Heartless (Published under Si...

By jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... More

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 6

1.6M 45.8K 17.9K
By jonaxx

Kabanata 6

Still No

"Mas importante sakin na maayos ka."

Umalingawngaw ito sa bawat sulak ng utak ko. Wala akong maisip kundi ito. Sinapa ng kabayo ang puso ko. Grabe... Kumalabog talaga iyon. Hindi ko na alam kung ngingiti ba ako o maiiyak sa sinabi niya.

Panay ang lagay niya ng cold compress sa tuhod ko.

"Hindi ka na pwedeng mag shorts." Ngumisi siya at tinignan ako.

Kumunot ang noo ko sa pagngisi niya.

"Teka, natutuwa ka ba na nadapa ako?"

Umiling siya at hindi parin natanggal ang kanyang ngisi.

"Ayaw mo bang nag sho-shorts ako?" Tanong ko nang unti-unti kong napagtanto ito.

"Hot compress na ba pagkatapos?" Binalewala niya ang tanong ko at bumaling sa nurse.

"Yes, Mr. Elizalde."

Napatingin ako sa nurse. Kilala talaga ang mga Elizalde kaya hindi na ako magtataka kung paano nalaman noong nurse ang apelyido ni Noah. Isa pa, sikat din ang banda ni Noah dito.

Kinuha niya ang hot compress. Pinunasan niya muna ang tuhod ko bago iyon nilagay.

"Hindi ibig sabihin na pag may magandang legs ka ay kailangan mo na iyong ipakita sa lahat, Coreen. Sometimes, it's better if you hide it."

Tumango ako at mas lalong lumaki ang ngisi.

Hayaan mo, Noah. Bukas agad magpapants na ako! Kung gusto mo balutin ko rin yung buong katawan ko para wala ng makakita. At narinig niyo iyon? Sabi niya maganda ang legs ko! Nag huhuramentado na ako dito. Ngising-aso habang pinapanood siyang seryosong naglalagay ng hot compress.

Sa kalagitnaan ng paglalagay niya ng hot compress ay nag ring ang cellphone niya. Sumulyap siya sakin at kinuha ang cellphone niya sa bulsa.

Hinawakan ko ang hotcompress nang sa ganun ay masagot niya ng maayos ang cellphone niya. Kaya naman ay nahawakan ko rin ang kamay niya. Nagkatinginan kaming dalawa saglit bago niya ito binitiwan at pumihit para sagutin ang cellphone niya.

"Hello, Warren?" Dinig ko saka lumayo na siya sakin.

Gusto kong malaman kung anong pinag uusapan nila pero masyadong mahina ang boses niya. Nang malapit na siyang matapos ay saka ko narinig ang mga bilin niya kay Warren.

"Hindi na. Paki sabi na lang sa kanila na may inaasikaso pa akong importante. Mauna na kayo sa bahay. Thanks."

Binaba niya ang cellphone niya at bumaling sakin. Uminit ang pisngi ko. Masyado talagang mabigat ang intensity ng titig niya. Minsan, hindi ko kayang titigan siya habang matama rin akon tinititigan pabalik.

"Ihahatid na kita sa inyo." Aniya.

"H-Huh?" Napalunok ako.

Minsan lang dumalaw ang grasya sa buhay ko pero sobra-sobra naman. Nag iwas siya ng tingin. Para bang ikanakahiya niya ang pagyayayaya niya sakin. No, Noah. Wa'g mong ikahiya.

"Sige... Aayusin ko lang mga gamit ko." Sabi ko.

"Wala ka na bang klase?"

Natigilan ako sa tanong niya. May dalawa pa akong klase. Pero kaya ko iyong isakripisyo para sa once in a lifetime opportunity na ito.

"Wala na..." I lied.

Tumango siya at tinignan ang tuhod ko.

"Well, kung ganun, iuuwi na kita sa inyo. Iyon ay kung ayaw mong buhatin kita galing sa isang klase mo papunta sa isa." Humalakhak siya at tinalikuran ako para magtawag ng nurse.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. P-P-Parang mas gusto ko atang pumasok na lang sa klase ko at buhatin niya ako ah? OH MY GULAY!

"Okay na ba siya?" Tanong ni Noah sa lalaking nurse.

"Okay na. Yung hot compress lang, ulit-ulitin kahit sa bahay para mas madali siyang mawala."

Tumango si Noah sa nurse at bumaling sakin.

"Kaya mo na bang maglakad?"

Kaya na. Pero dahil gusto kong alalayan niya ako... syempre... Napangiwi ako at...

"Hindi pa yata."

Tumango siya at naglahad ng kamay.

Pinunasan ko pa talaga ang kamay ko sa damit ko bago nilagay iyon sa kamay niya.

"Let's go, Coreen." Hinila niya ako saka hinawakan sa baywang.

Kakaibang electricity agad ang naramdaman ko sa hawak niya sakin. Iyong tipong hindi ko pa nararanasan kahit kanino. Lumingon siya sakin.

"Kaya?" Tanong niya.

"Mejo." Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko mapigilang ngumiti.

Kaya hayun at inalalayan niya ako papunta sa sasakyan niya. Ang swerte-swerte ko naman talaga. Binuhat niya na ako kanina, ngayon inalalayan, tapos ihahatid pa sa bahay.

"Uy, Noah!" Sabi nung kakilala niyang nakasalubong namin.

Nag iwas si Noah ng tingin sakin at ngumisi na lang doon sa kakilala niyang lalaki.

"Chancing ka, pre!" Aniya.

Humalakhak si Noah at umiling sa kakilala niya.

Uminit ang pisngi ko. Ngayong may nakapansin saming dalawa ay halos lahat na ang napalingon.

"Anong nangyari sayo, Coreen?" Tanong ng isang kakilala ko.

"Ah... Nadulas lang... Este nasamid pala."

"Ganun? Saan banda?" Tinitigan nung kilala ko ang mga tuhod ko.

"Sa..."

Nabigla ako kasi ngayon, mabilis na ang lakad ni Noah.

"Sa may Loyola Hall-" Hindi na ata ako narinig noong kilala ko dahil masyado na kaming napalayo.

Sumulyap ako kay Noah na ngayon ay mukhang nababanas na. Binitiwan niya ang baywang ko at pinindot ang alarm ng sasakyan niya.

"B-Bakit?" Nabigla naman ako sa biglaan niyang pagkakabadtrip.

"He's looking at your legs, Coreen. Not your... knees!"

Imbes na madurog ang puso ko dahil nakita ko ang galit sa mga mata niya ay nagbunyi pa ito. Lahat ata ng santo ay natawag at napasalamatan ko dahil sa asta niya. He's over protective!

"Huh? Eh nakatingin naman siya sa tuhod ko."

"No... He's looking at your legs." Bumuntong hininga siya at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.

BMW X5, Color White. Bagay na bagay sa kanya ang sasakyan niya. Simple. Misteryoso.

"Get in." Iminuwestra niya ang loob ng sasakyan.

Pumasok ako sa loob. First time ko ata itong makapasok sa loob ng sasakyan niya. Tuwang tuwa ako lalo na nang nakita ko siyang umikot para sumakay din. Hindi ako makapaniwala. May time talagang inilaan ang Panginoon sa lahat. Noon ko pa ito inaabangan pero ngayon lang dumating. Okay lang kahit naghintay at nasaktan ako noon, basta ngayon ay may ganitong moment.

Tahimik siyang nag drive. Ako naman, panay ang isip ko sa pwedeng gawing i-topic namin. Pero sa kalagitnaan ng pag iisip ko, siya ang nagsalita.

"Coreen..."

Napatalon ako sa bigla at napabaling sa kanya.

"Hmmm?"

"Tungkol nga pala... sa nangyari noong highschool pa tayo."

"B-Bakit?" Ngayon ay kumalabog na ang puso ko.

Hindi niya pala iyon nakalimutan.

"Sorry sa mga sinabi ko noon." Aniya.

Nag so-sorry siya? Ibig sabihin pinagsisisihan niya iyon? Nag bago na ba ang isip niya sakin?

"Okay lang. Naiintindihan ko naman." Sabi ko.

Natahimik siya. Hindi narin ako dumugtong.

"Saan ba ang inyo?" Tanong niya nang papasok na kami sa subdivision namin.

Alam niya pala kung saan ako nakatira. Pero hindi niya alam kung aling bahay sa village na ito. Itinuro ko sa kanya ang daan pero ang tanging nasa utak ko ay ang pinag usapan namin kanina. Nagsisisi ba siya?

"Dito lang." Sabi ko at agad mariing tinikom ang bibig.

Is this an opportunity? Paano kung pagkatapos nito ay hindi niya na ulit ako pansinin? Ano? Malakas ang pintig ng puso ko habang nag dedesisyon sa susunod kong galaw.

Lumingon siya sakin nang nagkasalubong ang kilay.

"Noah..." Nilunok ko ang kaba ko.

Isinantabi ko ang pride ko at ang mga pagdududa ko. I just don't want to waste this opportunity. This moment. Kung sana hindi na lang natapos ang pagdadrive niya. Sana buong araw na lang siyang nagdrive at hindi pa kami dumating sa bahay. Sana mas naenjoy ko pa ito... At sana hindi pa ako umabot sa ganitong desisyon.

"Nagbago na ba ang isip mo tungkol sakin?"

Napaawang ang bibig niya.

"I still like you, you know, walang nagbago." Nanliit ang boses ko habang sinasabi ko ito.

Binuksan niya ang bibig niya para magsalita pero hindi niya itinuloy.

"Hanggang ngayon... Ilang taon na rin ang nakalipas diba? Hindi na tayo mga bata."

Halos mabingi na ako sa lakas ng pintig ng puso ko. Linapit niya ang sarili niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Hahalikan niya na ba ako? Halos magkaheart attack na ako sa ginawa niya. Umaamba na ako sa pagpikit.

Kaya lang, kinalabit niya ang hawakan ng pintuan at binuksan iyon para makababa na ako.

"The answer is still no, Coreen. Still no..."

Continue Reading

You'll Also Like

134M 2.9M 80
Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At...
64.1K 428 5
c░o░m░p░l░e░t░e░d Matapos nilang lisanin ang upuan kung saan sila pinagtagpo at intinadhana, ay matatagpuan muli nila ang isa't isa. May pag-asa pa b...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
3.4K 306 53
LSU Series #1 Lee State University is a fictional school located in Tanay, Rizal. This story is also the first installment of Lee State University se...