His Indecent Proposal: Lander...

By JFstories

24.5M 714K 290K

She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her lif... More

Prologue
HIS INDECENT PROPOSAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
The Final Chapter
EPILOGUE

Chapter 20

666K 22K 12K
By JFstories

I almost forgot that my back was wounded. I have to hide the pain as much as possible because I didn't want them to notice, but the pain was getting unbearable.


"Lola," I heard Aviona's whisper.


Kyo was silently driving the car and I was sitting beside him while Aviona was with her lola in the back seat.


"Lola Peach, ano po iyong kapatid?"


Aviona whispered again and I could see her staring at us in the rearview mirror.


Bumulong din iyong matanda. "Ang kapatid ay iyong matapos kang ipanganak, pagkatapos ay kinadyot ulit ng tatay mo iyong nanay mo, nagbuntis iyong nanay at iniluwal iyong kasunod mo. Ganun iyon."


"Ibig pong sabihin, iisa lang ang tatay nilang nangadyot at iyong nanay nilang nagbuntis?"


"Ay, oo, ganoon nga."


"Kung kapatid nya yan, posible ring meron syang santol na may buhok?"


"Aba'y alamin natin."


Oh, crap.


"Nakow, eh ganoon na nga iyon. Pero sa kaso nila Ser, na-unang ipinanganak si Ser Kyo." Paliwanag pa ni lola Peach.


"Ibig din po bang sabihin, Lola Peach, ay posibleng may kapatid din ako." Aviona whispered again.


"Ay siguro naman, hija. Malilibog ang mga Montemayor, eh."


Napasentido na ako. I don't wanna hear their voices. Lalo lang akong nai-stress. Maybe it's better to have a little chat with Kyo.


Tumikhim muna ako. "Why are you doing this?" I asked, without looking at him.


And as I expected, he didn't answer.


He suddenly pulled the car over the side of the street. Lumabas siya ng kotse at nagtungo sa akin. "Get out," he said.


Nagtama muna ang aming mga mata ni Aviona sa rearview mirror bago ako bumaba ng kotse.


Humarap ako kay Kyo. We were in the same height yet he was much older than me. Subalit kung titingnan sya ay parang hindi nalalayo ang edad nya sa akin. "What?"


Bigla niya akong sinapak. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na napalupagi sa lupa. Funny because I can dodge a bullet but not his punch.


Agad na lumabas ng koste sa Aviona upang daluhan ako. "Just Lander..."


Ang peste namang matandan ay nanamantala. Doon agad yumakap kay Kyo para awatin ito. "S-Ser Kyo, tama na..."


Kyo left me a death glare before getting back inside the car. He was sitting in front of the steering wheel when he talked. "Get in."


Pumasok kami pero pinauna ko sina Aviona. Sumandal ako sa passenger seat pagpasok ko ng sasakyan. "I ruined your life, didn' I?"


"You did. And you lied to me."


Umigting ang aking panga. Pihadong ang tinutukoy niya ay iyong tungkol kay Aviona. Noon pa niya kasi ako pinagduduhan sa nawawalang Montemayor princess at ilang beses din akong nag-deny sa kanya. This guy was really smart. Siya lang ang bukod tanging nakakabasa ng mga ikinikilos ko.


"And now you have nothing to say," he said sarcastically.


I grinned. "Why are you helping me?"


"Because I care, moron."


"You know how to care now?"


Binuhay nya ang makina at pinaandar ang sasakyan. "Because the strongest men are those who care."


Nice words.


"You don't know that, do you?"


I furrowed my brows at him.


"Commercial yung ng 'Dove deodorant'. Manuod ka kasi ng TV paminsan-minsan."


I laughed at what he just said. "I don't watch TV, you know that."


"I know. Pinalaki tayo ni Ybarra sa ibang paraan."


Hanggang sa namalayan na lang namin na nagkakatawan na kami.


Narinig kong nakikitawa na rin sina Aviona at lola Peach. Why the hell?


"By the way," ani Kyo. "Who is that old bitch?"


Si Lola Peach tiyak ang tinutukoy nya. "She's... just an old bitch."


Naningkit ang asul na mga mata ni Kyo. "Can I kill her?"


Lalong napahalakhak si lola Peach sa likuran ko.


...


LUMAPIT sa akin itong lalaking may katulad ng mga mata ni Just Lander na ang pangalan daw ayon kay Lola Peach ay Kyo. Ang pinagkaiba niya lang nang kaunti kay Just Lander ay mas asul ang mga mata niya.


Tiningala ko sya dahil mataas din sya. Nakakapagtakang nakatitig lang sya sa akin. Narito kami sa isang malawak na lugar kung saan sa di kalayuan ay may helicopter. Iyong sasakyan na may bentilador sa ulo.


Samantalang si Lola Peach at Just Lander ay nasa loob ng kotse. Nakatanaw lang sila sa akin habang kausap ako ni Kyo.


"Do you know who you are?"


Ano raw? Pumaling ang aking ulo.


Napamulsa siya. "Kilala mo na ba kung sino ka?"


Tumango ako. "Isa raw akong Montemayor."


"Ayaw mo bang umuwi sa inyo?"


"Kapag umuwi ako sa amin, paano na si Just Lander?"


Nagsalubong ang kanyang kilay. "Just Lander?"


Napanguso ako. "Hindi ko sya pwedeng iwan."


Napapikit sya. "I get it."


"Ha?"


"Wala. Aalis na ako."


"San ka pupunta? Hindi mo ba kami sasamahan?"


Ano iyon? Bigla siyang darating 'tapos aalis din?


Tinalikuran na nya ako. "Hindi. Pero babalik ako. Aasikasuhin ko lang iyong mga papeles nyo."


"Papeles?"


"Ipapalipat ko kayo sa ibang bansa."


"Ibang bansa?"


Hindi na sya tumugon. Naglakad na sya patungo sa helicopter at doon sumakay.


Bumalik na ako sa koste. "Nakow! Eh, umalis na si pogi."


Napasimangot si Lola Peach habang nakatanaw sa helicopter na ngayon ay papataas na sa ere.


"Pogi?" tanong ko pagpasok sa kotse.


"Ou. Pogi iyong tawag sa gwapong lalaki."


"Ano po iyong gwapong lalaki?"


"Guwapong lalaki. Iyong mga lalaki na masarap."


Napapalakpak ako. "Tulad po ni Just Lander?"


Napagilagid si lola. "Napunto mo, hija."


Nang bumaling kami kay Just Lander ay tahimik lang siya. Minaneho niya ang kotse nang walang kibo. Ano kayang nangyayari? Bakit kaya ang tahimik niya?


Ano kayang nangyayari? Bakit kaya ang tahimik nya?


Mayamaya lang ay bigla nyang inihinto ang kotse sa tabi. Napangudngod sya sa manibela na para bang namimilipit.


Natakot ako. Baka kung ano na ang nangyayari sa kanya kaya lumipat ako ng pwesto sa tabi nya. "Juts Lander, anong nangyayari?"


Dumulog na rin si lola. "Ser, anong nangyayari? Masakit ba titi nyo?"


Nakababa na agad-agad ng sasakyan si Lola Peach at nakaikot sa gilid para buksan ang pinto sa tabi ni Just Lander.


"Damn." Singhal ni Just Lander. Tagaktak na ang pawis nya.


Naisipan ko syang hipuin sa leeg. "Hala, ang init mo!" may luha na sa mga mata ko.


Iyong huling beses na uminit kasi ako nang ganito ay iyong bata pa ako. Sobrang sama ng pakiramdam ko nang panahong iyon. Ang sabi sa akin ni Lola Peach noon ay trangkaso raw iyon.


"Nakow! Nilalagnat si Ser."


"Ano pong gagawin natin, Lola?"


"Ikaw muna magmaneho. Huhubaran ko lang si Ser."


"Eh, Lola, baka mabangga tayo kapag ako nagmaneho."


Bago pa ako makaakto ay mabilis nang natanggalan ni lola Peach ng mga butones si Just Lander.


"Ang galing nyo po, Lola. Ang bilis nyo magtanggal ng butones!"


"Syempre, marami na akong natanggalan ng butones. Karamihan pa nga ay sa pantalon." Sabay baling nya sa akin matapos nyang mangiti. "Pucha! Magmaneho ka na!"


"Opo, Lola." Hihilahin ko na sana si Just Lander para magkapalit kami ng pwesto at makapagmaneho na ako, pero hindi siya nagpapahila.


Napaka-init niya. Namalayan ko na lang na lumuluha na pala ako. Abot langit kasi ang kaba ko na baka kung anong mangyari sa kanyang masama.


Nawala ako sa sarili at napayakap na rin ako sa kanya. Hindi ko napansin na napahawak ako sa kanyang likuran. Napahiyaw siya sa sakit.


"Just Lander, bakit?!"


Binuklat ni lola ang damit nya sa likuran. Nawindang kami nang makita namin ang sugatan nyang likod.


"Anong nangyari dyan? Bakit sya puro sugat sa likod?"


Tumingin sa akin si Lola Peach na para bang may alam. Subalit pinili niya na manahimik. Hinila niya si Just Lander palabas ng driver's seat na mabuti ay nagpahila naman. Agad akong lumapit para tumulong sa pag-alalay na makalakad si Just Lander papasok sa backseat.


"Ako na ang magda-drive." Itinulak ako ni Lola Peach papasok sa tabi ni Just Lander. "Bantayan mo si Ser!" Seryosong-seryoso siya na bumalik sa driver's seat para harapin ang manibela.


"L-Lola, ano pong gagawin natin? Baka kung mapaano po si Just Lander?"


"Kailangan natin ng matutulyan." Seryoso nagmamaneho si lola.


"S-saan po tayo tutuloy?"


"May alam ko. Sana lang ay naaalala nya pa ako."


"Kanino po?"


Inihinto nya ang kotse at saka napapikit. "Sa ati ko."


...


ANG gara naman ng bahay na ito ng ati ni lola Peach. Kulay berde at pabilog ang bubong. Animo itong malaking pagong.


Alam ko kasi ang hitsura ng pagong. Iyon ay hayop na may bahay sa likod. Minsan na naiguhit ni Lola ang hitsura noon kaya alam ko.


Pero nakakapagtaka lang. Bakit kaya hindi siya pinansin ng ati niya? Magkagalit kaya sila?


Mukhang mataray ang ati ni Lola Peach nang pagbuksan kami kanina ng pintuan. Gayunpaman ay pinapasok naman kami nito sa loob ngunit iniwan din pagkatapos. May nira-rush daw kasi ito sa kuwarto nito.


"Ang pasyonista ng ati ko ano, hija?" siko ni Lola Peach sa akin matapos naming dalhin si Just Lander sa isa sa mga kuwarto sa bahay na ito ng ati niya. "Hindi mo aakalaing isang bulate na lang ang pipirma, todas na!"


Napatango ako. Nakakatakot ang itsura ng balat ng ati ni Lola Peach na tila plinantsa sa sobrang pagkabanat, at ang ulo ay halos mapanot na sa dahil sa sobrang nipis ng itim na itim na buhok na nasa tuktok niyon. Kaya raw ganooon ang itsura nito ay dahil sa buwan-buwang pagpapa-botox at gabi-gabing pagti-tina ng buhok.


Ilang sadali pa ay lumabas na ng kwarto ang ati nya. Pawisan ito at kasunod ang tatlong lalaki. Mas kulubot ang balat nito kaysa kay lola Peach.


"De pungas ka talaga, Pechay! Kahit kailan istorbo ka!"


Pechay ang tawag nya kay lola Peach?


"Emerdyensi."


"Marami ka namang bahay, Pepita! Akala ko ba okay ang raket mo kaya ka naglayas sa atin noon? Eh, bakit ngayon hihingi-hingi ka sa akin ng tulong diyan?!"


"Hindi ako puwedeng umuwi sa kahit saan doon. Sige na, ati! Minsan lang naman ako humingi ng pabor sa'yo. Hindi ba at sa ating dalawa ay ikaw ang may pinaka-matulunging puso?"


Tumaas ang kilay ni Lola Merdie na kapatid ni Lola Peach, kaya ni-lola ko na rin ito.


"Wala na kaming malapitan, ati. Isa pa, kasama ko ang amo ko at nasa panganib kanyang buhay." Paliwanag ni lola.


Lalo akong natakot sa sinabi nyang nasa panganib ang buhay ni Just Lander.


"Sinong Ser? May abs ba yan?"


"Nakow! Eh, marami, ati!"


"Tangina, eh bakit ngayon mo lang sinabi? Nasaan yan?" akma na itong hahakbang nang mapatingin sa akin. "Eh, teka, sino ere?"


"Ah, si Aviona." Bumaling sa akin si lola Peach. "Aviona, sya iyong kapatid ko. Si Merdie."


Merdie? Ang ganda ng pangalan. Parang mermeyd? Iyong babaeng kalahating katawan ay isda. Isa rin kasi iyon sa mga iginuguhit ni lola at ipinapakita sa akin noon.


"Merdita ang tunay niyang pangalan at ako naman ay Pepita," paliwanag sa akin ni Lola Peach. "Mahigit dalawampung taon ang tanda niya sa akin dahil menopausal baby ako. Tawagin mo siyang Lola Merdie. Wag kang mag-alala, hija. Kahit matanda na 'yan ay mas malakas pa rin sa baka. Hindi pa rin nag-uulyanin. We're seyp here!"


"Oh, sya. Nasaan na iyong may abs este, iyong Ser mo?" nanggigigil na tanong ni Lola Merdie.


Pinuntahan namin si Just Lander sa kabilang kuwarto kung saan namin sya inihiga. Dali ko syang nilapitan nang makita kong bumibilis ang paghinga nya. "Just Lander, anong nangyayari?" nanginginig na ako.


Bahagyang napadilat si Just Lander at hinaplos ako sa mukha. "A-ayos lang ako..."


Ngunit wala sa hitsura nya. Pawis na pawis sya.


Napaatras si lola Merdie. "Asul na mga mata? Matangos na ilong? Mapulang mga labi? Makakapal na kilay? Pangahang mukha? Nakakagigil na abs?" namumutla itong napatingin kay lola Peach. "Isa ba itong Montenegro?"


Maamong napatango si lola Peach. "Magpapaliwanag ako ati."


"Alam mo bang mahigpit na kalaban ng mga Montemayor ang mga Montenegro?! At alam mo naman siguro na sa mga Montemayor ako nagta-trabaho!"


Napatayo ako nang marinig ko iyon. "Kalaban po? Pero hindi po kami magkalaban ni Just Lander."


Napatingin sa akin si lola Merdie. "Ano bang sinasabi ng de puta na 'to?"


Bago pa makasagot si lola Peach ay nakapagsalita na ako. "Isa po akong Montemayor."


Naestatwa si lola Merdie. "Ha?" namumutla itong napatingin sa kapatid. "Ibig mong sabihin, sya si..."


Marahang napatango si lola. "Oo, ati. Sya ang nawawalang anak ni Don Hendrick Montemayor."


"Dios mio, Pepita! Ano itong gulong pinasok mong black sheep ka!" Natutop ng matanda ang sariling bibig. "Ibig sabihin, sya ang nawawalang anak ni Ser Hendrick?"


Pumaling ang aking ulo. "Kilala nyo po ang tatay ko?"


"Kilalang-kilala! Aba, eh matagal na nong pinagpa-pantasyahang sakalin ang leeg ko!"


Lumapit ako kay lola Merdie at hinawakan ko ito sa kamay. "Maawa po kayo. Tulungan nyo po si Just Lander."


Lumamlam ang mga mata nito. "Kung iyan ang iyong kahilingan, Ma'am Aviona. Gagawin ko ang buo kong makakaya."


"Salamat po."


Bumaling ito kay lola Peach at tiningnan nito si lola nang masama. "Hindi pa tayo tapos, ah!" Pagkuwan ay nilapitan na nito si Just Lander.


Pinadapa ito at tiningnan ang sugat sa likod. "Namamaga ang mga sugat nya."


"Saan nya po kaya nakuha iyan?"


Pinakatitigan iyon ni lola Merdie. "Hataw ito ng latigo."


"Latigo?" alam ko iyong latigo. Bagay ito na mahaba na parang tali at nakakasakit. "Sino po kaya ang manlalatigo sa kanya?"


"Nilatigo nya ang sarili nya." Sabad ni lola Peach.


Napalingon kami sa kanya. "Bakit naman po nya ggawin iyon?"


"Dahil," pumiyok si lola Peach. "Sa'yo..."


"Ha?"


Humakbang si lola palapit sa amin. "Nilalatigo nya ang kanyang likuran sa tuwing..." pumataka ng luha ni lola. "A-Aviona..."


"L-Lola..." yumakap ako sa kanya. "Sige po, Lola, sabihin nyo po sa'kin."


"Nilalatigo nya ang sarili nya, Aviona." Yumugyog ang balikat ni lola. "Nilalatigo nya ang sarili nya sa tuwing... nasasaktan ka nya."


Nang marinig ko ito ay bigla na ring tumulo ang aking luha.


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

Kiss Stealer By A

Teen Fiction

6.8M 73.3K 28
"Ang normal na tao.. ninanakawan ng pera, cellphone, wallet, ipods, laptops, pagkain, inumin at iba pa. I guess I'm not normal kasi ang ninanakaw sak...
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
5.3M 105K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
21.6M 703K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...