Hunter's Temptation

By vampiremims

27.7M 532K 75.8K

Hunter Dela Cruz, known for being the sexy beast and the brother of Thunder Dela Cruz, swore that he would ne... More

Hunter's Temptation
-
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue (REPOSTED)
HT BOOK FOR SALE

Chapter 50

443K 9.5K 1.8K
By vampiremims

Nasa FACEBOOK GROUP po ang announcement sa HT book.

Facebook group: Vampiremims Stories

--

"Let's go."

Malamig pa din ang pakikitungo ni Hunter sakanya katulad nang nagdaang araw. Kahit ang tignan siya'y hindi na nito ginagawa. Yes, he was the one who cooked their breakfast... pero hindi naman sila nagsabay kumain. Nauna ito at nagsabi sakanya na aayusin nito ang gamit nila habang kumakain siya at ichecheck pa nito ang sasakyan nila para walang maging aberya pabalik.

Huminga ng malalim si Zyline bago sumakay sa sasakyan ni Hunter. Ni hindi siya pinagbuksan ni Hunter ng pinto. Nauna itong pumasok sakanya.

Ibang-iba si Hunter na kasama niyang nagpunta doon kaysa sa Hunter na kasama niyang aalis ngayon.

"Are you sure it's safe to travel? Baka madulas pa ang daan at--"

"Makakauwi ka ng ligtas, huwag kang mag-alala..." putol nito sa sinasabi niya. Napayuko nalang si Zyline.

Ginusto niya 'to, eh. Ginusto niya na magmatigas... ngayon, kailangan niyang harapin ang resulta ng mga kilos niya. Kailangan niyang tanggapin ang kalamigan na ipinapakita sakanya ni Hunter.

Habang nasa biyahe ay walang kibo si Hunter. Ni hindi ito lumilingon sa gawi niya. Nasa daan lang ang mata nito at nakakunot ang noo.  Seryosong-seryoso sa pagmamaneho. Kung dati'y magiliw nitong itinatapik-tapik ang daliri sa manibela, ngayon ay mahigpit lamang ang kapit doon ni Hunter.

"Okay ka lang ba? Uminom ka na ng gamot mo? Baka mabinat ka kasi," basag niya sa katahimikan sa loob ng sasakyan. "I have packed your meds and--"

"I'm fine. Don't bother."

Natahimik si Zyline. Tila nas malamig pa ang boses ni Hunter kaysa sa aircon ng sasakyan. Napayuko nalang siyang muli at tinignan ang mga kamay na nasa may bandang hita niya.

He's cold. Really cold.

Wala namang ibang pwedeng sisihin si Zyline sa nangyayari ngayon kung hindi ang sarili lang niya. Nagmamatigas siya kay Hunter. Pero may dahilan naman siya...

At kung mahal siya nitong talaga, papatunayan dapat iyon ni Hunter. Hindi susukuan nalang siya dahil lang doon.

Sumandal nalang siya sa upuan at tumingin sa labas at paulit-ulit na napabuntong-hininga.

Parang kailan lang, napaka-normal ng buhay niya. She's Zyline Cerise De Guzman. Hawak niya ang oras niya, ang buhay niya, ang damdamin niya.

Dumating si Hunter at nagbago na ang lahat.

She smiled bitterly.

Sino nga bang mag-aakala na may De Guzman at Dela Cruz na magpapakasal? Ni sa hinagap ay walang nag-isip ng bagay na iyon.

Iyong taong iniiwasan ng lahat, iyong taong mas nanaisin ng lahat na huwag ng kausapin at pabayaan nalang, minahal niya. Pinakasalan niya.

Alam naman niya na hindi magiging madali ang lahat. She even promised she won't leave him.

Pero nasasaktan na siya. Nauubos na siya...

Hindi nalang kumibo si Zyline habang binabagtas nila ni Hunter ang daan pauwi. Wala din siyang marining na kahit ano mula sa lalaking katabi.

Katabi niya si Hunter pero dama niyang napakalayo na nito sakanya.

At siya ang may gawa noon. Siya ang nagtulak dito palayo. Siya ang gumawa ng paraan para lumayo na ito sakanya.

Magtatanghalian na noong inihinto ni Hunter ang sasakyan sa tapat ng isang fast food chain. Nilingon naman ni Zyline si Hunter na may kasamang pagtataka ang mga mata.

"I'm hungry," iyon lang ang sinabi ni Hunter at lumabas na ng sasakyan. Hindi tuloy malaman ni Zyline kung sasama ba siyang papasok sa loob o magpapaiwan siya sa sasakyan. Hindi naman siya nito inaya.

Sa huli'y lumabas nalang din si Zyline dahil nagugutom na siya. Naabutan niya si Hunter na nakapila sa may counter para umorder. Pansin niya din na maraming babae ang nakatingin dito. May ibang titig na titig pa kay Hunter at bumababa pa ang ma tingin mula sa mukha nito papunta sa katawan.

Kunot ang noong lumapit si Zyline kay Hunter. Ipinulupot niya ang kamay sa bewang nito. Nilingon naman siya ni Hunter.

"What are--"

"Hmmm... nagugutom na ako. Gusto mo bang ako na ang umorder o ako na ang hahanap ng upuan para sa atin?" tanong niya kay Hunter. Pansin niya ang tingin ng mga babaeng pinagnanasaan si Hunter kanina.

"What are you--"

"Okay, I'll just look for a vacant table. Behave, okay? Hinihintay tayo ng mga anak natin..." sabi pa niya kay Hunter bago kinabig ito at kinitlan ng mabilis na halik sa mga ang lalaki bago lumayo at naghanap ng mauupuan. Hindi na niya hinintay pa ang reaction ni Hunter dahil sa ginawa niya.

Nag-iinit ang pisngi na naghanap ng mauupuan si Zyline. Mabilis naman siyang nakahanap at umupo doon. Pilit niyang iniiwas ang tingin sa direksyon ni Hunter. Malakas ang kalabog ng puso niya at nanlalamig ang mga kamay niya.

Paano kung magalit si Hunter dahil sa ginawa niya? Pero ayaw niya lang naman ng ginagawa ng mga babaeng iyon. They were checking him out! Mula sa mukha nito, pababa sa katawan. She saw one of them looked at his crotch, too.

Nakatingin lang sa labas si Zyline hanggang sa maramdaman niya ang presensya ni Hunter. Inilapag nito ang tray na dala at may kasunod pa itong isang crew na may bitbit din na tray.

"Sige po, Sir," nakangiting sabi ng babae bago umalis. Tinitigan naman iyon ng masama ni Zyline.

Inilagay ni Hunter sa harap niya ang pagkain at walang imik na nagsimulang kumain na.

Hindi siya sanay. Napakatahimik nito... walang kibo.

Nagsimula nalang din si Zyline na kumain. Inuna niya ang burger na naroon. Pasimple niyang sinusulyapan si Hunter pero nakatuon lang ang atensyon nito sa pagkain. Ni hindi ito nag-aangat ng tingin sakanya o sa kahit saan pa man.

Kumibot ang labi ni Zyline.

"Hunter..." untag niya sa lalaking kaharap. Hindi ito kumibo. Patuloy lang kumain si Hunter.

"Hunter... kausapin mo naman ako at--" natigilan siya nang mag-angat ng tingin si Hunter sakanya.

"May pag-uusapan pa ba tayo?" seryosong tanong nito sakanya. Natahimik naman siya. Alam naman niya ang dahilan kung bakit nagkakaganon ang lalaki sakanya. Pero hindi niya maiwasang masaktan.

Lagi ngang nasa huli ang pagsisisi... pero hindi pa naman huli ang lahat. Naniniwala si Zyline na hindi pa huli ang lahat.

"About what I din. Ginawa ko lang naman iyon dahil grabe makatingin ang mga babaeng iyon sa'yo. Kulang nalang ay hubaran ka nila at--"

"I don't give a fuck about them. Just eat, Zyline," anang Hunter na muling nagsimulang kumain. Nalaglag naman ang balikat ni Zyline dahil sa sinabi nito. Hindi ba siya nito naiintindihan? Ginawa niya lang din naman ang ginawa nito noon... noong unang beses silang nagpunta sa Tarlac at may lalaking tumitingin sakanya.

Nag-iinit ang sulok ng mata na ipinagpatuloy na lamang ni Zyline ang pagkain. Pilit niyang iwinawaksi ang sakit sa puso na nararamdaman. Minsan talaga, ang sakit sa puso ang pinakamahirap indahin. Dahil para kang kinakain ng sakit mula sa loob papalabas...

Matapos kumain ay nagtake out pa si Hunter kaya pinauna na siya nito sa sasakyan matapos ibigay sakanya ang susi. Naisip tuloy ni Zyline na iwan si Hunter at paandarin ang sasakyan lalo na noong lumabas ito at kasunod nito ang mga babae na tumitingin dito kanina. Ngumiti pa ang lalaki sa mga ito bago nagpaalam.

Padabog na inilagay ni Zyline ang susi ng sasakyan nito sa may upuan ni Hunter.

Inilagay ni Hunter ang itinake out nitong pagkain sa pagitan nila at kinuha ang susi bago sumakay na at inayos ang seatbelt. Walang salitang namutawi sa labi nito nang paandarin ang sasakyan at muling bumiyahe.

"Takot na takot kang magutom?" sarkastikong tanong ni Zyline sa lalaki habang pamaya-maya ang pagkuha nito sa fries na naroon.

"Pinapakialaman ba kita?" tanong nito sakanya pabalik. He just glance at her and back to the road again.

Zyline rolled her eyes.

Mas pinili nalang niyang ipikit at mga mata at matulog kaysa kausapin si Hunter. Hindi naman siya nito kinikibo. Napapahiya lang siya sa ginagawa niya.

Halata namang ayaw na din siyang kausapin nito.

Hindi alam ni Zyline kung hanggang anong oras siyang natutulog pero nang magising siya'y medyo madilim na at nasa may tapat na sila ng bahay ni Blue.

Biglang sinalakay ng kaba ang puso niya. Kaba at takot.

Nandito na sila. Ibig sabihin ay hanggang dito nalang sila.

Napalingon siya kay Hunter. Nakatingin ito sa bahay ni Blue. Tila malalim ang iniisip.

"Hunter..."

Nilingon siya nito.

"Buti naman at gising ka na. Kararating lang din naman natin," ani Hunter bago tinanggal ang seatbelt. "Lumabas ka na..." sabi nito bago nauna sa paglabas ng sasakyan.

Ayaw naman kumilos ng mga kamay ni Zyline. Ayaw sumunod sa sinabi ng lalaki. Ayaw niyang umalis...

Nakatingin lang siya kay Hunter na minamasahe ang batok habang nasa labas. Tinignan siya nito. Kahit pa alam niyang di naman siya nakikita ni Hunter mula sa labas ay dama niya ang init ng mga mata nito.

Inilabas ni Hunter ang cellphone at may tinawagan. Nananatiling nakatingin sakanya ang lalaki habang nakikipag-usap sa kung sino man. Hanggang sa ibaba nito ang tawag ay nasa kanya ang tingin nito.

Ayaw niyang lumabas.

Ayaw niyang umalis.

Napalingon siya sa gate nang iniluwa niyon si Blue. Muli, dinagsa ng kaba si Zyline. Paano kung mag-away na naman ang mga ito dahil sa pagsama ni Hunter sakanya?

Akmang lalabas na si Zyline nang lumapit si Blue kay Hunter. Tinanguan naman ito ni Hunter.

Nag-usap sila saglit at nakita niyang itinuro siya ni Hunter sa kapatid. Tumingin naman si Blue sa gawi niya bago naglakad at binuksan ang pinto.

"Kuya..."

"Come on, Zyline..." ani Blue sakanya.

Nangingilid ang mga mata niya. "Kuya..."

"You made your decision already..." seryosong sabi ni Blue sakanya.

Bumaba na siya ng sasakyan ni Hunter at pinunasan ang pisngi. Naglakad sila papalapit sa lalaki.

"Tatawagan ko si Thunder para sa iba pang kailangan," narinig niyang sabi ni Blue kay Hunter.

"No need. Just send me the papers. Pagbalik 'non, may pirma ko na..." sabi naman ni Hunter sa kapatid niya. Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang nakatingin sakanya si Hunter. "I hope you'll be happy, Zyline..." dagdag pa nito.

"Kuya, can you leave us, please?" basag ang tinig na sabi ni Zyline sa kapatid nito. Tinignan naman ni Blue si Hunter. Tumango lang si Hunter dito.

"Alright," sagot ni Blue bago naglakad papasok sa loob ng bahay nito.

Walang umiimik sakanilang dalawa ni Hunter. Nakatingin lang siya dito habang nakatingin sa malayo si Hunter.

"You asked Blue to leave. Tapos ay tititigan mo lang ako?" basag ni Hunter sa katahimikan.

"Hunter, I'm sorry..." tuluyan nang nalaglag ang mga luha ni Zyline. Hindi nagsalita si Hunter.

"I'm sorry... alam ko. It's my fault. Pinagtutulakan kita papalayo. Sinabi ko na gusto ko na makipaghiwalay, pero, Hunter, ayaw ko... ayoko..."

Patuloy ang pagpatak ng luha ni Zyline. Si Hunter ay nakasandal naman sa sasakyan nito.

"Hunter..."

Huminga ng malalim si Hunter. Tumingin siya kay Zyline.

"You know I love you, right?" sabi ni Hunter sakanya. Tumango-tango si Zyline. "Mahal din kita..."

"Zyline, if we'll push through this now, magkakasakitan tayo..." yumuko si Hunter. "Maiisip mo ang tungkol kay Tanya, maiisip ko ang mga salita mo... hindi tayo maaayos."

"Hunter..."

Huminga muli ng malalim si Hunter. Naglakad siya papalapit kay Zyline. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "You have no idea how much I love you, Zyline..." namumula ang mga mata ni Hunter habang nakatingin sakanya. "Wala kang ideya..."

"Hunter..." hinawakan niya ang mga kamay nitong nasa pisngi niya.

Pinunasan naman ni Hunter ang mga luha na pumapatak galing sa mga mata niya gamit ang hinlalaki nito.

"Ayusin muna natin ang mga sarili natin, Zyline..." pinagdikit ni Hunter ang mga noo nila. "Aayusun ko ang sarili ko pero hindi ako titigil na mahalin ka. That's one thing I will not be able to stop..."

Umiling si Zyline. "I'm sorry. Sa mga sinabi ko. Sa lahat... sorry..."

"No, Zyline. Sinabi mo 'yon dahil iyon ang nararamdaman mo. Wag ka magsorry sa pagsasabi ng nararamdaman mo."

"Hunter..."

"Hindi ka lubusang nagtitiwala sa akin. Oo, mahal mo ako. Pero dahil gago ako, hindi ko makuha ang buong tiwala mo..." Hunter smiled sadly. "Let's give each other time... and space, Zyline. Nagkakasakitan na tayong dalawa..."

"Hunter, no..."

"It'll be for the best."

"Ayoko. Sorry na. Sorry na..." niyakap niya si Hunter at ibinaon ang mukha sa dibdib nito.

Huminga ng malalim si Hunter.

Hinawakan ni Hunter ang mga kamay ni Zyline at tinanggal iyon mula sa pagkakayakap sakanya.

"Take care of yourself... I love you, Zyline." Bumaba ang mga labi ni Hunter sa labi ni Zyline at nang pumikit ito, doon pumatak ang luha sa mga mata ni Hunter.

Mabilis lamang ang halik at agad na humiwalay si Hunter mula sa babae. Agad siyang pumasok sa sasakyan niya at pinaandar iyon at iniwan si Zyline.

"Hunter..." wala namang ibang nagawa si Zyline kundi ang humagulgol na lamang.

Hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya'y panay iyak lamang si Zyline. Nasasaktan siya na bumitaw na si Hunter ng tuluyan sakanya.

"Zy, can I come in?" tanong ni Blue sakanya mula sa labas ng kwarto niya. Hindi pa man siya nakakasagot ay bumukas na ang pinto at pumasok si Blue. Umupo ito sa gilid ng kama niya.

"I'm not going to ask if you're all right. The answer's obvious..."

"Kuya... ang sakit."

"Zyline, masakit kasi totoo. Masakit kasi mahal mo. Masasaktan ka ba kung hindi?" tanong ni Blue sakanya.

"Mahal na mahal ko si Hunter..."

Ngumiti ng tipid si Blue bago inabot ang kamay ni Zyline. "Alam ko."

"Kuya..."

"Nagkamali siya. Nagkamali ka. Sa tingin ko ay tama ang desisyon niya, Zy. And like what they always say, love cannot live where there is no trust. Hindi sapat na mahal mo siya, Zyline. Trust him, too. Alam ko mahirap... nahihirapan ka. Kaya tama ang desisyon ni Hunter. You need to fix yourself on your own..."

Hindi naman napigilan ni Zyline ang sunod-sunod pagpatak ng mga luha niya dahil sa sinabi ni Blue.

Lumapit si Blue sakanya at niyakap siya. "Don't take this as the ending, Zyline. It's not. It's just another chapter that you must go through for you to learn. And I will always be here for you. Always..." niyakap siya ng mahigpit nito at gumanti naman si Zyline ng yakap pabalik. Walang salitang lumalabas sa mga labi niya dahil sa sobrang pag-iyak.

Matapos noon ay iniwan na siya ni Blue para makapagpahinga ka. Sinabi din nito na bukas daw ihahatid ni Thunder si Keij at Kol dahil inihabilin nga ni Hunter sa kapatid ang mga anak nila.

Halos di malaman ni Zyline kung paano lumipas ang magdamag. Hindi siya nakatulog dahil sa pag-iisip.

Iniisip niya ang sinabi ni Hunter. Maging ang sinabi sakanya ng kapatid niya.

Kahit masakit pa ang ulo'y bumangon siya at naligo. Kahit my iniindang sakit sa puso'y kailangan ni Zyline na maging matatag para sa mga anak niya. Bumaba na siya at naabutan naman niya si Blue at Cyan sa may living room at nakikipaglaro sa mga anak nito.

Si Lean ay nakasakay sa likod ni Blue habang si Enzo naman ay kinukulit ni Cyan.

She smiled sadly. Siguro, kung maayos ang pamilya niya, magiging ganyan din sila ni Hunter...

Napabuntong-hininga siya.

Her brother was right. Hindi pa naman tapos.

Ang sabi ni Hunter ay ayusin nila ang mga sarili nila... wala itong sinabing tapos na.

"Ma'am Cyan, may naghahanap po kay Ma'am Zyline..." ani ng isang kasambahay nila Cyan. Agad naman nangunot ang noo ni Zyline. Hapon pa ang dating nila Thunder. Pumayag nalang siya dahil alam niyang gusto ding makasama ni Hunter ang dalawa.

"Sino daw?" halos sabay nilang tanong ni Cyan sa kasambahay. Nilingon naman siya ng kapatid at kaibihan.

"Tanya daw po..." tugon naman nito.

Nangunot lalo ang noo ni Zyline. Anong kilangan nito sakanya? Basbas niya?

"Ako na ang bahala, Zy at--"

"No, Cy. Ako na..." maagap na sabi niya at dumiretso na papalabas. Hindi niya pinansin ang tingin sakanya ni Blue. Pinuntahan niya si Tanya na naroon nga at nakaupo sa may bench sa labas ng malaking bahay.

Pansin niya ang pangangayayat nito. May benda pa din ang bandang ulo nito dahil sa aksidente nito.

Agad na tumayo si Tanya nang makita siya. Huminga naman ng malalim si Zyline bago lumapit sa babae. Hindi pa kalakihan ang tiyan nito.

"Zyline..." mahinang sabi nito.

"What are you doing here?" tanong niya sa babae. "Umupo ka ulit, baka mastress ka pa," anang niya dito at itinuro ang upuan. Tumalima naman si Tanya at naupo.

"I'm here to apologize," ani Tanya sakanya.

Hindi nagsalita si Zyline. Tumingin lang siya kay Tanya.

"Ang swerte swerte mo, alam mo ba 'yon?" sabi nito sakanya. Nakatingin lang siya sa babae. Hinihintay ang mga susunod na sasabihin nito.

"Ang swerte mo kasi mahal na mahal ka ni Hunter..." ngumiti muli si Tanya sakanya. Bakas niya ang pamamasa ng gilid ng mata nito.

"Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit kayo nagkagulo. Sorry, Zyline..." hinawakan nito ang kamay niya. "Si Hunter lang kasi ang malalapitan ko, eh..." nagsimula ng humikbi si Tanya.

"Hindi si Hunter ang tatay ng bata, Zyline," pinunasan nito ang pisngi na basa na ng luha. "Hindi kailanman nagtaksil si Hunter sa'yo..."

Napayuko si Zyline.

"Nagseselos ka sa akin?" tanong ni Tanya sakanya. "Mas nakakaselos ka nga, eh. Kasi may nagmamahal sa'yo ng katulad ni Hunter..." ngumiti ng malungkot si Tanya bago hinawakan ang tiyan.

"Hindi ako minahal ni Hunter gaya ng pagmamahal niya sa'yo, Zyline..."

Nag-angat muli ng tingin si Zyline kay Tanya.

"Noong panahon na sinasabi niyang mahal niya ako, iyon ang mga panahong pakiramdam niya'y mag-isa siya. At naroon ako para sakanya. Napagkamali niya ang pagmamahal doon, Zyline..."

"Hindi kita maintindihan..." ani Zyline sa babaeng kaharap.

"Hindi kailanman ako tinignan ni Hunter sa paraang tinitignan ka niya, Zyline..." ngumiti si Tanya. "And this is the least that I can do. Ang subukang ipaliwanag sa'yo ang lahat, ang totoo, para na din kay Hunter... he deserves to be happy, Zyline..."

"Tanya..."

"Mahal na mahal ka 'non. Kaya kapag bumalik siya, tanggapin mo na. Hindi si Hunter ang tipo ng taong magpapakabaliw sa pag-ibig. Pero dahil sa'yo, iyon ang nangyari. Ang swerte mo. Isang Hunter Dela Cruz ang nagmamahal sa'yo..."

"Tanya..."

Huminga ng malalim si Tanya bago pinunasan ang pisngi na may bakas ng luha nito. "I have to go. May mga kailangan pa akong gawin..." paalam nito sakanya at tumayo na.

"Tanya," pigil niya dito nang maglakad na ito. Nilingon naman siya ni Tanya.

"Maraming salamat. Mag-iingat ka. At sana... sana maging masaya ka..." sinserong sabi ni Zyline sa babae. Ngumiti naman ito bago tuluyang lumabas na ng gate nila para pumunta sa sasakyan nito. Naiwan naman si Zyline na mag-isa sa bench na naroon.

Umupo siya at sumandal.

Kailangan ba niya ng mahabang oras para ayusin ang sarili niya?

Hindi.

Ang kailangan niya ay mapabalik si Hunter sakanya.

Hindi pa man nakakapasok sa loob ng bahay si Zyline ay may humintong sasakyan sa may tapat ng gate nila Blue. Kumunot ang noo niya nang bumaba si Bobbie doon. Naka-black itong polo na itinupi hanggang siko at shades na itim.

"Bobbie..." niyakap niya ito. Ngumiti naman si Bobbie sakanya at niyakap din siya. "Sorry sa nangyari noon sa party at--"

"Alam ko naman..." sagot ni Bobbie sakanya. "Mas matimbang si Hunter."

"Bobbie..."

"I just came here to say goodbye, Zy..." ngumiti ng malungkot si Bobbie sakanya.

"What do you mean? Saan ka pupunta?" tanong niya sa kaibigan.

"Remember the offer before? Sa modelling?" tanong nito sakanya. Tumango naman siya. "Tinanggap mo na?" tanong niya. "Akala ko ba, ayaw mo?" dagdag niya dito. Of course, she's happy for him. Pero mamimiss niya ang kaibigan.

"Kailangan, eh..." ngumiti si Bobbie. "Para makamove on na ako."

Natigilan si Zyline.

Tinitigan siya ni Bobbie. "Mahal mo si Hunter, Zy. Wala akong laban."

Matagal ng sinasabi ni Hunter sakanya na hindi bakla si Bobbie. Pero pilit niyang hindi pinaniniwalaan iyon dahil ayaw niyang magkaroon ng malisya ang pagkakaibigan nilang dalawa.

"Bobbie..."

"Ayoko na magpanggap, Zy. Nakakapagod na," sinundan iyon ni Bobbie ng pagtawa. "Mahal kita. Kaya ako na ang lalayo sa inyo... para din naman sa akin 'to," nakangiting sabi ni Bobbie. Niyakap siya nito. "Pagbalik ko, nakamove on na ako sa'yo, Zyline..."

Hindi pa din makapagsalita si Zyline.

"Lagi mo akong ipapaalala sa inaanak ko, ah?" natatawang sabi ni Bobbie. "I have to go. Ngayon ang flight ko at--"

"Fuck you, Roberto."

Napangiti si Bobbie dahil sa sinabi niya. "Take care, Zyline. I love you," lumapit si Bobbie sakanya at hinalikan siya sa noo.

Niyakap niya si Bobbie. "Nakakainis ka. Pero alam mong mahal kita, diba?" tumulo ang mga luha ni Zyline. Si Bobbie ang kasa-kasama niya lagi kaya naman mamimiss niya ito ng sobra. Ito ang nag-aalaga sakanya.

"Yeah," Bobbie whispered.

"Mag-iingat ka 'don, ha?" sabi ni Zyline.

"I will," Bobbie whispered.

Nakatayo lang siya sa may gate hanggang sa makaalis na ang kaibigan niya.

Hindi pa nangangalahati ang araw ay nakadalawang bisita na si Zyline. Isang humingi ng tawad at isang umamin.

Gayunpaman, hindi pa din maalis ang lungkot sa puso ni Zyline dahil sa nangyayari sakanila ni Hunter. Gusto na niyang makausap ito.

Para sabihin na hindi nila kailangan ng space at time.

Para sabihing mahal na mahal niya ito.

Bandang hapon dumating sila Rain at Thunder kasama si Theon at ang kambal niya. Masayang sinalubong naman ni Zyline ang kambal na sobrang namiss niya.

Nasa may living room silang lahat at si Lean ay nakamasid din sa kambal habang si Theon at Enzo naman ang magkatabi. Ginugulo ni Theon si Enzo at titingin naman na nakakunot ang noo si Enzo kay Theon.

"Buti naman at hindi kayo natraffic?" tanong ni Cyan kay Thunder nang inilapag nito ang juice. Umupo naman ito sa tabi ni Enzo at pinisil ang pisngi ni Theon na katabi ng anak nito. Tinitigan naman ni Theon si Cyan ng nakakunot ang noo. "Tita Sungit."

Napasimangot naman si Cyan. "Minsan, masarap manakal ng Itik, eh..."

Napailing nalang si Blue at Thunder. Si Rain naman ay aliw na aliw kay Lean.

"Hindi naman. Galing kaming airport, eh. Hinatid pa namin si Hunter, eh..." ani Thunder. Nag-angat naman ng tingin si Zyline. Pakiramdam niya'y tumigil ang pagtibok ng puso niya.

Airport?

"Airport?" nanginginig ang mga kamay ni Zyline. "U-umalis siya? Saan siya nagpunta?"

Lumingon naman si Rain kay Thunder bago yumuko.

"Yeah. Umalis si Hunter."

Biglang pumatak ang mga luha ni Zyline. Kagabi lang ay nag-usap sila. Aayusin lang nila ang mga sarili nila. Walang aalis... anong nangyari?

"Sabi niya, iyon naman ang gusto mo. Sinusunod ka lang niya. Sana daw maging masaya ka na..." ani Thunder. Nakatingin naman si Keij kay Thunder habang nakakunot ang noo.

Tuluyan nang nalaglag ang balikat ni Zyline nang may iabot si Thunder sakanya.

Hunter's ring.

Bumitaw na nga ito ng tuluyan.

--

LAME. HUHUHUHU SORRY.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 34.9K 45
Gaya ng isang kanta, parang isang linggong pag-ibig kita. Lunes ng unang magtagpo ang ating mga mata, Martes ng mapadalas ang lingon ko upang masilay...
25.9M 515K 43
Past is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1
1M 32.1K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
Broken Arrow By Cher

General Fiction

3M 114K 23
Si Mia Cara ang pinakaimportanteng kayamanan ni Mariah Rojas. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kanyang anak. She is ready to endure pain just to ma...