You Gave Me A Reason

By Sweetmagnolia

4.3M 76.7K 5.9K

Warren experienced his most unforgettable frustration in the hands of his first love, Lena. The unbearable pa... More

YOU GAVE ME A REASON
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33 (Final)
Epilogue

Chapter 31

101K 1.9K 77
By Sweetmagnolia

                                                                      ****

Komportableng nakaupo si Warren sa kanyang sopa hawak ang isang beer in can. Nakapatong sa center table ang tatlong lata ng beer na pinag-inuman niya na. Tahimik siyang umiinom mag-isa habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon. May hinihintay siyang programa na hindi niya maaring palampasin.

Ding dong.

Ipinatong niya sa mesa ang iniinom, binawasan niya ang volume ng pinapanood at saka tumungo sa pintuan. Pagkabukas niya ng pinto, ilang saglit siyang hindi nakapagsalita. Nagulat siya sa bisitang bumungad sa harap niya.

"M-Matthew?"

Napalunok muna si Matthew bago dahan-dahang gumuhit ang mga ngiti nito sa mukha. " I took the chance of coming here unannounced. Lucky that you're home..."

"G-Get in.." naasiwang bigkas ni Warren habang nilalakihan ang pagkakaumang ng pinto.

Walang pag-aalinlangang pumasok si Matthew sa loob. Doon ay nakuha agad ang pansin niya ng mga pinag-inumang beer ng pinsan.

"I guess I arrived with perfect timing. My throat is craving for some beers too." masiglang wika niya habang pabagsak na naupo sa sopa.

"I-I'Il get some more..." sambit ni Warren at nagtungo ito sa refrigerator para maglabas ng ekstrang beer.

Habang hinihintay ang pinsan, kinuha ni Matthew ang remote ng TV upang ilipat ito sa sports channel. Subalit nang mapagtanto kung anong programa ang pinapalabas dito naisipan niyang huwag na itong pakialaman.

"Here." alok ni Warren ng beer sa pinsan.

"Thanks." Binuksan ni Matthew ang beer at komportableng sumandal sa malambot na upuan.

Naupo naman si Warren sa couch na nakaharap sa bagong dating na lalaki. At nag-aalangang tiningnan niya sa mukha ang pinsan.

"Do you want to drink outside? I'll change my clothes now." tanong niya habang pinapakiramdaman ang dahilan ng pagdalaw ng lalaki.

"No." sagot ni Matthew habang nasa telebisyon naman ang mga mata. "Let's just drink here. You're a committed man now and going to a bar with you won't be as fun as before. You know me, I don't enjoy without girls around," tatawa-tawang biro nito at sabay inom ng beer.

Napangiti rin si Warren at gumaan ang kanyang dibdib nang maramdamang tila wala ng kinikimkim na galit sa kanya ang pinsan.

"I do plan to see you. Naghahanap lang ako ng tamang timing. I thought you still feel bad about me," kusang paliwanag niya habang nasa hawak na beer nakatuon ang mga mata.

" I still do," diretsong sagot ni Matthew na noon ay hindi malaman kung seryoso o nagbibiro. " But what can I do? I can't go on with my life drinking alone. You know that you're my only drinking buddy. I guess I miss you that's why my feet brought me here." tatawa-tawang sagot nito.

Natawa rin si Warren sa pahapyaw na biro ng pinsan. "I miss you too man," ngunit saglit lang ay unti-unting nabura ang mga ngiti niya."..and I'm sorry." dugtong niya habang hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng kausap.

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Matthew. Sa una, tiningnan niya muna ng seryoso ang mukha ng humihingi ng tawad na kausap. Mabilis niya ring binawi ang mga paningin at itinuon ang mga ito sa bintana. Tumingin siya sa malayo, lumunok at kunwa'y natawa ng mahina.

"You have nothing to be sorry about... If there's someone who has to apologize between us, it has to be me."

Nagtatakang tiningnan ni Warren ang mukha ng kaharap at saka umiling para ipahiwatig na hindi siya sang-ayon sa narinig. "Why do you have to apologize? You didn't do any mistake. I was the one who lied."

Uminom muna ng beer si Matthew bago ito muling tumingin sa pinsan.

"I knew from the very start that you still had feelings for Lena. I didn't actually believe when you said you're totally over her. At first, I wanted to challenge you so you would be true to yourself. But my game backfired to me. I didn't expect I would totally fall for Lena too. So I took the risk and decided to go on... And I think I should be the one to say sorry for getting into your way. I was the one who butt in between the two of you... Now, l lost and it is what it is. This is my price for taking the risk. So let's just move on and stick to our motto." seryoso subalit nakangiti pa ring sabi ng lalaki at sabay taas nito sa hawak na inumin.

"Thanks man," nakangiting sagot din ni Warren at sabay taas din sa hawak ng beer.

"Cheers!"

Nagkatinginan ang dalawa. "We won't fight over woman!"sabay na sambit ng mga ito sa kanilang motto at parehong dire-diretsong ininom ang natitirang laman ng kani-kanilang hawak  na beer.

"Ngayon po mga kaibigan, naririto na po ang pinakahihintay  ng lahat at napakaimportanteng guest natin. Bibihira lamang pong magpaunlak sa mga interview ang sikat na bisita natin kaya naman flattered na flattered ho talaga ang aming programa dahil kami ang napili niyang paunlakan. Ladies and gentlemen,please welcome Ms. Avina Montenegro!"

Natigilan ang magpinsan habang inilalapag ang walang lamang beer sa mesa. Sabay na napalipat ang mga mata nila sa telebisyon. Nagkaroon ng maiksing katahimikan na tila nagpapakiramdamanan ang dalawa kung dapat ba nila itong pag-usapan.

"I'll get more beers." ika ni Matthew.

"Ako na." pigil ni Warren.

"It's fine. Let me do it."

Tumayo si Matthew at hinayaan ang pinsan na tahimik nitong mapanood ang programa. Pagbalik niya sa sala ay nahalata niya ang tensiyonadong mukha ni Warren habang nakatutok sa pinapanood. Binuksan niya muna ang dalang inumin at nakangiting inabot ang isa sa pinsan.

"So where do you think should I start hanging out so that I could find a girl like Lena? To be honest I must thank her, now I know the kind of woman I like." masiglang wika niya upang ilihis ang nararamdamang kaba ng kausap.

Natauhan si Warren mula sa pagkakatutok sa telebisyon. Nilingon niya ang kasama at agad na ngumiti. Ayaw niyang ipahalatang kinakabahan siya.

"You can't find woman like her while clubbing." prangkang sagot niya sa kausap.

"Where shall I go then? Instead of going to the bar, should I spend more time strolling to mall or maybe in the supermarket?"

Natawa si Warren sa ideya ng kausap. "Stop forcing yourself. Darating na lang ang tamang babae para sayo.For now, just continue having fun. Be a bachelor, keep fishing man."

"Well, you have a point...keep fishing, " sabay ngisi at kindat ni Matthew sa pinsan." If you think about it, my biggest rival is now out of the market so I guess fishing is more fun now. I might be able to catch all the fishes in the ocean. "

Nagtawanan ang dalawa.

"Surrender to me the unnecessary numbers in your contact list. They are useless to you now." dugtong na biro ni Matthew.

"With all my heart. They are all yours." 

Nagtawanan ulit ang magpinsan.

"Ngayon Avina, pwede mo bang bigyang linaw ang issue tungkol sa inyong sitwasyon ng karelasyon mong sikat na negosyanteng si Warren Tyler Gonzales? Kumakalat ang mga haka-haka na hiwalay na daw kayong dalawa. Totoo ba ang mga haka-hakang ito?"

Unti-unting naglaho ang masasayang ngiti sa mukha ng dalawang lalaki. Parehong natahimik ang mga ito. Nagpalitan ng tingin at tahimik na nag-usap ang mga mata. Walang sinumang lumingon sa telebisyon sa halip ay walang imik na itinuloy lamang ng mga ito ang pag-inom habang nakabaling sa magkaibang direksiyon ang mga paningin.

"Yes. It's true."

Sabay na napalagok ang magpinsan sa beer.

"Want some more?" tanong ni Matthew.

"Yeah."

Tumayo ulit si Matthew at nagtungo sa refrigerator. Nagdala na siya ng apat na can ng beer.

"Better to have extras. I think we will be drinking fast. " wika niya ng inilalapag ang mga inumin sa mesa habang wala pa rin ni isa man sa kanila ang tumitingin sa telebisyon.

"Bakit kayo naghiwalay? Tiyak na maraming mga tagahanga ang malulungkot dahil sa balitang iyan. Avina, totoo ba ang mga sabi-sabi na may third party na namamagitan sa inyong dalawa?"

Nagkaroon ulit ng katahimikan sa gitna dalawang lalaki. Sabay muli ang mga itong napalagok sa beer.

"Wala po..."

Saka lamang napatingin ang magpinsan sa telebisyon na noon ay tila parehong hindi makahinga ng maayos.

"...I would like to apologize to the people. In fact, matagal na ho kaming hiwalay ni Warren. Hindi ho gaanong tumagal ang relasyon namin dahil marami ho kaming mga differences. Yan ho ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, it's merely because of differences in our personality..."

"...Since both of us are a very private individuals, we didn't discuss it to the public. Not until today, in which I have no choice but to talk because of this non-stop speculations..."

"So Ms. Avina are you saying that the sweetness na pinapakita niyo ni Warren in these past few months ay isang pakitang tao lamang?"

"Not really. Though we were no longer in a relationship, Warren and I are very good friends. We've known each other since our childhood days and we do treat each other in sweet ways. Kaya kahit hindi na kami magkarelasyon, walang pagbabago sa treatment namin sa isa't isa."

" Totoo ba na kaya biglang lumutang ang mga usap-usapan tungkol sa inyong dalawa dahil may bago ng karelasyon si Warren Tyler Gonzales?"

"Well, I don't want to confirm or deny that matter. Pero kung sakaling meron man. I guess, he has the right to do so. He's a single man so he's free to fall in love to any woman."

"I agree on that. It's good to hear the truth na nagmula mismo sayo Ms. Avina subalit kasama ng mga tagahanga mo, kami rin ay nalulungkot sa hindi nagwork-out na inaakala naming maganda at matibay na relasyon ninyo ni Warren."

"I would like to apologize to all my fans na umasa. I hope you'll understand that this is the reality of life. Not all things has a fairytale-like ending."

"Ms. Avina, pagkatapos mong linawin ang isyung ito. Ano naman ang mga susunod na plano mo in regards to your modeling career?"

"I'll stay as endorser of Luxuria. I have a contract with them so I have the responsibilty to stay with them until the end of it. I'm happy being a model of my friend's company so whether I'm in a relationship with Warren or not, I'm still a proud model of Luxuria."

"Now, I understand why you became a successful model dahil hindi matatawaran ang iyong professionalism... Maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa aming imbistasyon. Palakpakan po natin mga kaibigan, Ms. Avina Montenegro...Oh, sa mga staff crew na gustong magpalitrato sa ating sikat at ipinagmamalaking international model, pumila na kayo sa backstage."

"Thank you too for inviting me..."

Pinatay na Warren ang TV at sabay inom ulit ng dire-diretso sa hawak na beer.

Inagaw naman ni Matthew ang remote at binuhay muli ang telebisyon. "I never thought that this day would come," tatawa-tawang sabi niya. "In which you and I would be drinking over a celebrity talkshow." sabay lipat niya ng channel sa isang soccer game.

Natawa rin si Warren. Hindi maitatago ang saya sa kanyang mga mata. Nakangiting inangat niya ulit ang hawak na beer at itinapat sa pinsan.

"Cheers!"

"You deserve to be happy, man." biglang pagseseryosong wika ni Matthew.

"Thanks."...

                                                 ------

"Sabi ko naman sayo, huwag mo na akong samahan tutal sanay na naman akong bumisita kay kuya ng mag-isa.  Ayan tuloy marami kang naapektuhang trabaho," tugon ni Lena kay Warren pagkatapos ng mahabang pakikipag-usap ng binata sa telepono habang nagmamaneho.

Nilingon ni Warren ang katabing girlfriend at hinaplos niya ang pisngi ng nababahalang mukha nito.

"That won't happen. Hahayaan ko ba naman ang mahal ko na bumiyahe mag-isa? I'd rather abandon my job than neglect you. Paano pag may masamang nangyari sayo?"

Humalukipkip si Lena at nakangusong sumandal ng maayos sa upuan habang nakatingin ng diretso sa daan.

"Masyado mo naman akong ini-spoiled, baka masanay ako niyan."

"I don't mind kung masanay ka because I have no plan to stop doing it. Get used to me being by your side for the rest of your life."

Humarap si Lena sa nagmamanehong boyfriend at tinitigan ito ng seryoso habang tila nag-iisip ng malalim.

"Why?What are you thinking?" nagtatakang tanong ng lalaki.

"Hmmmm...iniisip ko lang kung anong gayuma ang ginamit ko sayo."

"Naisip mo na ba?" tatawa-tawang tanong ni Warren.

Tumango ang dalaga.

"Then what is it?"

Tumingin muna sa paligid si Lena at nang mapansing nasa payapang kalsada sila sa kalagitnaan ng mga bundok at mapupunong lugar, tinanggal niya ang suot na seatbelt. Umangat siya mula sa pagkakaupo,inipit ng dalawang palad niya ang pisngi ng lalaki at madiin itong siniil ng halik sa mga labi.

Napamenor naman ng sasakyan si Warren at dahan-dahan niya itong itinabi bago tuluyang gumanti ng mga halik sa dalaga. Matagal na nag-usap ang matatamis nilang mga dila at lumipas ang mahabang palitan ng mga malalalim na halik, humihingal na kumawala si Lena sa mga labi ng kasintahan. Nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa pisngi ng lalaki. Nakangising tinitigan niya ito.

"Yan ang gayuma ko. At hangga't may bisa yan, akin ka lang Warren Tyler!" 

" Hindi mawawalan ng bisa yan, naughty girl," nakangiting sagot ni Warren na noon ay nakaumang pa rin ang bibig sa nakatitig na kasintahan na halatang nabitin ito sa kanilang ginawa. "How about I'll show you too kung anong gayuma ko?" pilyong wika niya.

"Alam ko na, huwag mo nang sabihin at lalong hindi na kailangan ng demonstrations..." biglang preno ng dalaga.

Tila walang narinig si Warren. Nagtanggal siya ng suot seatbelt at marahang isinandal si Lena sa upuan nito. Nakangising umisod siya papalapit sa dalaga.

"Tumigil ka sa binabalak mo, Warren."

"You started this, woman," bulong niya nang may mainit na hininga habang gumagapang ang kamay sa kung saan iniri-recline ang upuan.

"Eeee! Warren ano ba?!" tili ni Lena nang biglang humilig pababa ang kanyang upuan.

Hinalikan ng binata ang leeg ng kasintahan na tila walang pakialam kahit pumapalag ang babae.

"Warren, nasa tabing kalsada tayo. Tumigil ka! Hindi ko to kaya." wika ng dalaga na noon ay napapapikit hindi dahil sa halik ng nobyo kundi sa kaba.

"Couples need to have sexual adventures once in a while." nanunuksong bigkas ng binata habang patuloy pa rin sa paglalakbay ng mga labi sa leeg ng girlfriend.

"Huwag ganitong adventure Warren pleaseee! Hindi ko kaya ang ganito. Baka mamatay ako sa nerbiyos," tugon ng dalaga habang nakapikit at paulit-ulit na iniiling ang ulo. "Next time na lang please..."

"Kelan yang next time?" mainit na bulong ni Warren na noon ay humahalik naman sa likod ng tenga ng babae

"S-Sa makalawa..." sagot ng dalaga.

Hindi tumigil sa ginagawa ang binata. Gumapang ang mga kamay nito sa loob ng suot na pantaas ni Lena.

"B-Bukas..." sambit ulit ng babae.

Hindi pa rin tumigil si Warren sa halip ay naglakbay pa ang mga kamay niya patungo sa hook ng bra ng girlfriend.

"M-Mamaya." wika ulit ni Lena.

"Promise?" Tumigil ang kamay ng binata sa binabalak nito ngunit hindi pa rin maawat ang lalaki sa paghalik.

"Promise."

"Walang bawian?"

"Hindi ko babawiin. Kaya please, huwag dito Warren. Hindi ko kaya."

"Walang excuses?"

"Promise, hindi ako magiimbento ng anumang excuse."

Saka lamang tumigil ang binata. Nakangising inangat nito ang nakadecline na upuan ng babae at umayos ng pagkakaupo.

"Walang bawian yan ha? If you change your mind I will let you pay twice the price." ngingiti-ngiting bigkas ng lalaki habang naghahanda muling magmaneho.

"Opo!"

Itinuloy ng dalawa ang biyahe habang walang humpay pa rin ang mga ito sa paglalambingan. At pagdating nila sa pinagtatrabahuang factory ni Charles sa Paete, nag-ayos ng damit at nanalamin muna si Warren bago ipasok ang kanyang sasakyan sa gate.

Pagkakita ng mga guwardiya sa kanyang sasakyan ay agad na sumaludo ang mga ito sa kanya.

"Good morning sir!" malugod na bati ng mga guwardiya.

"Good morning." seryosong sagot niya.

"Hmmm. May discrimination yang mga guwardiya na yan ha. Porke't nakamamahaling kotse ang bumibisita, ang babait na. Samantalang pag mag-isa lang ako, ang tagal munang interrogation bago ako papasukin. Pero tingnan mo ngayon, ni wala man lang tanong-tanong." reklamo ni Lena.

Bumuntot sa kanila ang isang guwardiya at ginabayan din sila nito pati sa pagpa-park ng sasakyan.

Pagkalabas nila ng sasakyan, naglakad diretso si Warren papasok ng factory ngunit hinawakan siya ni Lena sa braso.

"Teka muna Warren, hindi pwedeng pumasok diyan. Dun tayo sa visiting area, sila na lang ang magsasabi kay kuya na may bisita siya."

"It's okay. We can come in, don't worry." kumpiyansang sagot ng binata.

"Sigurado ka?"

"Yap."

"Kunsabagay mukhang nadadaan sa pagiging mukhang mayaman ang mga bantay dito." nakangiting wika ng babae sabay kapit ng mahigpit sa braso ng nobyo.

Pagdating nila sa entrance ng factory ay tila nataranta ang mga empleyado nang makita ng mga ito si Warren.

"Good morning Sir Warren!" bati ng mga nakabantay sa entrada ng pagawaan.

"Huh? Kilala ka." nagtatakang sambit ni Lena habang napapatingin sa boyfriend.

Tumingin si Warren sa dalaga at halatang natutuwa ito sa reaksiyon ng kasintahan.

"Of course, they know me. How can they not know their boss." ngingiti-ngiting sagot ng lalaki.

Mas lalong nagtaka si Lena. "B-Boss? P-Paano ka nila naging boss?"

"I own this. This is one of the manufacturing companies of Luxuria."

Napanganga ang dalaga. Bumitiw ito sa braso ng lalaki at tumigil sa paglalakad. "S-Sayo din ito?"

"Yes."

Binalikan ni Warren ang napahintong dalaga. Hinawakan niya ang palad nito at inakay papasok. "Let me guess what you're thinking. Your mind is telling you how awesome I am, right?"

Natauhan si Lena dahil sa pagmamayabang ng boyfriend. Palihim niya itong kinurot sa tagiliran.

"Haist! Naisahan mo ako ha! Akala ko pa naman totoong nagpapakasweet ka sa akin, yun pala may purpose din ang pagpunta mo dito."

Natawa ng mahina si Warren. "I'm being sweet too. There's nothing wrong in hitting two birds with one stone," sabay lapit niya ng bibig sa tenga ng babae. "You promised you won't change your mind." pilyong bulong niya dito.

"Mandaraya ka!" reklamo ng dalaga.

Pumasok si Warren sa kanyang opisina samantalang hinayaan naman ni Lena na magtrabaho muna ang kasintahan. Pinuntahan niya ang area ng pinagtatrabahuan ni Charles subalit pagdating niya doon ay hindi niya makita ang kapatid.

"Kapatid po ako ni Charles De Vera, nasaan po siya ngayon?" tanong niya sa kasamahan nito pagkatapos ng ilang minutong paghahanap.

"Nasa labas na, kanina pa. Hindi pa ba kayo nagkikita? Mahigit isang oras na siyang nakakalabas simula nang sinabing may bisita siya."

"Bisita ho, eh wala pa naman hong isang oras simula nang dumating ako dito."

"Ah baka yung isa na madalas ring pumupunta dito."

"May bumibisita rin ho sa kanyang iba maliban sa akin?"

"Oo."

"Sige ho. Hahanapin ko na lang sa labas. Salamat ho."

Nagtatakang umalis si Lena at nagmadali siyang lumabas. Hinanap niya ulit ang kapatid. Hindi niya kaagad ito nakita hanggang sa napansin niya ang isang maliit na pahingahang kubo sa bandang dulo ng parking lot. Pinuntahan niya ito at malayo pa lang nakilala niya na ang likod ng nakaupong kapatid. Napansin niyang may kausap nga ito. At nang makalapit siya, laking gulat niya nang makilala ang tinutukoy na bisita nito.

"C-Cindy?"

Parehong nagulat ang dalawang nag-uusap nang marinig ng mga ito ang boses niya.

"L-L-Lena..." nauutal na wika ng kapatid niya nang mapalingon ito sa kanya.

"A-Ate Lena..." kinakabahang sambit naman ng kanyang kapitbahay.

Palipat-lipat na tiningnan niya nang nakanganga ang mukha ng dalawa.

"Lena si Cindy." pakilala sa kanya ng kapatid sa kausap nito.

"A-Alam ko at alam mong kilala ko na siya kuya. A-Anong ginagawa niya dito? Anong ibig sabihin nito?" nakakanganga pa ring bigkas niya.

Hindi sumagot ang tinatanong niya. Tiningnan lamang siya nito ng makahulugan sa mga mata.

"S-Siya ba ang sinasabing bisitang madalas pumunta dito?" dagdag na tanong niya.

Nang ibubuka na ni Charles ang bibig para magpaliwanag, siya namang pagsulpot ng isang empleyado.

"Charles tawag ka ni Sir Warren."

"M-Mamaya na tayo mag-usap Lena." sabay alis ni Charles kasama ng empleyado.

Natutulalang naglakad si Lena patungo sa kubo at nanghihinang naupo dito.

"M-Magpapaliwanag ako Ate Lena..." kabadong sambit ng kaharap niyang si Cindy.

"M-Mamaya ka na magsalita Cindy. P-Papalipasin ko lang ang pagkabigla ko p-para makapag-usap tayo ng maayos."

Hindi maalis-alis ang pagkakatulala niya habang napapaisip. Alin sa dalawa ang dapat niyang maramdaman? Ang madismaya dahil sa kapakanan ng mga bata o ang matuwa dahil mayroon na uling babaeng handang magmahal sa kapatid niya?...

Continue Reading

You'll Also Like

26.2M 79.5K 10
#StanfieldBook1: Duke Steele "So which is it... are you leaving me because I'm a criminal? Or because you think I'm a liar?"...
333K 4.8K 23
Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas Española at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalawang taong sinubukang mamuhay nang matiwa...
131K 4.5K 32
“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
1.2M 45.4K 62
Ex-med student Karsyn Sy becomes an instant celebrity when she accidentally records herself being in an accident and captures in cam the gorgeous str...