How Do You Heal A Broken Hear...

By RillMendoza

32.6K 733 19

Paano nga ba mag-move on? More

Chapter Two
CHAPTER 3
Chapter Four
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10

Chapter One

10.1K 149 11
By RillMendoza

CHAPTER ONE


JOY must say her life was too sad and boring. Kabaliktaran ng pangalan niya ang buhay niya. When she came to the world, her parents were so happy. So her parents named her Joy. Kung noon ay one hundred percent siyang masaya dahil nagtutugma ang buhay niya sa pangalan niya-ten years ago-ngayon ay sinusumpa niya iyon.

Somebody would say, it was ironic, it was stupid. But after ten years, matapos madawit sa salpukan ng bus at kotse ang mga magulang niya at mamatay ang mga ito sa mismong araw ng fifteenth birthday niya ay nakasanayan na rin niya ang tawaging 'Joy' kahit hindi na niya iyon maramdaman at maranasan. She's alone for eight years now.

She was eighteen when her brother Joe left her-he was twenty five that time. Dahil may sariling pamilya na ito at busy na ito sa naiwang negosyo ng kanilang mga magulang. Ito ang namahala ng mga naiwan ng kanilang magulang para sa kanya. She was too young when their parents died.

Ayaw naman niyang iwan ang kanilang bahay para tumira sa Maynila sa kuya niya dahil pakiramdam niya ay iiiwan na rin niya ang mga huling alaala niya sa mga magulang. Ang sabi ng kuya niya ay pagbibigyan siya nito hanggang sa matapos lamang ang high school. Ang kanilang katulong na si Aling Meding lamang ang kasama niya sa bahay nila.

At tulad ng sabi nito, nang matapos niya ang high school ay lumipat na siya sa Maynila. Doon siya magkukolehiyo. Pero hindi pa rin siya tumira sa bahay ng kuya niya. "Dalawa na lang tayo," sabi niya sa kuya niya. Why shouldn't train herself to be brave? Kumuha ang kuya niya ng condo, pero mariing tumanggi siya. It was too expensive. Pagkatapos ay mag-isa lang siya? Hindi siya laki sa luho. Kahit maykaya sila ay hindi mayaman ang turing nila sa estado ng buhay nila. Ang tingin niya sa ganoong tirahan ay isang luho lamang. So there, naghanap siya ng marirentahang bahay na malapit sa university na papasukan niya.

Nakapagtapos siya ng business management, dahil iyon ang gusto ng kuya niya. Noong mga panahong iyon ay hindi niya rin naman alam kung anong karera ang tatahakin niya kaya sumunod na lamang siya rito. Ang sabi kasi nito ay dapat tulungan siya nito sa kanilang mga negosyo. They have branches of fast food all over the Philippines.

"Hoy!" untag ni Georgia kay Joy na nasa laptop screen. Her gay best friend. Pero lagi nitong ginigiit sa kanya na bisexual ito. He was not a cross dresser. Lalaking-laki itong tingnan. Kaya walang mag-aakala ritong lalaki rin ang gusto nito Naka-video chat sila. Nasa trabaho ito at siya naman ay nasa bahay lang. Call center agent ito, somewhere in Makati. Magkakaklase sila nito noong college.

"Oh?" aniya. Saka inipit ang nalaglag na konting hibla ng buhok sa mukha.

"Parang 'di ka naman nakikinig, eh," maktol nito.

Kanina pa nito ikinukuwento ang recent boyfriend nito. Katrabaho raw nito. Iyon lang ang maalala niya sa mga kinuwento nito. Naglakbay na naman kasi ang isip niya sa mga naging buhay niya.

"Nakikinig ako," pagsisinungaling niya. "Ah, ano nga uli 'yon? 'Yong boyfriend mong si Jake?"

"James!" pagtatama nito sa kanya.

"Teka, may trabaho ka, 'di ba?" pag-iiba niya ng usapan. Sa totoo lang ay wala siyang interest sa mga kuwento nitong pag-ibig. Una ay dahil palpak lagi ang mga iyon. Pangalawa ay hindi naman siya nakaka-relate sa mga iyon.

Umingos ito. "Hmp. Wala namang tumatawag, eh. Naka-off ang speaker." Sinundan nito iyon ng tawa.

"Adik ka talaga. Kapag nahuli ka ng boss mo. Lagot ka."

"Eh, tanggalin niya. Andami-daming call center company diyan."

"Hmn. Sabagay."

"So, ano na?"

"Anong ano na?" May sinabi ba ito kanina? Kung meron man ay hindi niya narinig.

"Hindi ka nga talaga nakikinig. Naglalakbay na naman 'yang utak mo. Wala kang benta, 'no?" Tawa ito nang tawa.

Online seller siya ng mga authentic bag. Iyon na ngayon ang pinagkakaabalahan niya matapos mag-resign sa pinapasukang banko. Lumabi siya at pinagtaasan ito ng kilay. "Ang dami ko kayang benta. Hmn!" Ipinakita niya rito ang lilibuhin na nasa tabi lang niya. Last week ay nakakita siya ng dog bed ni Eros sa mall. Isa itong Chihuahua.

"Ikaw na, 'Te!"

Noong maaksidente ang mga magulang niya ay natagpuan ang tutang si Eros sa kotse. Alive and kicking. Ito lang ang naka-survive. Ito na ang naging kasama niya noon sa bahay nila hangga't sa magtungo siya ng Maynila.

Eros was there through thick and thin. When she was down, when she was happy. Sampong taon na rin si Eros. Halos dito na umikot ang buhay niya. Kapag nakakalabas nga ito ng bahay niya ay hindi siya mapakali. Wala kasi itong sense of direction, tulad niya. Nakakalimot na ito kung paano bumalik kaya kulong lang ito sa bahay niya.

Minsan ay nakalimutan niyang i-lock ang gate ng bahay niya. Pag-uwi niya ay wala na ito. Nalaman na lamang niya sa mga kapitbahay na merong nagmagandang loob na nagdala rito sa beterinaryo upang ipagamot ang napilay nitong paa. Nasagasaan ito ng bike. Kaya simula noon ay hindi niya ito pinapalabas. She would die without her one and only dog.

"O siya, 'andito na si Boss. Mukhang may PMS," ani Georgia saka pinatay na ang tawag.

Sinirado na rin niya ang Skype. Tumungo na siya sa kanyang Instagram account upang tumingin kung may mga bagong orders. Pagkatapos ay natulog na siya.

"EROS!" tawag ni Joy ng umagang iyon. Nakita niya ang asong nagkakawag ang buntot na galing sa banyo. Marunong na itong gumamit niyon. "Good boy, good boy! You eat, okay?" Nilagyan niya ng cereals ang lalagyan nito ng pagkain.

Noon tumunog ang cell phone niya. Nilagyan muna niya ng gatas ang cereals ng aso bago hanapin ang cell phone. Nakita niya iyon sa ibabaw ng TV. Ang kuya niya ang tumatawag. S-in-et niya ang ringing tone sa theme song ng Voltez V sa tawag nito ayon na rin sa request nito. All this time ay iyon pa rin kasi ang paborito nito.

"Kuya!" aniya. Hindi siya mahilig sa hello.

Tulad niya ay hindi rin ito mahilig sa hello. "How are you?"

"Okay naman. Kailangan ako? He-he!" Kapag tumatawag kasi ito sa kanya ay siguradong kailangan siya nito sa opisina. May opisina siya sa main branch nila kaya lamang ay madalang siya roon. Bukod sa malayo iyon ay madali rin siyang ma-bore sa pagbabasa ng mga financial reports. Ewan ba niya at naka-graduate naman siya ng Financial Management pero ngayon ay kinatatamaran na niya ang mga ganoong activity.

Hindi kasi iyon tulad ng mga bag. With different designs. Paper and black ink are too boring. Parang ikamamatay niya ang pagsinghot ng papel. Pero kapag leather o fabric na gawa sa mga mamahaling materyales ay masasabi niyang puwede na siyang mabuhay ng habangbuhay sa ganoon lang.

She and her brother are too opposite. He loves to meet many people and talk about businesses all day long while she can live alone in the house, staring the different designs of expensive bags. And be with Eros all her life.

Maybe, somebody would call her stupid because she doesn't own a dozen of luxury bags. Meron lamang siyang isang Hermes bag na bigay ng kanyang kuya noong nakaraang Pasko. Kontento lang siyang titigan ang mga iyon pero sirado ang wallet niya upang bilhin ang mga iyon. Sa isip niya ay hindi naman niya iyon maisasama sa kanyang libingan.

Luxury bags may look her sophisticated, rich and beautiful. But it couldn't change the fact that it was prone to accident. Ayaw niyang bumili ng mga iyon upang ipanakaw lang. It couldn't save her from drowning, too, or from fire, from typhoons or any other calamities. Nang minsang sabihin niya iyon kay Georgia ay sabi nitong baliw raw siya. Siya lang daw ang kilala nitong nagtitinda ng mga mamahaling gamit pero wala siya niyon. Ni bigay nga lang ang meron siya.

"A friend," sabi ng kuya niya. Mahaba ang sinabi nito pero naglakbay na naman ang isip niya kaya hindi niya narinig ang mga nauna nitong sinabi.

Nag-"okay" na lamang siya rito.

"Thank you, my favorite sister," sabi nito at sinundan nito iyon ng malutong na tawa.

Iyon lagi ang linya nito sa kanya kapag may hinihinging pabor sa kanya. Favorite sister. Eh, siya lang naman ang kapatid nito.

"Tatawag na lang ako uli sa 'yo kapag papunta na siya diyan."

"Siya?" tanong niya, pero nawala na ito sa linya. Na-curious tuloy siya. Sinong siya ang tinutukoy nito? Tinawagan niya ito pero naka-off na ang cell phone nito. Marahil ay nasa meeting na ito. Baka hindi na siya ang kausap nito.

Nagbukas na lamang siya ng kanyang laptop at tumingin ng mga orders.

Nakatanggap siya ng text galing kay Georgia. "Huhuhu! He cheated on me. I hate him!" ayon sa text nito.

Ri-reply-an sana niya ito pero mas pinili na lamang niya na hayaan ito. Hindi niya alam kung kailan ba ito matututo. Kung kailan ba ito titigil sa pagmamahal dahil lagi lang naman itong nasasaktan. Wala itong kadala-dala.

Nakatanggap pa uli siya ng text galing rito. "Ppunta ako dyan. Inom tyo."

Nag-reply na siya ng "okay." With smiley. Nang mai-send niya iyon ay tumunog na naman ang cell phone niya. Tumatawag na ito. Siguradong ikukuwento nito ang nangyari rito.

"Mamaya mo na lang 'yan ikuwento pagdating mo," bungad niya rito.

"Hello. Pero I can't help it." Kung lalaki man itong tingnan, madali naman itong ma-distinguish na bakla dahil boses-bakla ito.

Wala na siyang nagawa dahil nagsimula na itong magkuwento. Halos hindi niya ito maintindihan dahil mukhang sakay ito ng bus. Nagcha-choppy ito at parang kinakain ang mga sinasabi. Itinabi na lamang niya ang cell phone sa laptop at nagtrabaho. Bahala ito sa buhay nito. Dahil sigurado pagdating nito mamaya sa bahay niya ay ikukuwento na naman nito uli iyon.

Paulit-ulit-ulit-ulit. Hindi ito nagsasawa. Pero pagkatapos lang ng ilang linggo ay meron na naman itong bagong ikukuwento sa kanya. Bagong kakilala, bagong mananakit dito at bagong kalilimutan pagkatapos.

Minsan ay nagtanong ito kung sino raw ba ang boyfriend niya. Dahil ni minsan ay hindi naman siya nagkukuwento rito. Sinabi niyang si Eros. Baliw nga raw talaga siya.

Kabilang siya sa No-Boyfriend-Since-Birth Club. Noong high school ay may nagpapalipad hangin naman sa kanya, kaya lamang ay wala siyang pinansin sa mga iyon dahil nakatuon siya sa pag-aaral. Sa college ay masasabi niyang meron naman siyang naging ka-MU pero hanggang doon lamang ang mga iyon. There was nothing special about them kaya siguro hindi tumatak ang mga iyon sa kanya hanggang ngayon.

Hindi siya tomboy. She believed in forever. Sometimes she dreamt of walking in the isle, too, but it was way too far on her mind. Naiisip niya ang magkaroon ng pamilya, ng masaya, may mga anak, may matatawag na tahanan, pero sa edad niyang biente singko ay napakalayo pa niyon upang mangyari.

She believes in true love waits. But she's not in a hurry. Eros was enough to her for now. Baka kapag tumuntong siya ng treinta ay doon niya makilala ang taong pakakasalan niya, she's not sure, anyway.

SA BAHAY na niya natulog si Georgia dahil sa kalasingan. Hindi na rin ito nakapasok ng gabi. Alas-siyete ng umaga ay ginising na niya ito. Sapo nito ang ulo nang bumangon sa sofa. Nakapagluto na siya ng almusal kaya niyaya na niya itong kumain. Siya ay tapos na kaya tinakpan na niya ang pagkain sa mesa. Ang cereal naman ni Eros ay nilagay lang niya sa mesa dahil nasa banyo pa ito.

"Ayoko na!" ani Georgia sa kanya. Nilingon niya ito. Naghuhugas siya ng pinagkainan niya. Ibinagsak nito ang kutsara at tinidor sa pingnan. Mabuti na lamang at plastic ang pinggan niya kaya matagal bago iyon mabasag.

Nahinuha na niya ang tinutukoy nito sa sinasabi nito. Ayaw na nitong magmahal, hindi sa ayaw na nitong kumain.

"Ilang beses mo na bang sinabi sa 'kin 'yan?" tatawa-tawang sabi niya.

Kinuha nito ang karton ng cereal sa tabi nito. "Dog food?" tanong nito. Sabay takbo sa kanya sa lababo upang isuka ang mga kinain nito.

"Nakihati ka kay Eros?!" Gulantang siya. "Lasing ka pa ba?"

Dura ito nang dura. "Jusko! Hindi ako aso!" Nang masiguro nitong ubos na sa lalamunan nito ang mga nakain nito ay kumuha ito ng tubig. Saka inisang lagok lamang iyon. Naiiyak ito.

"Sorry," aniya. Hinagod niya ang likod nito.

"Papasa na yata akong maging aso," sabi nito. Nakatingin sa mesa. "Kasi habol ako nang habol sa kanya. Aso ba 'ko?" Umiiyak na ito.

Tiningnan niya si Eros na nagkakawag ng buntot. Kinuha niya ang cereals sa mesa at nilagay iyon sa sahig. Nagsimula na itong kumain.

"Ang totoo?" baling niya rito.

"Ayusin mong magugustuhan ko 'yang isasagot mo," anito sa seryosong boses. Kahit kailan talaga ay mapagbiro ito. Sa kabila ng mga hinanakit nito sa buhay, sa love life, sa pamilya ay hindi pa rin nawawala ang sense of humor nito.

Iyon ang nagustuhan niya kay Georgia. Matapang ito, kahit pa wala itong kadala-dala sa pagsubok sa mga iba-ibang pag-ibig. Naniniwala pa rin itong may isang taong nakalaan para rito. That God created a man for him, that he can be with him for the rest of his life.

"Nawalan na ako ng gana," sabi pa nito.

"Magmahal?"

"Kumain," pagtatama nito sa kanya.

"Walang laman ang tiyan mo. Baliw." Tumawa siya.

Tiningnan siya nito. "Baliw?" Lumabi ito. "Siguro nga. Baliw ako. Baliw ako sa pagmamahal. 'Di na ako natuto. Puro na lang heartaches. Puro fail, fail, fail. Puro give, give, give. Walang success. Walang take, take, take. Ano ba talaga 'tong pag-ibig? Akala ko ang pag-ibig parang communication, two way. Monologue lang pala. Kasi one way."

Nakatitig lang siya rito habang nagmo-monologue ito.

"Kaya ikaw, mag-invest ka kapag sure ka na. Pero, kailan mo ba masasabing sure ka na? Na sure na 'ko? Kapag 'andiyan na, naiisip ko, whew! It's love! Sure na ako. Tapos, ang saya. Like there's no tomorrow. Puro love, love, love. Tapos malalaman ko, 'di pa pala ako sure. Tapos, end na! Wakas na! Wasak na naman ako."

Tuluyan na itong umiyak. Hindi man niya ito maramdaman ng lubos, at least, nasa tabi siya nito, bilang kaibigan. Na makita lang nito na hindi ito nag-iisa sa mga pighati nito. Na maramdaman nito kahit papaano na may isang taong nakikinig para rito.

Naisip niyang siguro ay iyon ang pagmamahal. Marunong umintindi. Hindi kailangang may maibabalik. Hindi kailangan ng kapalit. Kahit one way, pero nagpapatuloy. Hindi natatapos.

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
680K 24.4K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
7.4M 200K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...