Freaking Romance in Progress...

Av frosenn

409K 12.3K 7.2K

Coleen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long... Mer

Talian Mo Ko x Freaking Romance in Progress
Prequel 1
Prequel 2
Prequel 3
Prequel 4
Prequel 5
Prologue
SEASON ONE: Perks of Having Each Other
POHEO 1
POHEO 2
POHEO 3
POHEO 4
POHEO 5
POHEO 6
POHEO 7
POHEO 8
POHEO 9
POHEO 10
POHEO 11
POHEO 12
POHEO 13
POHEO 15
POHEO 16
Inquiry
POHEO 17
POHEO 18
POHEO 19
POHEO 20
POHEO 21
POHEO 22
POHEO 23
POHEO 24
POHEO 25
POHEO 26
POHEO 27
POHEO 28
POHEO 29
POHEO 30
POHEO 31
POHEO 32
POHEO 33
POHEO 34
POHEO 35
POHEO 36
POHEO 37
POHEO 38
POHEO 39
POHEO 40 (SEASON 1 FINALE)
SEASON 1 FINALE: Special Chapter
SEASON 2: Freaking Romance in Progress
FRIP 41
FRIP 42
FRIP 43
FRIP 44
FRIP 45
FRIP 46
FRIP 47
FRIP 48
FRIP 49
FRIP 50
FRIP 51
FRIP 52
FRIP 53
FRIP 54
FRIP 55
FRIP 56
FRIP 57
FRIP 58
FRIP 59
FRIP 60
FRIP 61
FRIP 62
FRIP 63
FRIP 64
FRIP 65 (SEASON 2 FINALE)
SEASON 2 FINALE: Special Chapter
Epilogue
Afterword
Damgeen High School Musical

POHEO 14

4.7K 167 54
Av frosenn

Chapter 14

Home

   

Tinulungan ako ni Romeo at ni Mang Chris upang maipasok sa loob si Colt.

Kino-contact naman ni Yaya Jupiter si Yaya Mars na naka-leave daw simula pa kahapon so that means walang kasama si Colt sa kanilang bahay.

Inabutan ako ng tuwalya ng isang kasambahay at pinainom ng mainit na gatas. Tinanggihan ko ang inumin at sinundan ang daan na tinahak nina Mang Chris kung saan dadalhin si Colt.

Kulang na lang ay mabaliw na ako sa mga nangyayari.

Oh, my god!

Sa isang guest room dinala si Colt. Pinahiga ito sa kama at kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano kaputla ang kanyang mukha. Buong katawan niya ay nanginginig.

Napasinghap ako. Nilagay ko ang aking kamay sa bibig ko. Napailing ako habang patuloy pa rin ang pagragasa ng mga luha mula sa namumugto nang mata.

"I-is he okay?" wala sa sarili kong sambit habang naglalakad patungo sa may kama.

Pagkatapos nilang mailapag si Colt ay agad na tumayo si Romeo at humarap sa akin. Maging siya ay basang-basa na rin. Pumapatak ang ilang tubig na nanggagaling pa sa kanyang buhok. Nagtangis ang kanyang panga, tila pagod na pagod niya akong tinignan.

"Don't you even try to do such stunts again! Are you out of your fucking mind?!"

Para akong batang pinapagalitan sa mga oras na iyon. Yumuko ako. Bumalik sa akin ang imahe ni Colt habang wala sa sariling nakabilad sa ulan.

Nagsimula na akong humikbi at hindi ko na kayang pigilan ang mga iyon.

Isang magaan na kamay ang humaplos sa aking likuran.

"Tama na iyan... Kailangan niyo nang maligo at magpalit ng damit. Baka pati kayo, e, magkasakit pa..." ani Yaya Jupiter na kakapasok lang din ng kuwarto.

Lumipat ang kanyang tingin kay Colt na halos magkulay lila na ang mga labi. Halos magunaw na ang buong sistema ko. Shit. What happened?

"Colt..." I cried.

"Mamaya na natin pag-usapan ang mga nangyari, Coleen. Umakyat ka na. Kami na ang bahala kay Vecinto."

I unconsciously nodded my head to Yaya Jupiter. Nauna nang lumabas si Romeo at inis pa rin.

Ilang segundo ko pang pinagmasdan si Colt bago ulit humarap kay Yaya.

"M-magiging maayos po ba siya?" I asked, hopeful.

Bakas din ang pagod sa mga mata ni Yaya ngunit nagawa niya pang ngumiti sa akin.

"Matapang iyang si Colt. Hindi iyan titiklop sa simpleng lagnat lang, hija..."

"Pero paano kung lumala pa ang lagnat na 'yon?!"

Desperado na ako. Their family is suffering a big crisis right now. He should look after himself!

Kung ayaw niyang paunlakan ang pag-aalala at tulong ko, tulungan man lang sana niya ang sarili! Heck, how could he be this reckless and childish?!

"Kailangan mo nang magpahinga. Bukas mo na lang bisitahin si Colt. Bilis na..." Yaya Jupiter pleaded more.

Sa katigasan ng ulo ko ay nagpatawag pa ng isang kasambahay para lang ihatid ako sa aking kuwarto. Kaya labag man sa kalooban ko, napilit nila akong paakyatin ilang sandali.

Medyo nagtagal ako sa loob ng bathroom dahil parang hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko. Bahagya akong nawala sa sarili kaya mabilis kong in-off ang shower nang natauhan.

Pagkatapos kong maligo, nagpalit ako ng damit na pantulog bago sikaping ihimbing ang aking utak at buong katawan.

Hindi ko magawang makaramdam ng gutom dahil wala akong gana at bago pa man kami umalis ng mall ay busog na kaming tatlo nina Thea at Abi.

Sinilip ko ang wall clock. Ala una na ng madaling araw at wala pa rin ako sa kondisyon para makatulog. Kung ano-ano nang posisyon ang ginawa ko sa paghiga pero ayaw talaga. Kaya napagdesisyunan kong bumaba.

Wala na masyadong tao. Dim na ang paligid at iilang ilaw na lamang ang mga nakabuhay.

Mariin akong napakagat ng labi at bumuntong-hininga. Walang gana akong natawa sa sarili. Naisip ko, ano nga naman bang karapatan ko para isumbat kay Colt na alagaan niya ang sarili kung heto ako, nagpapakatanga.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa guest room na pinagdalhan kay Colt. Payapa siyang natutulog pagkapasok ko sa kuwarto.

Humugot ako ng malalim na hininga. Sinarado ko ang pinto sa aking likuran at binuhat ang silya patungo sa harapan ng kama.

Dama ko na hindi gaanong malamig ang kuwarto, marahil ay sadyang hininaan lang ang aircon para sa kalagayan niya ngayon.

Pinaglaruan ko ang aking labi habang nakaupo lang sa harapan niya, trying hard not to touch even the tip of his hair.

Pakiramdam ko kapag nahawakan ko siya ay may mangyayari na namang hindi inaasahan.

I chose to be calm and quiet. I couldn't stomach another tailspin of him. Ang breakdown niya kanina ay sapat na para makalimutan ko ang mga hinaing at galit na nararamdaman ko kanina lang. Sa mga oras na iyon, gusto ko lang na manatili rito sa tabi niya at alagaan siya hanggang sa gumaling.

I smiled weakly to myself as I watched him sleep. Paano tayo nauwi sa gantong sitwasyon, Colt?

I found myself trying to touch his pale cheek. Nang halos magdikit na ang aming mga balat, natauhan ako at mabilis na hinawakan ang sariling braso para ilayo ang kamay ko sa kanya.

What the hell? I failed. I lose again and I was wrong.

Akala ko ay pagod na ang katawan ko, ang isip at mga mata ko para lumuha sa kanya. Akala ko, matatag na ang loob ko para iwasan siya. Ngunit tulad lang noon, unti-unti ulit akong nagiging mahina. Hindi ko kayang linlangin ang sarili ko, ang nararamdaman ko...

Napansin kong bago na ang suot niyang damit. Siguro'y pinalitan ni Mang Chris kanina pagkaalis ko. Hindi lang ako sigurado kung kanino ang shirt na gamit niya ngayon.

Kaonti na lang, huhupa na siguro ang panginginig ng kanyang katawan. Ang kaninang kulay lila niyang mga labi ay unti-unti nang bumabalik ang kulay. I think he's in a better condition right now.

Halos isang oras akong nanatili sa kinauupuan ko, tanging pinapanuod lang ang pag-angat at pagbaba ng kanyang dibdib.

Tuwing bumabagal ang paghinga niya, natataranta ako. Parang tanga!

Mapapatayo at aakmang hahawakan siya pero pipigilan din ang aking sarili. May sira na nga talaga ang ulo ko.

Tinitigan ko ang maamo niyang mukha. Malayong-malayo iyon sa hitsura niya kaninang umaga sa may kubo. Para siyang anghel na natutulog lang ngayon.

Iyong mahahaba niyang pilik-mata. Ang makakapal niyang kilay. Iyong matangos niyang ilong. Ang dating sing pula ng mansanas niyang mga labi na ngayon ay tila tinakasan na ng kulay. Tamang hulma ng kanyang panga na nakatitindig-balahibo tuwing nag-iigting ang mga iyon sa iritasyon.

At ang mga nagtatago niyang mga mata sa likod ng mga talukap.

God knew how I wanted to look at those eyes again. Iyong mga mata na parang laging antok. Iyong mga matang mapupungay na mabilis mag-iba ng gustong iparating na emosyon.

All of him. I was craving for him. All my senses were searching for his presence.

Muli akong natauhan nang bahagya siyang gumalaw.

Tumayo ako at yumuko nang kaonti sa kanya. Inayos ko ang kumot na medyo lumihis sa kanyang katawan nang 'di inaasahang mahagip ng mga mata ko ang maliit na pasa sa baba ng kanyang kanang mata dahil sa distansiya namin sa mga oras na iyon.

Dinilaan ko ang aking pang-ibabang labi nang naramdamang nanunyo iyon.

Where did he get that bruise? Sa pagkakaalala ko, wala pa naman iyan kanina nang nag-usap kami sa eskuwelahan. Bakit ngayon ko lang 'to napansin?

Pinilig ko ang aking ulo at napabuntong-hininga.

Pinili ko na lang na bumalik sa pagkakaupo dahil wala namang patutunguhan kung tatanungin ko ang sarili ko tungkol sa pasa na 'yon.

Tiniklop ko ang aking mga braso sa harap ng dibdib ko.

Ano bang nangyayari sa'yo habang wala ako?

Nakatulog ako sa kalagitnaan ng panunuod lang sa kanya. Saktong alas sais y media ng umaga nang magising ako. Basta na lang dumilat ang mga mata ko at wala na akong naramdamang antok.

Siguro'y body alarm na lang dahil may pasok ngayon. Ngunit mukhang hindi ako makakapasok sa araw na ito.

Shit! My lips parted a bit when I felt something strange.

Alam kong may mali pagkabukas ko pa lang ng mga mata dahil kisame ang bumungad sa akin imbes na kama kung saan natutulog kagabi si Colt.

Okay, nakahiga ako sa kama ngayon. Nakumpirma ko iyon nang napansin ang kalambutan ng hinihigaan ko ngayon. I wasn't sitting like I used to before I slept.

At wala ako sa sariling kuwarto dahil iba ang wallpaper ng pader. Nasa guestroom pa rin ako. Isa-isa ko iyong inanalisa.

Nang marehistro ang lahat sa akin ay mabilis akong napalingon sa gilid ko.

I finally saw Colt sitting with his back on the wall. Ang kanyang siko ay nakapatong sa tuhod. Habang sapo ng kanyang palad ang noo.

I grimaced. It was so damn wrong! Dapat siya ang nakahiga ngayon!

Hindi ko kayang isipin na binuhat niya pa ako para lang makahiga nang maayos sa kama. I mean, he's sick! He's too weak to lift me, alright!

Nanigas ako sa kinahihigaan ko.

Doon na lamang ako nakagalaw nang idilat niya ang kanyang mga mata at dumapo sa akin ang tingin niya.

Ako mismo ang pumutol sa titigan. Bumangon ako at umupo sa dulo ng kama, nakatalikod sa kanyang puwesto.

I felt the awkward atmosphere that's filling the both of us. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na nananatili pa ring nakatakip sa tandayan ko.

Nataranta ako sa isip ko.

Magulo ba ang buhok ko? May panis na laway bang natuyo sa gilid ng mga labi ko? O, nakanganga ba ako habang nililipat niya ako sa kama? Damn it! Stop thinking trivial things right now, Coleen!

Naramdaman kong lumubog ang kama sa parteng nasa likuran ko. I remained and my head started to be filled with questions once again.

I knew it wasn't the right time to talk about what's between us. Masama ang kanyang pakiramdam. Pero...

Bumuntong-hininga ako. I couldn't bear this deafening silence anymore. Maybe we could have a talk some time after but not now.

Napailing ako ng aking ulo nang nabuo na ang pasya. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at tumayo na. Nanlambot pa ang aking mga tuhod, pero pinilit ko pa rin.

"You should rest properly. Just use the telephone if you need some-"

"I'm sorry..."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang narinig ang mahinang pagsusumamo sa tinig na iyon. Maging ang boses niya, sumisigaw na hindi pa maayos ang kanyang pakiramdam.

I shook my head, nanatili pa ring nakatalikod. I didn't have the guts to face him. Not yet.

I heaved a sigh and smiled languidly. "You know, you should-"

"I said, I'm sorry..." putol niyang muli sa aking sasabihin, tila pinagpipilitan ang panig.

Parang pinipiga ang puso ko. It seemed that he won't let me set this topic aside.

It was all what I wanted, right? Ang magkaayos kami. Ngunit ngayong isa-isa nang nagsisilabasan ang mga senyales ay siya namang pangingilid ng mga luha at pagbahag ng buntot ko.

Maybe his apology was just a trigger to urge my weaknesses to come out. Ito na iyon. This is our moment of truth. A moment that will crush my heart with pure truthfulness.

"I-it's okay..." Kumibot ang aking labi.

I mentally cussed. It's okay? Matapos ang lahat ng mga nangyari, it's okay lang ang kahahatungan? Gusto kong matawa.

That's... That's bullshit!

"Coleen..."

Napasinghap ako.

Tinakpan ko ang aking bibig at napakurap ang mga mata nang pumatak ang mga luha mula roon.

"Can you forgive me... after all that I've done?" Bakas ang lungkot sa kanyang boses.

I licked my lips when it felt droughty to speak. Marahan akong tumango.

Naramdaman ko ang mainit na palad niya sa aking balat. Libo-libong boltahe ang gumapang sa sistema ko. Lalo na nang haplusin niya ang aking braso pababa sa kamay ko.

Pinagsalikop niya ang aming mga daliri.

Coleen being Coleen, I faltered in just a matter of seconds. Nakakainis. Nakakainis ka, Colt! Ngunit higit sa lahat, naiinis ako sa sarili.

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. I was not sure where my love for him would lead me now, or in the near future. Ako ang may-ari ng katawang ito ngunit pakiramdam ko'y mas nakokontrol pa niya ako kaysa sa sarili ko.

Umiiyak akong napaupong muli sa kama. Halo-halong emosyon na ang namumuo sa akin sa mga oras na iyon na hindi ko alam na posible pala. Ngunit mas angat ang ligaya sa akin. Finally, my Colt was almost back. I waited this to happen for so long.

Umuga ang kama nang lumapit pa siya lalo sa akin. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking batok dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko.

Napapikit ako. "You're already forgiven. Noon pa man..."

"But I can't... How can I forgive myself, Coleen? You... Y-You don't deserve to be treated like that. I'm very, very sorry..." tila nahihirapan niyang sambit.

Parang nakuntento na ako sa pagpikit at pakikinig lamang sa kanya. This... This is enough. Ganito lamang kasimple at kadali upang kalimutan ko ang mga nangyari. I know. I was stupid. I was insane and helpless. But I was also inlove with him. That's the truth.

I heard him heave a tired sigh. Umangat ang kanyang haplos patungo sa aking mga balikat. Ngunit mas lalo lamang akong naghuramentado nang ipatong niya ang kanyang mukha roon. At mas tumayog pa ang banyagang pakiramdam na namamayani sa katawan nang isiksik niya sa leeg ko ang kanyang mukha.

Lalo dumiin ang pagpikit ko. Mainit pa rin siya ngunit hindi na ganoon kalala. That explained how he could manage to act like this all the way.

Para akong kiniliti nang lumapat ang malalambot niyang labi sa aking balat. Malambot at magaan lamang ang halik na iyon. It's the kiss that 'my' Colt would give me. Hindi iyong mapupusok at puno ng galit.

Pagkamulat ng aking mga mata ay natulala ako. Suddenly, I wanted to ask him this question that still bothered the hell out of me...

"Gusto ko lang itanong... bakit hindi mo ako pinagkatiwalaan?" I uttered, almost a whisper to my ears.

Nawala ang halik at mga haplos niya sa akin. Nagulat ako nang umalis siya sa kama at lumuhod sa harapan ko. Ngayon ay kitang-kita ko na siya. Abot-kamay ko na. I smiled weakly, almost tired.

Inabot niya ang aking mga kamay at iminuwestra sa kanyang mukha.

Mataman siyang tumingin sa akin. "Slap me... or even punch me as long as you want, as long as you can. Please... I want to make this up to you, baby. I deserve this... I'm a jerk."

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, isang luha ang kumawala sa kanya. Bahagyang namula ang kanyang maputlang mukha dahil sa pagluha.

I bit my lower lip. What are you doing, Colt? You know I can't to that...

Pero napipi ako. Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig kaya siya na rin mismo ang gumalaw sa mga kamay ko, pilit na sinasaktan ang sarili niya kaya mabilis ko iyong binawi.

"Don't cry for me..." His jaw tightened.

Inabot niya ang aking mukha at pinalis ang mga luha roon gamit ang kanyang hinlalaki. I sniffed.

Sa unang pagkakataon ngayong araw na ito, hinaplos ko ang kanyang mukha at pinahid din ang luhang pumatak mula roon.

"Forgive yourself... kahit para sa akin na lang. I want you to forgive yourself..." sabi ko.

I cupped his face with my both hands and kissed him on his lips.

Nakaawang lang ang kanyang mga labi. Nagulat pa ako nang akmang aalisin niya ang kanyang mga labi sa akin ngunit muli kong hinabol ang mga labi niya.

Hindi nagtagal ay sinuklian niya rin ang mga halik ko. I closed my eyes and I let myself feel the complete epitome of bliss.

The kiss was soft, light, and passionate at the same time. Hindi ko maintindihan ngunit mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa halik na iyon. Parang may mainit na palad ang humaplos sa aking puso.

Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking batok para mas lalong ilapit ang mukha ko sa kanya.

Mayamaya, ibinuka niya ang kanyang bibig, parang natigilan. Pinaghiwalay niya ang mga labi namin.

I looked at his eyes. Those eyes that looked sleepy everytime.

He licked his lips. Dahan-dahan iyon. It bothered the hell out of my sanity. Huminto roon ang aking paningin nang ipinagdikit niya ang aming mga noo.

"Baka mahawa ka..." aniya.

Bahagya akong natawa. "Pero aalagaan mo ako, 'di ba?"

Tipid din siyang ngumiti sa akin.

Nilayo niya nang kaonti ang kanyang mukha at hinalikan ang aking noo.

"Of course..." he whispered. "I love you... I always do."

Pinunasan ko ang mga luha ko at niyakap siya. Siniksik ko ang sarili ko sa kanya dahilan para madama ko ang komportableng init na dulot ng kanyang katawan.

It felt... home.

"I missed you saying that, Colt..."

Parang tanga akong tumawa. Ang babaw ko.

"Hmmm..." he said while tucking my hair behind my ear.

Napapikit ako at naramdaman kong pinatong niya ang kanyang mukha sa tuktok ng ulo ko habang nakayakap pa rin.

"It bothers me," sambit niya.

"What?"

Nilamon kami ng ilang segundong katahimikan bago siya muling magsalita.

"Do you still love me?"

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Lumayo ako sa kanya at natawa. Sinuklian niya naman ako ng seryoso ngunit may bahid ng pagtatakang mukha. Siguro nagtatanong kung bakit pabago-bago na naman ang timpla ko.

Tss. Can you even blame me?

Unti-unting humupa ang tawa ko at napangisi na lamang kalaunan. I shook my head in disbelief.

"Of course, Colt. It even gets stronger," sabi ko.

Medyo magulo ang buhok niya. Muli na naman akong napangiti. Nami-miss ko 'yung mga panahong ako pa mismo ang nag-aayos ng buhok niya dahil hindi tulad ng ibang lalaki, wala siyang pake kung maayos ba iyon o hindi. Lalo kung nasa bahay lang.

But... Oh, well. Maayos man o magulo, guwapo pa rin naman. Ngunit hindi ko iyon sinasabi dahil magiging maloko siya tuwing sinasabihan ko siya noon. How arrogant.

Pinilig niya ang kanyang ulo. Pinasadahan niya ng mga daliri ang kanyang buhok nang malamang nakatitig ako roon.

Bumalik ang tingin ko sa mga mata niya.

"Then say it properly..." utos niya.

Umiling ako, kabisadong-kabisado na ang gagawin.

"You should be more cordial when asking for favor. Say, pleaaaaase?"

I smiled while showing him the hand gestures and the facial expression. Ngunit ako pa yata ang dapat na magulat nang hilahin niya ako at halikan sa ilong.

"Please?" he whispered.

My heart pounded aggressively. I gasped.

"I-I love you..."

Fuck. How easy you were, Coleen!

"Properly."

Mariin akong pumikit. "I love you..."

Humalakhak siya. Pero dahil masama pa ang pakiramdam niya ay hindi iyon nagtagal.

"Teka! Kakabati lang natin tapos pinagti-trip-an mo na agad ako. May atraso ka pa sa'kin, a!" bwelta ko sa kanya.

His forehead puckered before facing me.

"What is it?"

Maingat siyang bumalik sa kama at humiga. Mukhang hindi na nakayanan ang pagbigat ng katawan.

Humarap ako sa puwesto niya at nag-indian seat sa kanyang gilid. Natahimik ako.

I meant about his parents. Nauna ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin bago ang pagkuwento niya sa akin na may problema pala ang kanyang mga magulang.

Nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang matagalan ako sa pagsasalita.

Bumuntong-hininga ako at pilit na ngumiti. I think... it's not yet the right moment to talk about that.

"Who's Xia?" Iyon na lang ang naging tanong ko.

Iba ang lumabas sa aking bibig sa kung ano ang nasa isip. Mas mabuti na muna ito dahil totoo rin namang kuryoso ako tungkol sa Xia na iyon.

"Who's Xia?" balik niya ng tanong sa akin.

I scoffed. "Don't deny it! Who is she? How did you know each other?"

"Seriously, I don't know what you are talking, Coleen. Who the hell is she?" parang naaasar na niya ring utas.

Napairap ako. "Stop lying. The girl you are with. Sa may kubo!"

Tila naliwanagan ang kanyang mukha.

"Her name's Xia? Oh..." sabi niya na parang ngayon lang narehistro sa kanya ang lahat.

"Oh, my god! You didn't know her?" Sinampal ko siya sa braso. Was he serious?

"I didn't. I mean, not by the name..."

"Ano pala iyon? Palabas?" Hindi ako makapaniwala!

"I guess?"

I knew it! Why was I even fooled by that bait? Damn it!

"But she introduced herself! Imposibleng hindi mo alam na Xia ang pangalan niya!" giit ko pa rin dahil hindi pa rin talaga makapaniwala! Ang labo!

"I was just looking at you that time, Coleen. Are you kidding me?" untag niya na parang nakarinig siya ng isang kahibangan.

Napahilamos ako ng mukha. He couldn't be serious, right?

Ibubuka ko na sana ang bibig para muling magsalita ngunit hinila niya ang braso ko at pinahiga sa kanyang balikat.

Nagpumiglas ako. How could I have a proper conversation with him if we're in this position? Kailangan ko pang tumingala para lang makita ang mukha niya!

His right arm was wrapped around my body while the other was covering his eyes in a supine position.

Ang kanyang nakayakap na kamay ay bahagyang inangat ang aking damit at hinaplos ang tiyan ko.

Umusbong ang nguso ko. It's distracting! And kind of... tempting. Tuwing mahahablot niya ang kiliti, iniiwas ko ang kanyang kamay roon.

"I was eaten by my pride. I want you to know that I can live without you, that I can look for another girl and you're not the only one that can tame me..."

"Oh..." I pursed my lips.

Inalis niya ang braso sa kanyang mukha. Hinila niya ang kanang kamay ko at siya na mismo ang nagyakap ng braso ko sa kanya.

He kissed the top of my head and sighed.

"Pero nanatili lang iyong palabas."

"I know. You can't resist me," pagmamayabang ko.

Muling gumalaw ang kanyang kamay sa aking balat at tuluyang nahagip ang kiliti ko.

Ilang ulit akong napamura but it didn't stop him. Mas lalo niya lang akong kiniliti!

"Damn it, Colt!" alma ko pero natatawa na rin.

Maging siya ay mahina ring napatawa at huminto na. Ako naman ang umabot sa kanyang kilikili, nagbabaka-sakaling makuha ko ang kiliti niya roon dahil doon talaga malakas ang kiliti niya ngunit natigilan nang muli siyang nagsalita.

"Where have you been last night?"

Naalala ko ang mga nangyari kagabi.

"Kasama ko sina Thea at Abi," I said.

"With whom?" makahulugan niyang saad.

"Kami lang."

Tumingala ako sa kanya. Nagtama ang paningin naming dalawa. I don't know if it was just me or there really was a hint of distress in his eyes.

"What about... Ghunter?"

Nanliit ang mga mata ko sa tanong na wala sa lugar.

"What about him?" I fired back, stressing the last word.

His lips formed into a grim line before shaking his head lightly. He smiled. But I knew better. It was strained.

"Wala." Bahagya siyang natulala at bumuntong-hininga. "I think I owe him one..."

"Why?"

"Wala..." was all he could say before averting his gaze.

My eyes narrowed more suspiciously. Why was Ghunter suddenly included in this conversation? Was there another thing I didn't know about him? Mukhang ganoon na nga. Lagi naman. Lagi namang walang muwang.

Sa kabila ng kagustuhang tuklasin ang rason sa likod ng hindi inaasahang tanong tungkol sa kanyang kaibigan, pinili ko na lang manahimik at huwag nang makialam.

A long stretch of silence dominated us. His hand remained grazing my skin when I decided to open up another topic instead.

"Colt, why did you do that? You should've stayed inside the house."

Sumeryoso ang kanyang ekspresyon nang bumaling sa akin, tila bumalik na sa nawalang ulirat.

"I want to face my mishap. Parusa siguro iyon sa pagpapaiyak ko sa'yo..." aniya.

"'Wag mo nang uulitin 'yon. At saka, sinong nagsabing iniyakan kita?" I winced dramatically.

Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

"Right. Kunwari maniniwala ako, Kuring."

Napanguso ako. It bothered him. Alam ko dahil bumaba ang tingin niya roon. Laking gulat ko nang pingutin niya ang mga labi ko.

That hurts! Sinamaan ko siya ng tingin at tinakpan ang mga labi ko.

His lips protruded when he stifled a smile.

"Masakit 'yon..." sabi ko habang nakatakip pa rin ang mga palad sa aking bibig.

"I'll kiss it then..."

Umiling ako. "Bastard."

FortsÀtt lÀs

Du kommer ocksÄ att gilla

2.4K 199 32
MOON SERIES #1| COMPLETED (NOT EDITED) Arely Vittales has no experience in this thing called Love, her friends tease her and here she is proves herse...
208K 8.8K 23
The background changes. One day I'm at school. The other day I'm at the playground. The trees disappeared, the flower withered and died. I saw him sm...
83.2K 652 98
An Epistolary Jane Aurora Elizalde & Nate Ocean Dela Vega
486 75 49
Xantiel Alcazar hates summer. For her, summer is boring. Wala raw kasing pasok. Kapag walang pasok, walang allowance. Kapag walang pasok, stay at hom...