Bercedes Menz

By SOCKERisFUN

1.3K 45 47

More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5

Kabanata 4

159 8 10
By SOCKERisFUN

KABANATA 4

"Tita! I'm home!" sabi ko after kong isara yung pinto.

"Oh, nandyan ka na pala, Amanda. Tamang tama ang dating mo. Kakatawag ko lang sa UP. Pwede ka daw pumasok sa second sem!"

"Oh." tapos mejo tumango-tango ako.

"It's a great thing talaga! Kasi naman nung tumawag ako super thrilled yung nakausap ko. Nasa top 100 ka kaya, so they don't want to lose you. Asset ka!"

"Hahaha. ASS-et. Pwet ako." medyo tinry ko magjoke nito. Eh si Tita naman kasi madaling patawanin. So yun, tumawa naman siya. Kasi gusto ko lagi siyang masaya. Pag nakikita ko siyang tumawa, nabubuo yung araw ko. Napakaganda din kasi ni Tita especially when she smiles or laughs.

Actually, isang reason din kung bakit gusto ko siya tumawa lagi ay... sa totoo lang super naaawa ako sa kanya sa mga pinagdaanan niya sa buhay, kasi ang kwento niya sa akin, nung mga four years old daw ako, namatay si tito, yung asawa niya. Buti nalang nakatanggap siya ng pera nun dahil sa position ni tito sa trabaho. So after that super sad event, mag-isa niya na akong pinalaki. Isa pa, buti nalang nagtatrabaho din si Tita, so eto nabuhay naman kami ng maayos.

Until mga ten years old ako, umiiyak parin si Tita. Nun ko nalaman yung tungkol kay Tito kasi nung nagpunta siya sa sementeryo nung undas, sinama niya ako. Pero since naging teen na ko, nalessen yung pagiyak niya. Ngayon, pag may special occasion niya nalang namimiss si tito. Hindi na siya masyadong umiiyak. Well at least hindi ko na siya nakikitang umiyak. I'm not sure kung umiiyak siya in secret...

 I just want to prove na hindi mistake na inampun niya ako. I want to be the daughter that she never had.

"Okay, good one. Pero, Amanda dear, sure ka ba na you want to pay for your tuition? Kasi nakaipon na naman ako nung tumigil ka. Actually, kahit hindi ka tumigil, okay lang sana. Pwede naman ako umutang sa mga friends and co-workers ko eh."

"Tita, we've talked about this. Okay yung bayad sa part-time job ko. Marami na din akong naipon." So this is a lie. Since sixteen lang ako, walang tumatanggap sa akin na good-paying job. Puro mga typing jobs lang. Eh konti lang yung sweldo dun. So, as you obviously know now, i steal. In the first place, i never wanted to steal. As in hindi ko kinaya nung una akong nagnakaw. Kaya lang may nameet ako one time. Isang guy na magnanakaw, si Alex. Ang sabi niya sa akin, dati din ay ganun siya, ayaw niya magnakaw talaga. Pero ang naging solusyon niya ay nagnanakaw nalang siya sa mga obvious na rich people. Yung mga horders at mga sa tingin niya ay mga tao na pwede namang magspare ng konting pera. So that's what i did starting that time. Almost one year na ko sa "part-time job" na to. At siyempre, with the help of Alex, madali akong ngaing expert. hehe. Pag gwapo naman kasi ang mentor mo, diba gusto mo mag-impress? xD

"Hay. If you say so." tapos nagsad face si Tita.

"Tita naman, you're not obliged to pay for my tuition." Yung parents ko dapat ang gumagawa nun, and since wala naman silang pakialam kung anu na nangyari sa akin, i will try my best to fend for myself. The least i can do is gumawa ng chores and pay for my tuition in college. Gusto ko sana sabihin lahat ng ito, kaya lang i'm sure na pag sinabi ko to, idedefend niya ang biological mother ko, na best friend niya. At mauuwi lang ito sa isang super emotional argument at isang buong gabing iyakan at pageexplain at pagsosorry.

Kasi naman never ko pa talagang nakita sa personal ang biological mother ko. Sa pictures lang nung high school at college sila ni Tita. Super best friends sila. Pero ang super nakakapagtaka ay after daw iwanan ng biological father ko yung biological mother ko, hindi na sila nagkausap ni Tita. That was sixteen years ago. 

"Ah, anyway, kung nakapagdecide ka na, wala na kong say doon. Sabi nga pala nung nakausap ko, you can enroll tomorrow. Gusto mo bang samahan kita?"

"But you have work. Hindi na. Ako nalang."

"Okay. But i'll drop you off. Is 8am okay?"

"Yep."

"Good. Now, let's cook na?" Ngumiti si Tita. Super nagbobonding kasi kami pag nagluluto. May times nga na nagiging food fight yung pagluluto namin eh. Kahit Tita ang tawag ko sa kanya, mommy ang tingin ko sa kanya. Yung love ko para sa kanya ay never kong mafifeel sa biological mother ko. I'm sure of it.

So yun, nagluto kami. At nagkaron kami ng mini food fight. May papaya kasi sa table tapos siya yung nauna. Yung buto pinisil niya para ma-launch papunta sakin. Yung una ay sakto sa butas ng tenga ko! Tapos yun throughout the cooking session, nagpipisilan kami ng buto ng papaya sa isa't-isa. 

The next day...

Saktong 8:00 am nasa UP Diliman na kami ni Tita. Binaba niya lang ako dun sa tapat ng isang building tapos umalis narin siya.

Since kasagsagan nga ng enrollment, maraming mga students and nagkalat sa campus. Nakipagsiksikan pa ko sa kanila! Grabe nga yung pila para dun sa ibang subjects! Nakasandals lang ako so nung may nakatapak sa paa ko, GOSH ANG SAKIT! Feeling ko namatay na yung kuko ko sa paa... ugh! My poor toe! Hindi ko na tiningnan kasi baka super magbreak down ako. 

Actually, there's this time na nakapila ako, tapos napagkamalan akong elementary student! Kasi naman! I'm only 5 feet tall... or rather 5 feet short. haay. Hindi ko kasalanan na yung genes ng biological mother ko ang nakuha ko in terms of height. Kasi ang balita ko, super tangkad daw nung biological father ko. Well, naging advantage din naman yung height ko pag nagnanakaw ako eh.

So yun nga, hindi naging mabilis yung enrollment ko. Kahit nakapagresearch na ko tungkol sa pagenroll dito, nahirapan parin ako sa pasikot-sikot na places and buildings para sa mga different subjects. Pero nung nagpunta ako dun sa pinaka place kung san ako magbabayad, sa OUR, accomodating yung lady sa counter. Nakilala niya ako, kasi apparently, nasa top 100 nga ako, so inacquaint niya yung sarili niya sa face ko in case magenroll na nga ako. Actually i think super expected niya na dumating ako. Pero ang hindi ko talaga makakalimutan nung ginreet niya ako ay yung sinabi niya: "Oh! Ikaw si Amanda! Maliit ka lang pala. I thought you'd be at least two more inches taller. Anyway..." at hindi ko na pinakinggan yung sinabi niya kasi super sakto sa puso ko ang tama ng sinabi niya. T.T

So after ng mahigit apat na oras na pagala gala sa UP campus, sa wakas it's time for lunch! Nagjeep ako at bumaba sa Katipunan road para kumain sa McDo. I know, mag-isa lang ako, pero hindi ako nabother dun in the slightest.

After lunch, pagkacheck ko sa watch ko ay almost 2:00 pm na. Well, anu kayang gagawin ko? Ayoko naman umuwi agad kasi mamaya pa naman uuwi si Tita. Yung chores ay natapos ko na nung isang araw. So then, i decided! Gagala ako sa UP!

Hehe, nagjeep ako papunta ulit sa campus. Pagbaba ko, naglakad-lakad ako around. Ang laki laki ng UP Diliman, kaya mukha akong nomad dun! hahaha. Pero hindi naman nagtitinginan yung mga tao sakin kasi apparently, may ilang tao din namang naglalakad. Hindi naman nila ako kilala eh, at hindi naman nila alam na more than 30 minutes na kong naglalakad. Mataas ang endurance ko kaya hindi pa din ako napapagod. :P

After isang oras pa ng paglalakad, naisip ko, okay magrerest muna ako. Medyo sumasakit narin naman kasi yung paa ko dahil sa sandals ko.

Naupo ako sa damuhan. Well actually, medyo konti yung damo kasi feeling ko laging nagiging trampled yugn area na to. Pinapanood ko yung mga students, mix ng girls and boys, na naglalaro ng soccer. I don't play any particular sport pero i can bear watching a variety of them. Kahit boxing ba yan, or golf, or bowling, kaya kong panoorin!

Habang nanonood ako, biglang bumilis yung tibok ng puso ko, parang humahabol ng gwapo! Tapos narealize ko ang dahilan nito ay yung papunta sakin na soccer ball. Hindi na ko nakaalis sa piwesto ko so ang ginawa ko nalang ay pinantakip ko sa ulo ko yung arms ko. Tapos grabe yung impact! Ang sakit! Super lakas nama nung sumipa nung bola! Nung natapos na, nagsorry yung girl na nakasipa nung bola sakin.

"Wah, sorry! Namali ako ng sipa!" nakaponytail yung girl tapos nakasuot ng maroon uniform. Parang medyo nagsisigawan yung iba niyang kalaro na "halaaa!!!" at "lagoooot!" pero hindi niya pinansin.

"Okay lang, buhay pa naman ako," sabi ko with a smile. Okay lang naman talaga, kahit masakit. Hindi niya naman sinasadya eh.

"Sorry talaga!" tumango ako sa kanya at ngumiti and then kinuha niya na yung bola at naglaro na sila ulet.

Nung nakaalis na siya, hinimas-himas ko yung braso ko. "Araaaay." Tiningnan ko yung spot kung san tumama yung bola. May konting dirt so pinagpag ko.

And then... out of the blue, or out of the kawalan, kasi hindi naman talaga blue ang kawalan eh. Kawalan nga eh, ibig sabihin nothingness. So... Out of the nothingness, biglang may narinig akong tawa. Nasa may taas ko yung tunog, so tumingala ako.

Nakasimangot pa ko ng konti nun, tapos BEHOLD... SI IVAN PERSON! Mineet niya yung mata ko at nakasmile na naman siya ng devilish smile niya. Yung tipong pag nakita mo, gugustuhin mo siyang batukan para mawala yung ngiti.

"Hello, Amanda without a last name. I was right, noh? We did see each other again. Sooner than i thought, though."

Continue Reading