Lost In My Thoughts!

Yatz_0204 tarafından

472 15 4

What is Love? How will you know you're In Love? What are the experiences that we will encounter? How can we c... Daha Fazla

Wonder Love.
Kinds of Relationship.
Paano?

Experiences!

100 5 0
Yatz_0204 tarafından

>>>DISCLAIMER:May nag message sakin na mali daw ako sa Pagsusulat ko sa mga klase ng Relationship.Paki tandaan lang po na ang lahat ng sinusulat ko ay sa Sariling Pananaw ko,Sariling Opinion ko po ito at ito  yung Pespective ko about Love eto yung nakikita ko at naranasan ko sa Love kaya kung MALI PO AKO then I'm sorry but like I said it is MY LOST THOUGHTS! Hindi ako nagsusulat in behalf of everyone nagsusulat ako ng mga sariling pananaw ko sa mga bagay bagay kaya kung tingin niyo mali ako kanya kanyang Opinion lang po yan at nagkataon na eto ang Opinion ko. <<<

Now that I established things straight up I can continue writing about MY EXPERIENCES!!! Oh naka Caps Lock na meaning hindi na ko magkakamali kasi sa Aking mga karanasan na mismo ang isusulat ko. Oh teka baka kung ano yung Experiences ang na iisip niyo ha! Yung mga karanasan sa Love ang gusto kong isulat at i-share gusto ko na rin kayong tanungin sa mga bagay bagay tungkol sa Pag-ibig. ^_^ Oyyy gusto nilang malaman yung experinces ko sa Love hahahaha ^_^ Baka magalit naman neto ang mga naka relasyon ko nito! Pero sige ifi-filter ko lang para naman hindi ko maipapahamak yung mga naging Ex ko at respeto na rin sa kanila.  ^_^

>Yatz na inlove knb? Kung Oo pano at anong nangyari? 

*Oo na in love na ko. Ang First Love ko ay sa Lalaki pero hindi naging kami kasi yung Bestfriend niya ang nanligaw sakin at siya ang naging Boyfriend ko. Sa Babae naman na in Love na rin ako twice na,yung Love ko sa babae mas matindi pa dun sa pagmamahal ko sa lalaki. Nung High school ako na inlove ko sa isang babae pero hindi naman niya na suklian ang pagmamahal ko ang tagal kong baliw na baliw sa kanya pero hindi naman niya ako nabibigyan ng pansin taon na ang binilang pero wala eh hanggang sa kaibigan lang talaga ako hanggang sa may nangyari nag-away kami at dun na na-untog ang ulo ko para magising na wala talaga akong pag-asa sa kanya. Kaya isang araw nagising nalang akong hindi ko na siya mahal kaya totoo yung sinasabi nila na "Only Time Will Tell." After HS Heart Broken dun na ko nag start mag loko chicks dito chicks dyn Iloveyou dito Iloveyou dun. GF dito BF dun sabay sabay silang lahat hindi ako maganda Ewan ko lang bakit ganun hahaha! ^_^v Ang dami kong pina-iyak at sinaktan nung mga panahon na yun iniisip ko rin kasi na pano pala kung matutunan ko rin silang mahalin diba ang kaso palaging sila yung mas nagmamahal sila yung mas nag-eeffort sila yung palaging nag-iiloveyou sakin at pag ganun madali akong masakal at magsawa! 

Lahat ng relationship ko ako ang nakikipag break siguro dahil nagsasawa na ko at nasasakal sa kanila hindi pala siya siguro kundi talagang nagsawa at nasakal na ko. Pero sinubukan ko naman silang mahalin hindi naman kasi ako mag lalaan ng oras panahon at atensyon sa kanila kung wala talaga akong nararamdaman para sa kanila. Siguro talaga lang hindi kami para sa isa't-isa pero aminado akong naapektuhan ako pag tumatawag sila at naririnig kong umiiyak at sinasabing subukan pa ulit namin. Hindi ko naman sinasabing maniwala kayo sakin pero nasasaktan at nagagalit ako sa sarili ko pag nakaksakit ako ng tao. Until now naaalala ko parin yung Boses nila na naririnig ko sa phone na umiiyak kasi hindi ko talaga inaasahan na ganun pala ang impact ko sa kanila kasi una sa lahat alam ko sa sarili kong hindi ako nag-eeffort para sa kanila kaya nagugulat ako na sobrang mahal pala nila ko kahit ako wala naman talagang naibibigay sa kanilang kapalit. Pero aaminin ko rin na kung kelan sila nawala sa buhay ko saka naman ako parang tanga na hinahabol habol sila diba parang ang gulo gulo kong tao. Kung kelan mga Taken na sila saka ko naman na appreciate kung ano yung nawala sakin at na iinggit at nagagalit ako sa sarili ko na yung taong mahal nila ngayon mas nahigitan pa yung naibigay ko at nakikita kong napapasaya talaga sila. Kung nagawa ko lang sana yun nung kami pa edi sana kami ngayon yung nag ce-celebrate ng Anniversary ang kaso hinayaan kong mawala sakin yung mga taong nagmahal sakin ng tooto at tapat.   

Hanggang sa may makilala akong isang Babae na hindi ko inaasahan na makaka pagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakataon. Na meet ko lang siya sa isang Online Dating app. Wala eh bored ako nung mga panahon na yun kaya na isip kong mag download Hahaha! Until may nag message sakin na isang Cute Girl maputi matangkad at maganda napa smile agad ako nung makita ko ang pic niya type ko kasi siya Hahaha! Agad kaming nag click at ako naman duma damoves na agad syempre may kakaiba agad akong naramdaman sa kanya hindi gaya nung ibang babae na nakilala ko pag sa kanya parang medyo ewan ko ba parang nag papa-impress na parang nahihiya sigro ako. Habang magka-usap kami sinabi ko agad na Crush ko siya ayoko kasing magpaligoy-ligoy pa kasi nga sobrang type ko siya parang nakita ko na agad na magiging Girlfriend ko siya ganun ako kasigurado na gusto ko siya na"Love at First Sight" na nga ata talaga ako sa kanya.

Ang kaso may Gf na siyang Butch oh men aray ko beh!!!! Hindi man lang ako umabot sa first base busted na agad kung kelan naman akala ko nakita ko na ang babaeng makakatuluyan ko saklap dre! T_T Pero alam niyo bang para kong tanga na nakaramdam talaga ako ng kirot sa dibdib ko #Realtalk hindi ko nga maintindihan ang sarili ko nun kasi talagang nasaktan ako nung sabihin niyang may Gf na siyang Butch for 6yrs! Guys Anim na taon ganun na niya katagal jowa yung butch tingin niyo ba may panlaban pa ko sa 6yrs nila hindi ba wala naman. Kaya naman na friendzone agad ako sa pangalawang pagkakataon na nagmahal ako parehong na Friendzone ako awwwwwwww!!!! Ang sakit Kuya Edi pero dahil ako si Yatz wala akong pake alam kung 6yrs na sila tinamaan ako kaya wala ng makakapigil pa sakin. Sa umpisa syempre Respeto sa jowa niyakaya hindi ko sinabi na type ko siya ang palagi ko lang sinasabi Crush ko siya at Crush ang tawag ko sa kanya halos araw-araw na kaming magka text at magka tawagan Umaga Tanghali  Gabi at kung minsan nga umaabot pa kami ng 3-4am ganun siya kasarap kausap. 

So alam niyo na mas nahuhulog tuloy ako sa kanya at na iinis ako sa sarili ko na tumitibok ang puso ko dahil ayokong ma inlove ayokong magmahal dahil ayokong masaktan na naman. Kaya lang hindi ko rin na pigil ang sarili ko at tuluyan na nga akong nahulog sa babaeng Taken na!m Ma iinlove na rin nga naman ako dun pa sa may sabit ano bang puso ang meron ako at napaka sablay namang pumili! Nung alam ko na sa sarili ko talagang tinamaan ako sa kanya hindi na ko nag text o tumawag pa sa kanya dahil sa araw araw naming pag-uusap syempre hindi ko na mappigilan ang maging sweet pa sa kanya which is NEVER ko pa atang ginawa sa babae hindi ako sigurado. So ayun na nga natakot ako na pag ipinagpatuloy ko ang communication namin baka mas mahulog ako sa isang taong Committed na. Isang buong araw kong tiniis na hindi magparamdam sa kanya at yun na ata ang pinaka mahirap na isang buong araw ng buhay ko kahit katinng kati na kong itext o tawagan siya pinigil ko parin ang sarili ko.

Tinawagan niya ko nung gabi at halata sa boses niya na malungkot siya tinanong ko agad kung bakit siya malungkot. Sinabi niya na dahil hindi daw ako nagparamdam sa kanya kung may nagawa ba daw siya na hindi ko nagustuhan ang dami niyang tanong sakin at napaka lungkot ng boses niya. Mas naguluhan tuloy ako sa nararamdaman ko kasi hindi ko alam kung lalagyan ko ba ng malisya yung pag-aalala niya o dahil inisip niya lang na kaibigan lang ako ahhhh ewan ko ba! 

>>>Teka nga pala yung Gf niyang butch busy yun at hindi siya nabibigyan ng panahon kaya kung iniisip niyo kung pano kami nagkaka-usap ng oras oras  ang sabi niya madalang na daw mag message sa kanya yung Gf niya dahil busy sa COC! Diba nakaka-inis yung taong mahalaga para sakin ipinagpapalit sa COC!!! Sa tuwing mag-uusap daw sila sandali lang parang Hi and Hello lang at madalas nag-aaway pa daw sila. Siguro ganun talaga pag matagal na kayo medyo nanlalamig na sa isa't isa kaya bago pa ko dumating sa buhay nila talagang ganun na sila. Hindi naman siya mag do-download ng Dating App kung nabibigyan siya ng time ng Gf niya diba.<<<<

Anyways yun na nga tinanong niya ko kung bakit hindi man lang daw ako nagparamdam sa kanya. Sinabi kong "umiiwas na ko kasi nahuhulog na yung loob ko sayo at ayokong maka sakit ng iba dahil alam kong taken ka na." Napa tahimik lang siya at walang masabi sinabi ko na "I'm sorry hindi ko gustong ma inlove sayo pero nangyari pa rin akala ko kasi mapipigilan ko pero sa twing kausap kita mas minamahal kita." Sinabi ko na ang totoong nararamdama ko sa kanya at ang sabi niya lang "Ayokong mawala ka kasi masaya rin akong kausap ka pero hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para hindi kita masaktan kasi may Girlfriend na ko."Nagulat ako na bigla siyang umiyak pag kasabi niya nun.Alam kong kahit hindi niya sabihin sakin kahit papano may halaga na rin ako sa kanya at ayokong marinig na umiiyak sya sa phone kasi nasasaktan ako at siya yung taong napaka importante sakin kaya kahit paiyakin siya hindi ko ata kayang gawin. After ng pag-uusap namin na yun naramdaman ko na kahit papano pala may halaga rin ako sa kanya kaya sumugal na ko bahala na si batman Tang-*na ngayon lang ako nagmahal isusuko ko pa ba! 

Hanggang sa dumaan ang mga araw na sobrang sweet na talaga namin alam niyo bang sinabi ko sa kanya na "Iipapakilala kita sa Momy ko at sa mga kapatid ko." Big Deal yun kasi never pa naman akong nagpakilala ng kahit sino sa kanila. Sinabi kong ipagluluto ko siya ng Lasagna at Carbonara kasi Favorite niya daw yun and since masarap magluto ang Mom at Kuya ko sa kanila ako magpapaturo. Lahat na nga ata ng tungkol sa personal kong buhay alam niya at malaking bagay rin yun kasi kahit sino ata ang tanungin niyo na kilala ako hindi talaga ako yung taong nag-oopen up sa iba pero pagdating sa kanya ako pa ata yung mas madaldal lahat na kwe-kwento ko sa kanya at nag pla-plano na ko ng mga date namin o mga bagay na gagawin pag na meet niya na ang family ko biglang lumabas ang pagiging "Don Romantico" ko! Hahahaha ^_^

Until one night sa sobrang tindi na ng feelings ko parasa kanya hindi ko na napigil ang feelings ko para sa kanya at nasabi ko ang mga katagang hindi ko pa nasasabi na ako ang nauuna ang mga katagang hindi ko pa nasasabi ng buong puso kailanman. Ang mga Katagang I LOVE YOU! alam mo yung feeling na kabado ako at masaya na nasabi ko na rin sa wakas yung Iloveyou ang guess what nag Iloveyou back siya!!!!!!! ^_^ Cloud 9 ang feeling parang nasa heaven ako habang naka higa ako sa kama halos lumabas na ata yung puso ko sa dibdib ko so sobrang saya! Tinanong ko pa siya kung tama ba yung narinig ko at natatawa lang siya sa reaksyon ko. Paulit ulit kong sinabi ang Iloveyou at paulit ulit rin siyang nag Iloveyou back!!!!! ^_^ Guys habang nag ta-type ako napapa smile parin ako sa twing naaalala ko haaay those good memories!

At yun ang gabi na naging Kabit na ko ang pangit ng Term pero totoo naman eh dahil TAKEN pa rin siya habang may Kami. Halata naman sigurong mahal na mahal ko siya kasi pumayag ako sa isang bagay na kinasusuklaman ko ang maging kahati ang maging no.2!!! Tinanong ko siya kung papano sila nung butch ang sabi niya lang mag-uusap pa daw sila pero wala siyang assurance na sinabi sakin na makikipag hiwalay agad siya basta ang sabi niya lang sakin mag-uusap daw sila. Para sakin okay na yun ayokong pilitin agad siya iwan yung butch dahil una sa lahat wala akong karapatan! Nung mga sumunod na araw masayang masaya kami super sweet nag plano na kami na magkikita kami She knows where I live and I know where she lives too planado na ang lahat sa date kung kelan kami magkikita at kung saang lugar.

Pero gaya ng mga magka relasyon nag-aaway din kami at madalas ako yung mainit ang ulo ako yung imature samin aminado ako. Ang laki kasi ng pag-aadjust para sakin  dahil galing kasi ako sa relasyon na ako ang nasusunod all the time pero pag dating sa kanya dapat isipin ko rin ang mga gusto niya dapat din akong mag-adjsut sa kanya at siya ang pinaka unang babae na pinakisamahan ko! Kung sa iba wala akong pake kung magalit sila sa kanya ako mismo ang sumusuyo at ginagawa ko ang lahat wag lang siyang magalit ng tuluyan sakin. Alam niya rin kasi ang mga past relationship ko na ako yung pasaway  kaya ang sabi niya sa kanya daw hindi pwede yun kaya ayun medyo nag tino naman ako hahaha bawas bisyo muna at pa good girl dapat hahaha! 

Pero nagiging madalas pa rin ang pag-aaway namin dahil sa pagiging mainitin ng ulo ko na hindi ko na ata mababago kahit anong gawin ko bawasan pwede pa siguro pero ewan ko ba! Ayun na nga siya naman ang sumusuyo sakin minsan pero para naman akong pusong bato minsan kaya ayun tiniis ko siya nung gabi na nag-away kami kinabukasan hindi ako nagparamdam at nag punta sa Rave party nalasing ako kaya hindi ko siya natawagan at kinabukasan na ko nag paramdam. Pero kung alam ko lang ang mga sususnod na mangyayari sana pala hindi ko na siya tiiis sana pala hindi ko nalang pala siya binalewala! Siya naman ang hindi sumagot sa mga tawag at text ko dun ko nalang ulit naramdaman ang takot lungkot at sakit na maaring magkahiwalay kami dahil lang sa simpleng tampuhan! 

Ilang araw akong tawag ng tawag at text ng text sa kanya humihingi ng sorry kulang nalang magmaka-awa ako sa kanya pansinin niya lang ako! Ilang araw akong malungkot at umiiyak...Guys umiiyak hindi pa ulit ko umiyak sa isang babae sa matagal na panahon. At nangyari na nga ang kinatatakutan ko ang masaktan at malungkot sa kanya ko nalang ulit naramadaman yung sobrang sakit halos hindi ko siya matanggal sa isip ko palagi ko siyang naalala hanggang sa hindi ko na siya ma contact ng tuluyan at dun na talaga na durog ang puso ko! Ano bang nagawa ko ng sobrang tindi para iwan niya ako ng ganun ganun nalang kung kelan ako sumugal saka ako nasaktan kung kelan ako nagmahal saka ako iniwan kung kelan akala ko siya hindi parin pala!!! 

Mas naging miserable ang buhay ko nung tuluyan na siyang hindi nagparamdam mas naging madalas ang bisyo at mas nalungkot ako at minsan tumutulo nalang ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Binabalik balikan ko ang mahahabang usapan namin sa phone at inaalala ang masayang sandali kahit sa maikling panahon naipadama niya sakin kung papano ulit ang umibig kung gaano kasaya ang magmahal kung papano maging masaya! Pero lahat pala ay panandalian lang at lahat pala ay may katapusan rin. 

Lumipas ang mga araw na kahit papano nasasanay na ko sa pagkawala niya pero isang araw naka tanggap ako ng message mula sa kanya. Yung puso ko parang nabuhayan ulit ng loob yung akala mong Flatline na bigalang naging Zigzag naman hindi alam kung bakit naramdaman ako ng saya pero nabuhayan ako ng loob. Nagreply naman agad ako sa kanya pero minsan araw ang binibilang bago ulit siya magparamdam sakin. Kaya parang na isip ko na baka bored lang to kaya bigla nalang lumilitaw kung kelan niya gusto kaya sinabi ko na sana makapag usap man lang kami ng maayos bigyan niya sana ako ng closure kung bakit niya ko iniwan ng wala man lang matinong dahilan at sumagot naman agad siya sakin kung bakit bigla siyang nawala. 

Bigla daw siyang binisita nung Butch niyang jowa nagulat nalang siya na biglang dumating yung Gf niya at nagtalo daw sila nagkasakitan at nasira ang phone niya. Hindi na niya magamit kaya nakiki hiram lang siya ng phone sa kaibigan niya. I'm not a fan of hurting someone physically never pa kong nanakit ng isang tao physically kaya halos lumampas ng ulo ko yung galit na nararamdaman ko nung mga oras na malaman ko ang nangyari sa kanya. Pero nandun rin yung doubt na what if nagsisinungaling lang pala siya sakin pero mas pinaniwalaan ko pa rin ang side of story niya dahil may napag-usapan na kami dating related dun. 

Gusto kong gumanti sa ginawa niya sa Taong pinaka mamahal ko gustong gusto kong saktan yung taong nanakit sa kanya gusto ko siya durugin gaya ng nararamdaman ko gusto ko siyang bugbugin gusto ko siyang ibaon sa lupa pero wala akong magawa! Dahil malayo ako at nangyari na ang nangyari pero alam mo yung galit na nararamdaman ko para sa kanya napalitan ng awa at galit sa sarili na wala ako nung mga panahon na kailangan niya ako na wala ako sa tabi niya para protektahan siya na wala akong nagawa!!!! Ang sakit para sakin nun dahil kung mahal mo aalagaan mo at hindi mo hahayaang masaktan o may manakit pero ako nasaktan ang taong pinaka mamahal ko ng wala akong nagawa! 

After ng pag-uusap namin na yun nagkaron kami ng Second Chance at naging kami ulit at tuluyan na niyang iniwan yung butch niyang GF. This time ang laki ng adjustment na ginawa ko for her at alam niya yun. Mas naging mahinahon ako sa kanya mas nilawakan ko ang pang-unawa ko at sa tuwing umiinit ang ulo ko sinasabi ko nalang sa sarili kong ayokong mawala ulit siya sakin. At napansin naman niya ang mga pagbabago ko natutuwa raw siya na hindi na mainitin ulo ko at mas sweet daw ako kesa noon. Pero naging busy siya sa pag-aaral niya sa family sa maraming bagay kaya madalas hindi na kami nakakapag-usap hindi katulad ng dati ngayon tuwing gabi nalang kami kung mag-usap pero ako umaga tangahali hapon gabi nag-iiwan ako nang mga sweet messages sa kanya "Wag kalimutang kumain,magdala ng tubig wag magpapatuyo ng pawis,kakain sa oras,palaging mag-iingat!" At ang pinaka importante palaging may Iloveyou every message ko at sinasamahan ko pa ng kwelang message para kung sakaling malungkot siya mapapasaya ko siya sa mga simpleng bagay kahit gabi na ko makakatanggap ng reply okay lang sakin yun! 

Ang mahalaga napapasaya ko siya kinikilig naman daw siya at napapa smile pag nababasa ang mga messages ko kaya napapasaya na rin niya ko. Pero madalas na ganun nalang ang set up namin maghapon akong mag-iiwan ng messages siya naman sa gabi nalang nakaka reply at kahit minsan hindi ako nagreklamo kung ano lang ang kaya niyang ibigay sakin at tinanggap ko lahat ng yun! Pero tao din akong napapagod at naghahanap ng pagmamahal mula sa kanya oo nagkakatampuhan kami pero dahil halos wala na siyang panahon sakin kaya kami nag-aaway. Isang umaga naka tanggap nalang ako ng Text na makikipag meet siya sa Ex niya dahil may importanteng fie daw siyang kailangang kunin. Pagka basa ko palang nun kinabahan na agad ako hindi dahil wala akong tiwala sa kanya pero dahil alam kong mahal na mahal parin siya ng Ex niya. Pero nilabanan ko ang takot at kaba na nararamdaman ko ganun ko siya kamahal mag kausap pa kami nung paalis siya pero hanggang sa maka rating siya at kinabukasan ng umaga wala na kong natanggap na text mula sa kanya kahit ang usapan namin ay mag te-text siya!

Ganun pa man wala parin siyang narinig na kahit ano sakin inintindi ko parin siya at hindi na niya sinabi sakin kung anong nangyari sa lakad niya at dun unti unti ko nang naramdaman na may nagbago hindi ko alam kung dahil ba yun sa pagkikita nila o dahil napaka busy na niya dahil sa Finals nila at sa family niya. Kahit para na kong tanga kaka saksak sa utak ko na "Kaya Mo Pa Yan!" na ako nalang ulit ang iintindi ,na ako na lagi ang mag-aadjust wag lang siyang mawala sakin kahit dumadaan ang araw na wala na kong natatanggap na message kahit isa na kahit anong sweet ng mga messages ko parang niloloko ko na ang sarili ko dahil kahit galit at nasasaktan ako masasayang messages parin ang sine-send ko! 

Hanggang sa napagod na ako pati na rin ang puso ko hindi na muna ako nag text o tumawag sa pag-aakala na baka maisipan niya na siya naman ang magparamadam na baka sakaling ma miss niya ako! Pero sa kasamaang palad WALA wala akong natanggap kahit isang mensahe mula sa kanya o tawag dumaan pa ang mga araw na naghintay ako and this time doble na ang sakit dahil kung nung una na iintindihan kong na sakin ang pagkakamali ngayon na itinama ko na lahat ng mali ko noon  ngayon na ako na ang nag-adjust sa lahat ng bagay nawala parin siya sa buhay ko mas masakit para sakin dahil ano pa ba ang hindi ko nagagawa para sa kanya??? Ano pa ba ang kulang??? Ano pa ba ang gusto niya na kahit wala na kong natatanggap na pagmamahal okay lang sakin pero ano bang nagawa ko para iwan niya ulit ng ganun ganun nalang! Na parang wala nalang sa kanyang masaktan ulit ako siguro KARMA ko na ito sa pag-agaw ko sa kanya sa Gf niya o baka naman sa dami ng mga pina-iyak ko at sinaktan! 

Ngayong maraming gustong kumatok sa Puso ko pero pano ko maibibigay ang sarili ko sa iba kung naka kapit parin ang puso ko sa taong sinaktan at dinurog lang ako! Alam kong sasabihin ng iba na "Naku magiging Player na naman si Yatz niyan!" Pero sinong hindi matatakot sumugal kung ginawa mo na ang lahat lahat pero sa huli sakit lang pala ang makukuha mo! Hindi ko alam kung kelan ako iibig muli hindi ko alam kung kaya ko pang ibigay ang lahat lahat hindi ko alam. Pero pano kung balikan niya ko sa pangatlong pagkakataon tatanggapin ko ba siya? Mamahalin ko pa ba siya??? mapapatawad ko ba siya??? HINDI KO ALAM! Ang alam ko lang minahal ko siya ng totoo ang buong puso at kung may makikilala man akong magpapatibok muli ng puso ko. Siguro nga ibibigay ko parin sa kanya ang lahat lahat dahil ganun naman talaga pag nagmamahal todo bigay mas maganda na yung ginawa mo ang lahat kesa naman ikaw ang nagkulang sa inyo! 

>>>Ngayon na alam niyo na ang karanasan ko sa Love wag niyo sanang husgahan ang mga taong na ikwento ko sa inyo. Ako nalang okay lang sakin pero yung ibang taong nabanggit ko dito hayaan nalang natin sila may dahilan ang lahat kaya nangyari kung ano man yun ayoko na sigurong alamin pa ang mahalaga sakin Tao pala ko kasi nagmamahal for once akala ko kasi Alien ako HAHAHAHA! ^_^<<<  

*Kayo??? Ano na ba ang mga nagawa niyo para sa Love for sure mas matindi pa dyan tama ba ko? Dun naman sa mga medyo katulad ko ng pinagdaanan ano natuto na ba tayo? Ang kay Pedro ay kay Pedro pero pagmahal mo ano pake ko kay Pedro! Hahaha joke lang ^_^*

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2K 114 21
Secret marriage
692K 1K 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
1.4M 25.8K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
35.2K 1.6K 44
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...