In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 6

518 14 0
By Sevenelle

Gustong Makilala

Ilang minuto pa naming tinalunton ang malubak na daan bago namin maaninag ang batis sa di kalayuan.

"Ito ang bukuhan nila Luke. Diretso iyan hanggang sa may pinakadulo," wika ni King habang itinuturo ang malawak na lupain na puno ng mga tanim na niyog.

May mangilan ilang trabahante na naghaharvest ng mga buko. Napalingon ang mga ito sa amin at kinawayan si Luke. Kumaway naman pabalik ang huli.

"Bukuhan ni Don Lucas, King," muling pagtatama niya.

"Pareho lang iyon," katwiran naman ni King, na sinang ayunan ng lahat kasama ako.

Totoo naman iyon. Kanino ba mapupunta ito balang araw? Ang balita ko ay nag iisang anak si Luke ni Don Lucas at Donya Cynthia.

Hindi na lamang umimik si Luke at nagpatuloy sa pagmamaneho ng kuliglig.

Nang marating ang Carayan ay itinabi ni Luke ang kuliglig sa ilalim ng isang puno. Mayroong papag na gawa sa kahoy sa ilalim ng punong ito at doon namin inilagay ang mga dalang pagkain at mga gamit.

Saglit akong natigilan dahil sa pagkamangha sa ganda ng Carayan. Mabato ang kinatatayuan namin. Puno ang lugar ng mga maliliit na bato at sa bukana ng batis na naaabutan na ng tubig ay mas malalaking bato.

"Ang ganda di ba?" Tanong ni Mabel. I just nodded, unable to say anything because of adoration. God, this place is a paradise!

Ang lagaslas ng tubig ng batis ay tila musika sa aming pandinig. The crystal clear water was so inviting. It's making me want to jump on the water and just get drown on it. This place is amazing!

Ang mga puno sa paligid ay lalong nagbigay ng kagandahan sa lugar. Napakalinis. So refreshing. It is the best place to go to escape from frustrations and forget all the problems in the world. Ang makita lang ang lugar na ganito kaganda ay nakakapagpagaan ng damdamin.

"Maligo na tayo! Masarap ang tubig kapag malamig!" Excited na sigaw ni Michiko at mabilis na tumakbo palapit sa batis. Iniwan nito ang tsinelas sa tabi ng papag.

Ganoon rin ang ginawa ni Mabel at King. Lumingon ng bahagya sa akin si Toffy bago sumunod sa mga ito. Pansamantalang naiwan si kuya Jasper, Monette at Luke.

"Aren't you going to swim?" Tanong ni kuya Jas sa akin.

Nilingon ko si Mabel at Michiko na nagsasaya na sa tubig ng batis. "Kase.. Okay lang ba itong suot ko?"

Tinignan ni kuya Jas, Monette at Luke ang suot ko. Halos sabay sabay na kumunot ang mga noo nila.

"Your sundress is fine," agarang tugon ni Luke. Namula ako. Hindi iyon ang tinutukoy ko.

"No, I am actually asking if it is fine to wear my bikini here?"

I am very sure that I am freaking blushing right at the moment. Kung bakit ba kasi bikini pa ang sinuot ko? Like duh? As if I know na ganito pala. Damn, this is embarrassing!

Kagat labi akong tumingin kay Luke. Namumula rin siya. Tumikhim ito bago sumagot, "Just fine."

Tumingin ulit ako sa nang aakit na batis. I badly want to swim!

Wala ng ano ano, ay tinanggal ko ang flipflops ko at itinabi ito sa tsinelas nila Michiko. Walang hiya hiya ko na ring hinubad ang sundress ko revealing my yellow bikini. I am too excited to mind anything!

Hindi ko na nilingon ang tatlong naiwan at agad tumakbo sa tubig. Humampas ang lamig nito sa aking katawan.

"It feels great!" Sigaw ko.

Lumangoy kami nila Michiko at Mabel sa malalim na parte. Itinuro nila iyon sa akin dahil madalas sila rito at kabisado nila ang batis.

"Hanggang saan itong batis?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay diretso ito at mahaba," sagot ni Mabel habang lumalangoy palapit sa isang malaking bato. Sumunod kami ni Michiko sa kanya.

Ilang sandali pa ng magpasya kaming bumalik sa mababaw at maupo sa mga bato.

Naaninag namin si Monette na papalapit sa amin at may dalang mga plastic cup ng juice. "Para sa inyo."

"Thanks. Di ka pa maliligo?" Tanong ko. Umiling ito.

Sinundan ko siya ng tingin habang pabalik sa papag namin. Dumako ang tingin ko kay Luke na kakwentuhan si kuya Jas.

"Mayaman ba talaga ang mga Marquez?" Tanong ko sa dalawa habang sumisimsim sa juice. Hindi naalis ang tingin ko kay Luke na nakaupo sa kuliglig.

"Mayamang mayaman. Malaki ang sakop nilang lupa rito sa Arnedo. Pero alam mo, si Luke? Sobrang humble niyan. Ordinaryong tao kung kumilos. Laging tumutulong sa mga trabahante nila kaya kilala yan rito. Mabait at masipag. Ang swerte nila Don Lucas at Donya Cynthia riyan. Kung sa bagay, swerte rin naman si Luke kasi inampon siya ng mga ito."

Natuon ang atensyon ko kay Mabel nang sabihin niya iyon. "Ampon?"

"Oo! Anak si Luke ng pinagkakatiwalaang trabahante ni Don Lucas. May sakit ito at namatay. Hindi naman malaman kung nasaan ang  nanay niya kaya nagpasya ang Don na ampunin na lamang siya, bilang mabait at maawain ang mag asawa. Lalo na't hindi sila biniyayaan ng anak," paliwanag ni Michiko.

I was speechless. Ampon si Luke? I suddenly felt sorry for him. Namatay ang tatay niya dahil sa sakit at hindi naman mahagilap ang nanay niya? This is the most heartbreaking real life story I've ever heard. Mabuti na lang may nagmagandang loob na ampunin siya. The thought of him like a lost puppy along the middle of the road made me sad. Parang kinurot ang puso ko.

I've been with my real family my whole life. I don't exactly know how it feels like to grow without your real parents. Masakit? Nakakalungkot? But with Don and Doña Marquez who fulfilled the emptiness in him was a good thing. It is really true that in every devastation, there'll be someone out there to give you hope to continue living. But I am pretty sure that there's always that hole inside his heart.. The hole his parents had left.

"Luke, pare! Ligo na!" Anyaya ni King na lumalangoy di kalayuan sa amin.

Bumalik ang paningin ko kay Luke. Ngumiti ito sa amin at bumaba ng kuliglig. Now I wonder if his smiles were true? Ano kayang totoong nararamdaman niya sa likod ng mga ngiting ipinapakita niya?

My eyes doubled in size when he took off his shirt. His muscles flexed as he did it. My eyes travelled along his chest. So toned at broad. Oh damn, damn his sizzling abs!

Unang beses ko siyang makita na topless. Like duh? We just met a couple of days, what do you expect? At grabe, ngayon lang din ako nakakita ng ganitong katawan ng lalake.

Okay, Crane was toned and all. Pero itong si Luke ibang level! He is just..sizzling hot, peanut! Saan niya nakuha ang ganyang katawan? Was it because of working on the fields? May gym ba sila rito o sa bahay nila? Goodness, he seems perfect. Ang mukha, ang katawan pati ugali! My heart melts in adoration.

Unti unti itong naglakad palapit sa batis. Tila isang modelong rumarampa suot ang  isang board shorts at topless lamang.  And swear, kung pwede lang umusok ang sizzling abs niyang nasisinagan ng araw ay kanina pa ito nangyari!

Nahigh light ng sikat ng araw ang pinaghalong itim at brown niyang buhok. Magulo pa rin ito at bahgyang tinatangay ng hangin. His eyes were really deep and expressive that you could just get drown on it..get lost on it. And if I were to be lost one day, I want to be lost in his eyes.

Ipinilig ko ang ulo ko para matigil ang mga naiisip. Damn. One minute I was perving over his sizzling abs, the next minute I was fantasizing on losing in his eyes. Really Empress? You are practically losing your mind over this guy.

Mabilis akong nag iwas ng tingin mula sa pagkakatitig sa nag uusok niyang katawan. Just shit, I need to have my head checked. May psychological clinic kaya rito? Just in case I have to visit one. Malala na yata ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bato at nagsimulang lumangoy sa parteng malalim. Sa kabilang bahagi ng batis ay may naglalakihang mga bato.

Nakaramdam ako ng kuryusidad kung ano ang meron sa likod ng mga naglalakihang bato. Wait, is it dangerous to go there? Nagpatuloy ako sa paglangoy papunta roon sa pagnanais na malaman kung anong meron.

Napadpad ako sa likod ng mga bato. Medyo bumabaw na ang tubig sa parteng ito ng batis. Wala naman akong ibang nakita kundi mga bato lang din. Pero mas malamig ang tubig rito. Kaya nagpasya akong manatili sandali.

"Enjoying alone?"

Nagulat ako sa baritonong boses na pumailanlang sa likuran ko.

Abala ako sa pagtatampisaw at pagnamnam sa malamig na tubig nang magsalita si Luke.

"Bakit ka nandito?" Totally shocked by his presence, this is the only phrase I managed to compose.

"Sinundan kita."

Okay, that sounded creepy. Stalker lang? Tumingin ako sa brown niyang mga mata. "Bakit?"

"Wala lang. I just thought you want some company," he shrug, making his shoulders flexed. Hindi ko napigilan ang pagbaba ng tingin ko sa sizzling abs niya. Damn, he should be forbidden from being topless. It is very distracting!

Tumikhim ako at ibinalik ang tingin sa mga malalim niyang mga mata. "Bakit mo naman nasabi?"

Tumalikod ako sa kanya at lumangoy papunta sa malaking bato. Naramdaman ko ang pagsunod niya.

"Fine, sinundan kita kasi gusto kitang samahan."

Tuluyan na kaming nakalapit sa bato. Sumandal ako rito at ganoon rin ang ginawa niya. "Bakit mo ako gustong samahan?"

Mabilis siyang sumulyap sa akin at ibinaling ang tingin sa kahabaan ng batis. I am always comfortable with guys around. Nasanay ako sa Maynila lalo na't marami akong lalaking kasamahan sa pagmomodelo. But with Luke around? Specifically beside me? I am feeling this kind of gut-wrench but at the same time comfortable. I don't know. I just can't explain.

"I just feel like."

Tumitig siya sa akin. I felt my stomach twitched. Mabilis ding gumapang ang init sa magkabilang pisngi ko dahil sa lalim ng tinging ipinupukol niya sa akin.

"You're blushing." Ngumisi ito sa akin. Isang pilyong ngisi na sa loob ng ilang ulit naming pagkikita ay himalang nakabisado ko na.

"No, I am not." Depensa ko. Like the hell I am going to tell him that I am blushing because of him?! No freaking way!

"You are."

"Whatever," I responded rolling my eyes. He chuckled sending me shivers down my spine.

Sandaling katahimikan ang pumaibabaw sa amin. Tahimik lang pero hindi nakakailang. Yong tipo ng katahimikan na nakakapagbigay ng kapayapaan.

"Bakit kayo napadpad dito sa Arnedo?" Tanong niya na bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin.

"Ipinagkatiwala ng tito Carlos ko ang bukid kay Papa. Ayaw naman kami iwanan sa Manila kaya pinasama kami rito."

"Gusto mo ba dito?"

Sandali akong natahimik sa tanong niya. Gusto ko ba dito? Then I remembered everything that happened before we went here.

Tumingin ako sa mga mata niya. "No. I don't like here. My life's in Manila. At iniwan ko ang buhay ko nang pumunta kami rito sa probinsya."

Tinignan niya lang ako. Akala ko ay hindi na siya magsasalita. "Pero bakit ka sumama kung ayaw mo pala?"

"Simple. I was forced to. At isa pa, wala akong choice dahil ito ang gusto ni Papa. Kung pwede lang akong magpaiwan roon ay gagawin ko. Pero wala eh.. I am here! Stranded sa isang uncivilized na probinsya ng Arnedo."

I laughed with pure bitterness. God, I've never been this pathetic all my life. "I can't believe I am telling you this," dagdag ko pa.

Humalakhak siya ng bahagya. Napatawa rin ako dahil sa pagiging madrama ko all of a sudden. Kung bakit kasi nagtanong pa siya. I totally feel silly.

"So kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik ng Maynila, babalik ka?" Seryosong tanong nito.

"We will go back eventually. We're just gonna stay here for a year. Or hopefully walang isang taon."

"Ayaw mo talaga dito, ano?" Natatawang komento niya. Umiling ako.

"Hindi ko masasabi. Siguro sa ngayon ayaw ko pa. But who knows? I might love staying here the next month."

Totoo iyon. Malay natin diba? Mabilis magbago ang panahon. Pwedeng magbago ang nararamdaman. Maybe for now you are hating something.. But who knows if you will learn to love it eventually? Or even fall for it deep along the process? No one knows.

"But I'm going to make you love to stay here.."

Mabilis ang naging paglingon ko sa kanya. Sumalubong ang pamilyar na brown na mata sa paningin ko. I don't know how it became familiar when everything seems so fast.. But I just feel like it is now very familiar. His brown eyes.. His deep gaze that makes me lost for a moment.

"..stay here 'til you wish to live here forever."

Nahulog ang panga ko. May malikot na kiliting bumalot sa sistema ko. I can feel my stomach twisting..doing an undefined kind of dancing. Damn. How could someone make me feel this way?

Then his words echoed in my jumbled head..

I don't think he still have to make me love to stay here..

Kasi ngayon pa lang parang gusto ko nang manatili rito. I just can't explain why?

Bilang nagulo ang sistema ko dahil sa mga sinabi niya. Why is he telling me all this? All of a sudden? Is he just playing a trick on me? Just trying to get in my pants?

And why do his words starting to bug me?

"Empress.. Gusto pa kitang makilala."

And I didn't know his next words would turn my world upside down. Would get my every nerve palpitate. And would get my heart dance in its own music... Lub dub.. Lub dub.. Lub dub..

Continue Reading

You'll Also Like

862 242 68
Seraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something hea...
2.8K 479 44
METANOIA SERIES #1 People say that your childhood is your happiest stage in life so you have to enjoy it, but Natasha's was different. She experience...
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
34.4K 3.1K 45
Escaping an abusive man who claimed to be her husband is an endless nightmare for Gabriella Almarillo.