My Brothers and Me

By katcakes_

84.4K 2.8K 254

Pogi. Habulin. Famous. Suplado. Ilan lang yan sa mga pwedeng idescribe sa mga kuya ko, sa totoo lang mabait r... More

My Brothers and Me
Chapter 1: Nerdy Girl
Chapter 2: Monggi
Chapter 3: Life Saver
Chapter 4: Is that true?
Chapter 5: I don't know
Chapter 6: Deal
Chapter 7: Friends?
Chapter 8: Kilig much?
Chapter 9: Preparing
Chapter 10: Basketball Game
Chapter 11: Ms.English
Chapter 12: Otw to Ilocos
Chapter 13: Kiss? O_O
Chapter 14: Ilocos
Chapter 15: Kylie and Arden
Chapter 16: Getting Closer
PLEASE READ ::
Chapter 17: Untitled
Chapter 19: Foundation Day
Chapter 20: Truth
Chapter 21: Mowdel
Chapter 22: Really Close Friend
Chapter 23: Cheezy
Chapter 24: HBD Celine
Chapter 25: Tickets
Chapter 26: Concert
Chapter 27: Hindi mo maamin
Chapter 29: Prom
Chapter 28: Feelings
Chapter 30: Revelation
Chapter 31: Courting
CHAPTER 32: LQ Agad?
Chapter 33: Marupok

Chapter 18: Hi Celine

2.2K 90 22
By katcakes_

[[ Dedicated to : @mariakylabelga6 ulit :))  ]]

    thankyou sa pagaabang, at pagsuporta mo sa story. sobrang natutuwa ako!! ^_^ Thanks bebe!! ;)

--

Jelsie.

"Hmm.." bat parang may gumigising sakin?? Kumakain pa ko ng chichirya ha?

"Jelsie!! Bat dito ka natulog sa sofa?? Tapos di mo pa niligpit kinainan mo?? Tska paano ka nakabili nito?? Lumabas ka ng bahay kagabi?? Jelsie huy!" dinilat ko yung mata ko, napaingay ni Kuya Cob e.

"Hmm..kuya..nakatulog na pala ko dito e," sabi ko sabay punas ng bibig ko, baka may laway pa ko eh ew haha.

"Tsk..eh paano ka nga nakabili nito?? Lumabas ka kagabi?? Diba sabi naman namin sayo wag--"

"Dinalan ako ni jestin. Okay na kayo? So patulugin niyo muna ko kuya! Please lang. 4:00am palang." Sabi ko, napangiti naman sila kuya. Hays, alam ko iniisip ng mga to eh.

"Ayt! Hindi! Hindi! Mag luto ka ng breakfast, dalan mo si jestin. Nakakahiya dun sa tao," sabi ni kuya jarred, ehhhh!

"Kuya," angal ko.

"Wala kabang utang ng loob kay jestin??" fine, meron.

Bumangon na agad ako, para magluto. Hmm..breakfast food?? Bacon na lang nga tska tocino..okay naman na siguro yun..di naman ako marunong magluto e, pero para sakanya gagawin ko to.

PRITO PRITO PRITO...

nilagay ko sa tupperware tong mga niluto ko, pero teka? Paano ko to mabibigay sakanya?? Di ko naman alam bahay niya e??

"Kuya Jai. Paano ko to maibibigay?? Di ko alam bahay niya e??" sabi ko, mga 4:30am palang siguro ngayon.

"Hmm..hatid kita..okay na ba yan??" sabi ni kuya jairus. Tumango nalang ako.

kahit di pa ko nakakaligo, aabot ko lang naman to e.

--

*ding dong..ding dong..*

Laki pala ng bahay ni monggi.

"Ahm. Goodmorning po. Paki abot naman po ito kay jestin. Salamat po." sabi ko dun sa nagbukas ng door. Maid siguro, nakadamit pang maid eh.

"Ahm..ano ito?" tanong sakin nung maid.

"Bacon and Tocino po." ngumiti naman siya sakin.

"Alam mo yata ang favorite ni young master ha? sige iaabot ko ito," sabi niya, mabuti naman kung ganon. Paalis na sana ko ng may narinig ako.

"Ate Jelsie? Is that you po?" pagtingin ko, si Celine. So cute!! Namiss ko ang batang to.

"Yes, celine. I miss you!" sabi ko, tapos lumabas siya ng gate tska yumakap sakin, ako din naman.

"I miss you too! So much po ate!" sabi niya, tapos hinila niya ko papasok sa bahay nila, nagsign naman ako kay kuya jairus ng wait lang. Pumayag naman siya.

**

"Ate! invite kita sa birthday ko ha? 7th birthday ko po sa saturday." sabi niya, tumango naman ako.

"sabi ko na nga ba ate, ikaw yung jelsie na tinutukoy ni Kuya Jes eh, kasi naman sabi niya nakasalamin ka daw, medyo nerd ka daw pero maganda ka naman--" di na natapos ni celine pagsasalita niya kasi bumaba sa hagdan si jestin.

"Celine! Ano ginagawa ni manang dito??" sabi ni jestin.

"Who is manang?" tanong ni celine, ang cute cute talaga ng batang to.

"Ayan," sabay turo sakin. Bat ba kasi di niya ko tawagin ng pangalan ko?

"Ah. Si ate Jelsie. Nagdala kaya siya ng breakfast mo," sabi ni celine, napangiti nalang ako kay celine.

"for what?" tanong ni jes.

"Ah..eh..tungkol sa kagabi, hehe. " sabi ko, napatango nalang siya. Siguro, naintindihan na niya na bawi ko sakanya yun.

"Ah. So ibig sabihin, ikaw nga yung tinutukoy ni Celine??" napatango naman ako kay jestin.

"okay." sabi pa niya, nagpaalam ako na aalis na ko kasi nagaantay pa si kuya jai, at may pasok pa.

Lumabas ako at sumakay ng sasakyan tska kumaway kay Celine.

"Kilala mo kapatid ni jes?" tanong ni kuya jai sakin.

"Uhm..yes, actually nagmeet lang kami nun sa mall 2years ago na. tapos ayun basta..tas ininvite niya lang ako sa birthday niya." Napatango naman si kuya sakin.

"Ah..ininvite niya rin kami," sabi ni kuya, napa ok naman ako sakanya.

Dumating na kami sa bahay at nagbihis dahil may pasok pa.

~~~

"Jelsie, anong oras uwi mo?" tanong sakin nila kuya, bago kami bumaba ng sasakyan. Nandito na kami sa school.

"Same parin, 4:30pm. " sagot ko tumango naman sila, tska bumaba na kami ng sasakyan.

Sinabayan ko sila kuya sa pagpasok sa campus, minsan lang to noh.

"Jai! Paselfie naman!!" hala, pinagkakaguluhan nanaman sila T_T 

Nakipagselfie naman sila kuya jai, buti nagbell na kaya pumasok na yung mga babae sa room nila.

"Kuya, grabe pala yung araw araw niyo. Di ba nagsasawa mga yan sa pagmumukha niyo?" tanong ko kila kuya habang paakyat kami sa hagdan.
"Iba ibang mukha araw araw yung nagpapaicture e," sagot ni Kuya Red.

"Ahh."

Pumasok na ako sa room ko, at nakita ko dun si Kylie.

"Hay, kala ko di ka papasok bes. Loner tuloy ako dito," sabi niya, ako naman umupo na.

"bes talaga, kahit wala ako maraming makikipagkaibigan sayo. kasi maganda ka." sabi ko.

"Hay bes! pero sobrang excited na ako sa foundation day, kahit kissmark booth lang satin," sabi niya, natawa naman ako. "Alam mo ba, yang si arden? napakasama ng ugali! Porket photobooth sakanila eh, tinawanan ba naman yung kissmark booth natin." sabi niya pa.

"Sus, si jestin ganyan din. tumawa din," sabi ko naman.

"Ayieeee! Bes ha! alam mo, bagay kayo." sabi niya, napa tss nalang ako. Buti dumating na si maam, may sasabihin pa to e.

"are you guys prepared? for the foundation day tomorrow?" tumango nalang kami kay maam, kahit di pa talaga kami ready hahaha!

after 1234years...choss...uwian na...

lumabas na kami ng room ni Kylie, nagulat ako kasi may nagtext sakin.

From: 0987***
Hi ate jelsie! celine here! don't forget to go sa 7th birthday ko okay? Sama mo na rin sila Kuya Kambal and Kuya Jacob. Thankyou ate! :*

Aww. Si Celine pala tong nagtext, namiss ko tuloy tong batang to.

To: Baby Celine ❤
Osige baby! :) punta ko, syempre. ingat.

"Arden naman, wag ka na ngang sumabay sakin mamaya!! ang kulit mo ha!! bahala ka!!" si Kylie, kausap sa phone si arden.

"Uy!! yieeee! bat siya pupunta sainyo mamaya??" tanong ko kay Kylie pagkaend niya nung call.

"Ininvite siya ni mama, dinner nanaman daw. Kainis. Di nagsawa sa pagmumukha ni arden!" sabi ni Kylie, sabay upo sa may bench sa labas ng room namin.

"Haha! kulang na nga lang ipakasal na kayo e," sagot ko, napaface palm naman siya. Bakit kaya?

"Hmm. Pinaalala mo pa, jel! alam mo ba, sabi ni Mama Kate tska ni Tita Ara pag lumaki daw kami, pag nakatapos ng college. kami daw ipapakasal." sabi niya pa, natawa naman ako bigla.

"Seryoso ka ky?? Hahaaahaha!!" tanong ko, habang tumatawa tawa pa.

"Oo! Hmm..kainis, ayaw ako payagan ni mama mag boyfriend kundi lang din daw si arden," sabi niya, natatawa tuloy ako.

"Hahaha! Oh speaking of arden, ayan na sila oh!" sabi ko sabay turo kila arden at jestin na papalapit dito sa inuupuan namin..

"Oy!" sigaw ni arden, inirapan naman siya ni Kylie.

"Hi arden," sabi ko nalang.

"Problema nanaman ba nyang babae na yan?" sabi ni arden, natawa tuloy kami ni jestin.

"Ah..wala..gutom lang tong si kylie, kumain nalang tayo jan sa may kfc sa labas," sabi ko nalang, magaaway pa silang dalawa e.

pumunta na kami dun tska kumain..may tumawag naman ulit sakin..

baby celine calling..

"Hi Celine!"

[Hi ate! Sorry napatawag ulit ako, by the way kasama mo ba si kuya jes? Can i talk to him please.]

Binigay ko naman yung phone ko kay jestin.

"Si Celine," sabi ko.

"Oh Celine?...Ikaw nalang magsabi..Nakakaistorbo ka sa tao e, ...oo na...sige sige bye..be a good girl okay?..sige." -jestin.

"Is that Celine? Namiss ko na ang batang yun!" sabi ni kylie, close din pala sila.

"Yes," sabi ni jestin. "Ah Manang!" napatingin naman ulit ako sa nagsalitang si jestin.

"I love you," nabulunan naman ako sa sinabi niya, napatingin din tuloy si arden at kylie, nag patay malisya nalang ako.

"Pinapasabi ni Celine," sabi niya.

"I love you too." sagot ko naman, halatang nagulat siya eto namang si arden at kylie pinipigilan yung pagtawa, napainom naman ng coke si jestin..

"Pakisabi kay Celine," sabi ko. Tumango naman siya.

"Alam niyo...feeling ko balang araw magiging kayo din," sabi ni arden, napa tss nalang ako sakanya. napansin ko namang pinagtitinginan kami ng mga tao, syempre alam niyo na kasama ko yung tatlong famous.

"Ay manang, naalala mo pa ba yung deal? yung magdedate tayo palagi?" shet, oo nga pala! pinaalala niya pa tsk!

"Uh, tagal na nun eh?" pagmamaangmangan ko.

"Oo nga, pero bukas nalang tayo magstart, tutal foundation day bukas..sakin ka sumama okay ba?" tanong niya, tumingin ako kay Kylie at nagthumbs up naman siya.

"K fine." Sabi ko nalang..

~~~

Sorry, matagal akong mag UD naguguluhan na ako sa sarili kong story hahahahaha joke. So ayun, foundation day na tom kaya maraming kilig moments dun hihi! :) madaming kilig moments sila jarred-ysabel, tska jestin-jelsie tapos may extra dun for jacob-trixie and jairus-kelly. basta yun, intayin niyo nalang hahahaha. godbless you all!

ps ; malapit na mag 500 reads! Wah! Sobrang saya ko na nun hehe thankyou :* much loveeeee <3

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
78K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
303K 21.1K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...