Suddenly You and Me - ViceRyl...

By NiceyToYou

286K 16K 4.7K

Love conquers all... Maging sino ka man, maging ano ka man. Hahamakin ang lahat kapag natuto ka nang magmahal... More

Best
Bruh
Clash of Crush
White Rose
Past Kiss
Try Me
Denial
Escort
Confession
The Feeling
What A Day
Escort 2.0
Unexpected
Last Kiss
YES
Babes
He's Back
Confuse
Versus
We're Back
No
Secrets
Untold
The Talk
Maybe This Time
Smoochie
New Friend
Offer
Okay
Reset
Best 2.0
New
Cool With You
First
Old Flame
Back To You
Understanding
Mistake
To Stay or To Go
Hello
End for the Best
Special Number 1
Special Number 2
Special Number 3
Special Number 4
Special Number 5
Special Number 6
Special Number 7
Special Number 8
Special Number 9
Special Number 10
Epilogue

Lost

4.2K 285 51
By NiceyToYou


Pagkalabas ni Karylle mula sa bar ay agad na hinanap ng kanyang mga mata si Vice. Nang di pa rin niya ito makita sa tapat ng bar ay agad na nilakad niya ang parking area para hanapin siya. Nanlumo naman si Karylle ng makita niya itong nakayuko lang habang naghihintay sa labas ng kanyang kotse. Agad niya itong nilapitan para makausap. Nang makita naman siya ni Vice ay agad itong tumalikod para punasan ang kanyang mga luha saka muling humarap sa dalaga.


"V-Vice..."

"A-Andyan ka na pala. Uhmm... S-Sa akin ka na sumabay muna pauwi ha? Nakainom ka kasi at baka maaksidente ka na naman habang nagmamaneho. Mahirap na. Uhmm.. I-Ipapakuha ko na lang yung kotse mo bukas para ihatid sa hotel." maayos na pagkasabi ni Vice at kitang kita naman ni Karylle ang sobrang lungkot sa mga mata nito. Sa halip na sumagot sa sinabi ni Vice ay mabilis niya itong nilapitan at niyakap ng sobrang higpit. Hindi naman pumalag si Vice sa kanyang ginawa at yumakap lang din ito sa kanya sabay halik sa kanyang noo.


"Tara uwi na tayo." salita muli ni Vice at sumakay na din sila agad sa kotse para umuwi na. Buong biyahe papauwi ay tahimik lang sila pareho at walang may gusto na magsalita. 


Habang nakatingin si Karylle sa labas ng bintana ay kung anu ano na ang kanyang naiisip at doble dobleng kaba na rin ang kanyang nadarama dahil hindi na niya alam kung ano nang mangyayari sa kanila ni Vice pagkatapos ng gabing ito. Labis siyang nagsisisi sa kanyang ginawa at di na niya napigilan na lumuha. Napapitlag na lang siya ng hawakan at halikan ni Vice ang kanyang kaliwang kamay habang nakatuon pa rin ang tingin nito sa daan. Mas nakaramdam siya tuloy ng pagka-guilty habang nakatingin na sa kanya. 

Pagkauwi nila sa kanilang condo ay hindi pa rin sila nag-uusap. Pagkatapos nilang maglinis ng katawan at magbihis ng damit pantulog ay wala pa rin silang kibuan at pareho lamang nakaupo sa magkabilang dulo ng kama habang nakatalikod sa isa't isa. Nagdadalawang-isip pa rin si Karylle kung kakausapin na ba niya ngayon si Vice tungkol sa nangyari, ngunit nang marinig na niya ang paghikbi nito ay hindi na rin siya nakatiis at agad na niya itong nilapitan para yakapin. Mas bumigat tuloy ang pakiramdam ni Karylle nang mas humagulgol pa si Vice nang yumakap na din ito sa kanya.


"Vice, I'm so sorry..." naluluhang wika ni Karylle at mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa kanya.

"E-Eto na ba ang karma ko? S-Sa lahat ng sakit na ibinigay ko sa'yo?" pahikbing salita ni Vice at agad na umiling si Karylle sa kanya.

"No... Please, 'wag kang ---"

"Siguro nga nararapat lang na mangyari sa akin ito. N-Na ako naman ang masaktan ngayon."

"Vice, please! 'Wag ka namang magsalita ng ganyan oh. I'm so sorry.. H-Hindi ako nag-ingat. Nadala ako sa lungkot na nararamdaman ko kasi akala ko hindi mo na ako mahal." salita ni Karylle at malungkot na tinignan siya ni Vice sa kanyang mga mata.


"H-hindi mahal? Karylle, alam mong hindi totoo 'yan. Mahal kita.. Kulang pa ba? K-Kulang pa ba yung mga ginawa ko para makabawi sa'yo? Sabihin mo naman sa akin oh. Kulang pa ba K?" nanlulumong wika ni Vice at napayuko naman si Karylle sa tanong niya.

"A-Ang akala ko kasi ayaw mo na sa akin.. N-Na kuntento ka na lang na hanggang mag-M.U na lang tayo." pag-amin ni Karylle sa kanyang nararamdaman at napakunot naman ang noo ni Vice sa sinabi niya.


"Karylle, mahal kita. Hinding hindi na magbabago yun."

"Uhmm.. A-Ano kasi.. T-These past few days kasi hindi na tayo nagkakasabay na pumasok o kaya umuwi galing sa trabaho eh. Tumigil ka na rin sa panunuyo mo sa 'kin tapos minsan mo na lang din akong lambingin although naga-i love you ka pa din sa 'kin." pag-amin pa ni Karylle.

"Oh K, I'm so sorry.. Naging sobrang busy lang talaga kasi ako sa trabaho lately eh. May mga bagong investors kasi na kailangan kong asikasuhin at tutukan talaga. Kami ni Billy." paliwanag ni Vice sabay hawak sa kamay ng dalaga.


"Pero dati naman kahit busy ka, nagagawa mo pa rin akong suyuin at lambingin di ba?"

"K...."

"B-Bigla ko kasi naisip na baka ayaw mo nang magkabalikan pa tayo." salita pa ni Karylle at napahilamos naman ng mukha si Vice.

"May iba ka na ba?" dagdag pa ni Karylle.

"What!? No! What made you think na may iba na ako?" gulat at medyo inis na tanong ni Vice.

"Malay ko ba b-baka meron na naman 'tas di mo lang sinasabi sa 'kin." 

"P-Pinagdududahan mo ako?" di makapaniwalang tanong ni Vice.

"Di ko naman maiwasan na di mag-isip ng ganyan, Vice eh. Alam mo na kung bakit." diretsong sagot ni Karylle at napapikit naman si Vice sa sinabi niya.

"Karylle naman! I've always been honest with you.. Ever since na bumalik ako sa'yo, wala na akong ibang hinangad kundi ang magkabalikan tayo. All this time sa'yo ko ibinigay ang lahat and yet nagawa mo pang pag-isipan ako ng ganyan? Ang unfair mo naman sa akin, K!" inis na salita na ni Vice.

"Unfair? Oo na, Vice! Unfair na kung unfair pero kasi hindi ko na nararamdaman kung ano ka dati sa 'kin!" medyo pasigaw na tugon ni Karylle na mas ikinainis naman lalo ito ni Vice.


"Do you really wanna know kung bakit ako tumigil na sa panliligaw? Kung bakit hindi na muna ako nakikisabay sa'yo sa pagpasok at pag-uwi? Kasi iniisip ko na baka nakukulitan ka na lang sa akin o kaya di mo na nagugustuhan yung mga panunuyo ko sa'yo kaya hinayaan na lang muna kita sa gusto mong gawin.. Karylle, ilang buwan na kitang sinusuyo at nililigawan pero wala pa rin akong nakikitang pagbabago sa pakikitungo mo sa akin. 'Tas ngayon pagdududahan mo pa ako despite of everything? Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin yun ha? Nakakasama nga kita araw-araw, nayayakap, at nahahalikan pero pakiramdam ko pa din na ang layo layo pa rin ng loob mo sa akin." paglabas ni Vice ng kanyang saloobin.


"Vice, hindi mo ako masisisi kung naging ganito ako kasi natatakot na ako na baka maulit na naman yung nangyari!" 

"So, bumabalik na naman tayo doon? Tss! Karylle, naman! Ano pa bang gusto mong gawin ko para mapatunayan ko sa'yo na nagbago na ako? Hanggang kailan ako maghihintay sa'yo? Teka, ginagantihan mo ba ako sa mga nagawa ko kaya pinapahintay mo rin ako? Ugh! Ayan! Nakipaghalikan ka na kay Solenn, nasaktan na ako. Masaya ka na ba ha? Tangina naman Karylle!"


*Pak!*


"Damn it Vice! Hindi ganun yon! Ganun na lang ba din kababa ang tingin mo sa 'kin ha?" galit na singhal ni Karylle pagkatapos niyang sampalin si Vice ngunit hindi naman gumanti si Vice at sinamaan lang niya ng tingin ang dalaga habang patuloy pa din sa pagluha.


"Karylle kung hindi ganon, then tell me! Kung pakiramdam mong hindi na kita mahal dahil sa kulang na ang oras na binibigay ko sa'yo o ano, mas lalo naman ako Karylle! Nahihirapan na din ako sa'yo kasi hindi ko na alam kung mahal mo pa ba ako, pero eto pa rin ako't nagtitiis, naghihintay kasi mahal kita!" di mapigilan ni Vice na sigawan na si Karylle at yumuko na ito sa harapan ng dalaga at mas napahagulgol na. Kumalma naman bigla si Karylle at muli niyang niyakap si Vice at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.


"Vice, mahal kita.. Mahal na mahal kita." pabulong na sabi ni Karylle pero umiling lang si Vice sa kanya.

"K-Kung talagang mahal mo ako, bakit di mo pa kasi ako balikan? Ano bang pumipigil sa'yo? Ayoko na ng ganito, K. Gusto ko nang maging tayo ulit. Sige na naman oh. Please naman.. Naguguluhan na ako." pakiusap ni Vice at muli namang napayuko si Karylle.

"V-Vice, di ko pa alam kung kaya ko na ba muling magtiwala. I-Ilang beses mo na akong iniwan eh."

"Hindi na ba talaga mawawala sa puso't isipan mo ang mga nangyari noon? Sinisikap ko naman na magbago K eh."

"Pero kasi ---"


 "Sorry na kung naging mahina ako.. Sorry na ulit sa mga nagawa kong kasalanan sa'yo.. Sorry na kung bakla ako kaya kita nasasaktan ng ganito.. Ugh! Di ko na alam kung ano pang gagawin ko, Karylle. Di ko na talaga alam.. G-Gusto ko mang magalit sa'yo sa ginawa mo kanina pero hindi ko magawa dahil na-realize ko na mas masakit pa din yung mga nagawa ko sa'yo." pahikbing salita ni Vice at hindi naman nakasagot si Karylle at umiyak na lang din sa harapan niya. 

Gulung gulo na ang isipan ni Karylle at nagkahalo halo na ang kanyang nararamdaman. Biglang nabalutan ng katahimikan ang buong silid at tanging ang mga paghikbi lamang nila ang maririnig. Di nagtagal ay niyakap na din ni Vice si Karylle at iginaya na niya itong pahiga sa kama saka pinunasan ang mga luha ng dalaga. Muli na namang nakaramdam ng hiya si Karylle sa kanyang sarili kaya tumalikod na lamang siya ng higa kay Vice. Muli siyang naluha nang maramdaman niya ang mga braso nito sa kanyang bewang at mas hinigpitan nito ang pagyakap sa kanya.


"P-Paano mo pala nalaman na nasa bar ako?" mahinang tanong ni Karylle at naramdaman naman niya ang dahan dahang paghalik ni Vice sa kanyang batok.

"Nung papauwi na kasi ako, nakita ko na dumaan ang kotse mo papaalis. Hindi mo naman kasi sa akin sinabi na may pupuntahan ka pa ngayong gabi kaya sinundan na lamang kita.. Nung umiinom kayo ng mga kaibigan mo, nakabantay lang ako sa'yo sa malayo kasi nag-aalala ako sa pag-uwi mo.. H-Hindi ko naman alam na may dinaramdam ka na pala sa akin.. K-Kaya siguro nahalikan mo si Solenn."

"I-I'm sorry ulit ha? Hindi ko sinasadya na gawin 'yun."

"Alam ko.. I'm sorry din sa mga nasabi ko sa'yo kanina." bulong ni Vice at muli nang humarap si Karylle at yumakap sa kanya. Dahan dahang hinaplos ni Karylle ang pisngi ni Vice kung saan niya ito nasampal kanina. Hinawakan naman ni Vice ang kamay niya para mahalikan ito.


"M-Masakit pa ba? S-Sorry ha?"

"O-Okay lang.. N-Nawala na." pabulong na sagot ni Vice at tipid niyang nginitian si Karylle saka muling hinalikan ang kamay nito.

Hindi na alam ni Karylle kung ano pa bang sasabihin niya kay Vice dahil alam niyang sa pagkakataong ito ay siya na ang may mali at wala na kay Vice. Patuloy lang siya sa pagluha kaya hinalik halikan naman ni Vice ang tuktok ng kanyang ulo habang hinihimas ang kanyang likod para patahanin na siya sa pag-iyak.


"Mahal na mahal kita Karylle. Lagi mong tatandaan 'yan. Mahal na mahal kita."



Pagkagising nila kinabukasan ay nagkabati na rin silang dalawa. Naging maayos naman kanilang pakikitungo sa isa't isa, ngunit nang lumipas pa ang mga araw ay kapansin pansin na ang unti unting pagbabago ng kanilang samahan. Hanggang sa naging casual na lamang ang pakikitungo nina Vice at Karylle sa isa't isa. Pareho nilang inilihim sa bawat isa na pareho pa din silang nasasaktan sa mga nangyari at parehong naguguluhan sa kung ano nang dapat nilang gagawin sa kanilang samahan. Nagkaroon na ng awkwardan. Naging malimit ang kanilang pag-uusap kapag pareho silang nasa condo at kung may pagkakataon naman na nag-uusap sila ng matagal ay puro naman ito tungkol sa trabaho. Magkatabi pa din silang matulog sa kama, ngunit isang halik sa noo o pisngi na lamang ang ibinibigay nila sa isa't isa. Saka lang sila nagyayakapan sa pagtulog kapag pareho nang mahimbing na ang kanilang pagtulog at di na namamalayan ang mga galaw ng katawan nila. Mas finocus na lamang nila muna ang mga sarili nila sa pagtatrabaho at pareho nilang iniiwasan na pag-usapan kung ano na ba ang plano nila sa isa't isa. 

Hindi na muna ito ipinaalam nina Vice at Karylle sa kanilang mga kaibigan dahil ayaw nilang madamay ang mga ito sa komplikasyon nilang dalawa. Ngunit hindi rin naman ito nakalagpas sa paningin ng kanilang mga kasama, dahil kitang kita pa din ang pagkailang nina Vice at Karylle sa isa't isa nang minsan silang magsama-sama para sa isang event. 


"K, okay lang ba kayo ni Vice?" tanong ni Anne.

"Ha? Oo naman. Why?" sagot ni Karylle.

"Well, pansin ko lang kasi na you seemed so distant sa kanya kasi." puna ni Anne sa kanya.

"H-Ha? Hindi ah!"

"You sure?" 

"Yes! W-We're okay naman, don't worry." nauutal na tugon ni Karylle at nag-iwas na lamang ito ng tingin kay Anne. Hindi naman kumbinsido si Anne sa naging sagot nito sa kanya pero pinalampas na lamang niya muna ito.


"Teh, may problema ba kayo ni K?" tanong ni Jegs.

"Ha? Wala naman. Bakit?" pagtataka ni Vice.

"Eh kasi halos di na kayo magpansinan kahit magkatabi kayo eh." puna ni Donna kay Vice.

"H-Ha? Wala, wala! O-Okay lang kame."

"Weh? Ba't di mo siya kinakausap?" tanong pa ni Buern.

"Pfft! Ano ba kayo? E-Eh, syempre ngayon na lang nga tayo ulit nagkita-kita kaya kayo naman ngayon ang kakausapin ko." pagpapalusot ni Vice sabay inom.

"Haay naku! Sigurado ka Teh ah? Nag-aalala lang kame."

"Oo! O-Okay lang kame. 'W-Wag niyo na lang masyadong isipin." naiilang na sagot ni Vice saka nagkunwari na lang siya na kukuha pa siya ng pagkain para makaiwas sa pag-usisa pa ng mga bakla. Nagkatinginan naman ang tatlo dahil hindi rin sila kumbinsido sa sagot niya.


Hindi na muling kinulit pa ng mga kasama sina Vice at Karylle tungkol sa isa't isa, para hindi masira ang kanilang gabi ng pagsasama. Ngunit naging kapansin pansin pa rin na iilang beses lang kinausap nina Vice at Karylle ang isa't isa at madalas ay kung oo at hindi lamang ang sagot sa katanungan nila. Hindi rin sila gaano ka-sweet sa isa't isa tulad ng dati kaya nakaramdam na ng pag-aalala ang mga magkakaibigan. Di nagtagal ay nauna namang magpaalam sina Vice at Karylle para umuwi na dahil pareho na silang nakaramdam ng tama ng alak. Hindi naman sila pinigilan ng mga kasama at hinayaan na lang silang mauna. Nang tuluyan nang makaalis ang dalawa ay hindi na napigilan ni Anne ang sarili na di pag-usapan ang tungkol sa nakikita niya mula kanina pa.


"Guys, parang may iba talaga sa dalawang 'yon! Hindi normal eh!" biglang salita ni Anne.

"Hon, may kutob rin naman akong may problema talaga ang dalawa, pero anong ibig mong sabihin na di normal?" tanong ni Vhong sa asawa.

"Ugh! Hon, hindi mo ba napapansin mula kanina? Hindi sila sweet sa isa't isa. Eh dati rati naman, eh parang naka-mighty bond 'yang dalawa na yan kung maglambingan kapag kasama natin eh. Pero kanina ibang iba talaga."

"Pansin nga din namin kanina sa kanila eh. Magkatabi nga sila ng pwesto ni K pero parang may invisible wall sa pagitan nilang dalawa ni Ate. Tinanong nga din namin si Ate kung may problema ba sila, pero sabi niya okay lang daw sila ni Karylle." salita ni Jegs.

"Same! 'Yan din ang isinagot sa akin ni Karylle kanina nung tinanong ko siya and hindi ako naniniwala sa kanya." pailing iling na tugon ni Anne.


"Uy! Kayong tatlo. Di ba magkakasama kayo na nagtatrabaho sa hotel? Di niyo ba sila napapansin na ganyan? Di ba sila ganyan kapag nasa hotel? Wala ba silang sinasabi sa inyo?" sunud sunod na tanong ni Archie kina Vhong, Billy at Jan pero umiling lang ang dalawang lalake at napatulala naman si Jan na tila may inaalala.


"Sa'yo ba Chie, walang sinasabi si K?" tanong ni Anne.

"Wala nga din eh."

"Ako guys, honestly di ko gaano napapansin kasi nasa kusina naman ako palagi. Ikaw ba Kuys? Di ba kayo naman ang palaging magkasama ni Vice?" baling ni Vhong kay Billy.

"Hmm.. Wala namang sinasabi sa akin si Bestie eh. Pero eto lang ang napapansin ko Kuys nung mga nagdaang araw. Hindi na pumupunta si Karylle sa opisina niya.. Eh dati naman dun lagi pumupunta si K kapag lunch time na kasi gusto ni Vice na sabay sila. Teka, ikaw ba Jan? Di ba magkasama kayo palagi ni Karylle? Wala ba din siyang binabanggit sa'yo?" baling naman ni Billy kay Jan at napabuntong hininga na lamang ang huli bago ito nagsalita.


"Wala ring sinasabi sa akin si K, pero obvious na obvious sa kanya na iniiwasan niya si Vice." wika ni Jan na ipinagtaka ng lahat.

"Iniiwasan bakit? I mean, papaano?" tanong muli Anne.


"Di ko alam eh. Pansin ko lang kasi lately na kapag may kailangang ipapirma na papeles kay Vice, sa akin niya palagi pinapadala. Kapag tinatanong ko naman siya minsan kung kumusta na sila ni Vice, ang palagi lang niyang sagot ay okay lang daw sila 'tas wala na. Hindi na siya nagkukwento sa 'kin di tulad dati. Ang seryoso pa niya palagi kapag nagtatrabaho ngayon. Parang nag-iba talaga.. Dinedma ko lang nga 'yun nung una kasi sa isip ko baka may regla lang si K kaya ganun." tugon ni Jan.


"Hindi kaya may nangyaring away na naman sa kanilang dalawa? Wala bang nali-link na naman na lalake kay Vice?" usisa muli ni Archie.

"Wala Chie.. Panay biyahe nga namin ni Vice nung nakaraang araw dahil sa sobrang tutok din niya sa pagtatrabaho eh. Eh dati naman hindi 'yan ganyan. Relax na relax pa nga kame sa opisina kung minsan dati, pero ngayon pati ako nase-stress sa kanya." tugon ni Billy kaya mas labis na silang nag-alala.

"Magkasama pa rin naman sila sa iisang condo di ba?" tanong ni Donna.

"Oo, kaya nga di ko lubos na maisip kung ano bang problema nilang dalawa. Paano kaya sila sa condo kapag sila na lang? Jusko! Di ko ma-imagine." salita muli ni Jan.


"Guys, I think kailangan na talaga nating kausapin 'yang dalawa. Hindi natin sila pwedeng hayaan na maging ganyan na lang." salita muli ni Vhong at sumang-ayon naman ang lahat.



Pagkauwi nina Vice at Karylle sa kanilang condo ay tahimik lang sila pareho na pumasok sa kwarto para magbihis. Pero dahil sa may tama pa rin ng alak ang kanilang mga katawan ay hindi na nakapagpigil pa si Vice at agad na sinunggaban niya ng halik si Karylle habang ito ay nagbibihis. Agad din namang tumugon sa kanyang halik si Karylle at ramdam na ramdam nila na namiss nila ang isa't isa. Hubo't hubad na silang dalawa habang patuloy pa din sila sa kanilang halikan. Handang handa na sana si Vice para maangkin na si Karylle ngunit agad naman siyang tinulak ng dalaga nang maramdaman nito ang sakit. Hindi natuloy ang kanilang pagniniig at bigla silang bumalik sa kanilang katinuan at nahihiyang tumalikod ng higa sa isa't isa. 


"I'm sorry.." tanging nasabi lang ni Vice pagkatapos saka inabutan na si Karylle ng damit pantulog. Agad din silang nagbihis at humiga muli ng nakatalikod pa rin sa isa't isa. Pero di naman nagtagal ay naramdaman naman ni Karylle ang pagyakap sa kanya ni Vice mula sa kanyang likuran at hinayaan na lamang niya ito. Hinawakan na lamang ni Karylle ang mga kamay ni Vice sa bewang niya.


"I miss you..." sa isip isip nilang dalawa na di nila masabi sa isa't isa.



"Smoochie, bababa lang ako saglit ha?" biglang paalam ni Karylle nang matapos niya ang kanyang trabaho.

"Ay! Saan ang punta?" tanong ni Jan habang busy pa din sa kanyang laptop.

"Uhmm.. S-Sa ano lang.. Sa music room lang. Ano kasi.. Timing kasi na walang guest na gumagamit."

"Ah okay.. Uhmm okay ka lang ba Smoochie?" tanong muli ni Jan kay Karylle at itinigil na muna niya ang kanyang ginagawa sabay lapit sa dalaga.

"H-Ha? O-Oo naman.. Okay lang ako. May ano kasi.. May itetesting lang kasi akong bagong kanta, yun lang." sagot ni Karylle sabay ngiti para hindi na siya kulitin pa ni Jan. Bigla naman siyang niyakap ni Jan ng mahigpit na siyang ikinagulat niya.


"Smoochie, kung may problema ka, kung malungkot ka, sabihin mo sa 'kin okay? Bestfriend mo 'ko. Andito ako palagi para sa'yo alam mo 'yan.. Please let me help you kung ano man meron okay?" paglalambing pa ni Jan at ilang ulit pa niyang hinalik halikan ang noo at pisngi ni Karylle para mas lambingin ito. Tipid na ngumiti lang sa kanya ang dalaga sabay tango sa kanya. Nang makaalis na si Karylle sa kanilang opisina ay tinext na agad ni Jan ang kaibigan nila. 


Pagdating ni Karylle sa music room ng hotel ay agad niyang tinungo ang puting piano na nasa gitna ng silid at inilabas ang kanyang notebook ng mga kanta. Pinuwesto na niya ang kanyang sarili sa upuan at ilang beses naman siyang huminga muna ng malalim habang nakapikit saka sinimulan na rin ang pagtugtog at pagkanta.




Anong Nangyari Sa Ating Dalawa

Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap
Ngunit bakit nagbago ang lahat
Ang init ng pagmamahal
Parang naging salat


Pangako habang buhay
Nangakong 'di magwawalay
Ngunit ba't lumamig pagmamahal
Parang 'di na ikaw
Sa Maykapal ang dinasal


Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang
O ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan
Anong nangyari sa ating dalawa
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na
Damdamin ay nasasaktan
Puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan


Nasaan ang sumpaan
Akala ko ay walang hanggan
Ngunit bakit ngayo'y nasasaktan
Hanggan dito na lang ba
Ang ating walang hanggan

Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang
O ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan
Anong nangyari sa ating dalawa
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na
Damdamin ay nasasaktan
Puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan


Anong nangyari  


Tuloy-tuloy ang pagluha ni Karylle habang nakapikit na kumakanta at mas napahagulgol na siya nang matapos na niya ang kanta. Nakayuko lang siya sa piano habang umiiyak nang bigla niyang marinig na may nagsalita.






























"Ang sakit naman ng ginawa mong kanta." 

Continue Reading

You'll Also Like

383K 5.8K 24
Dice and Madisson
1.4M 32.7K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
284K 15.4K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.