Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Finale
Epilogue
Special Update #1
Special Update #2
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Chapter 48

286K 3.4K 169
By asherinakenza


Chapter 48

KEI'S P.O.V


Ngayon na ang alis ni Kyle, nandito na kami sa airport. Kasama ko ang Mommy at Daddy niya, gusto sanang sumama ng mga kapatid niya kaso may klase sila.



"Yung passport mo? Ticket?" Paalala ko sakanya.

"Eto na baby..." Ipinakita niya sa akin ang passport at ticket niya.

"Sigurado ka bang wala kang inalis sa maleta mo?"



Hinila niya ang kamay ko at hinaplos ang tiyan ko.


"Kumpleto na lahat baby...magaling yata mag ayos ng gamit itong asawa ko." Pagyayabang niya.


"Kyle ha? Kumain ka don... Felix ikaw na muna ang bahala sakanya ha? Kapag may lagnat siya wala siyang ibang gustong kainin kundi sinigang lang." Sabi ko, dahilan para halikan niya ako sa labi.


Kasama kasi niya si Felix, actually sabay pala silang nagpasa ng papers nila sa New York. Nakakaproud lang na talaga.



"Sobrang maasikaso nitong misis ko... Love, pasamahan niyo siya kay Misha." Bilin ni Kyle.


"Ano ka ba anak, sabi ko nga dito kay Kei sa bahay na lang siya tumira hangga't wala ka. Yung kwarto mo na lang ang gagamitin niya." Nakangiting sabi ng Mama niya.


"Oo nga baby, dun ka na lang muna." Pag sang ayon ng asawa ko, hinawakan ko ang likod niya.


"Hindi na po Tita--"


"Mama hija." Nakangiting pagtatama sa akin ni M...mama.


"Ah...Mama... Ayoko naman po kasing iwanan yung bahay namin ni Kyle." Ayoko talaga dahil baka mamaya magkamulto pa yon, biro lang. Pero mas gusto ko kasi tumira sa bahay naming mag asawa.


Maya maya pa narinig nanamin na tinatawag na ang flight nila. Humalik na si Kyle sa Mama niya at niyakap naman niya ang Daddy niya.


"Mag ingat ka don. Trabaho ang pupuntahan mo hindi yung mga models don." Bilin ng Daddy niya.


"Oo naman Dad. Hindi naman ako mambababae don." Natatawang sabi ni Kyle.


"Siguraduhin mo lang."


"Yes Dad." Nakangiting sagot niya, bumaling na ulit sa akin si Kyle, nakangiti siya sa akin, ikinulong ng palad niya ang magkabilang pisngi ko, tinitigan niya ang mukha ko na para bang kinakabisa niya ang bawat anggulo nito.



Tinitigan niya ang mata ko, hindi ko mapigilan ang mapaiyak, mamimiss ko siya ng sobra sobra! Mamimiss ko ang kayabangan nitong asawa ko. Pinunasan ng thumb niya ang luha ko.


"Baby, pagbalik ko dapat kabisado mo pa rin yung moves para sa susunod na kambal." Pang aasar niya, hinampas ko siya sa dibdib niya, nagtawanan naman sila Mama.


"Mag ingat ka dun ha? Tawagan mo ako kapag may oras ka... Yang mata mo gagamitin mo lang para sa trabaho ha!" Umiiyak na sabi ko sakanya.


"Promise baby..." Bulong niya at napapikit ako ng bigyan niya ako ng isang malalim at dahan dahan na halik sa labi, para bang ayaw na niyang paghiwalayin ang labi naming dalawa.


"I love you Kei..." Bulong niya at niyakap ako, maya maya pa napasinghap ako ng lumuhod siya at hinawakan ang bewang ko saka hinalikan ang namimilog kong tiyan.



"Cloud... Sky?" Halos mapatawa ako sa ipinangalan niya sa anak namin, kagabi kasi bago kami matulog pinag usapan namin ang ipapangalan sa kambal, gusto ko sana Luke at Ethan, may nabasa kasi akong story sa wattpad na ang pangalan nung kaibigan nung bidang lalaki ay Luke saka Ethan, pero ayaw ni Kyle masyado na daw maraming may ganung pangalan mas maganda daw ang Cloud at Sky.



"H'wag makulit paglabas. H'wag niyong pahihirapan si Mommy." Bilin niya at napatawa ako ng biglang gumalaw ang isa sa mga anak ko, mukhang naramdaman naman ni Kyle yon dahil napangiti rin siya.


Tumayo na siya at hinalikan ang noo ko.


"Mag ingat ka dito baby ha? I love you..."


"I love you so much Kyle."


____



Isang buwan na ang lumipas, at totoong bihira na kaming makapag usap ni Kyle, dalawang beses palang kami nakakapag usap simula ng dumating siya don, pero naiintindihan ko naman yon.


Eight months na rin ang tiyan ko at nararamdaman ko ng mas lalo akong nahihirapan sa pagbubuntis ko, pero kaya ko naman.


"Ate! Dapat hindi ka na bumaba, eto na nga oh dadalhan na kita ng pagkain." Suway sa akin ni Misha, gaya ng ibinilin ni Kyle, dito sa bahay namin pansamantalang nag stay si Misha para samahan ako, may isang katulong naman kaming kasama.


"Ano ka ba Misha kaya ko naman noh."



Hawak hawak ko ang balakang ko ng maupo ako sa couch, dun kami kumain ni Misha sa sala.


Pero habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin biglang dumating si Marie.


"Buntis!May dala akong mga gamit para sa dalawang pamangkin ko-- oh! Hi!" Biglang bati ni Marie ng makita niya si Misha, nagkakilala na sila sa kasal namin ni Kyle.


"Hello Ate Marie..." Bati ni Misha.


Agad umupo si Marie sa single couch at isa isang inilabas yung mga damit na pangbaby!


"At kahit ayoko sa palaka! Binili ko pa rin sila ng damit na kerokeroppi! Grabe ka sis ha! Ano bang nagustuhan mo kay kerokeroppi?!"



"Kulay green kasi siya Marie!" Masayang sigaw ko at hinablot yung damit, ang cute lang. Excited na akong makita na suot suot ng mga anak ko 'to.


Biglang nagring yung cellphone ni Misha.


"Si Kuya!!" Sigaw niya at kaagad na ibinigay sa akin yung cellphone.


"Kyle!!" Hiyaw ko!


[For Pete's sake baby! Nag alala ako sayo, bakit hindi mo sinasagot yung cellphone mo?] Halata nga ang pag aalala sa boses niya.


"Sorry...naiwan ko kasi sa kwarto yung phone ko, nandito kami ni Misha sa sala..."


[Akala ko kung napano ka na...]


"Masyado ka naman... Wala kang trabaho ngayon?"


[Kauuwi ko lang baby, online na ako sa skype.] Masayang balita niya! Kaagad kong pinatay yung cellphone ni Misha at nagmadaling umakyat sa kwarto! Mabilis naman akong sinundan ni Marie para alalayan, pinagalitan pa niya ako dahil sa pagmamadali ko. Eh sa namimiss ko na ang asawa ko.



Binuksan ko kaagad ang laptop ko at nag online sa skype. Napangiti kaagad ako ng bumungad sa screen ang mukha ng asawa ko, nakasando pa ang loko at gulo gulo ang buhok niya na halatang kagagaling sa pagligo.


"Hi baby... Namiss kita." Halos magwala ang puso ko ng marinig ko ulit ang boses niya.


"Namiss din kita... Kumain ka na ba?"


"Opo, kanina bago umuwi kumain muna kami ni Felix."


"Anong oras na ba jan?"


"Mag aala-una na ng madaling araw baby..." Sagot niya sa akin.



"Maaga ka pa yata bukas..." Malungkot na sabi ko, kawawa naman ang asawa ko.


"7am ang pasok ko baby, pero okay lang, kaya ko naman. Ang mahalaga makausap kita... Kumusta ang buntis kong asawa?" Paglalambing niya.


"Eto, lalabas na sila next month..." Balita ko sakanya.


Bigla siyang natahimik, pero nakangiti pa rin siya...


"Ang taba mo baby, kung nandiyan ako palagi kitang kayakap."



"Pag ako sumexy na ulit!"


"Haha! Pag ikaw sexy na ulit gagawa na ulit ng bagong kambal para tumaba ka na ulit." Pang aasar niya...


"Nakakainis ka Kyle!"


"Hahaha! Mahal kita."


"Mahal din kita..." Grabe... Hindi ko akalain na mas may ititindi papala yung pagmamahal ko para sakanya ngayong sobrang layo niya sa akin... Totoo pala yung kapag long distance relationship talagang mas lalong nagwawala yung puso mo dahil sa kagustuhan mong mayakap at mahalikan siya.


Napansin kong dumapa siya at ibinaba niya yung laptop...


"Hindi ba malamig jan baby? Nakasando ka lang." Puna ko sakanya.


"Malamig, suot ko nga yung pinadala mong kerokeroppi na pajama...May regalo ako sayo baby!" Biglang naging excited yung tono ng pananalita niya, napansin kong may kinuha siya dun sa bedside table.


"Here, Mommy." Itinapat niya sa camera ang isang malaking kerokeroppi na stuff toy!!


"Wow! Daddy!" Hindi ko napigilan sumigaw!


"Malapit mo ng mayakap 'to Mommy..."


"Ipapadala mo?" Nakangiting tanong ko.


Tumango lang siya bilang sagot. Ibinaba na niya ulit yung stuff toy tapos napatawa ako ng ilapit niya yung labi niya sa camera at hinalikan ito ng may tunog.


"Nakakamiss yang labi mo!" Sigaw niya! Oo sumigaw siya na para bang naiinis dahil hindi niya ako mahalikan, inilapit ko din yung labi ko sa camera at hinalikan yon.


"Sarap naman non..." Masayang sabi niya...


"Magpahinga ka na Dad, maaga ka pa mamaya..." Sabi ko sakanya.


"Mommy.............." Matagal na tawag niya sa akin.


"Uwi na kaya ako?" Natatawang sabi niya.


"Baliw ka talaga Daddy."


"Haha. Biro lang baby... Sige magpapahinga na ako, teka baby sinusunod mo ba lahat ng sinasabi ni Doctora? Magpa-admit ka na kaya sa ospital baby!!" Pag aalala niya.


"Ano ka ba Kyle next month pa ako manganganak!" Natatawang sabi ko.


"Kaya nga, buong isang buwan dun ka na baby para hindi ako nag aalala sayo."


"Ang gastador mo talaga!" Suway ko sakanya.


"Ano ka ba baby kaya ko naman bayaran yon, ang importante maging safe ka."


"Kyle, ang sabi ni Doctora two days bago ako manganak i-a-admit, kaya h'wag ka ngang oa jan." Natatawang sabi ko sakanya, tinawanan niya rin ako.


"Magpahinga ka na." Ulit ko sakanya.


"Yes baby..."


"Teka uminom ka na ba ng vitamins?" Halos magkasabay na tanong namin yon kaya napahalakhak kaming pareho.


"Haay... Sige na baby matutulog na ako. I love you! Nakakamiss naman ang asawa ko." Paalam niya. Kumaway kaway ako.


"I love you too Dad... Miss na rin kita, mag ingat ha?" Tumango tango siya at inilapit ulit ang labi niya sa camera bago siya nag log out.


Huminga ako ng malalim sa harapan ng laptop. Miss na miss ko na talaga siya, pero hindi naman ako susuko noh, ang dami nanaming pinagdaanan at alam kong isa 'tong test para mapatunayan na mahal talaga namin ang isa't isa kahit malayo kami.


Tumingin ako sa orasan at napangiti ako ng maisip kong 30 minutes lang kamingnag usap pero pakiramdam ko nabuo yung isang buwan na hindi kami magkasama.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 15.9K 93
Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in searc...
54.9K 1K 35
"WARNING!!PLAGIARISM IS A CRIME!!! This story may contain grammatical errors, typos, misspelled words, and other non-adjacent errors. It may also con...
22.8M 311K 48
#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wrong reasons--ego and money, to be precise...
119K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...