpatinag.

"Hi." Bati ko ron sa bata pero humarang yung isang babae kaya nagtaka ako. Tumili tili siya.

"Hi Miss Shana Casabaeee!" Tumitili pa rin siya kaya natawa ako. Ang dami nanamang flash kaya umiling ako.

Tinuro ko yung bata. "The little boy behind you. Not you. But hi." Ngumiti ako sa kanya pero kahit napahiya siya, tumitili pa rin siya.

Nagulat yung mama ng bata kaya ngumiti ako. Pinalapit ko sila sa barriers kaya tumabi yung babaeng umeksena kanina.

"Si Shana Casabae..." Bulong nung mama ng bata. Ngumiti ako sa kanya.

"Good afternoon po. Siksikan po rito pero bakit po kayo nakikipagsiksikan? May dala pa po kayong bata." Nag-aalala kong sabi sa magulang nung bata.

"Gusto ka kasi makita ng anak ko." Nahihiya niyang sabi kaya napatingin ako ron sa batang buhat niya.

Nagniningning ang singkit niyang mga mata at may dala siyang magazine at permanent marker. Ang cute niya. Ngumiti siya sa'kin kaya litaw na litaw yung dimple sa left cheek niya.

"Pwede ko ba siyang kunin?" Tumango yung mama niya kaya kinuha ko yung bata.

Pinipicturan ako ni Crystal kaya pinisil ko nang madiin yung pisngi niya. Ang kulit masyado eh. Napasigaw siya kaya ngumiti ako sa kanya nung tinanggal ko na yung kamay ko sa pisngi niya.

"Entertain your supporters." Natatawa kong sabi sa kanya kaya natawa na lang siya imbis magalit.

Binaba ko yung bata at umupo para mapantayan ko siya. Magsasalita sana ako kaso niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Awww." Dinig kong sabi ng mga fans.

May narinig akong sobbed at nagmumula yun sa batang lalaki na nakayakap sa'kin. Umiiyak siya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.

He sniffed. "Matagal ko na pong gustong makita ka." Naiiyak niyang sabi.

"Bakit naman?" Inosente kong tanong. Iba talaga ang impact sa'kin kapag matanda o bata ang nakakausap ko ng ganito.

Para bang complete na complete ako kapag napapasaya ko sila. Totoo kasi sila sa sarili nila. Gagawin nila ang lahat para makita ang iniidolo nila.

"Nakita ko po kasi yung magazine mo po sa bahay na ikaw po yung cover. Sabi ko po kay mama, gusto kitang makita. Kaso sabi niya po masyadong malayo ka po kaya hindi pwede."

"Talaga?" Hinarap ko siya at kinuha ko yung panyo sa hoodie ko. Palaging may stock na panyo ron. Si Crystal naglalagay minsan.

Pinunasan ko ang mga luha niya. Tumango siya kaya napangiti ako. "Nakita mo na ako. Nalapitan mo na ako. Malapit na ako sayo. May wish ka pa ba?"

Umiyak siya lalo kaya sinuyo ko siya. "Don't cry. Dapat smile ka lang always kasi nakita mo na ako eh. Gusto ko yung mga taong malalakas. Huwag ka nang umiyak." Pinunasan ko ang mga luha niya.

Pinakalma niya yung sarili niya. Hawak niya pa rin yung magazine at marker. "Gusto mo bang pirmahan ko yan?" Tanong ko sa kanya.

Yun yung bagong release na magazine ko. Ako yung cover at ang laman nun sina Yuki at Irish.

Tumango-tango siya at ngumiti. Binigay niya sa'kin yung dala niya kaya pinirmahan ko yung harap at yung last page ng magazine.

"What's your name?"

"Grey Demiola po."

Sinulat ko sa last page yung name niya at sana napasaya ko siya. Binigay ko sa kanya yun at ang laki ng ngiti niya.

Binuhat ko siya at sinenyasan si Crystal. "Picture-an mo kami with her mother."

Ang daming sumigaw pero hindi ko yun pinansin. Pinicturan niya kaming tatlo at binalik ko na yung bata.

"Misis, mag-iingat po kayo. At mamasyal na po kayo ni Grey. Huwag na po kayong makipagsiksikan kasi baka masaktan po kayo. Enjoy po." Ngumiti ako at umalis na sa harap nila.

Sumunod sa'kin si Crystal at yung mga guards. Straight lang yung lakad ko habang pangiti-ngiti rin. Nababaliw yung mga babae eh.

"Trending ka nanaman!" Bulong ni Crystal kaya napailing ako.

Gusto ko ng matulog...

Continue Reading

You'll Also Like

20.3M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
333K 17.6K 66
Iniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The cha...
20.2K 1.1K 10
"Siraulo! Magmumura kana nga lang sa isang reyna pa!" si Ysa. KALIYA- REYNA NG KARAGATAN Short story. Race of Myths Series #1 COMPLETED. •Fantasy •Gi...
88.1K 2.7K 57
Sa pagbabalik ni Leah Kate Perez na kilalang bully ay hindi niya inaasahan na maraming rules na pinatupad si Cheska Laurel Gonzales o mas kilalang 'P...