Crown Academy I : The Truth a...

By NeylYu

281K 8.2K 657

Si Princess Lourissa ay nananahimik na nag-aaral sa Crown Academy. Mas pinili niyang maging huli sa lahat kes... More

W E L C O M E
THE BEGINNING
P R O L O G U E
Chapter 2 : The Revelation
Chapter 3: Stalker
Chapter 4: Guise and Mayhem
Chapter 5: Maze, Angel and Eschew
Chapter 6: Confusion and King of Illusion
Chapter 7: Affair of the heart
Chapter 8: Achilles' Heel
Chapter 9: Forget Me Not
Chapter 10: Descendants of the Sun
Chapter 11: Crown Family
Chapter 12: Blood and Ties
Chapter 13: Hints and Sacrifices
Chapter 14 : Push and Pull
Chapter 15 : Self
Chapter 16 : Secrets and Danger
Chapter 17 : Whispers and Mourn
Chapter 18 : Life and Death
Chapter 19 : Grief and Dismay
Chapter 20 : Bad and Good
Chapter 21 : The Art of Choosing
Chapter 22 : Hell and Heaven
Chapter 23 : Hallucination and Strange Emotions
Chapter 24 : Another and Gone
Chapter 25: World of Wonted
Chapter 26 : Strong Zane
Chapter 27 : Late Night Conversation
Chapter 28 : Romance? or Me Just Being Weird
Chapter 29 : Hide, Seek and Drama
Chapter 30 : My Worth and My Death
Chapter 31: Confrontation and Hypothesis
Chapter 32: I don't like this at all
---
Chapter 33: Meeting Sadness
Chapter 34: Don't fall, Don't Mind!
Chapter 35: Own Plan, Own Trap
Chapter 36: 1/4 Truth, 1/4 Hidden
Chapter 37 part 1: Five Sins
Chapter 37 part 2: Five Sins
NOTICE!
Chapter 38: Me vs. Me
Chapter 39: 2/4 Truth, 2/4 Hidden
Chapter 40: A Bundle of Confusion and Pain
Chapter 41: 3/4 Truth, 3/4 Hidden
Chapter 42: 4/4 Hidden, 4/4 Truth
Epilogue
SEASON 2 IS COMING!

Chapter 1: Lost Key

13.9K 413 79
By NeylYu

Nakatingala ako sa isang malaking screen sa harap ng Hall of Geski. Itong hall na ito ay nagsisilbing information hall. Every week dito mo makikita ang scores mo pati na rin ang current rank mo. Malaki ito, at pinalilibutan ng screen ang loob nito. Marami na rin ang nasa loob at halos sila ay excited na makita ang ranks nila pero samantalang ako, hindi na kailangan. From first year to third year, palagi akong nasa huli kaya palagi rin akong sentro ng kantyaw pero wala rin naman akong pakialam kasi tanggap ko naman na palagi talaga akong huli.

Ang Crown Academy is an exclusive school for royalties. At hindi lang din sila royalties, may special abilities din silang tinataglay. Crown Academy is based on the Island of Modenum. Ang buong Island ng Modenum ay sakop ng Crown Academy kaya no doubt kung bakit sobrang laki nito. Pinalilibutan din ang Crown Academy ng mga malalaking gates. Sa East gate ay ang Gate of Heliah, sa West gate ay ang Gate of Kurtnish, sa North gate ay ang Gate of Topi at sa South naman ay ang Gate of Sudam. These gates are not your ordinary gates, pinoprotektahan din ito ng mga Suga Witches at mga Prisidors. Ang Crown Academy ay may apat na floors. The first and second floors are for the classrooms and the third and fourth floors are for the bedrooms. May apat na level dito and you should passed them para makagraduate ka na: Thorians, Steinway, Pufflemore, Ronwhich. And since third year na ako, I belong to Pufflemore. And lastly, wala kaming uniform dito. At isa pa, no sectioning! Isang classroom lang kaming lahat and we're 184.

"Look! Si Prince Ruki na naman ang first oh..," rinig kong sabi ng katabi ko.

Napatingin naman ako sa tinitingnan nila. Oo nga, Rank One na naman si Prince Ruki. Si Prince Ruki ay ang Prince ng Shi. Malapit lang din sa kaharian namin pero my kingdom was already dead. Pag naaalala ko 'yon, bumibigat na naman ang pakiramdam ko. And again, I stared at his name, malayo na talaga ang narating niya and I am so proud of him kahit hindi niya alam.

"And look, what we have here..."

Napatingin naman ako sa nagsalita. Rank 8, Princess Gritella. Suot nito ang isang white gown na akala mo naman na may party na dadaluhan.

"Hi Princess Rank 184," sabi nito.

Nagtawanan naman ang iba samantalang ako ay napailing lang. Sa mga ganitong sitwasyon, alam ko na talaga ang gagawin. Kailangan ko lang mag-walk out at tiisin ang mga kantyaw nila.

I passed at her at ramdam kong ginagamitan niya ako ng kapangyarihan niya. She has the power to stop you from moving pero hindi nila alam hindi tatalab 'yon sa akin, so I pretended. Hindi ako gumalaw.

Ramdam kong lumapit ito sa akin at pumunta sa harapan ko.

"Stay here okay? Since rank last ka naman you don't have to attend class. "

Mas nagtawanan pa ang iba samantalang ako ay naiinis na, nakakangalay na kasi.

Umalis na ito at iniwan ako na nakahinto lang. Hanggang sa unti-unting umalis ang iba hanggang sa ako nalang ang naiwan. Nang maramdaman kong wala ng ibang tao ay agad na akong gumalaw.

"Okay ka lang?"

Napatalon naman ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko ito habang nakahawak pa sa puso ko.

"Makakagalaw ka na?" tanong nito habang tinitingnan ang katawan ko.

Napakamot naman ako sa ulo at nag-isip ng dahilan.

"Oo eh hindi naman kasi masyadong malakas yung ginamit ni Gritella kaya medyo nalabanan ko," paliwanag ko.

Tumango naman ito at tinalikuran na ako.

"Wait. Hindi ka ba papasok?"

Huminto naman ito at lumingon sa akin.

"Hindi eh. May pupuntahan ako."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot at alam kong hindi iyon galing sa akin.

Nagsimula na naman itong maglakad hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Rank 183: Princess Sumi, ang kaisa-isang prinsesa na kinakausap ko. Maybe because hindi lang malayo 'yong agwat namin.

Nang maramdaman kong medyo malayo layo na siya. I followed her. I just have to feel her presence at alam kong masusundan ko siya. I have this feeling na may hindi magandang mangyayari.

I suddenly saw her entering Mr. Vernon's office. At bago siya tuluyang pumasok ay napalingon- lingon naman ito sa paligid kaya agad akong napatago. Anong ginagawa niya doon? Baka pinatawag?

Aalis na lang sana ako ng makita ko si Prince Ruki na patungo sa direksyon ko.

"Shit."

Bigla akong nataranta at napatakbo sa kong saan pumasok si Princess Sumi. Pagkapasok ko sa office ay agad kong hinanap si Princess Sumi at Mr. Vernon pero walang katao- tao sa loob.

"Hello?" sabi ko habang naglakad papunta sa table.

I scanned the room pero wala talagang tao until I heard something. Napalingon agad ako sa kaliwa ng makarinig ako ng mga kaluskos. The sound is coming behind those shelves at dahil nacurious ako, hinay-hinay akong naglakad papunta roon. At sa bawat hakbang ko ay lumalakas din ang mga kaluskos.

Agad naman akong napahinto nang makaamoy ako ng dugo. Hindi ito isang ordinaryong dugo, at alam kong may prinsesa sa likod ng mga libro na 'yon.

Tumakbo ako papunta sa mga libro at kusa itong binuksan pero ayaw talaga. Umatras ako saglit at naghanap ng kahit ano para mabuksan lang 'yon. When I noticed there is something glowing sa pinakadulo ng bookshelf ay agad ko itong tinungo. It was a white button at pinindot ko agad 'yon. The bookshelf suddenly opens at natulala ako sa nakita ko. Princesa Sumi is lying on the floor, namumutla ito at naliligo sa sariling dugo. Lalapit na sana ako ng maramdaman kong may iba pang tao roon.

"Magpakita ka," hamon ko.

Maya't maya pa ay lumabas na ito. Una kong nakita ang mga paa nito sa pinakadulo ng kwarto. Maya't maya naman ay lumitaw ang katawan nito sa kanan ko. At sumunod naman ang ulo na nasa taas.

"Jux."

Sila ang mga Jux. They are actually vampires pero lumulutang ang iba't-ibang parte ng katawan nito at nabubuo lang kapag may bagong biktima.

Bigla naman lumapit ang katawan nito sa paa at sumunod na ang ulo hanggang sa naging ganap na tao na ito. Humakbang ito papunta sa akin samantalang ako ay nakakatitig sa kanya. I also tried to feel the pulse of Princess Sumi at may konti pa itong pulso. I just have to finish this fast para mapagamot ko na siya. But I was shocked ng biglang nag-iba ng anyo ang Jux.

"Mr. Vernon?"

Ngumiti ito at pinunasan ang dugo sa mga labi niya.

"Princess Lourissa, what can I do for you?"

His voice sounds danger. At hindi ako makapaniwala na ang favorite defense teacher ko ay isang Jux.

"Anong ginagawa niyo?" nauutal kong tanong.

Tiningnan naman niya ang katawan ni Princess Sumi.

"She offered herself at hindi ko naman kayang tanggihan."

"Why?"

Napatingin ulit ito sa akin at tumawa.

"Your Rank 184 right? At alam kung gusto mo rin makuha 'yon.."

Napakunot naman ang noo ko. Nagtataka akong nakatingin sa kanya.

"So I guess you are here to offer yourself too. Good thing I didn't give her the key," walang emosyon nitong sabi.

"Mr. Vernon-"

Bigla akong natahimik nang nasa harap ko na ito bigla. Masyado na itong malapit sa akin na halos maamoy ko na ang malansang hininga nito.

"I wanna taste you. You smell so good."

Lumapit ito konti sa leeg ko kaya medyo napaatras ako. Nagdadalawang-isip ako kong tatapusin ko na ba ito agad o kukuha pa ako ng impormasyon sa kanya.

"Tell me about the key Mr.Vernon."

At bago pa ito magsalita ay bigla itong sumigaw. Unti-unting nagiging abo ang kanyang katawan hanggang sa lumiliit ito na parang nauupos na sigarilyo.

"You should have called help."

I know that voice at hindi ko na kailangan lumingon pa para kumpirmahin 'yon.

"I can handle this."

"Talaga? How? Tell me Miss Rank 184," sarkastiko niyang sabi.

Nakatuon lang ang tingin ko sa abong nasa paanan ko. Panira talaga ang lalaking to. Malalaman ko na sana sumingit naman.

"Sorry, Rank 1 akala ko kasi kaya ko. Salamat at dumating ka," sarkastiko ko ring sagot.

"Look Rank 184-"

Hindi ko na siya pinatapos pa at lumingon agad ako sa kanya.

"Look Rank 1, you don't have to shove it to my face that I'm rank 184. And sorry, I stole the spotlight, sabihin mo nalang na ikaw nakadiskubre nito at ikaw ang tumapos okay?"

Nakaramdam ako ng lungkot galing sa kanya at kung anu-ano pang emosyon. Hindi ko na siya pinasalita pa at iniwan ko na siya roon bago dumating ang iba.

Pagkalabas ko ay agad akong nanlumo. I hate this place. I hate how they call each other by Rank. Lahat nalang ay umiikot sa Rank mo. And I hate how this school changes him. He was not Prince Ruki anymore. He was not my Prince anymore.

Nilakbay ko ang West wing na maraming iniisip. I've been here for three years at lahat ng salita nila laban sa akin ay tinanggap ko. This place should be the place to train how to be good Royalties pero hindi eh. They are blinded with greed and power. They only wanted that crown. That powerful crown kaya kung anu- ano nalang ginagawa nila just to have that crown. Hanggang sa sumagi sa isip ko ang susi na sinasabi ni Mr. Vernon.

**
Kalat na sa buong Crown Academy ang nangyari kay Princess Sumi pati na rin ang pagligtas ni Prince Ruki sa kanya. Pumasok ako ng maaga sa defense class at umupo na sa pinakapaborito kong upuan kung saan tanaw na tanaw ko ang paborito kong puno, ang Bleu.

"May bago raw tayong defense teacher ngayon?"

"Talaga? Sana naman 'yong safe tayo nakakatakot naman kung katulad ni Mr.Vernon."

Bigla namang natahimik ang lahat. I suddenly felt something weird sa pumasok. I looked at him directly to his eyes at laking gulat ko na it was purely black. What the hell?

"Good Morning Class! I'm your new defense teacher, Mr. Mike," ngiti nito.

"For my first day, I will be giving your new task. Eto ang bagong task niyo for this week," dagdag pa nito.

Napahiyaw naman ang iba at ang iba naman ay nagbulungan. Halata sa kanila ang pagkaexcite samantalang ako ay tinuon na lang sa pagbibilang.

"Yesterday, biglang nawala ang Key of Freedom at alam naman nating lahat kong gaano ito ka importante sa Crown Academy. Kung makarating ito sa mga masasamang kamay, baka pwede nilang palayain ang mga nakakulong sa Kabin o ang pinakaworst ay ang pagbukas ng apat na gates."

Bigla akong naging interesado sa challenge ngayon na week kaya hindi ko namalayan nawala na pala ako sa pagbibilang. Mas naging interesado ako ng marinig ko ang Key of freedom. Baka ito kasi ang tinutukoy ni Mr. Vernon.

"We will only give you four days to complete the task and if none of you could find this key then there is a possibility na masuspend ang klase for a year at papauwiin muna kayo."

Bigla tuloy nagulo ang pakiramdam ko kasi iba't-iba ang nararamdaman ng paligid ko.

Sa buong araw, 'yon lang ang tangi kong naririnig sa buong academy. Ang iba nga ay nagsisimula ng maghanap at ang iba naman ay gumawa ng grupo para mas mapadali ang paghahanap.

Pumunta muna ako sa Hall of Zero kung saan ito ang Cafeteria ng Crown Academy. Agad naman nakuha ng atensyon ko ang Team Mystique na nakaupo sa table nila. Sila lang naman ang pinaka malakas dito sa academy. From Rank 1 to 10 sila ang nagsama- sama. Napatingin naman sa akin si Prince Ruki at napaiwas naman ako ng tingin. Pumunta ako sa pinakadulo at pinakamalayo sa kanila.

Umupo na ako doon at hinintay si Lalaine, ang kaibigan kong cook dito. Medyo matanda na rin ito pero ang sarap talaga niyang magluto.

"Princess Lourissa, gutom ka na ba?"

Lumapit ito sa akin at may nilagay sa lamesa ko.

"Manang naman, Lou nalang para namang hindi tayo close," pagbibiro ko.

"Ikaw talagang bata ka. O sha hinanda ko ang paborito mo, balita ko pa naman mahirap ang challenge niyo ngayon."

"Opo Manang, kaso hindi ako interesado eh," sabi ko pero joke lang naman.

Napansin ko ring napatingin sa table ko si Prince Ruki. Paniguradong narinig niya ang sinabi ko.

"Ikaw talagang bata ka," sabi ni Manang sabay gulo sa buhok ko.

Umalis agad ito at agad ko na ring kinain ang hinanda niya. Napagdesisyunan ko kasing bisitahin si Princess Sumi sa Inferia, ang hospital ng Crown Academy.

Pagkatapos kung kumain ay agad na akong tumayo at lumabas na pero ramdam ko pa rin ang mga titig na nakatingin sa akin.

Nasa South wing ang Inferia at dahil tinatamad akong maglakad napag-isipan ko na lang mag teleport. Pumunta ako sa CR at pumasok sa isang cubicle. Pinikit ko ang aking mga mata at inisip ang Inferia at walang pang limang segundo ramdam ko ng andoon na ako.

Pagmulat ko ay agad kong nakita ang pintuan ng Inferia. Papasok na sana ako ng biglang may narinig akong nag-uusap sa loob. Nagtataka ako kong bakit unti- unting humihina ang mga boses sa loob hanggang sa maramdaman ko ang kakaibang kapangyarihan na nakalibot sa kwartong 'yon. Bubuksan ko na sana ito nang bigla itong bumukas.

"Sir Mike?"

"Oh Princess Lourissa, Bakit nandito ka?" tanong nito at sinarado na ang pintuan.

"Binibisita ko lang si Princess Sumi."

Ngumiti naman ito.

"Sige, mauna na ako."

Tumango nalang ako at pinagmasdan siyang naglakad papalayo.

Pumasok na ako at nadatnang nakahiga sa isang Inferian bed si Princess Sumi.

"Sumi," tawag ko.

Napatingin naman ito sa akin.

"Lourissa?"

Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang kalagayan niya. Hindi na ito maputla.

"May itatanong lang sana ako."

Napaupo naman ito at sumandal sa headboard.

"Ano 'yon?"

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, may kinalaman ka ba sa pagkawala ng key of freedom?"

Bigla naman itong hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Wala akong alam Lourissa.."

"Pero iba ang sinabi sa akin ni Mr. Vernon."

Natahimik naman ito at parang may malalim na iniisip.

"Lou-"

Naputol ang kanyang sasabihin sana dahil tumunog bigla ang Shirasih, ang emergency code. Sabay kaming napatingin sa pintuan dahil rinig na dito ang kaguluhan.

"Naririnig mo ba 'yon Sumi?"

"Anong gusto mong ipahiwatig Lourissa?"

Nginitian ko lang siya sabay napakamot sa leeg ko.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig mo."

Agad na akong lumabas at nagteleport sa South wing kung saan ng galing ang mga ingay. Pagdating ko roon ay agad akong sinalubong ng mga iba't-ibang mukha. Tao ang katawan ngunit mga hayop ang mukha. Natawa ako kasi naman nakakatawa ang itsura nila. Hula ko sila ang mga nakakulong sa Kabin 1.

Tiningnan ko din ang mga royalties na nakikipag-away. Marami rin kasi ang kalaban kaya siguro pinayagan din kaming lahat makipag-away. Minsan kasi Team Mystique lang ang pinapadala. Nagdadalawang- isip naman ako kung tutulong ba ako o hindi. Nakatayo lang ako at aliw na aliw silang pinapanood. Pero bigla akong may naalala, may panonoorin pa pala ako. At dahil wala na rin akong choice kasi every Thursday lang 'yon kaya tumulong na lang ako.

Tiningnan ko ang paligid at may binulong.

"Stop."

Bigla naman huminto ang lahat. Pati ang pag-ihip ng hangin ay huminto at pati orasan ay huminto rin. May iba na nakalutang pa sa hangin at iba naman ay na sa iba't ibang posisyon na mas ikinatuwa ko pa. Lumapit ako sa kanila at chineck kung gumagalaw pa ba. Tinaas ko ang aking kamay at gumawa ng bilog sa hangin. Tiningnan ko lahat ang mga alien ang mukha at inisip na ipasok sa loob ng bilog at unti-unti naman silang pumasok. Nang makompleto na sila ay hinila ko 'yong bilog at hinatid sa Kabin.

Madilim ang loob ng Kabin at iba't-ibang malalansang amoy ang maamoy mo sa loob. Binubuo ito ng labing-apat na Kabin. At bawat Kabin ay depende sa level ng kapangyarihan ng nagkasala at ng bigat ng kanilang kasalanan. At kung mga dala ko ay mula sa Kabin 1, paniguradong mga easy lang ito pero ayaw ko naman sila mamatay. They deserve a second chance.

Pinasok ko na sila sa Kabin 1 na nakabukas ang pintuan at sinara na 'yon. Alam kong nabuksan ito sapamamagitan ng Key of Freedom. You can't open this Kabin without the key.

"Move."

Bigla naman bumalik ang lahat sa dati. Pati ang hangin at ang mga alien sa loob ng Kabin. Trip ko lang sila tawagin ng alien kasi napakahirap tandaan ng mga pangalan nila.

"Hoy Lourissa ano na namang ginagawa mo dito?"

Napatingin naman ako sa Kabin 2 at nakita si Elvia dun. Si Elvis ay isang serpent pero baboy 'yong ulo.

"Hi Elvis, nakita niyo ba kong sino ang bumukas sa Kabin 1?"

"Hindi pwede sabihin Lourissa eh sabi kasi niya na kami ang susunod na ilalabas niya."

"Talaga? Pero tingnan mo naman ang Kabin 1, bumalik parin sa kulungan baka iyan din ang mangyayari sa inyo o worst pa," panakot ko sa kanya.

Napaisip naman ito.

"Hindi ko nakita ang mukha niya pero alam kong hindi siya babae,parang lalaki."

Napakunot naman ang noo ko.

"Ano?"

"Pero puro itim siya Lourissa at alam kung malakas siya."

Umiling ako. Naging kaibigan ko ang iba dito dahil ako ang nagdakip sa kanila at simula nun binibisita ko na sila kasi ayaw kong maging masama ang tingin nila sa akin. Alam kong weird ako paminsan-minsan pero nakasanayan ko na talaga.

"Sige una na ako Elvis," agad na akong nag-teleport sa South wing.

Mabuti nalang at sa CR ako nakarating. Agad naman akong lumabas at nakita si Princess Aeya. Maliban kay Sumi, naging kaibigan ko din si Aeya sa katunayan nga bestfriend ko ito. Pero hindi lang namin pinapahalata kasi Rank 2 siya at ayaw kong masira ang reputasyon niya at naiintindihan niya naman ang kahilingan ko.

"Nandiyan ka lang pala Lou kanina pa kita hinahanap."

"Bakit?"

"Hindi mo ba narinig?"

"Ang alin?"

"Si Prince Ruki ang prime suspect sa pagkawala ng Key of Freedom."

Nabigla naman ako at mas lumapit pa sa kanya.

"Ano? Bakit? Paano?"

"Nakita kasi nila sa CCTV na pumasok ito sa office ni Mr.Vernon. At sabi pa nila, siya naman daw talaga ang pumatay kay Mr. Vernon dahil nahuli siya na kinukuha ang Key of Freedom then si Sumi naman ang naging witness, gusto din daw siya patayin ni Prince Ruki pero nalabanan niya ang Shadow of Death nito."

Nakikinig lang ako sa sinasabi niya.

"So, Princess Sumi ang nagsabi nitong lahat?"

"Oo. Pinatawag kasi siya ni Mr. Vernon ng araw na 'yon at pumunta muna sila sa mga libro ni Mr. Vernon dahil may ipapagawa ito sa kanya, kaya ganun na nga ang nangyari, nakita nila si Prince Ruki na hinahanap ung susi."

Napabuntung-hininga na lang ako at tiningnan sa mata si Aeya.

"Aeya, hindi si Prince Ruki ang nagnakaw ng Key of Freedom."

"Ano?" naguguluhan nitong tanong.

"Ako ang nagnakaw Aeya."

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 7.2K 7
What will you do if you'll discover the truth behind your identity? Sa mundong kinalakihan mo ay maraming tao ang manghuhusga at magdidikta ng iyong...
3.4M 97K 72
This is about a girl with a very simple life. Until that day came... A day she needs to face... That day changed her life... That day was entering th...
11.6K 4.3K 67
[ COMPLETED ] Noong unang panahon, sa Hilagang Kaharian naganap ang isang madugo at malawakang digmaan kung saan nagbunga ito ng pagbagsak ng kahar...
280K 10.6K 44
Sleight of Magic "Sa buhay niya nakasalalay ang buhay nila" Sa labing siyam na taong gulang na paninirahan ni Harper sa isla na walang ibang katao-ta...