The Pristine

thesuchness द्वारा

2.6M 56.6K 8.1K

. अधिक

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Dalawampu't Dalawa

33.2K 635 37
thesuchness द्वारा

Nang natapos ang shift kinagabihan, nitong nakahiga na ako sa kama sa apartment ay hinahawakan ko ang labi. Hinihimas ko sila gamit ang isa kong daliri.

Mali ang nangyari. Hindi tamang naghahalikan ang boss at employee kahit sa loob o labas ng kotse pa, o kahit saan lugar pa. 

Hinimas ko ang pang-ibabang labi. May sinulid na kumliti nanaman sa likod ko. Bawal ito, pero unang beses ko iyong naramdaman. Hindi iyon ang aking unang halik, ngunit iyon ang unang beses na ganoon kalakas ang intesidad ng lahat. Para akong nasa pugon. Para akong nasusunog ng buhat ngunit may ginugusto pa.

Shit, ano ba naman itong iniisip ko! Ano, Chrissy? Saan na tayo ngayon?


Sa pagkagising kinabukasan ay pawis na pawis ako. Napabangon akong kama dahil sa panaginip. Lintik na halikan ay hanggang panaginip din!

Nag-uuminit ang pisngi ko habang naghahanda na sa school.

Malambot at masarap, magaan pala ang labi ng isang katulad niyang may matangkad at built na pangangatawan. Mukhang siyang matigas sa lahat ng bagay ngunit hindi ang kaniyang labing mapupula.

"Tsk! Aray! Shit!" Napamura ako ng sunod-sunod nang mapaso sa kaldero. 


Maingay ang classroom nang datnan ko. Ang kanilang pinag-uusapan ay ang pagdating ng isang sikat na banda na tutugtog sa aming school. 

Nadatnan nanaman ako ng tingin nina Clarisse ngunit dumiretso lamang ako kay Lucy.

"Pathetic..." halakhak ng mga ito.


Eksakto ang pagdating ni Jaime dahil tumigil ang grupo nila Clarisse. Nagbalita kaagad si Jaime sa akin tungkol sa laptop. Sinabi ko na ring may pera na ako para bumilis.

"Binaklas na no'ng barkada ko, Chrissy. Medyo malaki ang sira. Nag-spark kamo, e..." Nag-aalinlangan ito.

"Ayos las kahit malaki ang sira. Basta magagawa..."

Tumango na ito saka lumayas na sa harapan ko. Paano kaya kung hindi magawa 'yung laptop? Anong mangyayari?


Bigla ay sumulpot nanaman ang labi sa labing imahe. Dito sa katirikan ng araw at sa kaingayan ng classroom. Mangiyak-ngiyak akong dumukdok sa upuan. Hindi ko na pwedeng ibalik iyon o isoli. Hindi rin ako pwedeng mag-resign ng trabaho.

Atsaka, sexual harassment na ba iyon?

Mas lalo lamang akong napaiyak.


Mabilis ang pagtatapos ng mga subjects dahil nag-aanounce lang ng mga grado. Hinang-hina ako habang tinatanggap ang mga ito. Para silang sunod-sunod na suntok.

Pilit na sinasabi sa akin ni Lucy na babawi ako sa susunod. At talagang babawi ako! Sobrang nanlulumo lamang ako dahil hindi lang naman bastang highschooler grade ito.


"Pupunta ka ba sa open jam, Chrissy?" tanong ni Lucy habang naglalakad kami.

Ang open jam ay mangyayari pagkatapos tumugtog ng banda, o 'di kaya'y sa kalagitnaan. Iyon ang karamihang gustong-gusto ng tao. Pero dahil maraming tao ay ayaw ko na.


"Pupunta raw si Jerard...uy..." tudyo nito sa akin ngunit nagdilim lamang ang aking paningin.

"Wala na sa akin iyon, Lucy. At kung pupunta siya ay paniguradong si Clarisse ang date noon," matigas kong sabi at naglakad na palayo.


"Ah! Susunduin na lang kita sa apartment mo. Sige na kasi!"

"Hindi nga, Lucy. Magpasama ka na lang sa iba---"

Naiwang bukas ang bibig ko at napatigil kami sa paglalakad. May nag-crack sa likod ng ulo ko.


"Sino 'yung nambato? Napaka walang modo naman!" Sumigaw kaagad si Lucy sa mga tao sa likuran namin, lalo na sa mga lalaking nagtatawanan. 

Malagkit ang nagbitak na itlog sa bumbunan ko nang hawiin ko iyon. Napanganga ako sa gulat. Nagtawanan pa lalo ang mga hindi kilalang lalaki sa aming likuran na siyang may pakana.

"Sino ba kayo? Walang hiya!" muling sigaw ni Lucy.


Ang mga kwintas at tshirt na nakikita ko sa katawan nila lamang ang aking naging basehan. At sapat na iyon para sabihing ito ang mga kasapi nina Clarisse sa frat! Anim ang lalaking nasa likod namin at ni isang estudyante ay hindi nakielam.

"Ikaw ang walang hiya! Hindi ka naman kasali," halakhak ng isang may katangakarang lalaki.

Hinila ko si Lucy palayo pero nambubuntot ang mga ito. Ramdam ko ang panginginig ni Lucy sa takot. Napatiim-bagang ako. Pinapatay ko na si Clarisse sa aking utak. Rules na ng university ang binabangga niya para sa isang lalaking nagpapakadesperada siya!

"Mali naman ang description ni Clarisse. She's got a pretty face and pretty ass, dude!" Nagtawanan ang mga lalaki.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasabay ko sa sidewalk. Nakasunod itong mga mukhang naka-high na mga lalaking ito. Mas lalo lamang akong pinuno ng takot at kaba.

"Woah, there. Anong pangalan mo? Why are you with Chrissy, anyway?" Hiniklat noong isang lalaking naka-jersey pa ang braso ni Lucy.

Nag-init ang ulo ko at agad na hinati ang kamay nito at ang braso ni Lucy. Lumamlam ang mga mata ng kaibigan ko. Nawala na ang dila niya sa takot.

"Ano bang problema niyo? Ka lalaking niyong tao pumapatol kayo sa babae! Tigilan niyo na kami!" Sumigaw ako.

"Ohh! Galit na galit! Tara doon sa gilid at doon natin pag-usapan!" Hinawakan nito ang braso ko pero binawi ko kaagad.


 Tiyak na naroon na si Clarisse sa kung anong park man ang mayroon sila rito sa loob ng university. O, mas mahirap para sa akin ay sa hall. Kung maaari ay ayaw kong bumabangga ng mga members ng may frat. Pulutong sila kung umatake.

"Hindi kami sasama sa iyo. Sabihin mo kay Clarisse na siya sana ang humarap sa akin. Hindi 'yung inuutos niya pa sa mga hindi tunay na lalaki," nanggagalaiti kong sabi.

"Aba! Sumasagot ka? Tapang  mo! Kahit babae ka papatulan kita..." Umamba ang lalaki ng suntok sa akin. 

Pumikit akong mariin at hinawakan ang braso ni Lucy. 


Tingin ko'y magiging violet ang aking mukha dahil sa matatamong suntok. Ihahanda ko na lamang ang mga first-aid kit at make-up. Bahala na...

"Oh my god, Chrissy!"


Ilang segundo ang lumipas na walang tumatamang kamao sa mukha ko. Minulat ko ang mga mata. Nakahandusay sa ground ng sidewalk ang lalaking susuntok sa'kin.

Napawang ang bibig ko.


Kinwelyuhan ni Sir Ram lalaking nakahandusay. Dumudugo ang gilid ng labi nito. 

Si Sir Ram!


Lumamlam ang mga mata ko. Nilingat ko ang paligid. Dala ni Sir Ram ang sasakyan niya. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Oh my god?

"Sino ka? Hindi ka naman kasali!" Nagpupumiglas ang nakwelyuhan. 

Hindi rin naman umaaksyon ang mga lalaking kasama niya. Nakaawang din lang ang mga bibig nila. Mga duwag!

Hiniklat ako ni Lucy para tumakbo na pero umiling ako. Si Sir Ram ito, oh!


"Huwag kang nanununtok ng babae. Lalo na itong babaeng kaharap mo dahil babasagin ko 'yang mukha mo..." Hindi maipinta ang galit sa mukha ni Sir Ram habang inaangat sa ere ang lalaki.

Maraming tao na ang nakakakita sa amin at hindi ko alam kung sa senaryo ba nakatingin o kay Sir Ram. Naka-button down shirt itong puti saka jeans. Nababanat ang shirt niyang iyan at bumabakat ang sculpted na braso at balikat.

"Sir Ram..." marahan kong tawag dito. Hindi pa rin ako makapaniwalang naririto siya.

Nanuyo ang lalamunan ko nang lingunin ako nito. Mayroong siyang hinahanap sa aking mukha nang hindi ito makita ay binitiwan na ng lalaki. Nagkukumahog kaagad na umalis ang mga lalaki paalis!


Doon ay gumaan ang loob ko pero marami pa ring taong nakatingin. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang sinasalubong ang galit nito.

"Sir..." tawag ko ulit. 

Humigpit lamang ang panga ni Sir Ram habang tinitingnan ako. Mabilis siyang tumungo sa aking pwesto at muling sinuri anga aking mukha't braso. Uminit kaagad ang aking pisngi. Parang hinahampas ang aking puso.


"Uhh, Chrissy. Mauuna na ako..." 


Si Lucy! Naalala kong kasama ko nga pala siya. Hindi man lang kasi nagsasalita! 

Tumango kaaagad ako. Sinundan ko siya ng mga mata habang papalayo na. Sumusulyap ito pabalik sa akin at kay Sir Ram. Napanguso ako sa hiya. Nakita na niya tuloy ang aking temperamental na boss. Tsk.


"Let's go, Chrissy." 

Mayroong mainit na palad na umikot sa aking pulso. Tiningala ko ang kaniyang kunot-noo. Hindi ko rin alam kung paanong ipapaliwanag ang nangyari kaya hinayaan akong itulak papasok sa kaniyang kotse.


Nakakagulantang na katahimikan ang sumalubong sa aking sa loob. Naririto nanaman kami sa senaryong ito. Ngayong nasa tabi ko na si Sir Ram at sa loob ng kaniyang kotse ay umarangkada ang pag-iinit ng aking mga pisngi.

Pinagmasdan ko ang seryosong nagmamanehong si Sir Ram. Kinagat-kagat ko ang labi.

"Uhh, bakit tayo papasok? Aalis na tayo..." puna ko sa direksyon ng pagmamaneho niya.

Mabagal ang patakbo ni Sir Ram dahil nasa loob kami ng campus. Nililingon ako nito paminsan-minsan. Dumapo ang kaniyang mga mata sa labi kong kinakagat.

Pumula lalo ang aking pisngi. Tinigil ko na iyon. 

"Aayusin ko ang grades mo just like what I said..." Binalik na nito ang tingin sa kalsada.


Hindi ako kumibo dahil iyon naman ang aking gusto. Kung aayusin ko ang kaniyang laptop ay ayusin niya ang aking grade. Give and take, hindi ba?


"Sinaktan ka ba ng mga lalaking iyon? Ano pa ang ginawa nila sa iyo, Cristina?" Bumaba ang boses ni Sir Ram sa lebel na delikado. Miski ako ay tumaas ang aking mga balahibo. May mas ilalala pa pala ang kaniyang side na ipinakikita sa akin...

Pinaglaruan ko ang mga daliri. Hindi ko na alam kung paanong iko-kontrol ang kabig ng aking dibidb. "Uhh, nagbato lang sila ng itlog. S-salamat..."

"How about last week, then? 'Yung mga pasa mo sa labi mo, Chrissy." Tumaas ang tono ng boses ni Sir Ram sa pangalan ko. Pinagdidiinan niya iyon.

"Wala iyon..." 


Si Clarisse naman ang may gawa noon. Napaiwas na lang ako ng tingin. Matagal ko ng alam ang pwesto ko rito sa aming school. Isang talunan at isang walang kaibigang Chrissy. Kaya siguro sa bistro ay gustong-gusto ko dahil pamilya ang turing nila sa akin doon.

"Chrissy! Hindi bastang bullying ang nangyayari. I know what I'm seeing so spill it out. Damn it!"

Nagtagis ang hubog na hubog na panga ni Sir Ram. Para niya talaga akong kukwelyuhan din. Sasaklubin ng kaniyang kamao ang aking uniform at pagkatapos ay ano? Saan nanaman lalandas ang kaniyang mainit na palad?

Lumaki ang mga mata ko sa naiisip.


"Oo na, oo na! May pasa na. Inaaway mo nanaman ako..." 

Pagkatapos, sisigawan mo na ako tapos ay bigla ka na lang manghahalik! Muntik ko nang iumpog ang ulo sa bintana.

"Because you kept pissing me off, smart ass."


Pagkatapos ng kaunting drive ay narating din namin ang harapan ng building ko. Umiling kaagad sa akin si Sir Ram nang buksan ko ang pinto. Binitiwan ko ang handle tapos ay pinaglaruan ang daliri.

Pakiramdam ko ay isa akong batang pinapagalitan.


"Who did those things to you? Sabihin mo sa akin, Chrissy. Come on... Sinaktan ka ba ng mga lalaking iyon?" Umiral nanaman ang galit sa kaniyang mga mata.

"Hindi sila ang nanakit sa akin noon. At kung sasabihin ko man sa iyo kung sino ay wala ka paring magagawa," malamig kong saad.


Gusto kong sabihin sila Kristelle at Clarisse. Pero, alam ko sa sarili kong hindi ako mandadamay ng tao. Problema ko ito. Lulutasin ko ito. Isa pa, sanay na ako sa tagal kong puros ganito ang nangyayari sa school.

"Ano, ipapaabang mo sila sa main gate? Bubugbugin mo?" dagdag ko pa.

"Mali ang ginagawa nila. If you kept on tolerating them, they'll keep on doing it. That was not just some simple bullying act. Pisikal na iyon." Umiling si Sir Ram.

Kinapa ko tuloy ang buhok kong medyo malambot na dahil inabutan ako ni Sir Ram ng mineral water at tissue kanina.

Umiling din ako kay Sir Ram. Hinawakan ko ang noo nitong kunot. Pinagdiinan ko iyon upang matanggal ngunit pati ako ay nagulat sa ginagawa. Umiwas ako kaagad ng tingin. Pinigilan ko ang nagwawalang mga tibok ng dibdib.

"Laban ko iyon kaya huwag mo ng alalahanin pa. Ilang taon na rin iyang kasama sa buhay ko, kaya sana na ako, sir," mahina kong sabi.


Atsaka bakit naman mag-aalala ang isang ito? Purkit...purkit humalik lamang siya ay mayroon na agad siyang pakielam? Hindi naman ganoon ang takbo ng mundo. Isa pa, paano naman magkakaroon ng pakielam sa akin iyan kung ang paborito niyang hobby ay ang sigawan ako at pagsalitaan ng masama?


"Stop calling me 'sir'," mabilis niyang sabi.

"When we are outside the bistro?" Bumaluktot ang aking dila sa paggaya sa kaniyang pananalita.

"It depends..." Tumaas-baba ang dibdib nito habang dinudungaw ang aking mga labi.

Hindi iyon pumasok sa aking utak ngunit tumango na lamang ako. Nakatingin pa rin ako sa labas at naghihintay ng kaniyang permisong bumaba.


"You don't have to face it all alone, Chrissy. Sometimes we need something. Sometimes its a someone. And it gets so fucking lonely when we're alone. Don't you feel that?" 


Bumuntong hininga ito sa aking gilid. Sa sobrang gaan ng kaniyang boses ay hindi ko aakalaing kaya niyang maging mahinahon.

Napaisip ako sa kaniyang makabuluhang sinabi. Syempre ay ramdam na ramdam ko ang pagiging mag-isa. Nakakainggit. Lalo na tuwing pasko, bagong taon, birthdays. Inggit na inggit ako sa may pamilya. Pero, iyon na yata ang aking asset. Ang lumagpas sa kalungkutan, ang matanggap na wala akong kasama.


"Kayang-kaya ko kahit mag-isa." Ngumiti akong matipid.








पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

The Only Heiress(COMPLETED) Ely द्वारा

सामान्य साहित्य

44.4K 385 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
4.2K 310 43
[COMPLETED] After the death of her parents, Scarlett Natasha Romero or Sha sha seems to have died as well with all the pain and hatred she feels. Wal...
Mío Yiling Laozu द्वारा

सामान्य साहित्य

87.8K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
225K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...