Chapter 11

110K 2.2K 128
                                    

                                                                           *****

Binigyan ni Warren ng nakakapasong mga tingin ang nakayuko't nakatayong tauhan sa harap ng kanyang mesa. Pagdating na pagdating niya ng opisina ay ito agad ang una niyang pinatawag. Nakahanda na ang mga sasabihin niya dito. Kailangan niya uling magmatigas dahil nitong mga huling araw ay tila wala siyang ipinakita sa babae kundi ang depensahan ito mula sa ina. Nalilito siya sa mga ginawa niyang pagtatanggol. Batid niyang hindi rin naman maganda ang pagtrato niya sa dating kaibigan dahil sa lihim niyang personal na galit dito. Subalit, bakit naapektuhan siya at may kirot sa kanyang dibdib kapag nakikitang ibang tao na ang nagmamalupit dito?

"What's your plan? How are you going to solve the problem you've done with my mother?" tanong ni Warren habang idinuduyan ang sarili sa kinauupuang silya at pinapaikot ng mga daliri ang hawak-hawak na ballpen.

"Magpapaalam po akong mag-halfday ngayon para mahanap ko po yung alahas. Pupuntahan ko ang mga boutiques na binisita namin baka sakaling matagpuan ko pa rin ito."

"Are you sure you can find it that way? Sa tingin mo ba kung sakali mang may makakita dito ay hindi nila ito pag-iinteresan?"

"Meron pa naman po sigurong mga natitirang taong may magagandang kalooban. K-Kailangan ko po itong makita dahil w-wala po akong maipambabayad sa halagang inabono niyo."

"That's the point! Then next time try to understand your responsibilities toward your work! Why can't you be more careful? You're assisting a person who have a grand lifestyle so you must have expected that everything you might touch is expensive. It might not happen only to my mother what if you're going to be asked to handle some of our items or assist some of our top models, are you going to do the same?!" pagtataas ng boses ng binata.

"Sorry po. Hindi ko po talaga sinasadya. May iniisip lang po akong problema kaya medyo nawala ho ako sa konsentrasyon..."

"That's your style! You always bring your problems to work. That's also the reason when we had arguments right? Bakit? Sa palagay mo ba ikaw lang ang may mga problema? Everyone here has their own set of problems! But you know what? They can separate it from work because just like what happened to you, they know that it will only result to more problems!"

Nagseryoso ng mukha niya si Lena at tiningnan sa mukha ang dating kaibigan ng may mamasa-masang mga mata. Masyadong mabigat na ang kinikimkim niyang mga saloobin at suliranin kung kaya't hindi niya napigilang huwag sabihin ang totoong nararamdaman.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon