Flares of Dawn (Jillian Fuent...

By letmebed1

3.9M 62.2K 7.5K

[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Story Sequel of FORBIDDEN FLOWER. Jillian Fuentes and Anne Del... More

Introduction and Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 16

68.4K 884 63
By letmebed1

Jillian Fuentes

"Mom bat ka lumabas? Hinayaan ko na nga kayong kausapin si Wendy eh." sabi ko paglapit niya sakin. Andito ako nakaupo sa upuang gawa sa kawayan dito sa ilalim ng puno ng manga.

Lumabas talaga ako para makausap nila si Wendy.

"Mas mabuting sila munang dalawa ang mag-usap ng Dad mo. Ano pala yong binulong mo kanina ha?" tanong niya sabay sundot sa tagiliran ko.

Napangiti tuloy ako.

"Ano yon ha?" tanong ulit niya saka kumuha sa kinakain kong nilagang mani. May dumaan kasing nagtitinda kanina kaya bumili ako. Kumain din ako ng duhat kanina.

Masarap pala yon. Tuloy naging violet na mga daliri ko. Siguradong pati ngipin ko violet na din hehe.

"Sekreto. Amin lang ni Dad yon." sabi ko saka ako nagbukas ulit ng nilagang mani. Umupo din siya dito sa tabi ko at parehas ko ng kumakain.

Para lang kaming mga bata.

"Ang sarap magbakasyon dito sa province. Ayusin lang namin ng Dad mo yong problema sa Company saka kami babalik ulit dito."

Tumango lang ako.

Kumusta na kaya si Wendy at Dad don? Sana naman maging okay na sila. Alam kong mabigat din ang kalooban ni Dad dahil sa pagmamatigas ni Wendy.

"Mom hindi ka ba nagalit kay Wendy nong malaman mong anak siya ni Dad?"

"Nope."

"Bakit?"

"Wala namang kasalanan ang kapatid mo para magalit ako sa kanya."

"Eh kay Dad?"

"Hmm nong una nagalit talaga ako sa kanya nong sabihin niya na may anak siya sa iba. Hindi ko matanggap non kaya lagi siyang natutulog sa labas ng room dahil ayoko siyang kausapin" sabi niya na natatawa.

Kahit ako natatawa. Naiimagine ko kasi yong sitwasyon ni Dad non. Kawawa naman pala siya.

"Mom?"

"Hmm?"

"Ano palang gagawin ko para magustuhan nila ako?"

"Sino?"

"Parents ng babe ko."

"Ahh,Hmm sweetheart magpakatotoo ka lang. Hindi mo kailangan magpa-impress para lang magustuhan ka nila."

"Ang totoo kasi kinakabahan ako. Mahal na mahal ko si Anne. Natatakot ako baka pag nalaman ng parents niya na may relasyon kami eh baka paglayuin kami. Ayokong mangyari yon."

Habang nagda-drama ako panay naman ang subo sakin ng Mom ko ng nabalatang mani.

"Oh andiyan na pala Dad mo."

Nakayuko lang si Dad palapit sa amin.

Tumayo agad ako.

"Dad si Wendy?"

Tahimik lang siya. Halatang umiyak pano namumula yong mga mata. Tumakbo agad ako papunta kay Wendy nong hindi umimik si Dad.

"Wendz?"

Wala siya dito sa sala.

"Wendz?"

Pagpasok ko ng kwarto niya andon siya nakaupo sa gilid ng kama habang humihikbi.

Tumabi ako saka siya niyakap.

Mahigpit.

Yumakap din siya.

"Wendz tama na. Wag ka ng iiyak?"

Tumango siya pero sobrang tulo pa din ng luha niya.

"Jil-li-an" halos di niya masabi ang pangalan ko.

"Andito ako. Wag ng iiyak ayokong umiiyak ka."

Tumango ulit siya.

"B-balikan mo ako dito ha?"sabi niya habang humihikbi.

"Oo naman. Babalik ako."

Ano kayang nangyari? Okay na kaya sila? Panay hikbi lang siya.

"Pano kapag sumama ako sayo? Wala ng kasama si Lolo at Lola ko tsaka si Pam?"

A-ano daw? Sa-sama?

"Talaga? Sasama ka? Di nga?!"

"Pero pano sila dito?"

Kung pwede lang magtatalon hanggang langit dahil sa saya! Naku nagtatalon na ako!

"Kahit linggo-linggo ako magda-drive papunta dito para madalaw mo sila gagawin ko basta sumama ka lang!"

Tumingin lang siya sakin. Humikbi saka siya yumuko.

"Wendz ibig sabihin okay na kayo ni Dad?"

Wala siyang imik.

"Wendz?"

Tumango siya.

"O-okay na kami."

"Oh?" parang di ako makapaniwala.

Okay na daw sila?!

"Kung hindi dahil sayo hindi ko siguro siya mapapatawad. Pero gusto ko na rin talagang mawala yong bigat na nararamdaman ko. Hirap na hirap na ako Jill."

Tumulo na naman yong luha niya.

"Hindi mo alam kung gano ako kasaya ngayon at alam ko ganon din si Dad. Ang tagal ko kayang inasam na makasama kita."

Pinahid ko yong luha niya.

"Aayusin ko lang muna lahat. Magpapaalam din ako ng maayos kay Lolo at Lola kay Pam at sa iba. Balikan mo na lang ako dito?"

"Walang problema. I love you Wendz. Masayang masaya ako!"sabi ko saka ko siya niyakap ng mahigpit at humalik din ako sa noo niya.

Isa to sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Sobrang tuwa ko!

Patalon-talon pa akong naglalakad pabalik kina Dad.

"Mom Daaaaaad!!!!!!" sabay yakap sa kanila.

"Thanks Jill sa tips mo." sabi ni Dad saka siya kumindat sakin. Si Mom naman takang-taka.

Magkayap kaming tatlo.

Bago umalis nagpaalam ulit kami kay Wendy.

"Thank you Wendy anak." narinig kong sinabi ni Dad saka yumakap sa kanya at ganon din si Mom.

"Babalik ako Wendz para sunduin ka."

Tumango naman siya.

•••

Pabalik na kami ng Manila.

Nagtext din ako kay Jean na ako na susundo sa babe ko mamayang gabi.

Tuwang-Tuwa naman talaga ako!

Pagdating namin ng bahay 6:27 PM na.

Gulat ko nong pagpasok namin ng gate nasa pinto yong dalawa naghihintay sa amin.

"Jo, Jean namiss ko kayo mga hija." si Mom sabay yakap sa dalawa.

"Sabi po kasi sa amin ni Jill uuwi na kayo bukas kaya pumunta na po kami agad dito." si Jo.

"Yup, buti at pumunta kayo rito. Mga dalaga na talaga kayong tatlo. Miss na miss ko kayo" sabay halik ni Mom sa pisngi ng dalawa.

Tuwang-tuwa din si Mom na makita sila.

Pagpasok namin ng bahay nagdinner na kami at kwentuhan lang.

Halatang panay ngiti ng Dad ko.

Tingin ko masayang masaya din siya.

Inabot din ng ilang oras yong kwentuhan naming lima. Si Dad na laging tahimik kahit papano nakikipagkwentuhan na rin. Epekto ata ng nangyari kanina.

Pinatawad na siya ni Wendy.

Sabay-sabay na kaming lumabas na tatlo nong matapos yong kwentuhan namin. Etong dalawa pauwi na, tapos ako naman susunduin ko yong mahal kong si sungit.

"Ingat na lang ha?"si Jean. Tumango lang din si Jo sakin saka kami pumasok sa kanya-kanyang kotse.

Nagdrive na ako.

Saglit lang at nakarating agad ako. Nagpark lang ako dito sa gilid ng kalsada dito sa harap ng restaurant kung saan nagwo-work ang babe ko.

Tumingin ako sa relo ko.

Five

Four

Three

Two

One

Dan-da-ra-raaaaan!!!

Hmm?

Ay bat di lumabas ang babe ko?

Ilang minuto pa ang lumipas.

Grabe ang tagal namang lumabas!Kanina pa ako nakatayo habang nakasandal dito sa kotse ko.

Ay ayan na pala!

Naglalakad na siya papunta rito.

Ngiting-ngiti na ako habang tinititigan siya palapit sakin.

"Bakulaw!"

Napangiti ako lalo pano ang sama ng tingin sakin tas ayaw lumapit. Tumigil siya mga limang hakbang mula sakin.

"Babe lika na dali?!"

Umayos ako ng tayo saka lumapit sa kanya. Ayaw lumapit eh.

"Hmp! Nilandi mo si Pam no?!" agad niyang sabi sakin.

"Di ko nga nakita yon eh."

"Hmp gusto mo namang makita!"

"Hala! Di no!"

Ganda talaga ng babe ko lalo na pag ganitong nakalugay yong buhok niya.

"Jillian?"

"Hmm?"

Humalik ako sa pisngi niya.

"Gusto kong kumain ng masarap na goto."

"Sa Plaza babe! Di ba may bagong bukas na gotohan don?"

Ngumiti siya saka sabay na pinataas yong kilay niya.

Taas baba. Hehe ang cute eh!

Namiss ko tong sungit na to!

Sumakay na kami saka nagbyahe papuntang Plaza.

Napansin ko na parang ang liwanag ng Plaza ngayon.

"Malapit na ang Christmas. Ang dami ng Christmas lights." sabi ng babe ko.

Pansin ko nga bawat puno may naka sabit na Christmas lights.

Pagbaba namin pumasok kami dito sa isang gotohan at nagorder.

After 2 minutes lang sinerve na sa amin yong goto.

"Yummy!" sabi ko.

"Jillian pano ako kakain kung di mo naman bibitawan tong kamay ko?"

Ay Oo nga pala. Hawak ko pa rin pala kamay ng babe ko. Binitawan ko na nga lang para makakain na siya.

Ang dami ding kumakain dito.

Habang sumusubo ako napapansin ko panay ang tingin nong mga lalaki sa katapat naming table.

Ang ginawa ko dumikit ako lalo sa babe ko saka ko hinawakan sa bewang. Sarap tusukin ng mga mata nila eh!

Akin lang siya!

Napansin din siguro niya na masiyado na akong nakadikit sa kanya kaya tinaasan na naman ako ng kilay.

Ang sungit naman talaga ng babe ko, pero di naman niya ako sinaway sa paghawak ko sa bewang niya.

Hanggang sa matapos kaming kumain nakahawak lang ako sa bewang niya.

"Tara na." sabi niya.

Tumayo na kami at lumabas.

"Jillian wait lang." sabi niya ulit saka hinila yong kamay ko. Naglalakad kami dito sa gilid ng kalsada.

Lakad..

Lakad..

Lakad..

Magkahawak kami ng kamay. Ang ganda dahil napaka liwanag.

"Babe ayaw mo pa bang umuwi para makapahinga ka?"

Umuling siya.

May nakita siyang nagtitinda ng Popcorn kaya bumili na naman kami. Ano ba nangyayari sa babe ko? Nahawa na ata sa katakawan ko ah.

"Jillian ayon upuan! Upo muna tayo." sabi niya habang hawak yong isang box ng popcorn. Sumunod naman ako sa kanya.

"Babe naglilihi ka ba? Parang antakaw mo ata." sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Hmm mukhang magkakaroon na naman ako. Kasi kanina gusto ko kumain ng manga o kung anong maasim. Pag ganon ibig sabihin malapit na period ko."

Kaya pala. Humanda na pala ako dahil pag dinatnan siya magiging dragon na naman siya. Siguradong magiging super sungit na naman siya. Akala mo sinasapian. haha

Eto at nakaupo na kami dito sa isang bench tabi ng light post.

Sa tapat namin isang boutique ng Wedding dress, makikita mo yong mga nakadisplay dahil purong salamin ang boutique.

Pansin ko don din pala nakatingin ang babe ko.

"Pangarap mo bang magsuot niyan babe?"

Tumango siya saka sumubo ng popcorn.

Parang may kirot tuloy sa puso ko. Ibig sabihin non gusto pa din pala niya magpakasal? Alam naman niyang imposibleng makasal kami.

"Ikaw ang groom ko."

"Ha?"

Ako daw ang groom niya?

Akala ko tuloy gusto pa rin niya lalake sa bandang huli. Natuwa tuloy ako sa sinabi niyang ako yong groom niya.

"Babe gusto ko ikaw yong groom."kako.

"Eh kapal mo ha!" sabi niya saka niya ko binato ng popcorn sa mukha.

Natatawa ako

"Ako yong broom babe."

Ayon, bigla din siyang natawa. Ang babaw din ng kaligayahan neto minsan eh.

Pasado alas dose na pero andito pa rin kami ng babe ko. Nakwento ko din yong nangyari kanina sa pagpunta namin kay Wendy.

Natutuwa daw siya para sakin dahil makakasama ko na rin ang Sis ko.

.....

Continue Reading

You'll Also Like

994K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
154K 6.9K 48
This is the story of Lawa and Freya. (Pleae unahin nyo muna story ni Zeph (Zephyr)) Deleted it but re-upload it for the sake ng mga nag aabang at na...
284K 7.9K 46
[COMPLETED] Series III I Feel the raindrops dripping on my skin while standing in front of my Daddy's tomb. I'm Hope Kristen Ramirez, daughter of the...
383K 11.2K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...