Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 27

1.9K 86 7
By winglessbee


"Bakit ngayon ka lang tumawag? Napuyat ako kakahintay sa tawag mo kagabi! Nasaan ka po ba Papa?" tanong ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag ni Papa.

Kagabi ko pa siya hinihintay tumawag, nag-aalala ako syempre. Siya na lang ang pamilya ko at hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya.

["Sorry anak, busy lang. Gusto kasi ng investor na mag-usap kami ng personal, kilala mo naman si Mr. Sy, pinasundo niya ko kahapon kaya hindi na ko nakapagpaalam ng personal. Babawi ako pag uwi ko"]

"Tss. Hindi mo sinagot ang tanong ko" sabi ko.

["Nandito ako sa Singapore. One week kami dito. Tinawagan ko na si Trystan na samahan ka muna dyan habang wala ako."]

"Ano? Kaya kong mag-isa, atsaka nandito naman sila Manang, hindi ko kailangan ang presensya ng asungot na yun Pa!" sigaw ko.

Kingina. Bakit kailangan pang pakiusapan ang hampaslupang apa na yun? Atsaka, hindi na ko bata para mangailangan ng bantay!

["Im worried. Kung pwede ka nga lang sumunod dito para hindi na ko magalala gagawin ko. Tiisin mo na lang si Trystan, makulit lang naman yun"]

"Tss"

["Sige na, may meeting pa kami. Tatawag ulit ako. I love you anak!"]

"Tsk" binaba ko na ang phone.

Badtrip. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko at pumikit. Kainis. Bakit ganun si Papa? Sobra sobra na ang tiwala sa Apa na yun! Kailan niya kaya marerealize na bwisit sa buhay ang Cone na yun! Ugh! Kinginang yan o.

Napahilot na lang ako sa sentido ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at nagsalita ang hampaslupa.

"Good morning Kikay! Breakfast is ready! Bumangon ka na dyan, pinagluto kita! Alam kong namimiss mo nang magpunta sa langit kaya dadalhin ulit kita dun" hinila niya ang kamay ko kaya napabangon ako.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tumayo na rin ako at lumabas ng kwarto.

"Pasalamat ka masarap kang magluto at napapakinabangan kita dito" sabi ko habang kumakain kami ng niluto niyang pancakes at banana crêpe.

Ngumising aso siya at nagpangalumbaba na nakatingin sakin "You know, It's better if you would smile at me and say thank you"

I frowned. Pinagsasabi nito?

Nagkibit balikat siya at umiling saka nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang din sa pagkain. Tahimik lang kami. Nakakapanibago. Pwede naman pala na matahimik ang buhay ko kahit nasa paligid lang si Cone.

Tumayo na ko nang walang sabi sabi at nilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Iniwan ko na si Cone sa kusina. Kaya na niya ang sarili niya tutal naman feel at home na siya dito.

Lumabas ako at tumambay sa garden. Maaga pa kasi, mamaya na lang ako gagala, tinatamad pa ko e.

"Coffee señorita Kikay" biglang sumulpot sa tapat ko si Cone at nilapag sa mesa sa harap ko ang tasa ng kape.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya sakin at naupo sa tapat ko.

"I was wondering.." panimula niya.

"Wag mo nang subukang ituloy makakatikim ka sakin ng malasang sapak. Ang aga aga sinisira mo araw ko" sabi ko.

Umiling siya at hindi nawawala ang ngiti. "I was just wondering" ulit niya.

Mas sinamaan ko siya ng tingin pero mas nilakihan niya ang ngiti niya. Kinginang yan.

"As I've said, I was wondering"

Napapikit ako ng madiin. "Tangina. Tigil tigilan mo ko sa kakawondering mo"

Dumilat ako at nakita kong nakatitig siya sakin habang nakangising aso. Mukhang enjoy na enjoy pa na naaasar ako. Badtrip. Kung ingudngod ko kaya ang mukha niya sa paso? Tignan natin kung maeenjoy niya. Bwisit.

Tumayo na ko pero mabilis siyang tumayo at nakalapit sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Chill" sabi niya at tatawa tawa pa. "Masyado kang pikon"

I glared at him at hinawi ko ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"I was just joking. Dito ka lang" sabi niya pero tinalikuran ko lang siya.

Hinila naman niya ko at sapilitang pinaupo ulit sa upuan ko.

"Cease fire muna" sabi niya.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin pero hindi na ko umimik. Gusto ko ng katahimikan!

"Im sorry" kinagat niya ang ibabang labi niya saka tumingin sakin "Bakit kasi palagi kang galit sakin?" kumunot ang noo niya at naupo ulit sa tapat ko.

Kumunot din ang noo ko habang tinititigan siya. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" sabi ko.

Nagpout siya bigla. Nanliit ang mga mata ko. Nakikita ko sa kanya si Troy. Tsk.

"Kinukulit lang naman kita" sabi niya saka lumitaw na naman ang ngising aso niya. "Pikon ka talaga" dagdag niya at tumawa pa.

Kingina.

Hindi ako umimik. Nakakabwisit na. Kung ibuhos ko kaya sa kanya tong kape na ginawa niya? Leche.

"Walang comeback?" pang-aasar pa niya.

Hindi pa rin ako umimik at hindi ko rin siya tinignan pa.

Intelligent people ignore. Magaaksaya lang ako ng panahon kung papansinin ko pa siya.

Ininom ko na lang ang kape at tumingin sa mga bulaklak na tanim ni Papa.

"Kikay"

"Earth to Kikay!"

"Uy, Kikay"

Tsk.

"Pam"

Hindi pa siya nakuntento sa pagtawag at tinabi pa niya ang silya niya sa tabi ko at kinulbit ako.

"Pam! Pansinin mo ko!"

Imbis na pansinin siya, inubos ko na lang ang kape at tumayo at iniwan siya. Hindi na naubusan ng sasabihin. Napakataba ng utak at bakit ba kasi ako ang napiling asarin nung hampaslupang apang yun?!

Kinuha ko lang ang susi ko sa kwarto at lumabas na. Makapagroadtrip na lang.

"Saan ka pupunta?" tanong ng hampaslupang apa na prenteng nakaupo sa sofa namin sa sala.

Hindi ko siya pinansin at tuluy tuloy lang ako sa paglalakad palabas ng bahay.

Pagkasakay ko sa driver's seat, narinig kong nagsara rin ang pinto ng passenger's seat kaya napalingon ako.

"Bakit ka nandito? Baba" sabi ko.
Umiling siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ka ba bababa?" tanong ko.

"No. Sasama ko" sabi niya at nagseatbelt na.

Hindi na ko nagdalawang isip na bumaba ng kotse ko at iniwan siya don. Akala naman niya isasama ko siya! Ha! Manigas siya! Kaya nga ko aalis para matahimik ang buhay ko tapos sasama siya? Ano to? Lokohan?

"Pam!" sigaw niya.

Pumasok ako sa kwarto ni Papa at kinuha ang susi ng motorbike. Bumaba ako para kunin ang helmet. Pagkalabas ko, napahawak na lang ako sa sentido ko ay napapikit. Kinginang yan.

"Let's go?" tanong ni Apa na nakahelmet na.

"Tantanan mo nga ko. Tangina naman o. Pwede bang bigyan mo ko ng katahimikan? Kahit ngayon lang?" naiinis na sabi ko.
Nakatitig siya sakin nang tumingin ako sa kanya. Mukha siyang seryoso tapos bigla siyang ngumiti, hindi yung nakakaasar na ngising aso niya.

"Your wish is my command!" sabi niya saka ako hinila palapit sa motorbike. "Tatahimik ako, hindi ako magsasalita promise! But let me be with you. I won't let you ride alone" sabi niya.

Tinitigan ko muna siya. Nagdadalawang isip ako. "Wag kang talkshit" sabi ko saka napabuntong hininga na lang at sinuot ang helmet at sumakay sa motorbike.

"Aye, aye boss Kikay!"

"Manahimik ka lang kung ayaw mong ilaglag kita dyan!" sabi ko pagkaangkas niya sa likod ko.

Naramdaman ko ang pagtango niya at bigla na lang siyang yumakap sa bewang ko.

"Ay! Langya! Wag mo kong yakapin!"sigaw ko.

Naramdaman ko ang pag-iling niya sa may balikat ko. "If I loose my grip on you.. I'd fall" bulong niya.

Bigla akong kinilabutan. Kaya pinaandar ko na lang ng mabilis ang motorbike.

Continue Reading

You'll Also Like

561K 28.6K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
149K 11.7K 53
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...