Love Cafe Series: Falling Inl...

By Simply_MM

70.5K 1.4K 233

LOVE CAFE SERIES **Presents** # 3: Falling Inlove with My Pare :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Xander C... More

Love Cafe Series: Falling Inlove w/ My Pare <3
Chapter One: *I'm A WOMAN-HATER*
Chapter Two: *The New Waiter*
Chapter Three*
Chapter Five*
Chapter Six*
Chapter Seven*
Chapter Eight*
Chapter Nine*
Chapter Ten*
Chapter Eleven*
Chapter Twelve*
Chapter Thirteen*
Chapter Fourteen *
Chapter Fifteen*
Chapter Sixteen*
Chapter Seventeen*
Chapter Eighteen*
Chapter Nineteen*
Chapter Twenty*
Chapter Twenty One*
Chapter Twenty Two*
Chapter Twenty Three *
Chapter Twenty Four*
Chapter Twenty Five*
ON HOLD
Chapter Twenty Six*
Chapter Twenty Seven*
Chapter Twenty Eight*
Chapter Twenty Nine*
Chapter Thirty*
Chapter Thirty One*
Chapter Thirty Two*
Chapter Thirty Three*
Chapter Thirty Four*
Chapter Thirty Five*
Chapter Thirty Six*
Chapter Thirty Seven*
Chapter Thirty Eight*
Chapter Thirty Nine*
Chapter Forty*
Author's Note

Chapter Four*

1.8K 34 1
By Simply_MM

Chapter Four*

 

PJ’s POV

Kanina ko pa nakikitang iritado si Sir Xander. Oo, alam kong walang araw na hindi siya iritado pero parang iritang-irita siya ngayon e. ALAM NIYO YUN? Nagmemenopause ata ang isang to. Lahat nalang pinagalitan. Pati nga ako na walang kamuwang-muwang sa mundong ibabaw, pinagalitan. Ang ayos ayos naman ng trabaho ko. Wala naman reklamo tong mga customer pero siya puro reklamo.

“Psst.”

Lingon sa gilid. “Bakit?” Tanong ko sa nag-Psst sa akin. Kasamahan ko sa trabaho. Medyo lumapit siya sa akin. Nagma-mop kasi ito ng floor.

“Alam mo ba kung bakit bwisit na bwisit si Sir?” Tanong nito.

“Ha? Hindi ko alam e. ikaw alam mo?” Kalalaking tao, tsismoso. Buti pa ako, hindi masyado. HAHA.

“May pumunta ditong babae kanina. Nasa kitchen ka kasi kaya hindi mo nakita. Ang ganda. Tapos narinig kong magiging kadate daw siya ni Sir sa party ata. Tapos ayaw ni sir. Pinauuwi yung babae. Ayaw niya daw nang masyadong balahura sa damit kung manamit.” Bulong lang ang pagkakasabi nito.

“Maganda talaga yung chix?” tanong ko pa.

“Oo. Super ganda! Ang puti tapos matangkad! Pangmodel!”

Pinagnasaan na ata nang lalaking to yung babae. TSE! Ano naman kung maganda siya, kung maputi siya at kung matangkad siya? HMP! Buti nga sa kaniya. BWAHAHAHA!

“Oh bakit naman nangingiti ka dyan?” Biglang tanong nito sa kaniya.

“Ah wala. Ini-imagine ko lang yung babae. Alam mo naman ang mga bakla, syempre pangarap din naming maging model kahit panty lang.” Medyo pabakla kong sabi. Alam na kasi nila na bakla ako. Sinabi ba naman ng Xander na yan sa lahat. AYAN! LANTAD NA ANG PAGIGING BADING KO.

“Oo nga pala, ahaha. Pumunta ka na kasi sa Thailand. Mura lang magpa-sex change doon.”

“Wala pa nga akong pera, sex change agad? Diba pwedeng ipon muna.”

“Kung sabagay. Sige. Punta na ako doon at baka makita pa tayo ni Sir na nagkwekwentuhan, mapagalitan pa tayo.” Sabi nito at bumalik sa pwesto nito kanina.

Ipinagpatuloy ko naman ang pagpupunas nang mga lamesa. Punas dito, punas doon. Hay grabe! Hirap magpaka-alila. Pero keri lang dahil dito ko nakasalalay ang aking pangarap! TAMA! Kaya konting sikap pa! makakamtam ko din yun.

“PJ!”

Lingon. OH MY GOD! Bakit ako tinatawag nitong Sir Sungit na ito? May nagawa ba akong kasalanan? May nagawa ba akong pagkakamali? Tatanggalin niya na ba ako? Sige. ANG OA KO NA.

“Sir?”

“Sumunod ka sa akin sa office ko.” Sabi niya lang at walang lingon likod na umalis.

Napalunok naman ako. Ayan na. nagsisimula na yung kaba ko. Wala naman akong natatandaan na pagkakamali ah. Napakamot na lang ako nang ulo at sumunod na dito sa office nito. Nang nasa tapat na ako ay kumatok ako nang tatlong beses saka ko binuksan. Nakita ko naman siya na nakaupo sa swivel chair nito.

“S-sir??”

“AH. Nandito ka na pala. Sitdown.”

Umupo naman ako. Jusko. Bakit feeling ko e ang bait nang aura niya? Ganito ata yun e. pag tatanggalin ka na sa trabaho e nagiging mabait ang amo mo sayo. ETO NA BA YUN? Matatanggal na ata talaga ako.

“Ahm.. Do you have an appointment this Saturday?”

“EH? Sir?” Ano daw? Appointment?

“May lakad ka ba ngayong sabado?”

Tinagalog niya lang e. “Sir, alam ko ibig sabihin ng sinabi ko. Ang hindi ko alam ay kung bakit mo tinatanong yan sa akin.” Nakakapagtaka kasi.

Napabuntong hininga ito. “Gusto kong sumama ka sa akin this Saturday sa condo nang kaibigan ko.” Prangkang sabi nito.

Napahawak ako sa dibdib ko. “Anong gagawin niyo sa akin sir? Pagsasamantalahan niyo ako nang kaibigan niyo? SIR! Akala ko iba ka! Akala ko disenteng tao ka! Pati ba naman sa bakla pumapatol ka!?” Paghehesterikal na sabi ko. E kasi Condo daw e.

“WAIT! HEY! It’s not what you think! HEY!”

“Ha? Ano Sir?”

“ARGH! What kind of person are you!?”

“Sa pagkakaalam ko sir, bakla po ako?” Sagot ko naman sa kaniya. Eh yun ang pagkaka-intindi ko sa sinabi niya e. Malay ko ba.

“Tinatanong kita kung may gagawin ka this Saturday dahil gusto ko sana na samahan mo ako sa welcome party para sa kaibigan ko. Hindi ko sinabing papatol ako sayo!” Dahan-dahan pa nitong sabi na parang pinapaintindi sa akin kung ano ang sinasabi nito. Yung itsura nito e parang naiinis na natatae na ewan.

“AH. Linawin niyo kasi sir.”

“Madumi lang ang isip mo. ANO BANG TINGIN MO SA AKIN? MABABANG KLASENG TAO NA PUMAPATOL SA BAKLA? Babae nga hindi ko pinapatulan, bakla pa kaya?” Naiiritang wika nito.

Napaismid naman ako sa sinabi niya. Akala mo naman sobrang gwapo niya. Panget naman nang ngipin niya. AT bakit? Sinong may sabi na mababa ka na kung papatol ka sa isang bakla? HELLO!? Pag-ibig yun! Kung nararamdaman nilang mahal nila ang isa’t isa kahit pa same sex sila, hindi sila mababa! Sarap ibaon nang buhay nang lalaking to e.

Walang kaalam-alam sa mundo! TIMANG! KAINIS!

“Now, may lakad ka ba? Don’t worry. Babayaran naman kita sa pagsama sa akin.”

Nagcrossed arms sa ako. “Sino ba yung iwewelcome sir?” Walang gana kong tanong. SASAMA AKO NO! SAYANG PERA. Siya pa yung pang-bingo ni Lola Ganda.

“Si Jm. Kilala mo siya kung nagbabasa ka nang mga magazines tungkol sa pagbe-bake.”

Nanlaki ang mata ko. “Si.. Si.. Si SIR JM!?”

“Bingi lang?”

“Nagtatanong lang sir. Baka kasi mali dinig ko e. pero siya talaga?”

“YEAH. Bakit parang excited ka?” Nagtataka nitong tanong, nakataas pa ang kilay nito. Eto ata ang bakla e.

“Ah wala naman sir. Crush na crush ko lang kasi siya pati na si Sir EJ! Shocks. Dream come true pala ituu. Makikita ko yung mga crushes ko. OH MY GOD! Hulog ka nang langit sir!” Tuwang-tuwa na sabi ko. OH MY GOD! Ituu na ba yun? ETO NA BA YUN? THANK YOU LORD! I LOVE YOU! I LOVE YOU TALAGA!

“ARGH! Wag na lang pala. Baka magkalat ka pa dun. Ayokong maging kahiya-hiya.” Nababagot na wika nito.

Ewan ko ba sa lalaking to. Hindi man lang marunong magsmile! Letse! Isang smile lang! Mahirap bang gawin  yun? Kainis ah! Sipain ko to hanggang Pluto e. PAASA PA! KAINIS! Dream come true na ituu e.

“Oh bakit hindi ka nagsasalita?”

“Eh kasi sir..” Singhot effect. “Sabi mo isasama mo ako. Tapos hindi pala.” Singhot ulit kahit na wala namang uhog. “Umasa na ako sir e. Tapos hindi mo pala ako isasama.” Singhot times two. “Nag-aasume ako sir e. Umasa ako. Akala ko dream come true na to. Ihahanda ko na nga sana yung autograph book ko e, tapos hindi mo pala ako isasama. Huhuhu.” Singhot times eight. Parang naruto lang ang peg. Pasinghot-singhot pa.

“ARGH! You look stupid. Fine. Fine. Huwag ka nang magdrama dyan. Susunduin kita bukas sa bahay niyo. Dressed something formal. And please. Huwag kang magbakla sa harap nila para hindi nakakahiya. Okay?”

HINDI AKO STUPID PERO KERI NA RIN. Isasama niya ako kaya huwag na akong magside comment. HAHA. “YES SIR!” Sumaludo pa ako. “Don’t worry sir. Magiging maganda ako este gwapo sa paningin nila. HAHA. Bye sir.”

Tapos lumabas na ako sa office nang may ngiti sa aking magandang labi.

XANDER’s POV

LAHAT BA NANG BAKLA GANUN? Masyadong sensitive na masyadong assuming!? NAKAKAASAR NA NAKAKATUWA. ARGH!

*Ring Ring Ring*

Inis na kinuha ko ang cellphone ko. “HELLO?”

 

 

 

“HEY.. Ganyan ka ba bumati sa ever so loving tito mo?”

Napangiti naman ako. Si Tito Vic pala ito. “Yow.”

 

 

 

“Yow Son. How’s work?”

“What work? Being an engineer or being a businessman?” Tanong ko.

Tumawa naman ang nasa kabilang linya. “Both I guess.”

“Hmm. Being an engineer was great. Being a businessman, it’s difficult. How’s your life Tito?”

 

 

 

“HAHA. That’s okay son. Being an entrepreneur was not easy. Ikinagulat ko nga nang hingin mo ang pamana ng daddy mo para i-invest sa negosyo na yan. Love Café isn’t it? It’s more than one year pero tanyag na ang negosyo niyo. And oh, I’m fine. Just fine.”

AH. He’s right. Lahat halos nang ipinamana sa akin ni daddy ay ininvest ko sa Love café. And it’s worth it. “I know Tito. Pero nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko. And besides kasama ko pa din ang mga kaibigan ko.”

 

 

 

“HAHA. Right son. Sino bang mag-aakala na inaaway mo ang mga yun nung mga bata pa kayo?”

“Tito naman.” Napakamot pa ako. “It was my rebellious stage. Sino ba naman kasing hindi, my mom left us with another man. Then dad died.”

 

 

 

“Anak.. Hindi mo pa rin siya napapatawad.  Ang tagal na nun.”

“Pero parang kahapon lang Tito. ARGH! Bakit ba naten siya pinag-uusapan? She’s not worth it.” Pag-iiba ko nang topic.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. “Sana makahanap ka nang babaeng magpapabago nang takbo ng isip mo anak.”

“Tito..” Wala nang babaeng ganun.

“HAHA.” Tumawa ito. “Alam ko naman na nasa mabuti kang kalagayan. Ikamusta mo na lang ako sa mga kaibigan mo. Sige iho.”

“Thanks Tito. Mag-ingat ka din po.” Pagkasabi ko’y binaba ko na ang phone.

Napailing na lang ako. Babaeng magpapabago sa isip ko? HAHA. THAT GIRL DOESN’T EXIST! Wala nang sinuman ang magpapabago sa isipan tungkol sa mga babae. Ganito na ako. Lumaki na akong ganito.

Nagkaisip na akong ganito. Kaya kahit anong gawin nilang sabi sa mga katangian nang isang babae, hindi na ako maniniwala. Dati na kasi akong naniwala, wala naman akong napala kundi sakit at panghihinayan.

Kaya wag na lang.

Continue Reading

You'll Also Like

219K 3.1K 33
*****EDITING****** Clare Aimira Martinez is just a simple girl living her simple life not until one day she is found in the streets just wearing torn...
109K 1.7K 43
Noami Rodriguez ay isang maid noong bata siya hanggang ngayon,parati siya inaabuso nang kanyang Amo , sa school naman parati siyang binubully ng kany...
194K 6.7K 147
Highest Rank *#1 in LizQuen* Welcome to my world KN, LQ and JD fans! Published: March 14, 2016
39.3K 1.2K 48
|C O M P L E T E D| What if, may biglang pumasok sa bahay nyo na pitong lalaki, then they're the BTS! They will leave in your house, pansamantala, th...