Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Finale
Epilogue
Special Update #1
Special Update #2
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Chapter 47

294K 3.5K 128
By asherinakenza

Chapter 47


KEI'S P.O.V


Tahimik kaming umuwi sa Frog House. Hindi kami nagpapansinan simula ng sinabi ko sakanyang tanggapin niya yung project sa New York.


Ayoko naman na maging hadlang sa matagal na niyang pinapangarap dahil masyado ng maraming nagawa sa akin si Kyle at ito na lang yung pwede kong gawin para sakanya ang tanggapin niya yung project sa New York.



Pumasok ako sa kwarto namin pero hindi ko naramdaman na sumunod siya. Isa isa kong tinignan ang mga pictures na nakaframe at nakasabit sa wall ng kwarto namin, lahat ng kuha niya maganda at talaga namang kaakit akit sa mata, makikita mo talaga ang pagmamahal niya sa ginagawa niya.



Maya maya lang narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto namin, sumandal ako sa headboard ng kama namin, nakatingin siya sa akin at napansin kong gulo gulo yung buhok niya.


Umupo siya sa paanan ng kama at narinig ko ang sunod sunod na paghinga niya ng malalim.



"Kei..." Basta tinawag niya ako sa pangalan ko alam kong seryoso ang pag uusapan naming dalawa, tinitigan ko lang ang likod niya.


"Ayokong umalis...mas importante kayo sa akin ng kambal kesa sa project sa New York." Mariin na sabi niya.


"Pangarap mo yun Kyle..." Bulong ko.



"Pero pangarap ko din na makita at marinig yung unang iyak nung kambal. Kei naman intindihin mo naman ako." Nanginginig ang boses niya pagsasalita.


"Pero yung sa New York! Hindi ba mas nauna mo naman naging pangarap yon? Hindi pa kami dumadating ng kambal sa buhay mo pero yon! Matagal mo ng hinihintay yon." Pinunasan ko yung luha na tumulo sa pisngi ko, oo naiintindihan ko naman siya, naiintindihan ko na lahat ng first sa kambal namin gusto niyang marinig at makita.


Hindi siya nagsalita. Matagal din naghari ang katahimikan sa kwarto namin.


"Kapag ba umalis ako may babalikan pa ako?" Biglang tanong niya.


"Kyle naman...kasal na tayo... Tiwala nga di ba??" Humihikbing bulong ko.


"Mawawalan ako ng oras sayo kapag nagpunta ako ng New York, hindi tayo masyadong makakapag usap..."


"Kakayanin ko Kyle..."


"Baby hindi ko kaya...langya kasi." Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya mula sa likod niya, kinuha niya ang kamay ko at pinagsalubong niya iyon gamit ang kamay niya.


"Bakit gusto mong tanggapin ko yung project?" Bulong niya...


"Dahil ito na lang yung magagawa ko para sayo Kyle, at kapag natupad mo na yung matagal mo ng pinapangarap magiging masaya ako." Bulong ko sakanya, mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko at naramdaman kong may tumulong parang tubig sa kamay ko, umiiyak siya...



"Magiging masaya ka?" Tanong niya, medyo garalgal na ang boses niya.


"Oo Kyle..."


Huminga siya ng malalim...


"Alright...kung saan ka magiging masaya baby... Gagawin ko para sayo." Bulong niya.


Humarap siya sa akin... Pinunasan ng thumb niya yung luha sa pisngi ko.


"Sumama ka na lang kaya sa akin?" Suhestiyon niya.


"Kyle...trabaho ang pupuntahan mo dun hindi bakasyon." Sagot ko sakanya...


Tumango tango siya, inayos niya ang buhok ko at napapikit ako ng halikan niya ang noo ko.



"Para sa asawa ko. Gagawin ko." Bulong niya.


"Galingan mo...Daddy." Bulong ko sakanya, lumayo siya ng kaunti sa akin at tinignan ako sa mata, nakita ko ang pagkinang ng mata niya dahil sa sobrang saya.


"Go Daddy..." Ulit ko... Ngumiti siya at hinaplos ang tiyan ko.



"I love you..." Bulong niya at mabilis na inangkin ang labi ko.


Magiging maayos din ang lahat, kagaya ng sinabi ni Kyle... Tiwala lang. Magiging masaya lang ako kapag natupad na ni Kyle lahat ng pangarap niya.



_______


KYLE'S P.O.V


Kinapakapa ko yung katabi ko. Napakunot ang noo ko dahil wala siya sa tabi ko, dahan dahan kong iminulat ang mata ko kaya naman napabalikwas ako ng bangon ng makita kong wala talaga siya.



Sinilip ko siya sa cr pero wala din siya kaya naman bumaba ako at narinig kong parang may nagluluto mula sa kusina.



Napangiti ako ng makita kong abalang abala ang asawa ko sa pagluluto. Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya mula sa likod.


"Gising ka na pala. Sandali lang matatapos na 'to." Sabi niya pero hindi ko pa rin inalis ang yakap ko sakanya.


"Kyle tatapusin ko muna 'to..."



Kaya naman hinigpitan ko muna ang yakap bago ko siya binitawan.


"Ang sipag naman ng asawa ko." Puna ko sakanya habang tinitignan ko yung niluluto niyang caldereta at talagang paborito ko pa yung niluluto niya.


"Ngayon lang naman ako nagluto ng breakfast Kyle..." Sagot niya.


"Masipag pa rin." Nakangiting sabi ko.



Magkaharap na kami ngayon habang kumakain, napansin kong hindi niya ginagalaw yung pagkain sa pinggan niya.


"Baby? Kumain ka na, ang sarap ng luto mo, natalo mo pa yata yung luto ni Love!" Nakangiting sabi ko sakanya.


"H'wag mo nga akong binobola Kyle..." Suway niya.


"Hindi kita binobola baby... Masarap talaga, kasing sarap niyang labi mo." Nakangising sabi ko sakanya dahilan para mamula siya, napakaganda ng asawa ko kapag namumula na ako ang dahilan.



"Kumain ka na nga!" Sigaw niya sa akin at nilagyan pa ng ulam ang pinggan ko, sinubuan ko naman siya.


"Kumain ka din." Suway ko sakanya.


Tumango siya at kumain na rin...


"Mamimiss kita." Natigilan ako ng magsalita siya, iniiwasan niya ang mata ko kaya naman hinawakan ko ang baba niya at pilit kong pinagtagpo ang mata naming dalawa.


"Pwede namang hindi ako umalis." Bulong ko, umiling iling siya.


"Gusto kong umalis ka. Gusto kong matupad ang mga pangarap mo Kyle. Saka isa pa, hindi ba mas maganda na habang tinutupad mo yung mga pangarap mo tatlo kaming nagiging proud sayo? Ako, pati yung kambal... Sobra sobrang proud kami sayo Daddy." Masayang sabi niya, langya parang nagkakarera nanaman yung puso ko dahil sakanya. Napakaswerte ko sa asawa ko, maganda na nga mabait pa. Wala na talaga akong hahanapin pa.


"Thank you baby..." Bulong ko sakanya.


"O sige na kumain na tayo, pagkatapos tawagan mo sila Hana, sabihin mo kukuhanin mo na ulit yung project sa New York." Nakangiting sabi niya, hindi na nagseselos ang asawa ko. Halatang may tiwala na talaga siya, nasa akin pa yung usb ng presentation nila Hana para sa New York, ako na daw ang bahala kung ipapasa ko sa board. Ayaw din sana nilang tanggapin yung project dahil mas naniniwala daw sila na para sa akin yon.


Magiging team leader ako ng photography ng isang malaking Fashion Model sa New York at one year ang kontrata nila don. Saka isa pa sigurado talagang gaganda ang buhay mo dahil na rin sa malaking kita. Pero handa naman akong talikuran lahat yon para sa mag ina ko, kaya ko naman silang buhayin kahit wala yung project na yon. Pero dahil na rin narinig ko ang side ng maganda kong asawa, wala naman sigurong dahilan para talikuran ko pa yon. Masarap marinig na proud sayo yung taong mahal na mahal mo.




"Baby..." Tawag ko sakanya, inaayos na niya ang mga damit ko sa maleta. Pero kanina niya pa iniiwasan ang mata ko, bukas na kasi ang alis ko.



"Uhm?"


"Aalis na nga ako bukas tahimik ka pa rin."


"Inaayos ko lang ang mga gamit mo Kyle. Nandito sa gilid yung mga gamot, kapag sumakit ang ulo mo uminom ka kaagad at magpahinga ka... Yung medyas mo, saka yung brief mo nandito sa ilalim..." Dire-diretsong sabi niya, iniharap ko siya sa akin.


"Baby...tignan mo ako sa mata." Huminga siya ng malalim at tinitigan ako sa mata, hinaplos ko ang tiyan niya. Ang bilis 7 months na ang kambal, at dalawang buwan na lang manganganak na ang Misis ko.


"Ikaw ang mag ingat dito. Kumain ka sa oras, ayokong magpapalipas ka ng gutom. Ang breakfast mo tuwing 7am, ang lunch mo 11:30, magmeryenda ka din... Saka isa pa sa gabi, magbawas ka ng kanin, hindi ba sabi ni Doctora bawasan ang rice kapag gabi? Mahihirapan kang manganak." Bilin ko sakanya, masyado na kasing malaki ang tiyan niya at tumataas ang sugar niya. Medyo napapalakas kasi ang kain nitong asawa ko dahil sa kambal.


Tumango tango siya.


"At kapag may kailangan ka nanjan naman yung katulong, h'wag magkikikilos baby...H'wag matigas ang ulo, pasasamahan kita kay Misha hangga't wala pa ako."


"Oo na Daddy..." Sagot niya.


"Basta Mommy..." Hinila ko siya at inupo ko siya sa kama para mayakap ko siya ng maayos. Takte mamimiss ko 'tong asawa ko.


"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita..." Bulong ko sa tenga niya.


"Kyle...h'wag kang mambababae dun ha? Madaming sexing models don, magaganda pa..." Pag aalala niya, tumawa ako. Kahit kailan talaga 'tong Misis ko, akala ko hindi na selosa, napakaselosa pa rin pala.


Hinalikan ko ang balikat niya.


"Hindi baby... Alam mo namang ikaw lang ang babae sa buhay ko eh... Pati si Love at ang mga kapatid ko... Promise, kahit nakatalikod ako sayo, kahit sobrang layo ko sayo makakasigurado kang hinding hindi kita ipagpapalit."


"Kahit ganito ako kataba??" Sabi niya habang pinapakita ang braso niya.


"Kahit ganyan ka pa kataba..."


"Kahit na ang laki laki ng tiyan ko?"


"Kahit na baby!!"


Buntis ang asawa ko kaya ganyan kataba yan ngayon, ang cute nga niya. Ang sarap yakapin. Pero lagi niyang sinasabi na pagbalik ko daw sexy na daw ulit siya. Sino ba namang hindi maiinlove dito sa asawa ko? Magpapaganda pa lalo at magpapasexy para sa pagbalik ko, talaga namang naghahanda para sa susunod na kambal.


Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 15.7K 39
Virginity List: A list of things she wanted to do before she loses her virginity.
4.5M 38.3K 70
Sa Fairytale si Cinderella ay may Prince Charming na nag ligtas sa kanya sa pangaalipin ng dalawang Step Sister nya at ng kanyang Step Mother dito sa...
4.6M 99.2K 53
Book 1 of Chasing The Bad Girl I want to cry I want to scream I want to tell you mostly I hate that I'm afraid of everything I hate that you're the o...
1.8M 7.3K 5
Duke Xyrus Dela Marcel Dela Marcel Series: Duke's Possession by Diyosangwriter Book Cover: CookieMallows (Current) Book Cover: Krunchey (old one)