Infatuation & Reflection

By Alexiel

2.1M 32.6K 5.2K

Infatuation: Sofia and Chad Story [COMPLETED] Reflection: Jade and Ryan Story [COMPLETED] More

Infatuation
2
4
5
6
7
9
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
In Her Eyes (A Side Story)
26
27
27.5
28
29
30 [Fin]
Author's Note
Reflection 1
Reflection 2
Reflection 3
Reflection 4
Reflection 5
Reflection 6
Reflection 7
Reflection 8
Reflection 9
Reflection 10
Reflection 11
Reflection 13
Reflection 14
Reflection 15 (finale)
Epilogue
Author's Note

Reflection 12

8.9K 209 77
By Alexiel

Reflection XII



"I've tried my best to make you see
There's hope beyond the pain
If we give enough, if we learn to trust..."
                           -Only Love


-Ryan-


          Binuhat ko si Jade papasok sa loob ng kwarto. She's still crying in her sleep. Maingat na inihiga ko sya sa kama at kinumutan.


          Akala ko naging isa na syang robot or someone who doesn't feel anything at all. Ganoon ang pinapakita nya sa akin these past few day. But in reality pinipilit lang pala nyang magpakatatag. Jade is a strong person. I believe na magiging Okay lang sya kahit mawala ako sa tabi nya – kahit mawala pa ang mundo sa kanya.



         Pero  habang tinitingnan ko sya ngayon I realized na kung gaano katibay at kalakas ang isang tao mas doble ang balik niyon sa kanila kapag nasaktan.



         Isipin ko pa lang ang mga araw na nakaupo sya sa sofa habang pinapanood ang mga video ng nakaraan na puno ng mapait na alaala it pained me inside. And she's watching those videos every single day dahil wala syang pagpipilian.



          If I were in her position baka matagal na kong nagpakamatay!



           Yumuko ako at masuyong inalis ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa kaniyang mukha. "God are you listening? I'm not asking you to fix our relationship or to bring us together again. Hindi ako magiging makasarili at hihilingin ang isang bagay na imposible, I won't go that far. At least for now let her find the happiness she deserves." I planted a soft light kiss on her forehead. "Kapag naghilom na ang mga sugat maybe we can try again."



            As long as I can show her that there is still hope... na wala pa kami sa 'ENDING'... that's when the healing begin.



             After praying to God with all my heart nahiga ako sa tabi nya at niyakap sya ng sobrang higpit.



            "A-aaaaaaaahh!!!"



             Nagising ako saktong alas-tres ng madaling araw sa sigaw ni Jade. Muntik pa kong malaglag sa gilid ng kama sa sobrang pagkataranta. "Jade?"



             Wala sya sa tabi ko ng magising. Sa huling pagkakatanda ko katabi ko lang sya dito kagabi? But where is she?



             Narinig ko na naman ang sigaw at ang impit nyang mga iyak. Nanggagaling iyon sa labas ng kwarto. Lumabas ako at nakita ko si Jade na nasa sofa. Base sa nakita kong unan at kumot na nagkalat sa sahig mukhang naalimpungatan  sya sa kalagitnaan ng gabi. 



              And when she found out that we were sleeping in one bed, bumangon ito at sa salas natulog.



              My face darken, did she really hate sharing the bed with me?



               Pero isinantabi ko muna ang isipin iyon dahil sa nakikita kong takot na nakarehistro sa mata nya. Butil butil din ang pawis na namumuo sa kaniyang noo. She's looking at her legs hysterically.



             "M-My legs!" she whimpered.



               Lumuhod ako sa tabi nya. I feel scared. "Bakit? Anong nangyayari?" Nang hawakan ko ang binti nya just to check lalong lumakas ang mga iyak nya kaya mabilis kong binawi ang kamay.



             "It's so painful. I can't move my legs and  it's burning. Parang tinutusok ng isang libong karayom ang binti ko. I-I don't know what to do." She cried more. Lumalalim din ang paghinga nya dahil sa nerbyos at takot. "It's... killing me! Oh God, please help me."



              "Ok, Ok... just try to relax." Pero kahit ako hindi ko alam ang gagawin. Tatawag na ba ako ng ambulansya? Wait, maglalagay ba ko ng first aid? Pero hindi ko naman alam ang gagawin ko to ease her from the pain.



             "C-Call my Doctor." 



              Right, right call her Doctor. Kinuha ko ang phone handle at nasa aktong magdidial ng  – wait I don't know his number!



               "Open the drawer nandun yung Mother's Book. You can find his number inside."



              Nangangatog ang kamay ko habang binubuksan ang maliit na drawer kung saan nakapatong ang telepono. Dini-al ko kaagad ang numero ng mahanap ko iyon.



                "Make it fast please!" 



                Nag riring na sa kabilang linya. Pakiramdam ko bawat ring ay katumbas ng isang pisi na isa isang napipigtas. What the fuck is he doing?! Why isn't he picking up the phone?! Where is that fucking quack doctor?!



               Ilang mura na ang nasabi ko bago may sumagot sa telepono.



               "Yes, hello?" inaantok pa ang boses mula sa kabilang linya.



               "Bakit ang tagal mong sumagot?" I screamed. Siguro dahil pinasukan ng maitim na hangin ang utak ko kaya sa kaniya ko naibunton ang kaba at takot nararamdaman ko ngayon.



               "Well, it's 3am in the morning at katatapos lamang ng isang delikadong surgery. Plus the fact na almost half an hour pa lang akong natutulog so... Good morning to you too." Hindi man lang kahihimigan ng galit ang boses nito bagkus ay mahinahon pa ito.



             Ako tuloy ang nahiya dahil sa kagaspangan ng ugali ko. "Sorry... I'm really sorry. Sumasakit kasi ang binti ni Jade and I think this is an emergency."



           "Ah, so this is Ryan?"



          "Y-Yes." I blushed nakalimutan ko na tuloy ang tamang ugali kapag nakikipag usap sa telepono na dapat na magpakilala sa kausap. "I'm so sorry."



        "Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nararamdaman nya in details"



         Lumapit ako sa tabi ni Jade. "She said na sobrang sakit ng binti nya na p-parang tinutusok ng isang libong karayom. Hindi rin nya maigalaw ang mga binti. Kapag hinahawakan ko naman umiiyak sya sa sakit."



        "Mmm, may napapansin ka bang kakaiba sa binti nya? Did you notice swelling, redness or tenderness in her legs?"



         Umiling ako kahit hindi ko nakikita ang kausap. "None."



          "Jade is having a night leg cramps. First time na nangyari ito sa kaniya so tiyak ako na ninenerbyos pa siya. First, lie her down make her relax and comfortable."



            Inalalayan ko si Jade para maayos na makahiga sa sofa. Niloud speaker ko din ang telepono para maibaba ko iyon at magawa ang instruction ni Doc Jessie.



           "Second, kung meron kang unan dyan ipatong mo ang dalawa nyang binti sa unan" Kumuha ako ng unan at ipinatong ang dalawang binti ni Jade.  "Massage her legs. Straighten her leg, heel first and gently flex her toes."



           Habang sinusunod ko ang sinasabi ng Doctor panay ang daing ni Jade sa sakit. Nakapikit ito ng mariin. Her hands were also in a tight fist. 



           Parang may dumaklot sa puso ko. "A-Are you sure this is right? Hindi ba mas mabuting tangayin na sya sa hospital?" I asked nervously.



          "Ryan, prone na magkaroon ng leg cramps ang mga buntis dahil sa pagdagdag ng bigat o dahil  sa kakulangan nila ng nutrients and salts such as calcium and magnesium. Like what I told you before inaagaw ng baby ang lahat ng sustansya na pwede nitong makuha sa Mommy. Makakatulong ang masahe para ma-relax ang muscle. Masakit ito sa una Jade but it will ease the spasm and the pain will gradually go away."



          "Jade you hear that? Kailangan mong tiisin ang sakit." Simpleng tumango lang ito and I continued massaging her legs. "You are strong and brave." Assurance ko sa kanya.



            Katulad nga ng sinabi ni Doctor Jessie unti unting na-relax ang mga binti ni Jade at naging normal na ang paghinga nya.



           "Good then observe her condition and if the muscle pain is constant and not just occasional go to the E.R. Good night or rather Good morning? Bye." Nawala na ito sa kabilang linya.



            Nanlalatang napasandal ako sa center table na nasa aking likuran. I think this is not over. Maselan ang pagbubuntis ni Jade kaya nag mental note ako na magbasa ng Mother's book para ready ako sa mga ganitong unexpected occasion.



            Kinuha ko ang kumot na nalaglag sa sahig at muling ikinumot kay Jade. "Why are you sleeping here?" hindi ko napigilang itanong sa kaniya. "Mas magiging komportable ka sa bedroom."



           Nakapatong ang isa nyang braso sa mukha kaya hindi ko mabasa ang ekspresyon nya. I thought she's not going to answer but, "Ah, I never sleep in the bedroom"



            "Why?"



            "No reason"



           "Dahil ba nandoon ako? Does it make you uncomfortable to be with me? I'm sleeping on the couch ikaw na ang gumamit ng kama."



          "You are thinking too much."



          "WHY?!" tumaas na ang boses ko.



          Tumagilid ito ng higa patalikod sa akin, meaning she doesn't want to talk about it. Huminga ako ng malalim at nasa aktong pupunta ng kusina para kumuha ng tubig ng muli syang magsalita. "I hate the smell of the bed."



           I frowned.



           "Your scent still lingers..." she said "...though it's slowly fading."



           She's right... unti unti na nga akong naglalaho.



**



            "Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?"



             "I don't –"



              "Jade is not listening to me. Para lang akong hangin kung tratuhin nya ngayon sa bahay. Hindi nya ko kikibuin kung hindi ko sya tatanungin."



           "Ahmm..."



             "She said that I am fading... is that literally? Ginagawa ko naman ang lahat ng paraan para i-assure sya na hindi na ko mawawala sa kaniya. I'd never ask for anything in return! Ang gusto ko lang naman ay ang alagaan ang mag ina ko lalo na ngayon at maselan ang pagbubuntis nya."



             "You know –"



               "Is that wrong? Hindi ko naman hinihingin na magkabalikan kami ang gusto ko lang ay ang bumalik sya sa dati. Yung dating Jade na masigla at puno ng buhay."



             "At least let me –"



              "Dammit! Is being with me that painful? Mukha kasing baligtad ang epekto ng ginagawa ko. Halos ipagsisikan ko na nga lang ngayon ang sarili ko para lang makakuha ng atensyon sa mag ina ko... such a pity."



            "RYAN!"



            "Yes?"



         "Nandito ka ba sa clinic ko para humingi ng payo sa puso? I'm telling you OB-GYN ako hindi ako cardiologist na eksperto sa puso – Mmm, that's wrong kahit cardiologist hindi makakatulong sa iyo you get me? Wala kaming sub-specialty sa pagiging LOVE Expert"



        "Why?" Tiningnan ako ng seryoso ni Doc Jessie. "Sorry."



          "Akala ko ba nandito ka to ask kung paano ma-peprevent ang pagkakaroon ng leg cramps?"



        "That at para humingi ng payo mula sa isang kaibigan."



         Kumunot ang noo nito, "Last time you are here ipinakita mo ang animosity mo sa akin. That's why I'm wondering kailan pa tayo naging magkaibigan?"



          Tumingin ako sa wrist watch. "The moment I entered that door, uh exactly 5 minutes ago? Don't worry paglabas ko ng pinto galit galit na ulit tayo."



         Umiling iling ito at sumandal sa swivel chair. "Aware ka ba kung ilang pasyente na ang nakapila sa labas?"



           "Nope, I stop counting the moment I stepped my foot inside."



            Hindi ko makitaan na naiinis na ito sa kakulitan ko. Dr. Jessie shrugged his shoulder "I'm seeing na ikaw yung tipo ng tao na hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto nya tama ba?"



          "Perhaps"



            Tumango lang ito habang malalim na nag-iisip. "Well to prevent leg cramps makakatulong ang daily exercise. Bakit hindi mo samahan si Jade na maglakad lakad sa labas every morning."



         "That's it? Sa haba ng sinabi ko iyon lang ang masasabi mo?"



           He sighed, "You are really slow huh? What I am trying to say is make her go outside to lighten up her mood. Makakatulong ang fresh air para ma-relax ang isipan ni Jade lalo na at nagiging emotional sya dahil sa pagbubuntis."



       "I've tried that before. Pero mas gusto pa nyang mag stay sa bahay."


        "Tell her na iyon ang pinayo ko para maging healthy at maging safe ang delivery ng baby. Walang magulang na tatanggi kung para iyon sa sariling anak."



        "You are really a genius!"



        "Oh please I always hear that line."



         "And very conceited huh. Alam ba iyan ng mga pasyente mo?"



         "No at wala akong plano."



          "You served your purpose so it's time for me to go." Nag hand salute ako sa Doctor. "Bye Bro!"



          "Wala akong planong magkaroon ng kapatid na katulad mo." Tumawa lang ako. "Ryan..." Dr. Jessie's voice changed and there's a hidden message behind those deep penetrating eyes. "To love is also knowing when to let go and to be happy... alone." He massaged his forehead "You are young, isipin mo sanang mabuti ang sinabi ko."


**



           "Let's head back." Sabi ni Jade. She's seating on the front seat. Nakasandig ang noo nya sa salamin ng kotse at tahimik na pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan sa labas.



           Ang planong pag-picnic sa labas ay nauwi sa malaking trahedya. Bumuhos ang malakas na ulan at nagtraffic sa daan. If we insist on moving forward may possibility na ma-stranded kami sa baha.



          "Pwede tayong mag stay muna sa hotel para magpatila ng ulan." Pagmamatigas ko. Since we got here bakit pa kami hihinto para bumalik?


          I planned this picnic to be perfect pero hindi pa man nagsisimula it became a disaster. Until now naririnig ko pa rin ang sinabi ni Dr. Jessie ng magpunta ako sa clinic.



           Know when to let go and be happy alone...  Hah, is he fucking with me??! How could I be happy alone? Is he some psychic na kayang makita ang hinaharap?



           "Can we just go back? Sumasakit ang ilong ko sa amoy ng ulan."



          Gigil na pinindot ko ng pinindot ang busina ng kotse. I'm never this impatient in my life. Na para bang may papalapit na dead end at tinatakbuhan ko palayo ang finish line, that's what I am feeling right now.



        "Damn traffic! Fucking shit!"


          Nilingon ako ni Jade. "You cussed."



            I smirked. "Bakit? Magagalit ba si baby?"


            Matagal nya kong pinagmasdan. "Do you finally realize it now?"



             Malakas na kumabog ang dibdib ko sa sinabi nyang iyon. Ah so she also seeing the 'Ending' huh, just like Dr.Jess. Why am I the only one who can't see the obvious?



             "You are really a coward, Ryan. Hanggang kailan mo balak tumakbo? You keep on running and running in circle. Bakit ba hindi mo matanggap na we are already hitting the bottom of our relationship. We are both sinking in an abandoned boat"



            Halos mamuti na ang kamao ko na nakahawak sa manibela. "I really admire you Jade. Paano mo nagagawang sabihin iyan without a single expression on your face?" I smile sarcastically. "Sana kung kasing tatag mo ko I can easily let go. I have only one emotion left in my body, and that is my love for you. I still LOVE you crazily Jade; kaya nahihirapan ako na pakawalan ka."



           After looking at me intently and weighing my words she turned her head and look outside the window. "Ryan, would it help you to move on kung sasabihin ko sayo na wala akong naramdaman ng sinabi mong mahal mo pa din ako?"



            Padaskol na nilingon ko sya.



             "As of now, your 'I love you' has no meaning to me it is shallow and thin as a paper." She said that in a cold calmed voice.


          Why Jade? Why are you choosing a path that no one could be happy?


**


A/N: For more updates, games and Q&A (with me) Be an elite and join our monkey eating alien troupes (charot!)

Click nyo lang ang external link to join our FB group. I'll be waiting *super mega wink wink*

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 99.2K 53
Book 1 of Chasing The Bad Girl I want to cry I want to scream I want to tell you mostly I hate that I'm afraid of everything I hate that you're the o...
Hidden Desire By KD

General Fiction

652K 3.1K 5
Kevin Zapanta is a cold-hearted guy. He's married to the most beautiful woman named Alexandra Sue Imperial. Yes, they may be married for quite some t...
71.8K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
408K 7.4K 106
This is a compilation of the best love stories that I wrote for the past two years of my life. Hope you guys enjoy reading my stories. ^^