In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 5

574 16 8
By Sevenelle

Biniyayaan

There are things that come unexpectedly. Iyong tipong ni hindi mo alam kung kailan, para saan, at bakit ito dumating. Matatanto mo na lamang na heto na, nasa harap mo na, at hindi mo na matatakasan pa.

Napabuga ako ng hangin bago lumabas sa kusina upang bumalik kila Michiko. Naabutan ko ang mga ito na nakaupo at nagkakatuwaan habang may kanya-kanyang hawak na baso.

Nang mapansin ako ni King ay mabilis niya akong tinawag at tinapik ang bakanteng upuan sa pagitan niya at ni Monette.

"Lika dito, Empress! Tikman mo itong dalang lambanog ni Luke! Never miss it for the world!" Nagkatawanan dahil sa sinabi at inasta nito. Nahihiya akong lumapit sa mga ito at umupo sa inalok niyang upuan.

I can feel every eyes on me habang iniaabot ni King ang baso na may lamang lambanog. Tinanggap ko ito at nag-alinlangang tikman. Ano bang lasa nito? Baka naman kasing baduy ng mga stereotype na probinsyano?

"Tikman mo na, Manila girl. Safe yan," biglang sambit ni Luke at mabilis na dumapo ang paningin ko sa kanya.

Naroon at nakapaskil ang pilyong ngiti nito. Mabilis na gumapang ang init sa magkabilang pisngi ko dahil sa uri ng pagkakatitig nito sa akin.

"Walang lason iyan," may multo ng ngiti sa kanyang mga labi.

"I never said that," kibit balikat ko at bahagyang umirap. Tinukso nila si Luke dahil sa pambabara ko rito. Hindi naman ito mukhang pikon dahil panay pa rin ang tawa at ngisi nito sa akin.

"Taray naman ni Manila girl. Ganyan ba kayong mga tiga Maynila? Nakakatakot namang mapadpad roon kung ganoon," wika niya habang sumisimsim sa hawak na baso. Binigyan ko siya ng matalim na tingin ngunit ngumisi pa itong lalo.

Nakaramdam ako ng matinding pagkainis sa bawat reaksyon na ipinapakita nito. Damn this greek god! He's getting into my skin!

"Cheers!"

Nagsikampayan ang mga ito at wala akong nagawa kundi itaas rin ang baso ko at makikampay. Nang ibaba ko ang aking baso ay naabutan ko ang malalim na tingin ni Luke mula sa kabilang bahagi ng mesa. Gumapang ang init sa aking magkabilang pisngi. Naroon rin ang hindi maipaliwanag na kiliti sa aking kalooban..nanunukso at mabilis na kumalat sa bawat ugat ng katawan ko. I'm so uncomfortable! Napaiwas ako ng tingin at napatungga ako sa hawak kong lambanog.

Damn, it tastes good! Kakaiba ang lasa nito. Manamisnamis at may kaunting asim.

"Saan gawa ito?" Bulong ko kay Monette sa tabi ko habang inginunguso ang lambanog sa gitna ng mesa.

"Sa niyog. May pagawaan sila Luke niyan. Inaangkat din nila papunta sa karatig lugar. May malawak silang taniman ng niyog malapit sa Carayan na pupuntahan natin bukas. Madadaanan iyon."

Bago pa maubos ang lambanog na dala ni Luke ay nakaramdam na ako ng pagkahilo. Mukhang tinamaan na rin ang mga kasama namin dahil mas maingay na ang mga ito. Pagabi na at halos hindi ko na maaninag ang paligid. The darkness has started to envelope the place.

Damn, did I just get drunk over this weird liquid namely lambanog? Malakas ako uminom kapag nagbabar kami sa Maynila pero never pa akong tinamaan ng ganito. I can even drink ten shots of whiskey and margarita without getting shitly screwed up!

"Ilabas ang gitara!"

Maya-maya pa'y nagkatuksuhan na nang maglabas ng gitara si kuya Jasper. Mabilis nila itong pinagpasapasahan at nagsikanta sa himig ng mga katutubong awit. Madaling sabayan ang himig nito ngunit hindi ako makasabay dahil awkward ito sa aking pandinig at hindi ko alam ang lyrics.

"Dugtungan tayo!" Yaya ni Billy at mabilis na ipinasa kay Luke ang gitara. Umusli ang bawat hubog ng braso ni Luke nang abutin nito ang gitara mula kay Billy. "Umpisahan mo pareng Luke!"

Humalakhak muna si Luke bago kiniskis ang gitara sa saliw ng tono na madaling sabayan at gawan ng liriko. Tila nang-aakit ang bawat kumpas ng kanyang mga daliri sa string ng gitara. Mabilis at masigla.

"Sa probinsya ng Arnedo, may Manilenang nadayo," paawit na umpisa niya sa tono na nililikha ng gitara.

Nakangiti ito sa akin at tila nanghahamon ng titigan. Ang baritono ngunit swabeng boses niya ay umalingangaw sa bakuran. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mapagtanto na ako ang kanyang tinutukoy sa nilikhang liriko.

"Maputi, marikit, magandang dilag. Nakasuot ng dilaw at nakaupo sa hapag~"

Nagsitawanan ang lahat nang mapagtanto ang tinutukoy nito na walang iba kundi ako.

"Next!" Sigaw ni Rafael at siya ang sumunod na nagtuloy ng kanta.

"Kaibigan ko'y tila naaliw, paningin sa magandang binibini'y di na nabitiw~ Mata niya'y tuluyang nadikit, sa mukha ni Empress na marikit~!"

Nagsitawanang muli ang mga ito dahil sa nagawang impromptu lyrics ni Rafael. Inulan siya ng tukso at idinamay pa ako.

Dumapo ang tingin ko kay Luke na siyang kumikiskis sa gitara. Bakas ang tuwa sa kumikinang nitong mga mata at nakangiting mga labi. May bakas rin ng pamumula sa leeg nito. Hindi ko alam kung tanda ng pagkakalasing o kung ano. Then i wondered, how could someone be so adorable like he is?

"Ako ulit!" Sabi ni Luke at muling umawit. "Tunay nga ang sinabi ni Rafael~ Tinamaan nga sa isang anghel~ Ngunit tila ayaw ng probinsyano, nais yata'y kapwa Manileno~?"

Tiyak kong pumula ng husto ang aking pisngi dahil sa kanta nito. Ang boses niya'y tuluyan nang nagbigay ng kiliti sa kalooban ko at lalo pa itong dinagdagan ng kanyang kanta. Goodness, what the hell is happening to me? Ganito ba kahirap magpangalan ng isang pakiramdam na kailanma'y hindi mo pa naranasan? 'Coz hell, it's driving me crazy!

"Teka teka! Dapat may sagot riyan si Empress!" Tukso ni Katy na sinamahan pa ni King at Michiko.

Damn. Anong sagot ang tinutukoy nila?

"Paano?" Tanong ko kahit hindi ko rin maintindihan kung ano bang itinatanong ko.

Seriously? I was never this kind of stupid. Pupwede bang magtanong ng hindi alam kung ano ang itinatanong? I'm so impossible!

"Dugtungan mo din," excited na tugon ni Myth na nakikitawa rin. "Sagutin mo iyong mga pinagsasabi ni Luke."

"Hindi ako marunong," nahihiya kong rason.

Totoo namang hindi ako marunong sa pinapagawa nila. At isa pa, hindi ko alam ang isasagot ko. Really, Empress? Usal ko sa sarili ko.

"Kahit ano! Sige na! Basta kung anong masabi mo," pangungumbinsi pa nila.

Geez, am I really going to do this? Marunong naman akong kumanta pero hindi ang gumawa ng partikular na lyrics! Do I look like a freaking composer? Duh?

"Kahit ano?" Paninigurado ko. Nagsitanguan sila at napadpad ang mata ko sa adonis na kumakaskas sa gitara. God, he looks good with the guitar. Oh man, nababaliw na yata ako. "Don't laugh at me, please."

Ilang sandali akong natahimik upang mag isip. He can flirt, huh? Then let's do some flirting. Tumikhim ako bago nagsimulang kantahin ang gusto kong sabihin. Tuloy-tuloy lang ang kaskas ng gitara.

"Hindi inaasahang makita, makisig na binata~ Sa Arnedo lang pala matatagpuan, lalaking hinubog sa diyos ang katawan~ Tila Adonis na nanirahan sa lupa, taglay ang tikas at kisig ng mukha~ Pero sorry ka hindi ako tanga, hindi mo madadaan sa ganda ng itsura at matamis na salita~!"

Nahinto ang tunog ng gitara. Pumailanlang ang matinding katahimikan.

What the hell? Anong ginawa ko?

Matapos ang ilang segundong katahimikan ay pumutok ang hiyawan at tuksuhan. Mabilis na gumapang ang init sa mukha ko. Goodness! Nakakahiya!

"Luke panis ka!"

Umalingawngaw ang tawanan. Nakangisi at umiiling lang si Luke habang inuubos ang nasa kanyang baso. Nagtama ang pangingin namin at ilang sandali akong nalunod sa titig niya. May kung anong umikot sa sikmura ko dahil sa tensyon ng tinging ipinupukol niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at kinalma ang naghuhuramentado kong sistema.

Nasa iba na ang paningin ko.. But the image of his intense gaze just can't leave my mind.

Damn, I'm out of this! Mabilis akong tumayo at tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila Michiko.

That man's driving me out of my mind!

I almost can't remember how the night ended. Ang tanging malinaw sa mga alaala ko ay ang mga matang iyon.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa bed side table at hindi na nag-abalang tignan ang caller.

"Empress! Ready ka na ba? Papunta na kami diyan!" Boses ni Michiko ang bumungad sa akin. Matinis at sobrang excited kaya napabangon ako bigla. Ano bang meron ngayon?

"Oh my! Ngayon nga pala iyong sa Carayan!" Hindi magkamayaw na tili ko.

Napalingon ako sa relo at agad pinatay ang tawag ng walang sabi-sabi. Diretso ang lakad ko patungo sa banyo at diretso ligo na rin.

Matapos ang trenta minutos ay ayos na ako suot ang isang sundress.

Pagbaba ko ay naroon na si King at Monette. Nakasuot ang mga ito ng simpleng shorts at T-shirt. Hiyang hiya naman sila sa sundress at Havaianas na flipflops ko.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko sa mga ito.

"Kararating lang," sagot ni Monette. "Papunta na rito sila kuya Jas dala yung sasakyan natin pa-Carayan."

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarinig kami ng isang maingay na tunog mula sa tapat ng bahay. Iyon bang parang tunog ng isang wangwang na sasakyan na may kasamang pabugso-bugsong. Napalabas kami ng bahay. Masakit ito sa aking pandinig at nakakairita.

Bumungad sa amin ang isang sasakyang pangbukid na walang bubong. May kahabaan ito dahil sa nakadugtong na makina at mahabang hawakan na tingin ko ay manibela.

Naroon at nakasakay sila Michiko, kuya Jasper, Mabel at... Luke? Anong ginagawa ni Luke rito? At bakit siya ang nagmamaneho niyang nakakairitang sasakyang pangbukid?!

"Empress! Monette! King! Halina kayo rito!" Tawag ni Michiko na nakangiting malapad. Tumigil rin ang makina ng nakakairitang sasakyan. Geez, I think I just broke my eardrums.

Paglapit namin ay nakita ko ang mga gamit naming nakasay dito. "Marami kaming dalang pagkain," wika ni Mabel.

"Sakay na, bilis!" Anyaya ni Michiko na nagpanganga sa akin. Mabilis na dumako ang hintuturo ko sa sasakyang nasa harap ko.

"Diyan? Sasakay diyan?"

Ako? Si Empress Cabrerra sasakay sa sasakyang pambukid na sobrang ingay at nakakairita? Oh God! I can't believe it! If Molly will know about this she'll surely laugh the hell out at me!

"Sakay na. Safe ito," napalingon ako kay Luke na nagsalita. Mabilis siyang lumapit sa kinatatayuan ko sa likod ng sasakyan. "Kuliglig ang tawag dito. Just in case you never heard about this thing."

Sandali pa akong natulala sa kanyang brown na mata at sa manipis na tapyas nito sa kaliwang kilay. Nang mapaso sa kanyang malalim na tingin ay ibinaling ko ang mata sa kuliglig. Sasakay ba talaga ako rito? Goodness! I never imagined myself riding a kuliglig!

"Can't we just use another car? Yong Everest nila Michiko? O yong Hilux niyo Mabel?" Nag isip pa ako ng ibang dahilan para lang hindi makasakay sa kuliglig.

"Ano ka ba, Empress. Masayang sakyan itong kuliglig! Bagong experience para sayo!" Pamimilit ni Mabel at nagsitanguan ang lahat. Si Luke lang ang nanatiling nakatitig sa akin.

"Tsaka mahirap ang daan papunta sa Carayan. Mas makikita mo rin ang tanawin kung ito ang sasakyan natin." Dagdag pa ni kuya Jasper, leaving me with no choice.

Inilahad ni Luke ang kanyang kamay sa harap ko. "Trust me."

Ang dalawang salitang iyon ay tila kay bilis kong paniwalaan dahil nagmula sa kanya. Wala akong maapuhap na rason ngunit iyon ang aking naramdaman.

Ilang segundo pa akong natigilan dahil sa simpleng gesture niya. Inabot ko ang kamay niya at tinulungan niya akong humakbang paakyat sa kuliglig. Naroon na naman ang kakaibang kuryente sa kalooban ko habang magkalapat ang kamay namin. I feel like my heart just skipped a beat.

"Salamat," wika ko at mabilis na bumitaw sa pagkakahawak niya nang maramdaman ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko. Damn it, Empress! Kailangan talaga magblush ano?

Umupo na ako sa upuang bakal ng kuliglig. Mabilis na bumalik si Luke sa harap at kinuha ang isang tool na hindi ko alam kung ano ang tawag. Ikinabit niya ito sa makina saka pinihit paikot ng ilang beses.

Lumitaw ang bawat biyak ng muscles at ugat sa kanyang kanang braso. Real shit! Ang hot ng biceps at triceps niya! Ano kayang pakiramdam na hawakan iyan? O ang makulong sa mga brasong iyan? I mentally slapped myself for thinking like a maniac. Nakakahiya ang mga naiisip ko!

Pumailanlang ang nakakabinging tunog ng kuliglig at mabilis akong napahawak sa railing nito dahil sa nakakagulat na pag-uga. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Luke. Marahil ay nakita nito ang pagkabigla ko. Uminit ang pisngi ko sa hiya at inis.

"Here we go Carayan! Wooooh!" Sigaw ni Michiko.

Nagsimulang umandar ng mabagal ang kuliglig. Tinalunton nito ang makipot at bitak bitak na kalsada.

"Wala na bang ibibilis ito?" Tanong ko ng mapansin na hindi bumubilis ang takbo. Humalakhak sila Michiko at nakita ko ang mabilis na paglingon ni Luke habang nakangisi.

"Ganito lang talaga ito, Manila Girl."

Ramdam ko ang ngisi ni Luke habang sinasabi iyon. Nahihiya akong tumango. God, I feel so silly. Pero baka hindi na kami makarating sa pupuntahan namin kung ganito kabagal ang takbo nitong kuliglig?

Lumiko kami pakanan kung saan hindi na sementado ang daan. Muling lumitaw ang mga biyak ng braso ni Luke. My breath hitch for a second. Good God, why is he so freaking super hot? Hindi ba pwedeng hot lang? Talagang super hot pa? Ganon mo po ba siya kamahal at biniyayaan mo siya ng bongga?

Ipinilig ko ang ulo para itaboy ang kamanyakang nagsisimulang lumason sa isip ko. He is driving me insane! I won't be surprised if I'll found myself in a mental hospital one of these days.

Tuloy-tuloy ang pagtahak namin sa bakong daan. Bawat pagtalbog namin ay siyang tuluyang pag alog ng utak ko. Hindi ko nga ikamamatay ang pag poprobinsya pero ikababaliw ko naman!

"Ito ang lupain ni tito Carlos," sabay turo ni kuya Jas sa kanang bahagi ng daan. Maluwang iyon at mula sa malayo ay kita namin ang mga pananim na tubo at mais. "Sa kabilang dako niyan ay ang palaisdaan na kaugnay ng batis."

Pinagmasdan ko ang paligid habang nakalagay ang kaliwang kamay ko sa tapat ng aking noo. Patirik na ang araw at nakakasilaw ito ngunit hindi masakit sa balat. Humahampas ang masamyong hangin sa aking mahabang buhok.

"Kasunod na ang lupain ng mga Marquez," sambit ni kuya Jas at itinuro ang lupaing nababakuran ng mga alambre. "Hindi tanaw ang dulo nito. Ganoon kalawak ang lupain nila Luke."

"Lupain lamang ni Don Lucas Marquez, Jasper," pagtatama ni Luke at bahagya kaming nilingon sa likuran.

"Ikaw rin naman ang magmamana niyan," kibit balikat at nakangising tugon ni kuya Jas. Hindi umimik si Luke sa sinabi nito.

Sinuri ko ang malawak na lupain. Mas malawak pa sa lupaing hawak ng mga Cabrerra. Kita sa malayo ang mayayabong na pananim ng tubo, mais at pakwan.

Ganito kayaman ang mga Marquez?

Napatingin ako kay Luke na nagmamaneho sa kuliglig. Nagmamay ari sila ng ekta ektaryang lupain pero napakasimple niyang tao. Napaka down to earth para sa isang haciendero.

Napakagat ako sa labi ko. Luke Timothy Marquez, why are you like that? You're digging my curiosity. You make me want to know you more.

Damn, is this bad? To want to know someone this bad?

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.4K 853 90
Blue and Jai were cousins ​​and they had a relationship that their family never imagined.
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...