Chapter 1: Lost Key

13.9K 413 79
                                    

Nakatingala ako sa isang malaking screen sa harap ng Hall of Geski. Itong hall na ito ay nagsisilbing information hall. Every week dito mo makikita ang scores mo pati na rin ang current rank mo. Malaki ito, at pinalilibutan ng screen ang loob nito. Marami na rin ang nasa loob at halos sila ay excited na makita ang ranks nila pero samantalang ako, hindi na kailangan. From first year to third year, palagi akong nasa huli kaya palagi rin akong sentro ng kantyaw pero wala rin naman akong pakialam kasi tanggap ko naman na palagi talaga akong huli.

Ang Crown Academy is an exclusive school for royalties. At hindi lang din sila royalties, may special abilities din silang tinataglay. Crown Academy is based on the Island of Modenum. Ang buong Island ng Modenum ay sakop ng Crown Academy kaya no doubt kung bakit sobrang laki nito. Pinalilibutan din ang Crown Academy ng mga malalaking gates. Sa East gate ay ang Gate of Heliah, sa West gate ay ang Gate of Kurtnish, sa North gate ay ang Gate of Topi at sa South naman ay ang Gate of Sudam. These gates are not your ordinary gates, pinoprotektahan din ito ng mga Suga Witches at mga Prisidors. Ang Crown Academy ay may apat na floors. The first and second floors are for the classrooms and the third and fourth floors are for the bedrooms. May apat na level dito and you should passed them para makagraduate ka na: Thorians, Steinway, Pufflemore, Ronwhich. And since third year na ako, I belong to Pufflemore. And lastly, wala kaming uniform dito. At isa pa, no sectioning! Isang classroom lang kaming lahat and we're 184.

"Look! Si Prince Ruki na naman ang first oh..," rinig kong sabi ng katabi ko.

Napatingin naman ako sa tinitingnan nila. Oo nga, Rank One na naman si Prince Ruki. Si Prince Ruki ay ang Prince ng Shi. Malapit lang din sa kaharian namin pero my kingdom was already dead. Pag naaalala ko 'yon, bumibigat na naman ang pakiramdam ko. And again, I stared at his name, malayo na talaga ang narating niya and I am so proud of him kahit hindi niya alam.

"And look, what we have here..."

Napatingin naman ako sa nagsalita. Rank 8, Princess Gritella. Suot nito ang isang white gown na akala mo naman na may party na dadaluhan.

"Hi Princess Rank 184," sabi nito.

Nagtawanan naman ang iba samantalang ako ay napailing lang. Sa mga ganitong sitwasyon, alam ko na talaga ang gagawin. Kailangan ko lang mag-walk out at tiisin ang mga kantyaw nila.

I passed at her at ramdam kong ginagamitan niya ako ng kapangyarihan niya. She has the power to stop you from moving pero hindi nila alam hindi tatalab 'yon sa akin, so I pretended. Hindi ako gumalaw.

Ramdam kong lumapit ito sa akin at pumunta sa harapan ko.

"Stay here okay? Since rank last ka naman you don't have to attend class. "

Mas nagtawanan pa ang iba samantalang ako ay naiinis na, nakakangalay na kasi.

Umalis na ito at iniwan ako na nakahinto lang. Hanggang sa unti-unting umalis ang iba hanggang sa ako nalang ang naiwan. Nang maramdaman kong wala ng ibang tao ay agad na akong gumalaw.

"Okay ka lang?"

Napatalon naman ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko ito habang nakahawak pa sa puso ko.

"Makakagalaw ka na?" tanong nito habang tinitingnan ang katawan ko.

Napakamot naman ako sa ulo at nag-isip ng dahilan.

"Oo eh hindi naman kasi masyadong malakas yung ginamit ni Gritella kaya medyo nalabanan ko," paliwanag ko.

Tumango naman ito at tinalikuran na ako.

"Wait. Hindi ka ba papasok?"

Huminto naman ito at lumingon sa akin.

"Hindi eh. May pupuntahan ako."

Crown Academy I : The Truth and The HiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon