The Alexus: The Past (GxG)

By astraeatheuniverse

115K 3.1K 215

(GXG - First Half) Sa mundong ginagalawan natin, dito matatagpuan ang mga hindi ordinaryong tao. Mga sikat ng... More

I warned you already.
Prologue
Alexus 1: Welcome!
Alexus 2: Start
Alexus 3: Sorority
Rules
Alexus 4: Fifth, Shana Casabae.
Alexus 5: Work
Alexus 6: Tree and Friends
Alexus 7: The Beginning
Alexus 8: Work Room
Alexus 8.5: Work Room
Alexus 9: Demons
Alexus 10: Instant Fan Midnight
Alexus 11: Fourth Bankruptcy
Alexus 12: Second The Principal
Alexus 13: Fifth's Heart
Alexus 14: Brothers
Alexus 15: Couple
Alexus 17: Photoshoot
Alexus 18: Plan
Alexus 19: Event Battle
Alexus 19.5: Event Battle
Alexus 20: Seventh!
Alexus 21: Wake up, Babe.
Alexus 22: Absent
Alexus 23: Trees of Fifth
Alexus 24: Her Eyes
Alexus 25: Boracay Battle
Alexus 25.5: Boracay Battle
Alexus 26: Tenth's Favor
Alexus 27: Baguio
Alexus 28: Happy 4th Anniversary!
Alexus 29: Sky
Alexus 30: Babe
Alexus 31: Cold Stares
Alexus 32: Best Friend's Advice
Alexus 33: Memories
Alexus 34: Bad vibes, go away!
Alexus 35: Welcome to Hillford University, Shana Casabae.
Alexus 36: Incomplete
Alexus 37: New Designs Release
Alexus 38: Photoshoot at SM By The Bay
Alexus 39: Emotional Stress
Alexus 40: Assistant?
Alexus 41: Gabrielle Azel Montenegro
NOTE!
News from Universe

Alexus 16: First's Mansion

1.6K 52 1
By astraeatheuniverse

Shana's POV

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan at napasuklay ako ng buhok no'ng in-on ko ang AI ko gamit ang remote nito. Nandito lang pala sa bedside table.

"Keep quiet, Gab."

Tinignan ko ang babaeng mahal na mahal ko na nakahiga sa kaliwang braso ko. Naka-boxer ako at sports bra habang siya, naked.

Tinitigan ko siya at itinabi ang mga buhok na humaharang sa mukha niya. Umatake na naman ang masamang espiritu sa katawan ko kanina.

"Yes, Master Shana." She replied.

May narinig akong boses sa labas kaya kinonek ko 'yung boses ni Gab dito sa loob ng kwarto ko para marinig ko 'yung sinasabi niya ro'n sa labas.

"Master Shana is here. What do you want, Master Kaya?" Tanong ni Gab sa taong nasa labas.

Ano naman kaya kailangan ni Kaya ngayon?

"Master Shana, Master Kaya wants to talk to you."

Kinumutan ko si Fiona at dahan-dahan kong inalis ang braso ko. Buti na lang medyo tulog mantika siya kaya hindi siya naalimpungatan.

Tumayo ako at ako na mismo ang nagbukas ng pinto. Tumambad sa 'kin ang naka-pajama pa rin na si Kaya pero iba na ang kulay nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang maganda kong mukha. Hays.

"Whoa! Hindi ko ine-expect na ganyan ang ipapakita mong katawan sa 'kin."

Katawan pala.

I rolled my eyes. "What do you want?"

"Hindi ka magtatrabaho?" Tanong niya sa 'kin at pasimpleng sumusulyap sa likod ko pero hinaharangan ko siya.

"Anong oras na ba, Gab?"

"Quarter to nine in the evening, Master Shana."

Tumaas ang kilay ni Kaya at tumingin nang diretso sa 'kin. "Huwag mong sabihing hindi ka magtatrabaho?"

"Magtatrabaho." Tumingin ako kay Fiona na mahimbing na natutulog. "Pero hindi ko siya pwedeng iwan mag-isa rito."

Tumingin ako sa kanya at naabutan ko siyang tumango-tango. "Naghasik naman pala ng lagim." Natawa siya kaya kinutusan ko. "Aray, ha!" Hinaplos niya ang ulo niya kung saan tumama 'yung daliri ko.

"Susunod kami. Pahatiran mo ako sa work room ng makakain. Good for two."

"Okay! Magbibihis muna ako."

Pumasok na ako sa loob at si Gab na ang nagsara ng pintuan.

Dahan-dahan akong sumampa sa kama at pumaibabaw kay Fiona pero nakasuporta ang mga kamay ko sa gilid niya. Maganda siya, sexy at maputi pero hindi ko alam bakit nahulog siya sa 'kin.

"Babe." Tinapik ko ang pisngi ni Fiona.

Kahit ayoko siyang gisingin ay kailangan dahil baka siya naman ang sermunan ni Kaya. Mainit din ang mga mata ng ibang Alexus sa kanya sa hindi ko malamang dahilan pero close naman niya ang mga ito kahit papaano.

"Fiona." Tawag ko ulit pero this time, bumulong ako sa tainga niya.

Gumalaw siya pero naramdaman niya atang hindi siya makagalaw dahil nakapatong ako kaya nagising siya. Pumupungay pa siya at hindi ko talaga maiwasang pansinin na malagkit siya kung tumingin.

"Hinuhubaran ako ng inosente mong mga mata." I smiled sweetly.

"Tigilan mo ako, Shana."

Hinalikan ko siya sa labi at umupo sa tabi niya.

"Bumangon ka na at magbihis. Do'n ka na sa work room ko mag-drawing. Hayaan mo na si Cathy na magtahi sa work room niyo."

Tumango siya at nagbihis na. Tumabi ako sa kanya dahil nakatayo siya sa cabinet. Naghanap ako ng masusuot dahil gusot na ang damit ko kanina. Malamig din kaya kailangan ko nang magbihis.

Kinuha niya naman 'yung denim short niya ulit at kumuha siya sa cabinet ng crop top kaya binawi ko sa kanya ang mga susuotin niya sana.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong habang pumupungay pa rin ang mga mata. Nakasuot na siya ng underwear at brassier.

"Ayokong nakikita ng iba ang katawan mo."

Kumuha ako ng T-shirt at pajama na susuotin niya pero umasim lang ang mukha niya no'ng inabot ko 'yun sa kanya.

"Really? T-shirt talaga?"

"Yes."

Umupo ako sa kama. Pinalapit ko siya sa 'kin at binihisan. Ayokong na-e-expose masyado ang katawan niya. Kahit gusto kong nakikita siyang sexy, eh, iba na ang usapan kapag may iba ring tao na titingin sa kanya.

Kinuha ko ang sneakers naming dalawa at pinagpalit ang isang pares. So 'yung isang sapatos ay sa 'kin. Tapos 'yung isa ay sa kanya. Parehas lang kami ng size pero mas matangkad ako.

"Wear this one." Inilapag ko ang sneakers niya sa sofa at sinuot ko 'yung akin. Umupo siya sa tabi ko kaya natawa siya.

"Blue and white gold?"

Tumango ako.

"Not bad."

Ninakawan ko naman siya ng halik sa labi. "Huwag ka nang mag-toothbrush. Lasang mint pa rin 'yung mouth mo."

"Syempre hinalikan mo ako." Natawa siya kaya ngumiti ako.

Dahil ang tagal niyang magsapatos, ako na lang ang nagsuot sa kanya at lumabas na kami. May balak pa siyang ipa-curl ang dulo ng buhok niya pero sabi kong matutulog din naman mamaya kaya bakit pa siya magaabala.

Naglakad na kami sa hallway habang nakaakbay ako sa kanya at pumasok sa elevator ng makarating kami. Pinindot ko ang fourth floor at isang palapag lang naman, sandali lang din ay nakarating na kami ro'n.

Nanlaki ang mga mata ni Fiona at sumingkit ang mga mata ko. Lahat ng Tree nasa hallway maliban sa Tree nina Wine, Yuki, Fiona, Rai at Tree ko. Anong mayro'n?

Nagmamakaawa ang ibang Tree na papasukin sila pero wala silang response na natatanggap. Lumapit sa 'min si Aquaris na naluluhang yumuko sa 'min. "Tulungan mo kami, Master Fifth."

Tree ni Manchu.

"Anong nangyayari rito?" Tanong ni Fiona sa kanya.

"Hindi po namin alam. Pinalabas na lang po kami ng mga Masters namin." Tumulo na ang luha ni Aquaris kaya niyakap siya ni Fiona.

"Huwag kang umiyak." Pagpapatahan niya sa babae.

"Nasaan si First?" Tanong ko.

"Nasa office po niya." Tahimik na sagot sa 'kin ni Kryza. Tree Ni Crystal.

Hinila ko si Fiona na magpapaiwan pa sana pero hindi ko pinayagan. Humati ang daan at natigilan ang mga Tree nang makita kami. Maski si Manchu ay wala rito. Nag-bow sila sa 'min ni Fiona pero dire-diretso lang akong naglakad.

Nagtatanong si Fiona pero sinabihan ko siyang manahimik kaya sumunod na lang siya sa 'kin. Nakarating na kami sa pintuan ni Kaya at nando'n si Agatha na nag-bow bago buksan ang pintuan.

Bumungad sa 'min si Kaya na nakaupo sa sofa at sina Wine at Rai.

May mali rito.

"Oh, Shana, buti naman may pakialam ka." Nakangising sabi ni Wine pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Magkatabi sila ni Rai kaya umupo kami ni Fiona sa kabilang sofa.

"What's happening, First?" Tanong ni Fiona. "Umiiyak ang iba sa labas!"

Kaya just shrugged at halatang antok pa. Tumingin ako sa gawi nina Wine at Rai. Umiwas nang tingin si Wine at nakipaglaban si Rai sa 'kin ng titigan.

"Give up." Pinaikot ni Rai sa kamay niya ang paint brush. "Kasama ko ang Tree mo at ang Tree ko. Kasama ni Yuki ang Tree niya at ang Tree ni Fiona. Si Wine naman hindi kasama ang Tree niya pero pinatawad na niya ang mga ito."

"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong ni Fiona.

"Continue mo, First. Nakakatamad." Walang ganang sabi ni Rai.

Biglang pumadyak si Fiona at umirap si Rai.

Humikab si Kaya. "Nagkayayaan kasi ang Alexus' Tree sa labas ng village. Na-encounter sila no'ng mga organization na inatake natin dati. Namukhaan sila at naghamon 'yung kalaban ng away. No choice sila kundi labanan at muntik pang makulong."

"I see." Bumuntong-hininga ako. Buti na lang wala ang Tree ko kung hindi, papatayin ko ang mga 'yun.

"Galit na galit si Second sa nangyari." Umiling si Wine. "Kaya nahawa na ang apat na Alexus."

"Kausapin mo ang apat, Fifth." Sabi ni Rai.

"Sino ba 'yung apat?" Tanong ni Fiona kaya umirap ulit si Rai.

"Second, Fourth, Eighth and Ninth." Sagot ni Wine.

"Marunong palang magalit si Ninth?" Natawa ako dahil hindi ko ine-expect 'yun.

"Nagtampo lang siguro." Sagot ni Kaya.

"Susubukan ko silang kausapin."

Iniwan ko na sila at hinila ko si Fiona palabas. Inuna ko naman ang work room ni Manchu.

Nagulat ang mga Tree no'ng buksan ko ang pintuan ng work room nila. Nagdadalawang-isip pa ang mga mata nila pero hindi ko na lang pinansin.

"Ninth, work is work." Nakaupo si Manchu sa sahig at mukhang namomroblema.

"Paano na lang kung nasaktan sila at nakulong?" Tanong niya. "Pwede mapahamak ang sorority. Ayoko pa naman maging pabigat tapos ganyan ang gagawin nila."

Binulungan ko si Fiona na pumasok sa work room ko kaya tumango siya at umalis.

"Hayaan mo na. Ako ang bahala." Sagot ko.

"Fifth, ang dami mo nang naitulong. Please naman, pabayaan mo kami ngayon."

"Ano bang kasalanan nila? Wala. Nagkayayaan lang at unexpected ang nangyari. Kung hindi sila lumaban, sa hospital mo makikita ang mga Tree mo ngayon."

Lumabas na ako nang hindi ko hinihintay ang sasabihin niya. Nag-aalala lang naman siya pero hindi ba dapat mas inaalala niya 'yung kalagayan ng Tree niya bago ang sorority namin?

Madali lang naman maglinis ng simpleng kalat.

Naabutan ko ang ibang Tree na nakaupo at umiiyak. Ayokong mangialam pero sobrang taas ng pride ng mga babaeng 'to.

"Pumasok na kayo sa work room ng mga Masters niyo. Sabihin niyo na ako ang nag-utos."

Naglakad na ako sa work room ko at pumasok. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa stress. Gisahin ko sila isa-isa, eh.

Continue Reading

You'll Also Like

88.1K 2.7K 57
Sa pagbabalik ni Leah Kate Perez na kilalang bully ay hindi niya inaasahan na maraming rules na pinatupad si Cheska Laurel Gonzales o mas kilalang 'P...
333K 17.6K 66
Iniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The cha...
167K 5.2K 55
*** Highest Rank: #1 Lovewins .. This is a gxg story. Please be open minded and respect LGBT clan. I salute you guys. ------ Hindi ko alam kung baki...
287K 17.7K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...