Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Finale
Epilogue
Special Update #1
Special Update #2
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Chapter 46

314K 3.4K 231
By asherinakenza


Chapter 46

KEI'S P.O.V

Hawak hawak ni Kyle ang kamay ko ngayon dahil manganganak na ako. Joke lang. Ultra sound palang, malalaman na namin kung babae o lalaki ba ang kambal namin. Napatingin ako sakanya kasi hindi siya mapakali.

"Huy..." Tawag ko sakanya, kaagad naman siyang tumingin sa akin. Nakahiga na kasi ako ngayon, siya naman nasa gilid ng kama.

"Kinakabahan ako baby..." Halata ngang kinakabahan siya.

"Bakit?!" Sigaw ko sakanya, umiling iling siya. Maya maya lang pumasok na ang Oby ko, nilagyan niya ng liquid na malamig yung tiyan ko at sinimulan na ang ultra sound, pareho kaming nakatingin ni Kyle sa monitor.

"Aba..." Panimula ni Doctora.

"Ano po Doc?" Naeexcite na tanong ko.

"Mukhang matutulala nanaman ang asawa mo Mrs.Cando." Pang aasar ni Doctora! Grabe ang lakas mambitin ni Doc.

"It's a boy!Parehong lalaki ang kambal!!" Masayang balita ni Doc! Nagkatinginan kami ng asawa ko at nanlaki ang mata niya!

"Lalaki?!!" Sigaw niya! Ngumiti si Doctora at tumango tango! Napahagalpak ako ng tawa ng ilapit ni Kyle ang mukha niya sa monitor saka hinimas ito!

"Mr.Cando, ito yung katibayan na lalaki ang kambal mo..." Turo ni Doctora dun sa monitor.

Pagkatapos ng ultra sound ko lumabas kaming dalawa ni Kyle na buhat buhat niya ako! Ayaw niya akong ibaba kahit nagsusumigaw ako!

"Pre!Lalaki ang kambal ko!!" Pagyayabang ni Kyle dun sa lalaking may kasamang asawa rin.

"Ayos yan pre! Congrats!" Bati nito saamin!

"Kyle ibaba mo na ako!" Suway ko sakanya, pero nginitian niya lang ako!

Pagkadating namin sa parking area, dun na niya ako ibinaba... Kaagad akong sumakay sa kotse niya.

"Yes Dad lalaki!" Masayang balita ni Kyle kay Tito Michael sa phone, habang nagmamaneho siya. Nakaloud speaker siya kaya naman naririnig ko rin ang Daddy niya.

[Ayos yan anak! Isa lang ang ibig sabihin niyan may magkakalat pa ng gwapong lahi natin!] Nanlaki ang mata ko at hindi ko na napigilan ang pagtawa ko ng malakas! Maging ang asawa ko napatawa na lang!

"Tito, mukhang tama nga po ang sabi ni Tita Sabrina, sa inyo po nagmana itong si Kyle!" Sabi ko, napalingon siya sa akin at kinindatan ako pero mabilis din niyang ibinalik ang tingin sa pagmamaneho.

[Syemre naman iha. Sa gwapo ba naman niyang anak ko kanino pa ba magmamana? Sa akin lang!— Haaay nako! Si Daddy pinupuri nanamang ang kayabangan ni Kuya!] Narinig ko pa ang boses ni Kesiah sa kabilang linya!

"Hahaha! Pano Dad? Malapit na ho kami diyan."

[O sige na, hinihintay na rin kayo ni Love...] Yun lang at naputol na tawag. Dun kasi kami pinagla-lunch ng Mama ni Kyle.

"Thank you so much baby..." Napalingon ako sakanya ng magsalita nanaman siya.

"Para saan?" Nakangiting tanong ko.

"Sa pagkakalat ng gwapo kong lahi." Pagyayababang niya! Grabe ha? H'wag niyong sabihin na sakanya pa magmamana ang mga anak namin?

"Ang yabang mo Kyle." Malambing na sabi ko, nginisian niya lang ako, tumigil siya sandali dahil nag red light. Kaagad niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan sandali ang labi ko, para nanaman akong nakuryente sa halik niya... Bumalik na ulit siya sa pagmamaneho.

"Ang sarap talaga halikan ng asawa ko. Pero seyoso baby, thank you sa pagbibigay ng anak." Hindi nawala ang ngiti sa labi niya, kahit sa kalsada siya nakatingin alam kong sobrang saya rin ng emosyon sa mata niya.

"Sira ka... Ikaw rin naman ang nagbigay nito sa akin..." Suway ko sakanya.

"Hahaha! Alam ko baby, masaya lang talaga ako. Dahil ikaw naman talaga ang gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko..." Bulong niya at hinawakan ang kaliwang kamay ko saka marahan na pinisil...

Napangiti na lang ako sa sinabi niya, kahit kailan talaga hindi siya nabibigo na patibukin ng mabilis ang puso ko sa tuwing magsasalita siya. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit kasal na kaming dalawa parang patuloy parin niya akong nililigawan...

"ATE KEI!!" Sabay sabay na sigaw nila Misha ng makapasok na kami sa loob ng bahay nila.

"Magc-cr lang ako baby..." Paalam niya sa akin, hinalikan niya muna ang labi ko sa harapan mismo ng mga magulang at kapatid niya dahilan para mag init ang mukha ko sa kahihiyan...

"Oww..." Narinig kong sabay sabay na banggit ng apat na kapatid ni Kyle.

Maya maya pa mabilis akong niyakap ni Tita Sabrina...

"Iha, congratulations..." Masayang bati sa akin ni Tita!

"Thank you po..." Lumayo siya ng kaunti sa akin at sinuri ang tiyan kong namimilog...

"Hindi ka ba nahihirapan niyan? Ang laki laki ng tiyan mo, sigurado ako ang bigat bigat niyan..." Pag aalala ni Tita sa akin.

"Medyo po, ang sakit nga pos a balakang..." Natatawang sabi ko.

"Hahaha! Ganyan talaga iha, pero kapag naman nanganak ka na mawawala lahat ng hirap kapag nakita mo na ang anak mo... Ganyang ganyan ako sa limang anak ko." Magiliw na sabi ni Tita, sobrang amo talaga ng mukha niya, parang hindi siya basta basta nagagalit.

"Wow! Ang laki ng tiyan mo ah!Iba talaga si Kyle! Hindi lang sharp shooter ang loko! Nagkakambal pa!" Napatingin ako sa nagsalita sa sala, agad namang napakunot ang noo ko ng makita kong isang lalaki ang nagsalita, matangkad din siya kagaya ni Kyle,singkit ang mata, matangos ang ilong at manipis ang labi. Bakat rin sa suot nitong black tshirt ang katawan niya, sobrang puti rin niya... Teka? Ano ba 'tong pinagpapapansin ko.

Nakakngiti siyang lumapit sa akin, kasunod ang dalawang mukhang mag asawa, mukhang hapon yung babae...

"Nice meeting you Mrs.Cando..." Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw nito.

"Hoy Drake! Baka makita ka ni Kuya!!" Sigaw ni Cassandra! So, siya pala si Drake?

"Wala naman akong ginagawa. Nakikipagkilala lang naman ako sakanya." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya, maging ang pagkakahawak niya sa kamay ko hindi pa rin niya binibitawan.

"Hoy! Gago ka! Bitawan mo yang asawa ko!!" Napatingin ako kay Kyle ng marinig ko ang sigaw niya! Nagtawanan naman sila Tito Michael sakanya, nanlaki ang mata ko ng maingat akong hilahin ni Drake sa bewang ko!

"Chill dude, nakikipagkilala lang ako sakanya." Nakangising sabi nito, napatawa ako ng makita ko ang kunot na kunot na noo ni Kyle, kaagad siyang lumapit saamin at itinulak palayo sa akin si Drake.

"Gago. Galawin mo na lahat ng babae h'wag lang ang asawa ko." Namiss ko ang pagka possessive nitong asawa ko, ang sarap din pala sa pakiramdam na siya naman yung nagseselos... Para tuloy ang sarap niyang pagselosin pa lalo.

"Kung ganon pwede ko palang ligawan itong si Misha." Inakbayan naman ni Drake si Misha, napansin ko naman ang pamumula ng pisngi ng kapatid ni Kyle at medyo naging balisa ang kamay niya...

"Subukan mo lang Drake kakalimutan kong anak ka nila Mama Aira...Saka isa pa mahiya ka naman! Pinsan ang turingan natin dito tapos papatusin mo 'tong kapatid ko?" Sagot ni Kyle...ah, naikwento nga pala sa akin dati ni Kyle na hindi talaga sila magpinsan ni Drake, yun lang ang turingan nila dahil family friend nila ang family ni Drake. Kaya ang tawag niya minsan kay Drake, 'Pinsan Kuno' o 'Pinsan Kunyari.'

"Tama na yan... Nag aaway nanaman kayong magpinsan, siya nga pala Kei, si Tita Aira at Tito Nathan mo, sila ang parents ni Drake..." Pakilala sa akin ni Tita Sabrina.

"Hello po, good afternoon po..."

"Hi iha! Pasensya ka na sa anak kong si Drake, hilig lang talaga niyang asarin itong si Kyle." Sabi ni Tito Nathan.

"Naku, okay lang po yun..." Sagot ko.

"Anong okay baby?!Hinawakan nitong sira ulo na 'to yung kamay mo tapos okay lang?!!" Natatawa talaga ako kay Kyle!

"Ang mabuti pa kumain na tayo!" Yaya ni Tito Michael na hindi na rin mapigilan ang sarili sa pagtawa dahil kay Kyle...

Pagkatapos naming kumain nagkwentuhan muna kami sa garden, katabi ko si Misha at kaharap naman namin si Drake. Si Kyle? Nasa loob kausap ng Mama niya, pinapakita niya yung ultra sound ko kanina, ang yabang nga ife-frame daw niya yon!

"Magkamukha talaga kayo ni Kei Marie, chubby ka lang." Nakangising sabi ni Drake, oo na chubby na ako! Kailangan pa bang paulit ulitin? Kapag ako talaga nanganak!!

"Kambal nga kasi!" Naiinis na sabi ko sakanya.

"Pero hindi ka mukhang mataray. Yung kapatid mo kasi ubod ng taray kala mo palaging may period." Natatawang kwento ni Drake, mukhang kilalang kilala na niya si Marie.

"Gaano katagal na kayong magkakilala?" Usisa ko.

"Mag aapat na taon na rin." Sagot niya, nakita kong nakatingin siya kay Misha, kanina ko pa napapansin ang tinginan nitong dalawa na 'to, at parang may laman yung titigan nilang dalawa. Naguguluhan ako, hindi ba si Marie ang nililigawan niya?

"Uhmm...Nililigawan mo ba ang kapatid ko?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko, ngumiti si Drake.

"Oo, laking pasasalamat ko nga sa kapatid mo, kung hindi dahil sakanya baka namatay na ako sa sobrang sakit noon... Masakit sobra." Seryosong sabi niya at halos mapalunok ako ng makita ko nanaman ang matalim na titig niya kay Misha...

"Ahh! Ate!Papasok lang ako ha?!!" Paalam ni Misha saka tumakbo na papasok sa loob! Tinignan ko si Drake at napansin kong nakangisi siya at umiiling iling.

"Anong meron sa inyo ni Misha??" Nakakunot noong tanong ko, medyo hindi na maganda ang kutob ko... Kapatid ng asawa ko si Misha at ayoko namang ma-agrabiyado ito, ganun din kay Marie. Aba kung paglalaruan niya yung dalawa tumigil tigil siya.

"Wala naman...dating magkaibigan." Nakangiting sagot niya pero mapait ang tono ng pananalita niya.

"Bullsht!!" Napalingon ako ng marinig ko an gang matigas na pagmumura ng asawa ko, napangiti ako, nagseselos siya. Buti nga sakanya, dapat lang maramdaman niya yung pagseselos ko nitong nakaraang araw noh!

Kaagad siyang nagmartsa palapit saamin, bigla namang lumipat sa tabi ko si Drake! Humilig ako sa balikat niya!

"Pilya ka rin pala kagaya ni Kei Marie..." Natatawang bulong niya sa akin...

"Sht..." Bulalas niya at pilit pinagtutulakan si Drake!

"Baby sabi ko naman sayo h'wag kang lalapit sa gagong 'to." Iritadong sabi niya, tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ba? Magkaibigan kami ni Drake." Pang aasar ko.

"Aish. Wala kang ibang kaibigan bukod kay Jade at Jelly!!" Suway niya sa akin!

"Meron!Si Drake kaibigan ko din!!"

"Baby!!!"

"Bakit ikaw?!Bakit kaibigan mo ang mga ex mo?!!"

"Baby naman..." Malambing nanaman ang pananalita niya kapag alam niyang hindi siya mananalo sa akin.

"Ah basta! Nagkukwentuhan kami ni Drake dito ha!Istorbo ka! H'wag kang magulo!!" Sigaw ko sakanya, narinig ko naman ang pagngisi ni Drake!

"Edi ako ang kwentuhan mo! Makikinig naman ako!" Bulyaw niya sa akin!

"Ayoko!Gusto ko si Drake!!"

"Aish!!!" Sinabunutan ni Kyle ang sarili niya at padabog na umupo sa harapan namin ni Drake, itinuloy namin ang kwentuhan pero ramdam ko ang masaman titig niya kay Drake, at natatawa naman ako dahil nang aasar pa talaga 'tong pinsan niya!

Maya maya lang may nagdoor bell kaya naman kaagad tumayo si Kyle at tinignan kung sino yon. Medyo natagalan na ako sakanya kaya naman tumayo kami ni Drake para tignan.

"Ano ka ba Kyle bakit mo tatanggihan yung project sa New York? Di ba matagal mo ngang hinintay ang e-mail nila? Saka isa pa ito na yung pangarap mo...Bakit ibinibigay mo kela Hana?! Big break na yon Kyle!Tapos ipamimigay mo lang sa iba?!" Si Felix yon.

Anong project? Saka ano? Sa New York? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya sinasabi sa akin. Hana? Ito ba yung project na pinag uusapan nila nung dalawang ex niya? Asawa niya ako pero bakit naglilihim siya sa akin?

"Dude alam mo naman di ba? Ayokong iwanan si Kei mag isa, buntis pati siya." Seryosong sabi niya...

"Babalik ka naman ano ka ba naman Kyle."

"Tangina isang taon yon! Sa tingin mo ba makakaya kong malayo sakanya ng ganung katagal? At pag tinanggap ko yung project na yon hindi ko masasamahan sa panganganak yung asawa ko..."

"Pangarap mo 'to di ba?"

Nakita kong tumango si Kyle bilang sagot...pangarap? Ni minsan ba tinanong ko ang asawa ko kung anong pangarap niya sa buhay? Napansin kong napatingin sa akin si Felix, kaya naman kaagad humarap si Kyle sa akin...

"Baby..."

"Kyle anong project? Anong New York? Aalis ka??" Nauutal na tanong... Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi baby...hindi ako aalis, hindi ko naman tinanggap..."

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin?!"

"I'm sorry..."

"I'm sorry? Akala ko ba tiwala lang? Bakit naglilihim ka sa akin?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiyak, ano ba naman yan! Simpleng bagay iniiyakan ko na kaagad!!

"Shhh...baby, hindi...sasabihin ko naman sayo kaya lang naghahanap ako ng tiyempo." Paliwanag niya at pinunasan ang luha ko.

"Pangarap mo daw yon sabi ni Felix? Bakit mo tinatalikuran?"

"Ayokong iwanan kayo ng anak natin..."

"Pero nakapagplano ka na noon na aalis ka?"

Tumango siya bilang sagot...

"Pero hindi na ngayon baby...iba na ngayon...nandito ka na, at higit sa lahat magkakaanak na tayo..."

Umiling iling ako at lumunok muna ako bago nagsalita...

"No... tanggapin mo yung project Kyle."

Continue Reading

You'll Also Like

2M 15.9K 93
Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in searc...
109K 3K 53
Reunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex a...
924K 14K 35
Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa...
202K 5.2K 44
💍 Featured Story in ChickLit 💍 DUOLOGY | COMPLETED Book 1: "My Mary Christmas" published under PSICOM BOOK 2: "Marry Me, Mary" is compiled in t...