Experiences!

98 5 0
                                    

>>>DISCLAIMER:May nag message sakin na mali daw ako sa Pagsusulat ko sa mga klase ng Relationship.Paki tandaan lang po na ang lahat ng sinusulat ko ay sa Sariling Pananaw ko,Sariling Opinion ko po ito at ito  yung Pespective ko about Love eto yung nakikita ko at naranasan ko sa Love kaya kung MALI PO AKO then I'm sorry but like I said it is MY LOST THOUGHTS! Hindi ako nagsusulat in behalf of everyone nagsusulat ako ng mga sariling pananaw ko sa mga bagay bagay kaya kung tingin niyo mali ako kanya kanyang Opinion lang po yan at nagkataon na eto ang Opinion ko. <<<

Now that I established things straight up I can continue writing about MY EXPERIENCES!!! Oh naka Caps Lock na meaning hindi na ko magkakamali kasi sa Aking mga karanasan na mismo ang isusulat ko. Oh teka baka kung ano yung Experiences ang na iisip niyo ha! Yung mga karanasan sa Love ang gusto kong isulat at i-share gusto ko na rin kayong tanungin sa mga bagay bagay tungkol sa Pag-ibig. ^_^ Oyyy gusto nilang malaman yung experinces ko sa Love hahahaha ^_^ Baka magalit naman neto ang mga naka relasyon ko nito! Pero sige ifi-filter ko lang para naman hindi ko maipapahamak yung mga naging Ex ko at respeto na rin sa kanila.  ^_^

>Yatz na inlove knb? Kung Oo pano at anong nangyari? 

*Oo na in love na ko. Ang First Love ko ay sa Lalaki pero hindi naging kami kasi yung Bestfriend niya ang nanligaw sakin at siya ang naging Boyfriend ko. Sa Babae naman na in Love na rin ako twice na,yung Love ko sa babae mas matindi pa dun sa pagmamahal ko sa lalaki. Nung High school ako na inlove ko sa isang babae pero hindi naman niya na suklian ang pagmamahal ko ang tagal kong baliw na baliw sa kanya pero hindi naman niya ako nabibigyan ng pansin taon na ang binilang pero wala eh hanggang sa kaibigan lang talaga ako hanggang sa may nangyari nag-away kami at dun na na-untog ang ulo ko para magising na wala talaga akong pag-asa sa kanya. Kaya isang araw nagising nalang akong hindi ko na siya mahal kaya totoo yung sinasabi nila na "Only Time Will Tell." After HS Heart Broken dun na ko nag start mag loko chicks dito chicks dyn Iloveyou dito Iloveyou dun. GF dito BF dun sabay sabay silang lahat hindi ako maganda Ewan ko lang bakit ganun hahaha! ^_^v Ang dami kong pina-iyak at sinaktan nung mga panahon na yun iniisip ko rin kasi na pano pala kung matutunan ko rin silang mahalin diba ang kaso palaging sila yung mas nagmamahal sila yung mas nag-eeffort sila yung palaging nag-iiloveyou sakin at pag ganun madali akong masakal at magsawa! 

Lahat ng relationship ko ako ang nakikipag break siguro dahil nagsasawa na ko at nasasakal sa kanila hindi pala siya siguro kundi talagang nagsawa at nasakal na ko. Pero sinubukan ko naman silang mahalin hindi naman kasi ako mag lalaan ng oras panahon at atensyon sa kanila kung wala talaga akong nararamdaman para sa kanila. Siguro talaga lang hindi kami para sa isa't-isa pero aminado akong naapektuhan ako pag tumatawag sila at naririnig kong umiiyak at sinasabing subukan pa ulit namin. Hindi ko naman sinasabing maniwala kayo sakin pero nasasaktan at nagagalit ako sa sarili ko pag nakaksakit ako ng tao. Until now naaalala ko parin yung Boses nila na naririnig ko sa phone na umiiyak kasi hindi ko talaga inaasahan na ganun pala ang impact ko sa kanila kasi una sa lahat alam ko sa sarili kong hindi ako nag-eeffort para sa kanila kaya nagugulat ako na sobrang mahal pala nila ko kahit ako wala naman talagang naibibigay sa kanilang kapalit. Pero aaminin ko rin na kung kelan sila nawala sa buhay ko saka naman ako parang tanga na hinahabol habol sila diba parang ang gulo gulo kong tao. Kung kelan mga Taken na sila saka ko naman na appreciate kung ano yung nawala sakin at na iinggit at nagagalit ako sa sarili ko na yung taong mahal nila ngayon mas nahigitan pa yung naibigay ko at nakikita kong napapasaya talaga sila. Kung nagawa ko lang sana yun nung kami pa edi sana kami ngayon yung nag ce-celebrate ng Anniversary ang kaso hinayaan kong mawala sakin yung mga taong nagmahal sakin ng tooto at tapat.   

Hanggang sa may makilala akong isang Babae na hindi ko inaasahan na makaka pagpatibok ng puso ko sa pangalawang pagkakataon. Na meet ko lang siya sa isang Online Dating app. Wala eh bored ako nung mga panahon na yun kaya na isip kong mag download Hahaha! Until may nag message sakin na isang Cute Girl maputi matangkad at maganda napa smile agad ako nung makita ko ang pic niya type ko kasi siya Hahaha! Agad kaming nag click at ako naman duma damoves na agad syempre may kakaiba agad akong naramdaman sa kanya hindi gaya nung ibang babae na nakilala ko pag sa kanya parang medyo ewan ko ba parang nag papa-impress na parang nahihiya sigro ako. Habang magka-usap kami sinabi ko agad na Crush ko siya ayoko kasing magpaligoy-ligoy pa kasi nga sobrang type ko siya parang nakita ko na agad na magiging Girlfriend ko siya ganun ako kasigurado na gusto ko siya na"Love at First Sight" na nga ata talaga ako sa kanya.

Lost In My Thoughts!Where stories live. Discover now