Like Only A Woman Can (A Bria...

De LharaMcFadden

49.4K 865 226

[[NOTE: This is the unedited version of the story so please bear with the typos and wrong grammar. I'm still... Mais

LIKE ONLY A WOMAN CAN -Synopsis-
Writer's Note
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Prologue-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 1-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 2-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 3-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 4-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 5-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 6-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 7-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 8-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 9-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 10-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 11-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 12-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 13-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 14-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 15-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 16-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 17-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 18-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 19-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 20-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 21-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 22-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 23-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 24-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 25-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 26-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 27-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 28-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 29-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 30-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 31-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 32-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 34-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 35-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 36-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 37-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 38-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 39-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 40-
LIKE ONLY A WOMAN CAN -Epilogue-

LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 33-

672 14 6
De LharaMcFadden

-Chapter 33-

MASAYA SI KIAN SA nasimulang hakbang upang tulungan ang isa sa kanyang matatalik na kaibigan na si Brian. Ginawa niyang dahilan ang pag-uwi sa Sligo upang hindi na dumagsa ang mga katanungan galing sa mga ito kung bakit siya pupunta sa Pilipinas. Bukas na bukas ay makikilala na niya ang taong siyang makakasangga niya sa pagtuklas kung ano talaga ang punu’t-dulo ng mga kaguluhang nangyayari. Ngunit kahit medyo maliwanag na sa kanya ang parte sa katotohanang kanyang narinig ay nanatiling tikom ang kanyang bibig sa apat na kaibigan at kasamahan sa banda. Habang nakahiga siya sa kamang nasa kwarto ng hotel kung saan siya naroon ay tahimik naman niyang binabalikan ang naging pag-uusap nila ni Vivien at iyon ang araw kung saan nawala ang kanyang pagdududa para kay Katharina. .

Habang nanunood siya ng pelikula sa DVD ay biglang tumunog ang kanyang celphone at pagtingin niya sa caller ID ay pangalan ni Vivien na kapatid ni Brian ang nakarehistro doon. Walang pagdadalawang-isip na pinindot niya ang “Answer” button saka sinagot ang naturang tawag.

“Hello, Kian? Can we meet at the Accents Coffee & Tea Lounge. I have an important thing to tell you.” Ani Vivien sa kanya mula sa kabilang linya.

“Sure! I’ll be there in 30 minutes.”

At dahil may kutob siyang tungkol kay Brian ang kanilang pag-uusapan ay hindi na siya nag-atubiling sumang-ayon sa itinawag ng kapatid ng kaibigan. Nang maputol ang linya ay agad siyang lumabas ng bahay at tinungo ang garahe kung saan naroon ang kanyang kotse. Pagkatapos paandarin ay agad niya iyong pinasibad patungo sa lugar kung saan sila magkikita ni Vivien. Wala pa ang dalaga doon ng dumating siya kaya naghintay pa siya ng konti habang hinihintay din ang kapeng kanyang inorder. Maya-maya’y nakita niyang nasa entrance na ito ng naturang coffeeshop at ng makapasok ay mabilis itong nagtungo sa pwestong kanyang kinauupuan. Ngumiti ang dalaga ng makita siya at umupo sa upuang nasa may kaliwang bahagi niya. Dumating din ang service crew na nagdadala ng kapeng kanyang inorder para sa kanilang dalawa ni Vivien.

“Hi, Kian! Thank you for coming over. I’m sorry if I’m a bit late.” Nakangiting bati ng dalaga.

“No worries, Vien. I just came in. So what important matter are we going to talk about?” Nakangiti ring saad ni Kian.

Biglang sumeryoso ang mukha ng dalagang kanyang kaharap saka tumiim ang titig sa kanya. Nakita ng binata na may dinukot ito mula sa shoulder bag na dala. Nang mailabas nito ang isang bagay mula doon ay nakita niya ang tila pamilyar na celphone na hawak nito.

“Yes, this is Bri’s phone. I chose to phone you because I’ve noticed that you’re closest to him among the three lads though we cannot really doubt the five of you’s closeness with each other. Kian, I think you should listen to the voicemail messages ang read the text messages inside the inbox and please tell me if you can help me with this.” Seryoso pa ring pahayag ni Vivien saka iniabot sa binata ang hawak na celphone nito.

Kinuha ni Kian ang iniabot sa kanya ng dalaga. Pinakinggan niya ang mensaheng nasa voicemail nito at kahit hindi niya maintihan ang ibig sabihin ay tila ramdam niya ang pait sa boses ni Katharina habang binibigkas ang mga kataga doon.

“Brian, please naman oh. Sagutin mo ang tawag ko. May problema ba tayo? Ilang araw mo na kasi akong hindi kinakausap. Please, kausapin mo naman ako.  May nagawa o nasabi ba akong ikinagalit mo? Huwag naman ganito, Bri. Kung may kasalanan man ako, please sabihin mo sa akin. Hindi ko kasi kaya na ganito tayo. Mahal na mahal kita, Brian. Mahal na mahal kita.” Umiiyak na pahayag ni Katharina na tila si Brian talaga ang kausap nito.

Narinig din ni Kian ang pagsigok sa boses ni Katharina habang nairerecord ang mensaheng iyon at mas lalo siyang naawa sa dalaga ng mapakinggan niya ang pangalawang mensahe na kung saan dinig na dinig talaga ang pag-iyak ng dalaga.

“Bakit ka ba biglang nagbago, Bri? Masaya naman tayo ah. Bakit parang pakiramdam ko’y unti-unti ka ng umiiwas sa akin? May bago ka na ba? Ang sakit naman ng ginawa mo sa akin pero bakit, bakit hindi ko pa rin magawang magalit sa’yo? Bakit mas nananaig pa rin ang pagmamahal na inuukol ko para sa’yo? Please naman oh. Kausapin mo naman ako kahit isang minuto lang. Miss na miss na kita, Brian kung alam mo lang.”

Pagkatapos pakinggan ang mga iyon ay ibinalik niya kay Vivien ang celphone ni Brian at saka saglit na napaisip.

“I can feel the misery even by just merely listening to her while she was speaking through the voicemail. I don’t understand the language she’s using, Vien but I can feel that she’s innocent from what’s happening.” Pahayag ni Kian.

“I can understand what she’s saying, Kian and yes I also believe that she’s innocent. Seems like there’s someone who wants to destroy her. I was able to hack Brian’s e-mail and I found the name ‘Trixie Johanna Monte de Ramos’ from the sender’s icon. I wanna dig deeper into this issue and I wanna start from that woman named Trixie but I don’t know where to start. Can you please help me with this?” May pagsusumamo sa boses na tanong ni Vivien sa kaibigan ng nakatatandang kapatid. Ipinaliwanag niya dito ang ibig sabihin ng mensaheng nakapahayag sa voicemail ni Brian.

“Before you told me everything ‘bout this, I was already planning to find out what is really the root cause behind everything that’s happening and just like you, I didn’t know where to start. Now that you shared everything that you know, I was able to come up with the decision of flying to the Philippines and collaborate with one of the detective agencies there. I know this sounds quiet absurd but this is the only idea I have in mind in order for us to know the truth and help Brian.” Ani Kian.

“And I’m giving my support with that decision of yours, Kian. When are you planning to go to the Philippines?”

“In two weeks, Vien and I want everything to be just between you and me. I just told them that I’m going back to Sligo just to divert the idea and so that they won’t be wondering what I’m up to when I going to the Philippines.” Tugon ni Kian.

“I can assure you that my lips will be sealed regarding this, Kian. Thank you so much for helping Brian.” Ani Vivien sabay tapik sa balikat ng binata.

“No worries ‘bout it. So, let’s have a coffee first before we go.” Alok ng binata sa nakababatang kapatid ng kaibigan at kasama sa banda.

Hindi naman tumanggi ang dalaga sa pag-alok ni Kian sa kanya at habang inuubos ang kapeng nakasilbi sa kanilang harapan ay marami din silang napag-kwentuhan. Sa apat na kaibigan ng kanyang nakatatandang kapatid na si Brian ay si Kian ang medyo malapit sa kanya dahil ito ang madalas na nasa kanila lalo na kapag bakasyon ng grupong Westlife. Nang matapos ang kapeng iniinom ay magkasabay silang nilisan ang lugar na iyon baon ang bagay na kanilang napagkasunduan. .

Habang binabalikan ang usapan nilang iyon ay hindi na napigilan ni Kian ang makadama ng pamimigat ng mga talukap sanhi na rin ng kapaguran sa biyahe. Palaisipan pa rin sa kanya kung kailan at paano malulutas ang bagay na siyang dahilan kung bakit ura-urada ay napaluwas siya ng Pilipinas.

----------------------------------------------

Masiglang-masigla si Katharina habang inaayos ang pagkakahilera ng mga cupcakes na kaka-bake pa lang sa estanteng nasa grill  house. Walang pagsisidlan ang kaligayang kanyang nararamdaman lalo na ang pananabik na makitang muli ang kasintahang si Brian. Tila nais na niyang hilahin ang mga araw para makarating na siya sa pinakahihintay na sandali, ang araw ng kanyang pagpunta sa Ireland. Pakanta-kanta pa siya habang ginagawa ang kanyang trabaho.

“Uy! Si Cuz, inspired! May pakanta-kanta pang nalalaman. Hmm, tiyak na mas lalong bu-bwenasin ang grill house today dahil sa ganda ng boses mo, Katharina.” Puna ni Jannah sa kanya.

“Asus! Ang sabihin mo, baka biglang umulan kasi sintunado ang boses ko.” Sagot ng dalaga saka humagikhik.

“Naku, nariyan na naman ang pagka-nega mo at walang tiwala sa sarili. Lilipad  na nga patungong Ireland pero ganyan ka pa rin.”

“Bakit? Ano ba ang sinabi ko, Cuz? Boses ko lang itong pinag-uusapan natin pero nagbiglang-liko ka sa usaping Ireland. Ano ba talaga?” Ani Katharina saka na nag-umpisa ng matawa.

“Eh, wala lang. Exoited lang ako para sa’yo. Naku! Sana sumama na lang ako sa’yong kumuha ng passport at mag-apply ng visa para makita ko rin si Papa Shane.” Pahayag ni Jannah na kumurap-kurap pa ang mga mata.

“Ikaw naman kasi eh. Kung bakit ba ngayon mo lang iyan naisip pero mas mainam na rin na huwag ka ng sumama kasi magiging full-time chaperon ka lang namin ni Brian.” At muli ay humagikhik si Katharina pagkatapos iyong sabihin.

“Excuse me, kasama ko kaya si Shane kaya imposibleng maging chaperon niyo ako ni Papa B.” Maarteng sagot nito.

“Oy, oy, oy! Ano iyang narinig ko? Na makakasama mo si Shane? Sa panaginip mo lang yata magiging ganap na totoo ‘yon.” Sabat ni Anna Lou.

“Hmm, wala na nga akong sinabi kasi dumating na ang hater ng love team namin ni Papa Shane.” Kunwari ay nakairap na pahayag ni Jannah.

“Ang arte mo talaga bakla ‘no? Kahit saan ka talaga ilagay.” Wika ni Anna Lou sabay hampas ng balikat sa kanilang pinsan.

“Aray naman! Hinay-hinay naman Anna Lou at mababali itong balikat ko. Ang bigat kaya ng kamay mo.” Angil nito sa isa pang pinsang babae.

“Hay naku! Magsitigil na nga kayo dahil baka matapilok si Shane sa pagbabangayan niyong dalawa tungkol sa kanya. Kung makapag-angilan kayo, daig niyo pa talaga ang mg kuyog. Hindi naman kayo ganyan sa ibang bagay ah.” Natatawang suway ni Katharina sa dalawang pinsan.

“Ewan ko ba dito kay Jannah, Kath. Ganun nalang siya ka sensitive pagdating kay Shane. Sige na nga, magpaparaya nalang ako.” Natatawa ding saad ni Anna Lou.

“Ewan ko sa inyo!”

Hindi nila mapigilan ang matawa dahil sa kakulitan ng bawat isa na pawang mga inosente kung ano talaga ang naghihintay kay Katharina sa oras na makalipad ito patungo sa bansa ng pinakamamahal na kasintahan. Nang bumalik sa mga pwesto ang dalawang pinsan ay dinukot ng dalaga ang kanyang celphone mula bulsa ng suot na palda. Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti ng masulyapan niya ang gwapong mukha ni Brian mula sa kanyang screensaver. Nagtipa siya ng mensahe at ipinadala sa numero nito.

-o00o-

Naputol ang pagbabasa ni Vivien sa mga artikulong nasa monitor ng kanyang laptop ng marinig niyang nag-vibrate ang celphone na nakalagay sa drawer ng mesa kung saan nakapatong ang kanyang laptop. Mahihinuha niyang kay Brian iyon dahil doon niya tinatago ang bagay na iyon. Mabilis niyang kinuha ang celphone at ng mabuksan ay agad na rumehistro ang pangalan ni Katharina.

Hi Bri! Kumusta ka? Alam mo bang miss na miss na kita? Napakasaya ko dahil malapit na tayong magkita. I have a surprise for you! Kung ano iyon ay hindi ko muna sasabihin. I love you! :)

 

Bahagyang nangunot ang noo ni Vivien pagkatapos basahin ang laman ng mensaheng ipinadala ni Katharina. Hindi sumagi sa kanyang isipan na ang ibig sabihin nito ay ang napipintong pagpunta nito sa Ireland. Kaagad niyang idinayal ang celphone number ni Kian mula sa kanyang sariling celphone. 

“Geez! Kian’s not answering!” May halong inis na bulong ng dalaga sa sarili ng makailang ulit ay walang nakuhang sagot mula sa kabilang linya.

Muling ibinalik ng dalaga ang celphone ng nakatatandang kapatid sa loob ng kanyang drawer at magmula noon ay hindi na makatkat sa kanyang isipan ang nabasang mensahe. Tuksong-tukso na siyang ipagbigay-alam ang bagay na iyon kina Shane, Nicky at Mark ngunit nag-aalala siyang baka mabulilyaso ang lahat ng napag-usapan nilang dalawa ni Kian.

----------------------------------------------

Matiyagang naghihintay si Kian sa Starbucks Coffee kung saan sila magkikita ng lalaking nagngangalang Jericho Fuentebella na pinsan ng OIC ng kumpanyang kanyang nilapitan. Nagsuot siya ng makapal na balbas upang hindi siya mamukhaan ng mga tao lalo na ng mga fans ng Westlife. Alas dos ng hapon ang appointment na naiset at ala una pa lang ay naroon na siya sa meeting place. Pagkagaling niya sa mga mall kung saan siya namili ng mga Filipino reference books ay dumiretso na siya sa naturang lugar. Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang isang lalaki na sa hinuha niya ay kasing tangkad lang niya. Matikas ang tindig nito lalo na ang pag-imbay ng mga braso habang naglalakad papasok sa loob ng coffeshop kung saan siya naroon. Pormal ang dating ng gwapo nitong mukha na medyo may pagkakahawig kay Tiara. Natanaw niya ang paggiya ng isang waiter kung saan siya naroon at maya-maya’y naglakad na ito patungo sa pwestong kanyang kinaroroonan.

“Excuse me, sir. Are you Mr. Kian John Francis Egan?” Pormal pa rin ang mukhang tanong ng lalaki sa kanya ng makalapit ito.

“Ah, yes and you are Mr. Jericho Fuentebella?” Nakangiting tanong ni Kian kay Jericho ng makatayo siya sabay lahad ng kanyang kamay dito. Tinanggap naman iyon ng huli.

“Yes, sir. I apologize for being a bit late.”

“It’s alright. I’ve really decided to be early. Have a seat, by the way. Care for a cup of coffee?” Dagdag ng binata.

Agad namang tuminag si Jericho at umupo sa may kaliwang bahagi ng parihabang mesa kung saan sila naka-pwesto saka tumango bilang pagsang-ayon ng kanyang alok dito kanina. Tinawag ni Kian ang waiter at mabilis naman itong lumapit. Nang makuha nito ang kanilang order ay bumalik na ang waiter sa counter upang ipagawa na ang kanilang inorder sa taong nakatalaga doon.

 “I guess Miss Fuentebella have told you my reason of contacting your company. I’ve already phoned you before I came here in the Philippines.” Pagbubukas ni Kian ng usapan.

“Yes, sir. She already gave me a wee briefing about it but I wasn’t able to get the name of the person you want me to investigate with.” Tugon naman ni Jericho.

“A certain Trixie Johanna Hernandez Monte de Ramos sent this photos to my mate’s e-mail. Well, that girl on it is my mate’s ex-girlfriend and the latter’s life became miserable the moment he saw that photos. I just felt something fishy about this issue that’s why I came up about digging dipper about it. I don’t know. I just felt the urge of wanting to investigate about it.” Pahayag ng binata sa kaharap sabay lahad dito ng printouts ng mga litratong na-hack ni Vivien sa e-mail ng kapatid na si Brian.

Matamang tiningnan ni Jericho ang bawat isa sa mga litratong nasa mesang naroon na tila ba sinisipat ang bawat anggulo ng mga iyon. Tamihik lang din si Kian habang nakatingin dito at animo’y hinintay ang tugon ng binatang kausap. Ilang sandali ay natapos na nitong tingnan ang bawat isa sa mga iyon. Narinig niya rin ang buntong-hininga galing dito.

“So what can you say?” Untag niya.

“I need to investigate further with this photos you’re showing me, sir. I need to gather evidences regarding this and I think one month is enough to find those evidences. Do you know where it all started?” Tanong ni Jericho sa kanya.

“It doesn’t matter how long it will take, Mr. Fuentebella as long as this case or issue will be resolved. I want the person who’s responsible to pay for what he or she did. I don’t really have an idea where this place is but I know where is the location of the girl in the picture. Her name is Katharina Cuenco and she is currently in Sitio Remedios, Laoag.”

Habang nag-iisip si Jericho ay natanaw nilang paparating na ang waiter na nagdadala ng tray na may lamang dalawang tasa ng kapeng kanilang inorder. Alisto naman ito sa pagkuha ng mga litratong nakapatong sa mesa kaya ng dumating ang waiter ay tila lang walang nangyari. Saglit silang nanahimik habang nilalapag ang dalawang tasa sa mesa.

“Is there any lack of orders, sir?” Magalang na tanong ng waiter sa kanilang dalawa.

“No. Thank you.” Si Jericho.

“Alright, sir. Enjoy your coffee.” Saad ng waiter saka lumakad  na pabalik sa counter. Tumikhim na muna si Jericho bago nagsimula.

“So I think I’m going to start with the location of Miss Katharina Cuenco.”

“It’s up to you, Mr. Fuentebella. We trust in you and I know that your company is capable of resolving any kind of cases. Well, I knew about it based on my research.” Bahagyang nakangiting wika ni Kian.

“Thank you so much for the trust, Mr. Egan. Rest assured that your stay here in Manila will be kept as a secret.”

“What do you mean?” Nagtatakang tanong ng binata.

“Westlife is the most famous group in the world so it is impossible for us not to recognize you especially that you are just using your true name.”

Sa medyo may kahabaan ng kanilang pag-uusap ay sa pagkakataong iyon lang nakita ni Kian na ngumiti ang secret agent na nakatalagang lumutas ng napipintong kasong hahawakan nito. Marami-rami din silang napag-usapan ng binata bago nila tuluyang naubos ang laman ng tasang isinilbi sa kanila kanina.

“So, it was nice meeting you, Mr. Fuentebella. Rest assured that I am going to cooperate during the entire process until this case will be resolved.” Ani Kian saka nakipagkamay sa binata.

“It’s my pleasure, Mr. Egan. Thank you so much for the trust once again.” Sagot ni Jericho.

Naunang lumabas si Kian sa naturang lugar saka dumiretso siya sa hotel kung saan siya nanatili. Hindi na niya plinanong mamasyal dahil baka mamukhaan siya ng mga tao sa kanyang paligid.

----------------------------------------------

Hindi na nga napigilan ni Brian na maharuyo kay Trixie dahil sa katiyagaan ng dalaga na mapalapit sa kanya. Hindi lang isa o dalawang beses silang magkasama. Kahit aminado siya sa kanyang sarili na may nakatagong pag-ibig pa sa kanyang puso para sa dating kasintahang si Katharina ay tila naman unti-unti iyong nasasapawan ni Trixie . Halos araw-araw ay nagkikita at nagkakasama sila nito na hindi naman lingid sa kaalaman nina Nicky, Shane, Mark at pati na rink ay Kian na kababalik pa lang galing sa Pilipinas. Mas naunang dumating sa kanya si Mark na medyo napaaga ang balik.

“I wanna go clubbing tonight, lads. I was quiet stressed when I was in Sligo. I can’t resist my cousins’ invitations especially in going out of town. I wanna relax together with you.” Pahayag ni Kian.

“No doubt, dude. I’m coming.” Walang gatol na sagot ni Shane.

“As usual. Count me in!” Si Mark.

“Me too!” Maikling saad ni Nicky.

“And what about you, Bri? Aren’t you going out with us tonight?” Kunot ang noong tanong ni Kian.

“I’m sorry, lads. Trixie and I have already set-up a date for tonight. But I promise to make it up for the next time.” Anas ni Brian na tila pilit na pinapalubag ang loob ng apat na kaibigan at kasamahan sa banda.

“Bri, are you really sure with that woman named Trixie? It doesn’t mean that I’m judging her but I don’t know. I think there’s something within her that she’s trying to hide.” Naiiling na wika ni Nicky.

“Yeah, I understand you, Nico but I can assure you that she’s a very nice woman. I thought she’s a fecker but she proved me wrong when I got to know her. I hope you’ll give her a chance to prove her goodness.” Pangungumbinsi ni Brian saka pinalipat-lipat ang tingin sa apat.

“I think I’m going to seal my lips about that because I don’t really know her. We haven’t talked yet unlike Katharina that’s why I cannot determine whether she’s the one or not.” Kibit-balikat na pahayag ni Kian saka biglang tumiim ang titig nito kay Brian. “But the bottom line is, you’re not going out tonight so just make sure you’ll make it up the next time we go out.” Dagdag pa nito.

“Sure! I promise.” Maikling pahayag ni Brian.

-o00o-

Hindi nga sumama si Brian sa apat na kaibigang sina Kian, Shane, Nicky at Mark na lumabas ng gabing iyon bagkus ay nasa apartment siya kung saan nangungupahan si Trixie. Unti-unti na niyang natatanggap ang dalaga sa kanyang sarili at nabuo na nga ang kanyang desisyon na bigyan ito ng pagkakataong ipakita sa kanya ang pagmamahal na inaalay sa kanya. Kahit wala pa siyang nakakapang damdamin para sa dalaga ay naiisip niyang darating din ang araw na matututunan niya ring mahalin ito.

“Cheers!”

Magkasabay nilang sambit ng dalaga saka ipiningki ang hawak na kopitang naglalaman ng alak. Magkasabay din nilang nilagok ang laman niyon.

“Thank you for coming over, Bri. I can’t believe you didn’t reject my invitation when I phoned you.” Ani Trixie saka gumuhit sa mukha nito ang isang matamis na ngiti saka pinisil ang magkabilang kamay ng binata.

“No worries. As I’ve told you, I’m willing to give you a chance.” Nakangiti ring sagot ng binata.

“Oh, I’m speechless now, Brian. I don’t know what to tell you. All I know is that my happiness is already up to the highest level. Whew! The effort I did was all worth it. Thank you so much!” Seryosong pahayag ng dalaga.

“Hey! You’re getting silly now. I do appreciate your effort, really.” Sagot naman ng binata.

Pagkatapos ng pagapalitan ng mga matatamis na salita sa isa’t-isa ay sinimulan na nila ang pagkain ng mga inihanda ni Trixie. Romantiko nga talaga ang dating ng hapunang iyon dahil nakapagitna pa sa mesa ang three long-stemmed roses, may kandila ding nakasindi at medyo dim ang ilaw sa buong paligid ng dining room. Pagkatapos nilang kumain ay saglit na iniligpit ng dalaga ang kanilang pinagkainan habang si Brian ay nasa sala at nanunuod ng telebisyon. May usapan din sila na pagkatapos mag-dinner ay manunuod sila ng DVD. Mas lalong binilisan ni Trixie ang pagliligpit dahil baka magbago ang isip ng binata at magpasya itong umuwi ngunit ng pumasok siya sa salas bitbit ang isa pang bote ng red wine ay tila naman nag-eenjoy ito sa panunuod habang nag-iisa. Tahimik siyang lumapit sa kinaroroonan ng binata at tila naman naramdaman nito ang kanyang paglapit.

“Hey! Come and join me here.” Paanyaya ni Brian kaya mabilis na lumapit ang dalaga at umupo sa kanyang tabi. Inilapag nito ang bitbit na bote pati na ang dalawang kopita sa center table na nasa kanilang harapan.

Saglit na isinalang ni Trixie ang pelikula na kanilang panunuorin saka bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ng binata na ngayon ay tila magkadikit na ang kanilang mga braso. Wala naman siyang narinig na pagtutol mula dito kaya mas lalo siyang naging kampante. Nagsalin ang dalaga ng alak sa dalawang kopita at pagkatapos ay ibinigay ang isa sa binata. Isang beses lang iyong nilagok ni Brian habang hindi inaalis ang mga mata sa screen ng telebisyon. Matapos ang ilang tagay ay naubos ang laman ng bote. Nakaramdam na ng konting pagkahilo si Trixie ngunit nais niyang sulitin ang sandaling naroon ang binatang minamahal sa kanyang apartment.

“I’ll just go and get another one.” Paalam ng dalaga.

“Sure!”

Tila umiikot na ang paningin ni Trixie habang tinutumbok ang kinaroroonan ang stock ng kanyang red wines ngunit pilit niyang inayos ang sarili. Kumuha siya ng dalawa mula doon at saka bumalik sa salas. Binuksan niya ang isang bote at nagsaling muli sa dalawang kopita. Naglapat ang kanilang mga kamay ng iabot niya iyon sa binata at hindi na rin nila napigilan ang mga sarili na paglapatin din ang kanilang mga mata. Samantala, nag-init na rin ang katawan ni Brian sanhi ng ilang shots ng red wine na kanilang ininom. Habang tumatagal ang kanyang pagkakatitig sa mukha ni Trixie ay tila naman napapalitan iyon ng mukha ni Katharina kaya ang ilang dangkal na pagitan ng kanilang mga mukha ay unti-unting lumalapit sa isa’t-isa. Hindi iyon lingid sa dalaga kaya ito na ang tumawid sa nalalabing pagitan ng iyon. Naglapat ang kanilang mga labi at ang panunuod ng DVD ay humantong sa isang mainit na pagniniig na tanging ang mga bagay na nasa naturang salas ang siyang tanging naging saksi at nasundan pa iyon sa loob ng kwarto ni Trixie kung saan doon na nakatulog si Brian. 

“Vito, tagumpay ang plano kong makuha si Brian. In fact, narito siya sa apartment ko at natutulog siya ngayon. Pwede ka ng pumunta dito sa Ireland dahil just in case na may bulilyasong mangyayari, mababack-up-an mo ako.” Pahayag ni Trixie sa pamamagitan ng kanyang celphone.

Nasa may terasang kanugnog ng kanyang kwarto ang dalaga at panay ang kanyang tingin sa natutulog na binata. Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa kanyang mga labi ng makita ang mala-anghel na mukha ni Brian habang nakapikit ang mga mata nito.

“Kailan naman ako pwede pumunta diyan, Trixie? Saka iyong pera, kailan ko makukuha?” Tanong ni Vito mula sa kabilang linya.

“Next week ka na pupunta dito, Vito. Pero dapat magkunwari kang hindi natin ganoon kakilala ang isa’t-isa. Subukan mong maghanap ng apartment na titirhan mo dito. Bukas ko na ipapadala ang pera na gagamitin mo at huwag na huwag kang mag-alalang onsehin ako kasi alam mo kung ano ang kaya kong gawin.” May halong pagbabanta sa boses na pahayag ng dalaga.

“Ito naman. Hanggang kailan ka ba ganyan sa akin, Trixie? Wala kang tiwala sa akin pero hingi ka naman ng hingi ng tulong mula sa akin.” Diretsang pahayag ng lalaki.

“Iba na iyong nag-iingat, Vito. Sige na. Ibababa ko na ito at baka magising si Brian. Tawagan mo nalang ako kapag pupunta ka na dito sa Ireland. Ikaw na ang bahala kung kailan iyon basta within next week. Dito na tayo magkita.”

“O sige, Trixie.”

“Okay, bye!” Iyon lang at pinindot ng dalaga ang “End call” button saka humiga na sa tabi ng binata na ngayon ay nasa kasarapan pa rin ng pagtulog.

----------------------------------------------

Madalas na ginugugol ni Kian ang kanyang oras sa pag-aaral ng wikang Tagalog at dahil likas na matalino ay kaagad naman niyang natutunan ang mga basic terms kaya unti-unti na rin niyang naiintindihan ang laman ng mga librong Filipino na kanyang pinamili ng siya ay nasa Pilipinas. Lingid sa kaalaman ng kanyang pamilya lalo na sa kanyang apat na kaibigan at kasamahan sa banda ang bagay na iyon. Tanging silang dalawa lang ni Vivien at ang dalawang tao mula sa Detective Agency ang nakakaalam tungkol sa kanyang ginagawa. Kadalasan ay Tagalog ang lenggwaheng ginagamit ni Jericho sa mga e-mails na pinapadala nito tungkol sa development ng kasong kanyang pinahahawakan dito.

“Kian, read this text message from Katharina.” Ani Vivien ng mapunta ito sa bahay na kanyang tinitirhan.

Nasa salas sila nag-uusap tungkol sa mga nangyari noong nasa Pilipinas si Kian. Mabilis na kinuha ng binata ang celphone ni Brian mula sa dalaga at binasa ang mensaheng nasa inbox niyon. Hindi na siya nahirapan intindihin iyon.

“What surprise is she talking about in her message?” Halata sa mukha nito ang pagtataka habang nagsasalita.

“I don’t know. It’s hard to determine what it is.” Sagot ni Vivien.

“I think I’m going to e-mail this to Jericho. Maybe this can help with his investigation.” Ani Kian.

“Yes. Do that, Kian. I’m really wondering what Katharina’s up to and I’ve noticed that Brian’s not home most of the time. Do you have an idea where he is during those times?” Pag-iiba ng dalaga sa usapan.

“I’ve heard about this certain woman he’s dating recently. There’s even an instance that he dumped our invitation because he preferred to be with the woman named  Trixie than to go clubbing with us. I don’t know, Vien but I’ve noticed that Brian has changed too.” Naiiling na pahayag ng binata.

“Trixie? Who is she? I don’t have any idea about her.” Nagtatakang tanong ng dalaga.

“Brian once mentioned that he met Trixie in one of the resorts in the Philippunes during our three weeks vacation before our World Tour. He even told me and the rest of lads that Trixie was the way why he was able to find out those affairs that Katharina is doing.” Paglalahad ni Kian ng saglit niyang maalala ang naging usapan nila kaibigan. .

“She’s an angel to me Kian. If not with her, I was totally fooled by the woman whom I used to love so deeply.” Pahayag ni Brian. 

“Yes, and you were able to say that without having second thoughts but you did not even listen to Katharina’s side.” Naiiling na pahayag ni Kian.

“Well, it’s just that I already lose my trust in her. I don’t know if I can still bring my love back for Katharina. I’ve been wanting to forget her, dude as I don’t wanna be coned again.”

“It’s up to you, Bri. I’m just hoping you won’t regret every details of the decisions you’re making.” . .

 

“And Brian is really determined to forget Katharina that’s why he’s trying to fool himself to believe that Trixie is the only way for him to do it. That Trixie is the right woman to help him do it.” Aniya pagkatapos balikan ang bahaging iyon ng pag-uusap nilang dalawa ni Brian.

“Geez! Is this for real? I don’t even know who that fecking woman is. Not even our parents then he would conclude that kind of bull?! This is really beyond hilarious!” Bahagyang tumaas ang boses ng dalaga.

Inis siyang tumayo at naglakad ng paroo’t parito sa harap ng binata na tila sa pamamagitan niyon ay maiibsan ang kanyang nararamdaman. Hindi niya maiwasan ang manggalaiti dahil magpasahanggang ngayon ay na’kay Katharina pa rin ang kanyang boto para sa kanyang nakatatandang kapatid.

“Calm down, Vien. That’s why we’re hiring Jericho to help us find out what’s the truth behind this prank.” Ani Kian na pilit na pinapakalma ang dalaga na itinuturing na rin niyang nakababatang kapatid.

“This is really crazy, Kian! You can’t blame me because I have these senses that we cannot trust that woman. I don’t know but even if I haven’t met her yet, I think I’m not going to like her.” Diretsang saad ng dalaga.

“I also have that kind of feeling but I just preferred to seal my mouth because I don’t want to have a conflict with Brian as well as the rest of the lads.”

“I wanna see that woman and if I happen to smell something foul, I’m gonna to shovel her stupid arse into her face! Gosh! I wasn’t expecting that Brian can also be this stupid.” May nararamdaman pa ring inis na wika ni Vivien saka sumalampak ng upo sa malambot na pang-isahang upuang naroon.

Pakiramdam ng dalaga ay tila kumukulo ang kanyang dugo sa mga sinabi ni Kian sa kanya. Hindi niya ugaling makialam tungkol sa mga babaeng nagdaan sa buhay ng kanyang nakatatandang kapatid ngunit ngayon ay tila magagawa na niya ang bagay na iyon lalo pa at gusto niya si Katharina para dito. Labis kasi siyang naniniwala na inosente ang dalaga sa lahat ng mga nangyayari at nararamdaman din niya kung gaano nito kamahal ang kanyang kapatid. Bukod sa mga iyon ay nakadaupang-palad na niya ang dalaga at naramdaman niyang mabuti itong tao.

 ----------------------------------------------

Mula sa kanyang kinatatayuan ay natatanaw ni Jericho ang babaeng nasa larawang ibinigay sa kanya ni Kian, si Katharina Cuenco. Napakasaya nito habang nakikipag-usap sa bakla at babaeng kasama nito. Mahihinuha niyang nakakatawa ng mga bagay na pinag-uusapan ng mga ito dahil nakikita niya na nagtatawanan ang mga ito.

“Hmm, totoo nga ang nasa larawan. You’re a real beauty, Miss Cuenco at oo, hindi nga kapani-paniwalang magagawa mo ang kalaswaang ipinakita sa mga larawan dahil mababakas sa mukha mo ang pagiging inosente. Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat ng magagawa ko upang mapatunayan na inosente ka.” Mahinang sambit ng binata sa kanya sarili at saka bumalik na sa cottage na inilaan sa kanya simula noong isang araw ng mag-check in siya sa resort.

Kagaya ng kanyang sinabi kay Kian ay sa Laoag siya magsisimulang maghanap ng ebidensiya. Nang makabalik ang binata sa cottage ay pinag-aralan niya ang bawat detalye ng mga bagay na nasa loob ng kwartong inuokupa. Habang minamanmanan ang loob ng kwarto kahapon ay may natagpuan siyang CCTV camera na nasa isang sulok ng kwarto. Hindi iyon mahahalata dahil tila lang iyon isang pako na nasa haligi. Tiningnan niya iyon ng mabuti at napagtanto niyang gumagana pa iyon kaya napag-isip-isip niya na bawat kwarto ay may nakakabit ding CCTV camera. Ilang saglit pa niyang pinasadahan ng tingin ang maliit na bagay na iyon sa haligi at saka umupo sa gilid ng kama at saglit na nag-isip ng susunod na hakbang na kanyang gagawin. Maya-maya’y binuksan niya ang kanyang dalang laptop at nag-send ng e-mail kay Kian tungkol sa CCTV camera sa kanyang kwarto.

----------------------------------------------

Narinig ni Katharina mula sa balita ang tungkol sa pag-iisang dibdib nina Trixie at Brian na gaganapin sa Pilipinas kaya nagkukumahog siyang hatakin ang kanyang pinsang si Jannah papunta sa naturang simabahan. Kanina pa niya hinahanap ang isa pang pinsang si Anna Lou ngunit hindi niya ito matagpuan. Naka-over-all black siya pati na ang headdress na nasa kanyang ulo upang ipahayag sa mga tao na ipinagluluksa niya ang araw ng kasal ng pinakamamahal na nobyo kasama ng taksil na kaibigan. Over-all black din ang suot ni Jannah na tila katerno pa sa kanyang suot ang damit nito. Itim na lipstick at napaka-kapal din ang itim na eyeliner na nasa kanilang mga mata.

“Ang mga walanghiya!” Nagngingitngit ang kaloobang sambit ni Katharina habang nakatutok ang mga mata nito sa mga taong nasa harapan.

“Cuz, itutuloy mo ba talaga itong planong ito? Lord, patawarin Niyo po sana itong pinsan ko na wala namang ibang naging kasalanan kundi ang mahalin ng labis ang isang lalaking inagaw ng hitad na nasa harapan ng altar.” Pahayag ni Jannah na animo’y nagdarasal ito.

“Bahala na. Wala ng atrasan ito, Jannah. Sayang ang outfit ko kung mauuwi lang sa wala ang lahat.” Matigas na sagot ng dalaga.

Nasa pintuan na siya ng simbahan ng marinig niyang nagsalita ang paring nagmimisa. Naglakad sila patungo sa loob ng simbahan at hindi nakaligtas sa paningin ng mga bisita ang ayos nila. Nakita niya ang dalawang nilalang na nasa harapan nito na mahihinuha niyang sina Trixie at ang kanyang kasintahang si Brian.

“Narito tayo ngayon sa simbahang ito upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Brian at Johanna. Kung sino man ang tumututol sa kasalang ito ay magsalita na at kung hindi man ay manahimik nalang habambuhay.” Pahayag ng pari na nakaharap sa mga tao.

“Tutol ako sa kasalang ito!” Sigaw ng dalaga saka mabilis na lumapit sa harapan ng altar na tila susugurin ang mga nasa harapan.

“Oo, tumututol siya! Maghalo na ang balat sa tinalupan pero hindi siya papayag na makasal ang dalawang iyan.” Segundang sigaw ni Jannah sabay turo kina Trixie at Brian saka binaling ang tingin sa pinsan.

Hindi ito magkandaugaga sa kakalakad kasabay ni Katharina at ng makalapit sa harapan ay huminto sila sa paglalakad. Hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang bulungan ng mga taong dumadalo sa misang iyon na siya na ngayong pumapailanlang sa loob ng simbahan.

“Walanghiya ka, Brian! May pa-alok alok ka pa ng kasal sa akin noong concert niyo tapos magpapakasal ka lang pala sa lintik na babaeng ‘yan! Ano ba talaga ang gusto mong palabasin? Na isa kang lalaking hulog ng langit sa mga babae?” Umaalingawngaw ang boses ni Katharina habang isinisigaw ang mga katagang iyon.

“K-Katharina—“ Nangangatal ang boses na sambit ni Trixie ngunit hindi na nito nasudlungan pa ang sinabi dahil nagsalitang muli si Katharina.

 “At ikaw, Johanna. Naturingan kitang kaibigan pero gagapangin mo lang pala ang boyfriend ko. Anong klase kang kaibigan ha?! Wala kang delikadesa! Malandi!” Muling sigaw ng dalaga saka itinutok ang daliri kay Trixie na ngayon ay halata na sa mukha nito ang pagkagimbal sa mga pangyayari.

“Katharina, huwag kang mag-eskandalo dito. Pwede naman itong pag-usapan ng maayos.”

Lalong umusok ang bumbunan ng dalaga ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon ng babaeng nagsalita kani-kanina lang. At tila umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya ng mapagsino niya ang nagsalita dahil walang iba iyon kundi ang kanyang pinsang si Anna Lou.

“Isa ka pa! Ikaw ang isa sa mga pinakamalapit kong pinsan at parang kapatid na ang turing ko sa’yo pero sa kanya ka pa nakikiabay! Ang kapal ng mukha mo! Balimbing!” Muling sigaw ni Katharina na siyang nagpatahimik sa kanyang pinsang babae.

“Katharina, please. Don’t do this to us. We love each other so please set us free. I know you will find the right man for you soon.” Malumanay na pahayag ni Brian.

“Ah, gano’n ha. Sige! Paghaluin na natin ang balat sa tinalupan!”

Pagkatapos sambitin ang mga katagang iyon ay inilabas ni Katharina mula sa kanyang likuran ang isang shotgun. Ikinasa niya ang gatilyo niyon at pagkatapos ay umalingawngaw ang isang putok na mismong siya ay hindi makakapagsabi kung saan tumama ang bala mula doon. .

 

“Huh! Ang sama namang panaginip iyon.” Anas ni Katharina ng magising siya sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog. Umaalingawngaw pa sa kanyang isipan ang putok ng shotgun na nasa kanyang panaginip.

“Pero bakit naroon si Johanna at kinakasal sila? Diyos ko. Wala sana iyong ibig sabihin. Bukas na ang flight ko patungong Ireland. Sana walang mangyayaring hindi maganda sa oras na itapak ko ang aking mga paa sa bansang iyon.” Dasal ng dalaga.

Pinilit niya ang sariling bumalik sa pagtulog ngunit tila naging mailap na ang antok sa kanya. Kaya naghintay nalang siya na sumapit ang alas singko y medya upang mag-bake ng cake.

----------------------------------------------

Nakita ni Vivien ang paglabas ni Brian patungo sa garahe at magmula noon ay naghinala na siyang magkikita na naman ito at ang babaeng nagngangalang Trixie. Narinig niyang pinaandar ng kapatid ang sasakyan nitong Ferrari at nasulyapan din niya ang paglabas niyon sa gate ng kanilang bahay. Nang maisara ang gate ay mabilis siyang lumabas at sumakay ng pampublikong sasakyang huminto sa kanyang harapan.

“Please follow that Ferrari.” Utos ng dalaga sa driver ng sasakyan.

“Okay!”

Tahimik lang si Vivien habang nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan at maya-maya ay nakita niyang huminto ang sasakyan ng kapatid sa tapat ng gate ng isang apartment kaya inutusan niya ang driver na ihinto din ang sasakyan sa tabi. Mula sa kanyang kinauupuan ay nakita niya ang maganda sana ngunit mistulang kontrabida sa sine ang dating ng mukha, balingkinitan, medyo matangkad at morenahing babaeng sumalubong kay Brian. Nakita niya ring naglapat ang labi ng mga ito ng mabuksan ng babae ang gate ng apartment.

“Kian’s right. That woman named Trixie really exists and Brian’s really having an affair with her.” Saisip ng dalaga.

Nakaramdam siya ng inis ng makita niyang pumasok sa bahay ng babae ang kanyang nakatatandang kapatid na tila siya’y nakikisimpatiya sa kanyang kaibigang si Katharina. Nasulyapan niyang pumasok sa loob ng bahay ang dalaga.

“Miss? Are you getting off the car?” Magalang na tanong sa kanya ng driver.

“No. Please take me back to the street where you saw me earlier.” Marahang pahayag ng dalaga.

Wala ng ibang sinabi ang driver at mabilis naman itong tumalima. Naisipan ni Vivien na tawagan si Kian sa oras na makabalik siya sa kanilang bahay upang sabihin dito ang kanyang nakita. Sasabihin niya rin sa kaibigan ng kanyang kapatid na alam na niya kung saan nakatira ang babaeng nagngangalang Trixie.

----------------------------------------------

Nakaimpaki na si Katharina kagabi pa lang kaya tsinek nalang niya kung ano ang kulang sa kanyang mga gagamit na dadalhin lalo na ang kanyang passport at plane ticket at nasiyahan ang dalaga ng masiguro niyang kumpleto na ang lahat. Dalawang malalaking travelling bag ang kanyang dadalhin dahil tatlong linggo siyang mananatili sa bansa ng kasintahan. Tatlong mahihinang katok ang kanyang narinig mula sa kanyang pintuan.

“Pasok. Bukas ‘yan!” May kalakasang pahayag ng dalaga.

Nang magbukas ang pintuan ay iniluwa mula doon sina Jannah at Anna Lou. Mabilis na pumasok ang dalawa sa kanyang kwarto.

“Cuz! Narito kami upang ibigay sa’yo iyong ipinangako namin ni Anna Lou.” Ani Jannah.

“Ha? Anong ibig mong sabihin, Jannah?” Nagtatakang tanong ng dalaga.

Namilog ang kanyang mga mata ng makita niyang halos magkasabay ang dalawang ilagay ang tig-isang ATM sa mesang nasa loob ng kanyang kwarto.

“ATM? Teka, naguguluhan ako sa inyo ah. Para saan ang mga ito?” Muling saad ni Katharina.

“Hay naku! Ulyanin ka na talaga, Cuz. Mabuti nalang at hindi kami ganoon ni Anna Lou dahil kung hindi ay baka ilaglag ka sa eroplano kapag nakasakay ka na doon. Pambudget mo iyan. Ipon namin. May 300 kiyaw iyan kaya kasya sa tatlong linggong pananatili sa Ireland. Heto na rin ang pin niyan.” Pahayag ni Jannah.

“At may 100 kiyaw din iyang sa akin. Pang-shopping mo, Cuz at eto ang pin ng ATM ko.” Nakangiting wika ni Anna Lou.

Biglang nalula si Katharina sa sinabi ng dalawang pinsan dahil hindi niya inasahang magiging ganoon kalaking pera ang laman ng ATM ng mga ito na walang pagdadalawang-isip na ipapadala sa kanya. 

“Teka lang, bakit ang laki ng mga pera niyo? Hindi kaya ako makasuhan ng embassy niyan?” Nag-aalangang sabi ng dalaga.

“Ikaw kaya ang mag-ipon ng pitong taon Cuz at hindi mo binabawasan ng kahit piso ang naipon mo, sa tingin mo hindi lolobo ang perang naitabi mo? Saka hindi naman milyon ang dadalhin mong pera kaya gora na ‘yan!” Ani Jannah.

“Naniniguro lang naman bakla. Ayoko namang rehas na bakal ang sasalubong sa akin doon pagdating ko ‘no! Pambihira ka talaga.”

“Okay lang iyan, Kath at huwag mo ng isipin ang bayad kasi kusang loob naming ibibigay iyan sa’yo. Fan ‘nyo yata kaming dalawa ni Jannah.” Pakli ni Anna Lou.

“Naku—“ Magsasalita pa sana si Katharina ngunit madali iyong inagaw ni Jannah.

“Huwag nang ang umangal eh. Hindi naman naghihikahos itong resort kaya makakapag-ipon pa ulit kami ni Anna Lou. Ang kaligayahan mo ang importante kasi miminsan lang darating si trulab!” Pakumpas-kumpas pang pahayag ng isa niyang pinsan.

“Isang napakalaking check ang sinabi mo, Jannah! Malay mo, sumama si Shane dito pagbalik ni Katharina.” Biro ni Anna Lou.

“Wish ko lang!”

“Naku, touch naman ako sa inyong dalawa. Halata ngang mahal na mahal niyo ako. Hindi na talaga ako maghahangad ng iba pang pinsan.” Medyo maluha-luhang turan ni Katharina saka niyakap ang dalawang pinsan.

“Siyempre naman, Cuz! Love ka talaga namin. Eh sino pa ba naman ang magdadamayan at magtutulungan kundi tayong three sisters, davah?”

“Agree ako diyan, Jannah! Pero mag-iingat ka doon Kath, ha. Nag-iisa ka lang doon kaya huwag kang paapi sa kung sinu-sino doon.” Baling sa kanya ni Anna Lou.

“Siyempre naman Anna Lou. Pero Salamat talaga sa inyong dalawa. Hindi ko talaga kayo makakalimutan.” Saad ni Katharina.

“Tama na nga itong dramahan natin. Masisira ang beauty natin kapag umiyak tayo eh. Sige, Kath. Labas na muna kami ni Anna Lou ha. Lumabas ka na in thirty minutes para maaga tayong makaluwas patungong Maynila.” Paalala ni Jannah sa kanya.

“Sige, Cuz. Maliligo lang ako saglit.” Tugon niya.

Nakalabas na ang dalawang pinsan at tahimik nalang na napabuntong-hininga ang dalaga ng mapaupo siya sa gilid ng kanyang kama habang tinitingnan ang dalawang ATM cards na nasa maliit na mesang katapi ng kama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kalaki ang halagang ipinagkaloob sa kanya ng dalawa. Tahimik siyang napaluha dahil oo nga’t masaya siya sa pagkakaroon ng mga pinsang katulad nina Jannah at Anna Lou. Biglang sumagi sa kanyang isip ang naging panaginip niya kagabi at hindi niya nagawang pigilan ang isang kaba na biglang bumundol sa kanyang dibdib.

“Hindi. Walang ibig sabihin iyon.”  Saisip ng dalaga sabay pilig ng kanyang ulo.

----------------------------------------------

“Hello Trixie! Narito na ako sa labas ng NAIA. Isang oras pa bago ang aking flight. Nakuha ko na ang perang ipinadala mo kanina lang.” Turan ni Vito sa pamamagitan ng celphone na nakatapat sa kanyang tainga.

“Sige Vito, hihintayin na lang kita dito. Hindi kita masusundo sa airport kasi nandito si Brian sa bahay at baka magduda pa siya sa akin. Okay? Pumuslit lang ako dito sa banyo upang hindi niya ako marinig.” Sagot naman ni Trixie mula sa kabilang linya.

“Areglado, mahal na reyna!”

Pagkaputol ng linya ay mabilis na naglakad si Vito patungo sa entrance ng NAIA upang pumili ng puwesto sa waiting area habang dala ang kanyang luggage. Habang naglalakad siya palapit sa mga nakahilerang upuan ay may pamilyar na bulto ng isang babae na nahagip ang kanyang paningin. Naglalakad ito kasama ang isang bakla at babae patungo sa kabilang bahagi ng waiting area.

“Katharina Cuenco! Anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang bulong ng lalaki sa kanyang isipan.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang taong naging biktima nilang dalawa ni Trixie. Habang tinitingnan niya ang maamong mukha ng dalaga mula sa kanyang kinaroroonan ay hindi niya mapigilan ang sundot ng kunsensiyang nagsisimula na namang kumain sa kanyang buong pagkatao.

“Hindi. Mas importante sa akin ang pera kaya hindi ako dapat na magpaapekto. Kung paiiralin ko ang kunsensiya’y malaking halaga ang mawawala sa akin.” Dagdag niya sa kanyang isipan.

Ipinilig nalang ni Vito ang kanyang ulo at pilit na ibinaling ang kanyang paningin sa ibang bahagi ng lugar na iyon upang pawiin ang nararamdaman saka marahang umupo sa upuang kanyang napili.

-o00o-

Samantala, masayang nag-uusap ang tatlong magpipinsang sina Katharina, Jannah at Anna Lou habang hinihintay ang oras ng flight ng una. Namapak sila ng chips upang hindi nila mamalayan ang  mabagal na takbo ng oras 

“Ilang oras nalang Cuz at magkikita na kayo ng Prince Charming mo. Ay! Hihimatayin na yata ako sa kilig nito.” Palatak ni Jannah saka maarteng sinapo ang dibdib.

“Sira! Eh, wala pa nga. Nandito pa tayo sa airport kaya bawal na muna ang mag-ilusyon. Saka sana hindi pa ako nakalimutan ni Brian.” Natatawang sagot ni Katharina.

“For sure naaalala ka pa ni Papa B, Cuz. Amnesia na ang tawag ‘non kapag nakalimutan ka niya ng ganoon kadali.” Pakli ni Anna Lou.

Magsasalita pa sana si Katharina ngunit narinig na nila ang intercom na nagsasalita.

“Attention all passengers. Please proceed to gate 3.” Saad ng malumanay na boses ng babae mula sa intercom.

“Paano mga Cuz. Just wish me luck nalang ha! See you after three weeks.” Paalam ng dalaga sa dalawang pinsan.

Hindi maiwasan ng dalaga ang panlalabo ng kanyang mga mata sanhi ng mga luhang nagbabadya ng tumulo dahil muli niyang naalala ang kabutihan ng dalawa.

“Sigurado iyon, Kath! Ipagdarasal din namin na magiging maayos ang lahat pagdating mo doon.” Seryosong saad ni Jannah.

“God bless you, Kath! Mag-iingat ko doon sa Ireland. Paki-regards mo nalang ako kay Papa Kian.” Turan ni Anna Lou.

“Ako din kay Shane.” Si Jannah.

“Attention all passengers. Please proceed to gate 3.” Muling sambit ng boses mula sa intercom.

“Sige, mauna na ako Jannah, Anna Lou. Mag-iingat din kayo sa pagbalik doon sa Laoag ha.” Muling paalam ng dalaga saka niyakap ang dalawang pinsan.

Mula sa kanyang kinaroroonan ay hindi na muna tuminag si Vito dahil hinintay niyang mauna si Katharina at laking gulat nga niya ng pumasok din ito sa gate 3 ng paliparan. Biglang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa ideyang sumagi sa kanyang isipan.

“Hindi kaya iisa lang ang eroplanong sasakyan namin?” Saisip niya.

Hindi nga nagkamali si Vito sa kanyang hinala dahil ng pumasok siya sa gate 3 ay nasulyapan niya ang dalaga na umaakyat na sa hagdanan papasok sa Etihad Airways, ang eroplanong siya ring sasakyan niya papuntang Ireland.

“Anong gagawin mo sa Europa, Katharina?” Naguguluhang tanong niya sa kanyang isipan.

Huli na ang lahat upang tawagan niya si Trixie tungkol doon dahil pinapasok na siyang ng gwardiya at hindi mahulugan ng karayom ang pagitan nila ng mga taong nasa kanyang unahan at likuran. Nasa loob ng isa sa kanyang mga dalang luggage ang kanyang celphone at mahihirapan na siyang kunin iyon dahil magkabilang kamay ang nakahawak ng kanyang mga bitbit. Kabi-kabila din ang mga rehas na bakal na nakabarikada sa kanila kaya walang nagawa si Vito kundi umakyat na rin sa loob ng eroplano at nahiling nalang niyang malayo ang pagitan ng mga upuan nila ng dalaga upang huwag siya nitong makita. 

------->To be continued. . .

Continue lendo

Você também vai gostar

Marvie's Heart Savior De Pia

Ficção Adolescente

3K 217 45
There's a cold hearted woman named Marvie Abigail Catalan. She used to be this way since her first love broke her heart. Araw-araw siyang nabubuhay s...
74.9K 3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
109K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
1.9K 178 53
Alliyah Cassandra Fajardo is a rule-driven dreamer with a hopeful heart who only wished to have her dreams come true. Her one golden rule is to neve...