Hopeless Romantic 2: Bitter (...

By strawberry008

13.8M 200K 30.5K

Season 2: What happens when a girl gets tired? We'll see! More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX BLIND DATE DAY!
CHAPTER SIX POINT FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER THIRTY

299K 3.9K 633
By strawberry008

Bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzzzzzt.

KANINA PA SIYA TUMATAWAG! Nakakainis naman eh. Ano bang gagawin ko? Grr. Ayoko sagutin. After kasi namin mag-usap kahapon, hinatid na niya ako sa bahay. Hindi kami nagsasalita. Magsasalita man kami, one to six words lang. See? Nabibilang talaga. Nabilang ko nga eh. Hayyy. Ba't ba ang awkward kasi?

Nakaka-15 missed calls na siya. Shets! Kung cinut nga yung video, I need to know kung sino nag cut nun. Kung hindi si Alexa, sino?! Si Josh? Bakit naman si Josh? Si Selena kaya, kasali din? Pero diba she was just concerned? I'll never know. Sino nag bigay ng video kay Alexa? I need to investigate!!!

Bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzzzzzt.

Ayan na naman siyaaa!!! Kaiyak 'to pls.

Grr, I need to think hard. Ano ba kasi nangyari?

*FLASHBACK*

"Rylie, please take note of this..." Hinawakan ni Selena dalawang kamay ko, "Kahit anong sabihin ko or ipakita ko sayo, dahil lang nagguilty ako. Nasaktan kita dati. Kami pa ni Josh noong pinagpustahan ka nila, alam kong alam mo yun. Pero..." Yumuko siya.

Remember Selena? Siya yung ex ni Josh. Si Josh yung crush ko dati.

"Pero? Ano yun Selena?" Naaawa ako sa kanya. Mukha nga siyang nagguilty, pero okay naman na yun eh. Tapos na yun! Ang importante, masaya na ako kasi may Tyler na ako. Huehue!

Ayyy, speaking of, iniwan ko siya! Dapat pag balik niya galing CR, sasabihin ko sa kanya na wag na kami mag hiwalay eh. Pwede naman akong mag develop ng nandiyan siya, diba? Hehehe! "Teka Selena, si Tyler pala nasa loob pa. Baka hinahanap na ako nun."

"Sht, " Bulong niya sa sarili niya, "Uhmm. Umalis na siya, Rylie."

"H-ha? Anong i-ibig mong s-sabihin?" Napatulala ako. Ano dawww?

"He left you for Alexa. May friend kasi si Alexa, tapos she told me na papunta na si Justin kay Alexa ngayon."

"P-pero bakit?" Bakit niya 'to sinasabi sa akin? Akala ko ba nagguilty na siya? Bakit niya parang sinisiraan si Tyler?

"Kasi niloloko ka lang niya, Rylie. He doesn't like you. He even said many bad things about you! Lampa ka daw at basta, sht. Sorry, Rylie. You're too kind kasi, pero I think you need to know this, para hindi ka na mas masaktan pa. Wala din siyang pinagkaiba kila Josh, kasi pinagpustahan ka lang din niya. Pinagpustahan ka niya at ng best friend mo, Ry."

Kahit hindi ako naniniwala, bakit sumakit pa din puso ko? Imposible! Hindi ako sasabihan ni Tyler ng masasamang bagay behind my back. Imposible! Hindi ako pagpupustahan ni Tyler at ni Aisha. Hindi. Hindi yun pwede

"Sorry Selena. I don't believe you and I won't," I just smiled at her.

"You should believe me, Rylie. He really likes Janilyn. He's just using you!"

"Please stop Selena. I love him. I trust him," Gusto ko ng takpan tenga ko. Bakit ba niya 'to sinasabi sa akin? Mahal ako ni Tyler, diba? Mahal ako ni Aisha. Mahal ko din sila kaya I trust them. Hindi nila gagawin sa akin yung sinasabi ni Selena.

"But he doesn't love you. Let me show you something." May kinuha siya sa bag niya and nilabas ito. Ah, phone pala niya. May pinress siya doon at pinakita sa akin...

Si Tyler at Alexa! Bakit sila magkasama? Whoa.

"Oo. Gusto ko nga si Janilyn! Maganda, matalino, at mabait. Si Rylie? Careless, Clumsy, Ulyanin, at mahina masyado. Ayoko sa ugali at kilos niya. Gustung gusto ako ni Aisha para sakanya kaya pinilit niya ako makipagdare sakanya..." Nag smirk si Alexa.

Si Justin ba talaga yan?

"Wait wait wait, Selena!" She paused it for a while.

"B-bakit?"

"Inedit lang ba yan? Hindi yan totoo, diba? Ikaw ha. Selena ah! Sino nag bigay sayo nito? I'm sure, joke lang 'to. Joke lang 'to, diba?" Naiiyak na ko.

"Sorry Rylie... Sorry," She looks sad. Oh sht.

"Play mo na ulit," I said.

"S-sure ka?" I nodded.

"Kinikwento siya ni Aisha sa akin before pa kami mag meet. Masyado siyang soft. Madaling maawa, sobrang bait. Inis na inis ako sakanya dahil hindi man lang siya lumaban. Kaya naman pala naaabuso kasi hindi siya lumalaban. Lumipat ako ng school, hanggang sa nakilala ko na siya. Noong 1st day of class sa school namin, hindi ko pa alam na siya si Rylie. Badtrip ako nun at mas lalo pa akong nabadtrip dahil sakanya."

FVCK!

Ang sikip ng dibdib ko. Bakit naman sasabihin ni Tyler 'to? I need to talk to him ASAP! I need to know the whole story. I love him! Nafifeel ko naman na he loves me eh. He loves me, right? Pero... Bakit niya sinabi yun?

Hinatid ako ni Selena sa bahay. Tulala ako. Kanina pa niya ako kinakausap, pero hindi ako sumasagot. Bago ako pumasok, nag sorry siya and she hugged me. Sabi ko sa kanya, hindi niya kailangan mag sorry. Nag thank you din ako sa kanya.

Ayoko na maging masyadong mabait. Ayoko na...

Kaya pag pasok ko ng bahay, lumabas agad ako. Since malayo yung mga bars dito, gumawa ako ng paraan. Nag lakad ako papuntang high-way at nag taxi.

"Ano pinakamatapang niyo dito?" Tanong ko sa bartender. Sorry na po, di naman kasi ako marunong uminom. Huhuhuhu! Hanggang dito ba naman sa bar, wala pa din akong alam.

Nagulat ata yung bartender...

"Mukha ka pang minor."

"Papapasukin ba ako dito kung minor ako?" Pero ang totoo niyan, tumakas lang ako. Busy kasi yung mga guards eh.

 After kong sabihin yun, binigay na niya sa akin yung inumin, hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilan nainom ko.

Pinress ko ng madiin no. 1 sa phone ko. Speed dial. Hehehe! Oh tingnan niyo ngaaaaa, no. 1 pa siya sa speed dial ko. Huhuhuhu!

"Hello?" Uy, si Tyler. Sumagot siyaaaaaa!!! Hawak niya phone niya, pero  hindi man lang niya ako tinawagan. Hindi nga niya ako minahal. Huhuhuhu!

"Hoy ikaw! Yoko yoko ka! G@gO! Wag na wag kaaa ng magpapakicha sha akin!!! BASHTARD! TSEEEEEEH! DI CHAYO BATI! PWEEEE!"  Sinigawan ko siya hanggang sa mabingi siya. Bastoooooos!!!

Binaba ko yung phone. Bahala siyaaaaaa!!!

"Miss, okay ka lang?" Tanong ng babaeng katabi ko. Kanina pa niya ako tinitingnan, may gusto ata sa akin 'to. Joke. Hehehe. Ang lungkot ko na nga, nagjojoke pa din ako. Kailan kaya ako magbabago? Kakaiyak naman. 

"H-hindi ako-"

akdjkdjfhdfkjghslfjdslfjsljfsadajl!!!!

Ang sakit ng ulo ko. Nasaan na ba ko? Naparami ata ako ng inom kagabi eh nakalimutan kong allergic nga pala ako sa alak. Ugh. 

Nahimatay ba ako o hindi ko lang talaga naalala mga nangyari?

Sht. Nasa hospital ako. Walang tao! Wala si mama at si papa. Alam kaya nila? Shet, deads ako pag nalaman nila. Wait, panaginip lang ba yung kagabi?

Kinurot ko sarili ko.

Fck, hindi. Naiiyak na naman ako. Ba't ba kasi ang iyakin ko eh!!! Kaya walang nagkakagusto sa akin. Kaya... ayoko na. Magmamadre na lang ako.

Bumangon ako at naglakad palabas. 

Habang naglalakad ako... someone caught my attention.

That someone is... Tyler.

Tyler beside Alexa. Sht, set up lang ba talaga lahat ng 'to? Totoo nga yung sinabi ni Selena. Totoo yung pinakita niya. Magkakampi silang lahat.

Pero si Aisha? Ba't pati si Aisha?

Kailangan ko siyang kausapin!

Hinintay ko dumating sila mama at papa. Syempre, pinagalitan nila ako. Hindi na lang ako nagsasalita. Tinanong nila ako, pero hindi ako nagsasalita. Hanggang sa nakarating kami ng bahay, hindi pa din ako nagsasalita. Nagpahinga muna ako sa kwarto ko, pero hindi ako makatulog. Ang sakit pa din.

Sa kakaiyak, nakatulog ako. Pag gising ko, pinuntahan ko agad si Aisha sa bahay nila. Nalaman kong buntis siya. Iyak siya ng iyak sa akin. Next time na lang daw niya ikkwento. Oh Aisha. Ano bang nangyayari? Pagkatapos namin mag-usap about her pregnancy, it's my turn naman to ask.

"Aisha... Totoo ba?" Kailangan sa kanya manggaling. Maniniwala ako sa kanya, best friend ko siya eh. Diba? Kahit anong proof ang ipakita nila sa akin, kay Aisha pa din ako maniniwala.

"Ang alin?" Tanong niya.

"Pinagpustahan niyo lang ba ako? Dare lang ba ang panliligaw ni Justin sa akin?"

"R-Ry, hindi," See? Hindi daw. Hindi totoo, "P-pero d-dati..."

"Sht. Aisha? Totoo nga?" Pinipigilan ko luha ko.

"Wait lang, Ry. Mali iniisip mo..."

"Totoo nga na pinagpustahan niyo ako?"

"O-oo, pero Ry, iba kasi iniisip mo. Hindi lang d-da-" I didn't let her explain. I love Aisha! Alam kong mahilig siya sa mga dares, pero hindi ko kaya muna ngayon. Ang lumalabas kasi, niligawan lang talaga ako ni Tyler para sa dare nila ni Aisha. Mahal ko si Aisha, pero hindi ko muna siya kayang kausapin. I don't want to blame her and I don't blame her.

Umuwi ako sa bahay at umiyak ng umiyak. Ano, Rylie. Iiiyak mo na lang ba lahat ng 'to? Ha? Ano? Hanggang ngayon ba, mahina ka pa din?

Pasukan na, tapos na ang weekend. Late akong pumasok this time. Syempre no, pag maaga akong pumasok, makikita ko SIYA. Ang aga kaya niya pumasok lagi. Natatakot ako... Natatakot akong makita siya. Natatakot akong kausapin siya.

Pag pasok ko, ang daming naninibago kasi late ako. Namamaga din mata ko. Nakita ko si ano, pero hindi ko pinansin. Tuluy tuloy lang ako at tumabi kay Lynne, kahit katabi niya pa si Brylle. Buti pa sila, ang tagal na nila. Aabot kaya sila hanggang forever? Btw, hindi na papasok si Aish. Ewan, yun sabi sa akin ni Lynne eh.

Snacks time! Buti na lang may meeting sa music club. Kahit papaano, napasaya nila ako. Pero pagkatapos ng meeting, ito na naman. Ayoko naman i-text si Lynne kasi kailangan nila ng quality time ni Brylle. Third wheel lang ako, if ever. Magbibitter lang ako, if ever. Oh fck, bitter? Ayoko maging bitter, pero paano? 

Pumunta ako sa place, kung saan konti lang ang tao. Umupo ako sa bench ng garden at doon ako umiyak ng umiyak. Lahat ba ng ginawa ni Justin for me, kasinungalingan lang? Dare lang ba talaga? Ayoko maniwala, pero yun ang totoo.

Natigil ako sa pag iyak noong may nag abot ng panyo sa akin, pero lalo akong umiyak kasi naalala ko si Tyler. First week ng school, binigay niya sa akin yung panyo niya.

"J-Josh?"

"Tama na iyak, papangit ka niyan. Oh punasan mo uhog mo..." Inabot niya sa akin yung panyo, pero imbis na matawa, naiyak pa ako lalo.

"P-pwede ba kita yakapin?" Tanong ko sa kanya. I really need a bear hug right now.

Nagulat siya sa tanong ko, pero pumayag din naman siya afterwards. Hindi siya nag tanong ng kahit ano o nag salita man lang. Tinatap lang niya yung back ko while we're hugging. May mga nakakita pa nga eh, nasabihan pa ako ng malandi.

Section 3 si Josh. Hinatid niya ako sa room ko at umalis na...

"Ano yun?" Tanong ni Lynne.

"Anong ano yun?"

"Ba't siya kasama mo? Ba't hindi si Justin?"

"Huh? Sino si Justin?" Sagot ko. Oh fck, bitter na nga ata talaga ako.

Nanlaki mata niya, "Tangina Ry? Ampalaya ang peg? Agad agad? Eh parang noong isang araw or isang isang araw ata magkasama pa kayong dalawa. Sabi nga ng ate mo, nag punta kayong EK na dalawa. Tssss, anyare ba? Hindi ka naman magkakaganyan kung wala eh."

I sighed, "Rosemund, pwede bang wag na muna natin pag-usapan? I'm tired."

"Okay fine, sabi mo eh. Lamonaman na labs kita. Basta ha, nandito lang ako," She winked and kissed my cheeks, kahit may teacher na.

"Ba't ako walang kiss?" Tanong ni Brylle na naka-pout pa, natawa naman ako.

"Cheee!" Siniko ni Lynne si Brylle, "Tigil ka diyan pls."

Tumawa lang si Brylle, "Joke lang kasi. Alam mo naman na kahit walang kiss, nandito pa din ako." Sabi niya. Kinilig naman si Lynne. Ako? Ay ewan. No comment! Pero mukha namang hindi lolokohin ni Brylle si Lynne, diba? Hayyy, sana lang wag.

Natapos na ang class at may humawak sa akin...

"Rylie, anong problema?"

Hindi ako makatingin sa kanya, "Wala."

"Wala? Talaga?" He asked sarcastically, "Bakit parang umiiwas ka?"

Ewan ko, ask yourself, "Hindi ko lang alam." Pagkasabi ko nun, nag lakad na ako paalis.

"Ang labo mo," Narinig kong sinabi niya. Ako pa malabo? Talaga?

Sumunod ang mga araw, ganoon at ganoon lang lagi nangyayari. Binalik ko na nga pala sa kanya lahat ng binigay niya sa akin. LAHAT talaga! No more, no less. Anyway, sa class, magkatabi kami ni Lynne. Sa snacks and lunch, magkasama kami ni Josh. Lagi din akong late.

Pag uwian naman, lagi akong kinakausap ni Justin. Lagi akong tumatakas, pero lagi naman niya akong nahahanap. Minsan nga, I cut my last class at umuwi na. Pero ang gago niya kasi pumunta siya sa bahay. Oo, pumupunta siya sa bahay. Ineentertain naman siya nila mama, papa, at achi. Bahala nga sila, wala naman kasi silang alam eh.

"Ry, ano ba kasi nangyari? Sawa ka na ba sa akin? May iba ka na ba? Si Josh ba?"

"Paano pag sinabi kong oo, may magagawa ka ba?" Mukha siyang nasaktan, pero fck. Nasaktan din ako sa sinabi ko. Gusto ko mag sorry, pero naalala ko yung video. Tuwing naaalala ko yung video, parang gusto ko siyang sabunutan, sampalin, ay ewan. Pero nevermind! I'm Rylie, and I can and will do better than that. Nuxx, tumataas self-esteem.

"Nice," Sabi niya at tumayo na sa sofa. "Rylie, hindi ako naniniwala. Mahal mo ako, diba? Alam kong dapat lumayo na ako, para you can grow up, para maging independent ka, pero Ry... Bakit ganito?"

"Wala nga. Umalis ka na nga, Justin."

"Justin? Wow."

I turned my back on him, sighed, and went to my room. Dumapa ako sa kama and buried my face onto my pillow. Kawawa naman si Mr. Pillow, lagi na lang nababasa dahil sa akin.

Sumali nga pala ako ng beauty pageant. Wala akong choice! Kasi diba noong first week of school, nag botohon kung sino muse. Bale dalawa muse and escort namin. Nag toss coin pa nga kami. Yung isa, pang mr. and ms. Intrams. Yung isa, ms. campus. Napunta ako sa mr. and ms. campus while si J naman, napunta sa mr. intrams. Escort ko nga pala yung isa sa mga exes ko. Ex nga ba? Nevermind.

"Hi, Rylie. You look good," Sabi niya.

"Thanks," I said, at rumampa na. Kanina pa talaga ako kinakabahan. Haaaay. Bakit ba kasi may stage fright ako eh. Buti na lang nandiyan sila mama, achi, Lynne, Brylle, and Josh. Nandiyan din yung mga iba ko pang classmates. Actually, nanonood din si err you know who. Kaya nga mas lalo akong kinakabahan. Di ako pwede mag fail!

Pero kita mo nga naman, first runner up ako. Hindi ako ang miss campus, pero first runner up ako. Fck, ang saya ko. Haha! Kasi naman, makarampa pa nga lang sa stage ng hindi nadudulas, achievement na!!!

"Congrats, Ry!" Ang daming nagccongrats sa akin.

"Nadaya ata tayo eh. Dapat ikaw ang miss campus!" Sabi ni Josh noong natapos na. Kita mo 'to, section 3 siya, dapat suportahan niya pambato ng section niya. Hindi ako!

"Ayos ka nga!!!" Tumawa naman kami.

May tumawag sa akin, unknown number, pero sinagot ko na, "Congrats, mas lalo kang gumaganda." Binaba ko na phone ko. Simula nun, nag palit na ako ng number.

Normal school days na. Tapos na ang foundation day! Ang dami pa din nagccongratulate sa akin. Lagi ko pa ding kasama sila Lynne, Brylle, at Josh. Kinwento ko na nga pala kay Josh lahat ng nangyari. Isang araw nga, lumapit na naman sa akin si you know who. Nagkataon naman na nandoon si Josh kaya I had no choice but to kiss him. Since then, nag pretend kami na kaming dalawa na. Kahit ang daming nagsasabi na malandi ako, wala akong pake. I need to stay away from him!

After that incident, hindi na lumapit sa akin si ano. Masakit, pero kailangan tanggapin. Yun naman talaga ang dapat diba? Niloko niya ako, ayoko ng magpaloko ulit. Ayoko na mag tiwala. Ang dami nga palang nagsasabi sa akin na ang dami na niyang girls. Good for him! Tapos na niya akong lokohin, ibang babae naman.

Btw, sila Christian at Ariza naman kasama niya. One time nga nagkasalubong kami, pero sila Christian, Ariza, Brylle, at Lynne lang ang nag-usap usap. Kaming dalawa, AWKWARD.

Graduation naaaaaaaa! Wala na din sila Lynne at Brylle. Actually, nasampal ko nga si Brylle. Oo, nasampal ko siya. Ako kasi nakahuli sa kanya. I borrowed his phone kasi tapos tangina, ang landi niya. May girlfriend na pala siya! Sasagutin na sana ni Lynne si Brylle eh. Napapansin kasi ni Lynne na nagiging cold na sa kanya si Brylle. Akala niya nagsasawa na, noon pala, may iba na.

Sabi pa nga ni Brylle sa akin, "Sasabihin ko naman kay Lynne eh, pero wala. Naunahan mo ako. Maniwala ka't sa hindi, minahal ko siya. Pero fck, tao din ako. Napapagod din ako. I can't handle too many rejections."

"Kaya humanap ka ng iba?"

"Ry... Hayaan mong ako na lang mag sabi kay Lynne please."

Hindi nag tagal, sinabi nga niya kay Lynne. Itong si Lynne naman, sarili niya sinisisi. Sabi ko sa kanya, wag niyang sisihin sarili niya kasi alam naman ni Brylle from the start na hindi pa siya ready. Kung hindi niya kayang mag hintay, neknek niya. Hindi siya kawalan.

Syempre ako 'tong advice ng advice, pero sarili ko, hindi ko magawang bigyan ng advice. Wala eh, hirap kalimutan. Buti na lang talaga, nandiyan si Josh. Platonic naman kami, walang malice. Just friends!!! Sa ibang bansa na nga pala siya mag-aaral. Ako naman, sa Philippines pero magvavacation ako this summer sa states. Gift nila mama sa akin yun since salutatorian ako.

Summer naaaaa! Summer na, pero siya pa din ang naalala ko. Nasa states na nga ako, si Tyler pa din? Ang sakit sa ulo ah. Iiyakan ko pa din ba siya? Dapat mag enjoy ako diba? I'm with my sister. Tawa dapat, hindi iyak!!!

"Ry, ayaw mo ba talaga lumabas muna? Tara shopping!" Sabi ni Achi.

Huhuhuhu di nga ako mahilig mag shopping eh, "Ikaw na lang muna, achi. Jet lag," Sabi ko at natulog muna. Pag gising ko, hapon pa lang kaya lumabas muna ako para magpahangin. Binasa ko na naman mga text messages namin ni Tyler. Tanginaaaa! Ba't ba nakasave pa din 'to sa save messages ko? Kailangan ko na 'to idelete. Kasinungalingan lang naman 'to eh.

PERO HINDI KO MAGAWA!!!

Habang nagcoconcentrate ako sa pagdedelete ng mga texts ni ano... Biglang may kumausap sa akin.

"Need help?" He looks like Chinese, but nalaman kong Vietnamese/Filipino pala siya. Fluent siya sa French and English. Medyo marunong siya mag mandarin and okay siya mag Filipino, casual lang. Though baluktot dila niya. Sila ng girlfriend niya naging close ko buong summer.

Tinulungan nila ako mag move on. Pati taste ko sa pananamit, iniba nila. Wag daw masyadong mabait. Naging close din sila ni Achi. LOL! Pero hindi pa din alam ni Achi kung ano talaga nangyari sa amin ni bad word. I told them not to tell her about what really happened to us.

Btw, bad word tawag ko kasi sabi nila, as much as possible, wag kong iisipin yung past. Para lang patay yan eh, pag hindi mo nakikita, nakakausap, o nakakasama, sooner or later, sa ayaw mo't sa gusto, makakamove on ka. Dami nilang alam no?

"Bye guyssss!" Nasa airport na kami, mangiyak ngiyak kami. Kasi naman, almost everyday, sila kasama ko. Madalas nga, nagsleepover sila sa amin or kami ni achi sa kanila.  

"Take care, Ry. Just remember everything we've taught you. Also, don't you dare forget us, or else we'll go to the Philippines, find you, and kick your ass." Tumawa ako at nag hug kami.

Nakaalis na kami ni Achi. Tawang tawa kami kasi naalala namin yung mga pinagagawa namin doon, pero noong huli, naiiyak na kami. Ganito lang talaga kami ni Achi, parang abnormal. Haha! Kaya nga most of the time, kami lang nagkakaintindihan. Though ayoko pa din sabihin sa kanya yung nangyari, kasi for sure, magkakaroon ng world war 10 sa bahay nila ANO.

Pag-uwi namin, nagulat na lang kami kasi may umiiyak sa room nila mama.

"Oh fck," Sabay kami ni achi, then we ran as fact as we could papunta sa room nila mama. Sht, si mama, umiiyak.

"Ma, ano nangyari? Nasaan si Papa?" Tanong ni Achi.

"Mama, tell us what happened. We'll listen."

She's still crying, "I'm sorry..."

"Ma, ba't ka ba nagsosorry diyan? Ano nangyari? Nasaan si Papa?" Tanong ni achi. Parehas kaming nagpapanic na.

"Wala na..."

"HUH?" Tanong naming dalawa ni Achi.

"Wala na kami ng Papa niyo."

"Mama, isang summer lang kaming nawala... Paanong nangyari..." Tanong ko na naguguluhan. Nalaman na lang namin na may babae pala si papa. Kaya pala napapansin namin ni achi na napapadalas away nilang dalawa dati. Kaya pala!

I texted Lynne agad, pero hindi nag reply. Tinawagan ko din, pero busy. Fudge, where is that brat? Hindi nga kami masyadong nagsskype noong nasa ibang bansa kami ni Achi. Anyway, nag-usap muna kami ni Achi. Syempre, we're trying so hard not to look affected para kay mama. We're not little girls anymore. Our mom needs us now more than ever.

Tumawag sa akin si Lynne ng lasing! Fudge, ano bang ginagawa niya sa buhay niya? I asked her kung nasaan siya, sinabi naman niya sa akin kaya I immediately rode a cab and pumunta sa kanya.

"Lynne, ano bang nangyayari sayo?" I asked her noong nasakay ko na siya sa taxi.

"Yung mga lalaki na yan, pare-parehas lang sila, pero parang I'm like them na din," Sabi niya habang nakasandal ulo niya sa may window ng taxi at nakapikit. "Ry, love mo pa din ba ako?"

"Of course. What are you saying ba? What do you mean you're like them?"

"Love mo pa din ba ako kahit na ang play girl ko na?"

"Lynne, ano ka ba. Kahit sino ka pa, kahit ano ka pa, love pa din kita. Ikaw na nga lang nakakausap ko, itatakwil pa kita?"

"I love you, too, Ry." At natulog na siya. Bakit ganun?! Ang ayos niya malasing?!

FIRST DAY OF COLLEGE!!!!!!

Mag-isa lang ako, at wala akong kakilala. Malamang!!! May mga nakikita akong schoolmates sa school, pero nagssmile lang ako sa kanila. Ayoko maging friendly. Mahirap na!

"Hi, miss!" May babaeng lumapit sa akin, "May nakaupo ba dito?" Tanong niya.

I shook my head.

"Ohhh, paupo ako ah. Classmates tayo? Marketing ka din? Kung classmates tayo at marketing ka din, ibig sabihin blockmates tayo?"

Gusto kong sabihing 'obvious ba?' pero may naalalala ako...

*FLASHBACK*

Anong section kaya ako? Pagtingin ko sa list, section I pa din ako. 

Hay. Kailan kaya ako magiging section III para naman classmate ko si Josh.

“Miss, ano ba! Excuse me sabi eh. Bingi ka ba?” Natulala ako.

“Ha?” Ang gwapo niya. 

“Sabi ko EXCUSE ME! Kanina pa ko nageexcuse. Bingi ka ba?” Di bale ng masungit siya, okay lang. Magiging kami din balang araw. Wala namang imposible sa mundong ito. Libreng mangarap. 

NABABALIW NA TALAGA AKO 

“ANO KA BA?!” 

“Ay butiki!” Nagulat ako. Pag nagugulat ako yaan ang nasasabi ko. Ewan. Hindi mapigilan ee.

“Sorry po. Sorry talaga!” Sabi ko sakanya. Ako nga pala ang babaeng mukhang thank you at sorry. Ewan ko, nasanay na kasi ako.

“Tabi nga diyan, di ko makita yung listahan eh. Nakaharang ka.” Mukhang badtrip ah? Dahil sakin kaya?

“Section I ka din? 4th yr ka din?” Tanong ko sakanya.

“Paki mo. Malay ko, di ko pa nakikita diba? ALIS!” Ang sungit naman oh. Meron siguro to? Masama na pala magtanong at maging friendly ngayon T____T

*END OF THE FLASHBACK*

"Yeah, we're blockmates," Sabi ko.

"Ohhh okay. Kinakabahaaaan ako, sana okay yung prof."

I smiled, "Sana nga."

Since then, lagi na kaming mag kasama ni Katy. Lagi kong naalala sa kanya yung dating ako kaya siguro magaan loob ko sa kanya. Sumali nga pala ako ng malate (writing org), DSG (singing guild), and tinry ko din maging officer sa degree program ko which is Marketing.

"Ry, nood tayong swimming compe! Kasama kasi doon friend ko. Tara ha? Nood tayo!"

"Ano pa nga ba magagawa ko?" Sabi ko.

Natawa siya, "Yay! Nood tayo later ha?"

Pagkatapos ng swimming compe, may pinakilala siya sa akin.

"Hi, miss. I'm Dylan," Sabi niya habang yung inaabot kamay niya sa akin. Hindi pa siya nagbibihis!!!

"Hi," Nag wave lang ako. Hindi ako nakipagshake hands.

Natawa na naman si Katy, "Buti nga."

Dumila si Dylan kay Katy, "Ewan ko sayo." Tapos bumulong siya kay Katy kahit rinig ko naman, "Thank you."

Simula noong nag college ako, ang daming nagpapalakad kay Katy sa akin. Lagi ko ngang sinasabi kay Katy na wag masyadong friendly kasi yung iba, user lang talaga o kaya social climber. Maganda si Katy. Hopeless romantic din. 

2nd yr na kami at naassign akong vice president ng org namin. Naging active din ako sa DSG at Malate. Nilibang ko sarili ko hanggang sa makalimutan ko siya.

Pag-uwi ko sa bahay...

Tiningnan ko spare phone ko or old phone ko...

Nandito pa din pictures at text messages namin.

Bakit kasi ang hirap i-delete eh!!!

*END OF THE FLASHBACK*

Bzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzt. Bzzzzzzzzzzzzzzzzzt.

Dahil sa nangyari, nag excel ako sa madaming bagay. Nabawasan din stage fright ko, hindi na ako masyadong friendly, kaya ko ng mag-isa, hindi na ako masyadong mabait...

Pero ngayong dumating siya...

Bumabalik na naman ako sa dati.

I need to know first kung sino nag cut ng video. I need to see the video first! Kahit na in my heart, naniniwala ako sa kanya. Kailangan ko pa din malaman lahat! Alam kong past is past, pero mahal ko pa din siya.

Paano kung cinut nga yung video? Eh di nasaktan ko siya. Nasira ko siya! Fck, pag napatunayan ko na totoo lahat ng sinabi ni Tyler, I would blame myself. Humanda din sa akin lahat ng may kinalaman sa video.

Makikita nila kung sino ang bagong Jamilah Rylie Hao.

Continue Reading

You'll Also Like

13.9M 234K 91
Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017]
13.4M 127K 90
This is the jeje version and I don't wanna touch this one.
3.3M 63.8K 16
(COMPLETED) He is a playboy. He have always played with LOVE. But then one day... it turned THE OTHER WAY AROUND.
627K 25.1K 42
[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pin...