Freaking Romance in Progress...

By frosenn

409K 12.3K 7.2K

Coleen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long... More

Talian Mo Ko x Freaking Romance in Progress
Prequel 1
Prequel 2
Prequel 3
Prequel 4
Prequel 5
Prologue
SEASON ONE: Perks of Having Each Other
POHEO 1
POHEO 2
POHEO 3
POHEO 4
POHEO 5
POHEO 6
POHEO 7
POHEO 8
POHEO 9
POHEO 10
POHEO 11
POHEO 13
POHEO 14
POHEO 15
POHEO 16
Inquiry
POHEO 17
POHEO 18
POHEO 19
POHEO 20
POHEO 21
POHEO 22
POHEO 23
POHEO 24
POHEO 25
POHEO 26
POHEO 27
POHEO 28
POHEO 29
POHEO 30
POHEO 31
POHEO 32
POHEO 33
POHEO 34
POHEO 35
POHEO 36
POHEO 37
POHEO 38
POHEO 39
POHEO 40 (SEASON 1 FINALE)
SEASON 1 FINALE: Special Chapter
SEASON 2: Freaking Romance in Progress
FRIP 41
FRIP 42
FRIP 43
FRIP 44
FRIP 45
FRIP 46
FRIP 47
FRIP 48
FRIP 49
FRIP 50
FRIP 51
FRIP 52
FRIP 53
FRIP 54
FRIP 55
FRIP 56
FRIP 57
FRIP 58
FRIP 59
FRIP 60
FRIP 61
FRIP 62
FRIP 63
FRIP 64
FRIP 65 (SEASON 2 FINALE)
SEASON 2 FINALE: Special Chapter
Epilogue
Afterword
Damgeen High School Musical

POHEO 12

4.3K 139 47
By frosenn

Chapter 12

Back to School

   

Nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pinto. Kinusot ko ang aking mga mata at napahikab.

"Yaya?" wala sa sarili kong sambit.

Nilingon ko ang orasan sa nightstand at napagtantong alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Bumaba ako sa kama para matignan kung sino ang kumatok.

"Romeo..." mahina kong sinabi.

Hanggang ngayon ay inaantok pa rin ako. Mas lalong ginulo niya ang aking buhok nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Tumatawag ang mommy mo. Kausap ni Auntie sa baba," aniya.

Para akong nabiyayaan ng agarang sigla nang marinig ko ang sinabi ni Romeo.

Isang buwan na rin ang nakalilipas nang huling tumawag sina Mom at Dad! Ano kayang balita ang dala nila ngayon?

"Thanks!" Sabay karipas ko ng takbo pababa sa sala.

Naabutan ko si Yaya na nakapantulog pa, mukhang naabala rin sa biglaang tawag nina Mom at Dad.

"Yaya!" aniko.

Napalingon siya sa akin at may maikli pang sinabi muna sa telepono bago ibigay sa akin iyon nang tuluyan.

"Mommy?" Nilagay ko ang isa kong kamay sa aking baywang.

Nagkaroon ng kaonting static sa kabilang linya. Nang umayos muli ang daloy ng tawag ay narinig ko ang mala-tiling pagbati ni Mom.

"Oh, my God! I miss you, sweetie..." ani Mommy.

Pinaypayan ko ang aking mata nang nagbabadya na namang bumuhos ang mga luha ko. Nagtatatalon pa ako and I'm sure Mom's doing the same thing.

Kung kanino ko namana ang aking kakulitan ay hindi na nakapagtataka kung kanino. It's from my Mom, pati na rin ang katarayan. Kay Daddy ko namana ang pagiging malambing at pagiging mapagkumbaba, bagay na madalas napupuna ng mga kakilala.

"Mom!" I cried.

Tila nawala lahat ng mga salita ko sa aking bokabularyo nang narinig ko ang boses ng aking mommy. Pakiramdam ko, sa dinami-rami ng nangyari simula nang umalis sila, ngayon ko kailangan ng makakausap tungkol sa mga bagay na iyon.

"Honey..." Huminahon ang kanyang boses.

Medyo lumayo ako sa sala nang naramdaman kong kailangan namin ng privacy tungkol sa pag-uusapan namin ngayon.

"I heard what happened about Li and Fernand," ani Mommy.

Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad patungo sa mini garden. Umupo ako sa duyan na nakatali ang magkabilang dulo sa dalawang sanga ng puno at bahagyang itinulak ang bigat ko kaya iyon umugoy.

"Mom, nagkita ba kayo nina Tita Liona?"

Hindi na ako magugulat kung alam na nila ang mga nangyari. Besides, they're in the same country. Kilala nila ang isa't isa at naging malapit na rin nang dahil sa relasyon namin ni Colt.

"Isa ako sa mga kasama ni Li noong makita niyang may ibang babaeng kasama si Fernand."

Napatikhim ako. "So, it's really true..."

"I don't know, honey. They used to love and care dearly for each other. I know it. Kaya ayaw ko munang maniwala na totoong kalaguyo iyon ni Fernand."

Natahimik ako. Kinulot ko ang dulo ng aking buhok at napakagat sa pang-ibabang labi.

"How's Colt?" tanong ni Mom.

Pakiramdam ko ay nagkasugat ang labi ko dahil sa pagkakakagat nang narinig ko ang tanong ni Mommy.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang ikuwento ang lahat. Ito ang unang pagkakataon na isasalaysay ko simula sa una ang mga nangyari. Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang lahat nang hindi umiiyak. Maybe Mom's really a comfortable person for me to talk to.

"I see... Colt needs your care specially with his situation right now, honey."

"Pero paano?"

Umayos ako ng upo pagkatapos kong ikuwento lahat-lahat. Ibinaba ko ang aking mga paa at sinayad sa damuhan.

"Why are you asking me? It's you who know what to do."

Pinagmasdan ko ang bahay na katapat ng bahay namin. All lights were off and his room was not an exception. Thoughts began to badger me.

Paano kaya siya nakatulog? Dahil na naman ba sa alak? O baka naman normal lang ang lahat ngayon para sa kanya... kahit wala ako.

"I'll try my best, Mom..." buga ko ng hangin kalaunan.

Ang totoo, gustuhin ko man ay tila nawawalan ako ng lakas ng loob.

"You must try your very best, sweetie. Titignan na rin namin ng dad mo kung ano ang maitutulong namin sa mag-asawa..."

Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

"Thank you, Mommy. Sana magkaayos na sina Tito. I can't bear seeing Colt so depressed like this. He loves his parents so much, Mom. Sayang po sina Tita. Alam ko na mahal nila ang isa't isa."

"Don't worry. Kami na ang bahala ng dad mo. We'll make sure na makakauwi kaming apat sa Christmas to celebrate together with the two of you, honey. We miss you so much..."

Ngayon ko lang naalala na ilang linggo na lang din ang bibilangin bago ang pasko. Sana lang ay maayos na ang lahat bago pa man iyon sumapit.

Nakausap ko rin si Dad sa telepono. He confirmed that they'll go home for Christmas. Sobrang sayang isipin na kumpleto na naman kami para ipagdiwang iyon hanggang sa bagong taon.

Natapos ang pag-uusap sa ilang mga bilin at paalala. Pumasok ako sa loob ng bahay upang iabot kay Yaya Jupiter ang telepono. Samantala, naabutan ko naman si Romeo na mukhang tensiyonado sa may staircase.

"Why do you look so tensed?"

Ngumisi siya. "Mayamaya ay makakausap ko na ang reyna't hari ng palasyo, Señorita..."

Tumawa ako at tinapik siya sa balikat. "Worry not. My parents won't bite."

"I know..." aniya.

Muli ko siyang tinapik at humakbang na ulit pataas ngunit hinawakan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kanya.

"What?"

"Going back for school?" untag niya.

Umawang ang aking bibig nang hindi ko inaasahan ang tanong niya.

"Yup! Why?" sabi ko.

"Can I come? I wanna see your school."

Ngumiti ako at tinango ang aking ulo. Wala namang masama kung sasama siya. Siguro naman ay hanggang sa loob lamang siya ng sasakyan kaya pinaunlakan ko na.

Simula kahapon nang nalaman kong may girlfriend si Romeo, nawala ang awkwardness ko sa kanya. Marahil ay alam kong wala siyang masamang intensiyon sa akin. Natatawa na lang ako tuwing naaalala ko ang mga akala ko noon.

Binitawan na niya ako kaya mabilis akong pumanhik sa aking kuwarto.

It's almost five in the morning. Sinimulan ko nang maligo. Pagkatapos ay maligaya kong sinuot ang uniporme.

Pinagmasdan ko ang repleksiyon ko sa salamin habang inaayos ang aking necktie. Kahit bakas ang stress sa mukha these past few days, ngumiti pa rin ako. Isang tunay na ngiti.

Parang may humaplos sa aking puso. Seeing myself happy again is a big surprise for me. I want to see Colt right away!

Halos talunin ko na ang hagdanan para lang makababa agad.

Naghihintay na sa akin si Yaya Jupiter at Romeo sa hapag-kainan. Hinila ko na ang pinakamalapit na upuan at dinaluhan sila sa hapag.

"Excited?" ngisi ni Romeo habang pinapasa sa akin ang fried rice.

Tinango ko ang aking ulo at ngumiti. Words cannot describe what I'm feeling right now. Ngayong alam ko na ang dahilan kung bakit ako nilalayuan ni Colt ay parang kayang-kaya ko nang resolbahan ang lahat ng ito. Nakatulong din ang mga payo ni Mommy.

Though, hindi pa rin maaalis sa akin ang pag-aalala sa kanya dahil sa kanyang mga magulang. I just hope that they can fix it as soon as possible. Kahit para na lang kay Colt. Ayaw ko nang ganoon siya, parang estrangherong hindi ko kilala at walang pake sa mundo.

Mabilis kaming natapos sa almusal at sabay na rin kami ni Romeo na pumunta sa sasakyan.

Binati pa kami ni Mang Chris bago kami tuluyang tumalak paalis sa garahe.

Ewan ko ba. Parang lahat ng bagay, kahit ultimong pinakasimpleng gestures lang ng ibang tao ay pakiramdam ko, nakakadagdag ng enerhiya ko ngayong umaga para kausapin si Colt.

Buong byahe ay tahimik lamang kami. Hindi ko na masyadong napapansin na may mga kasama nga pala ako.

I closed my eyes. In-imagine ko ang maaaring mangyari mamaya kapag nagkaharap kami ni Colt.

Sigurado akong hindi niya ako papansin. Maaaring lampasan niya lang ako na parang hangin. I should expect that coming, alright. Puwede ko siyang hilahin patungo sa isang bakanteng kuwarto at yakapin siya nang napakahigpit.

Nakikita ko iyon sa mga dramaserye. Sa ganoong paraan ay baka mahimasmasan siya at hayaan akong magpaliwanag. Sasabihin ko kung gaano ko siya kamahal at iyon din ang gagawin niya.

Posible ring halikan niya ako. O 'di kaya'y baka ako pa ang makahalik sa kanya kapag maayos na kami dahil I super missed him!

Tumagilid ako. Minulat ko ang aking mga mata upang pagmasdan ang mga sasakyang kasabay namin at humugot ng malalim na hininga. Isang hingang nangangarap para sa magandang aftermath ng araw na ito.

"I think we're here..." anunsiyo ni Romeo nang makita ang tuktok ng aking eskuwelahan mula sa aming puwesto.

Sinilip ko rin ito mula sa bintana. I sighed dreamly.

"I think I'm home..." Ngumiti ako.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Romeo. Hindi ko na iyon pinansin at inaabangan na lamang na makapasok kami nang tuluyan sa school at sa parking area.

Nang na-park na ni Mang Chris ang sasakyan nang maayos ay mabilis kong dinampot ang aking mga gamit at lumabas na.

Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na dudampi sa aking balat. Humigop ako ng hangin at pinagmasdan ang paligid.

Kung noon ay madalas akong napapairap dahil paulit-ulit na lang itong routine na ito; ngayon nama'y para akong nakauwi sa sariling tahanan matapos ang napakahabang paglalakbay.

Naglalakad na ako nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan.

Si Romeo na ngayon ay walking tall na papalapit sa akin.

"What are you doing?" Hinarap ko siya. Napahinto ako sa paglalakad.

Tinaasan niya ako ng kilay at binaba ang kanyang aviators tungo sa mga mata niya.

"Ihahatid kita hanggang sa room mo, Señorita..." aniya.

Agad naman akong napahakbang nang paatras upang magprotesta.

"No! Hindi puwede!" giit ko.

"Why?"

Napalingon siya sa akin. Piningot niya ang kanyang ilong. Parang hindi maintindihan ang sinabi ko.

"Baka makita na naman tayo ni Colt."

"Kung mahal ka talaga niya ay hindi iyon magpapadala sa selos, alright?"

Naglakad na siya at inakbayan ako.

"You don't understand-"

And just by that, nagkatotoo nga ang hinala ko.

Nakita namin ang grupo ng mga sasakyan na magkakasunod na nag-park sa hindi kalayuan sa amin. Nang makita ko si Peter na unang lumabas ay hindi na ako puwedeng magkamali.

Humahalakhak na lumabas ang iba. Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Colt.

Bakit kailangang guwapo pa rin siya sa kanilang uniporme?

I missed that look of him. Iyong pormal siyang tignan sa ganyang outfit.

Sinabit niya ang kanyang bag sa kanyang kaliwang balikat at naglakad na, hindi na inabalang tignan man lang ang kanyang mga kaibigang nagtatawanan. Marahil ay nag-racing na naman ang mga ito papunta rito sa school.

Colt's morning seemed a bad one for him to have that face on him. Sinundan na rin siya ng kanyang mga kasama na unti-unting nalalaman na nandito na rin ako. Pinagtitinginan nila ako ngunit kay Colt lamang nakatutok ang aking buong atemsiyon.

Naghuramentado ang aking puso nang papalapit na sila. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita, o kahit batiin man lang siya, ngunit nagbago ang isip ko nang natanaw ang kanyang hitsurang mukhang hindi tatanggap ng anumang pagbati.

Naestatwa na lang ako hanggang sa nalagpasan na lang nila kami. Hanggang sa nalagpasan niya na lang ako. Ni hindi ko nga alam kung nakita niya ba ako dahil sa matagal kong pagsunod ng tingin sa kanya'y hindi ko pa siya nahuhuling sumusulyap sa puwesto ko.

But I think it's also impossible that he didn't notice me. Dinaaanan niya ako, sa harapan ko mismo. Kaya kahit siguro hindi niya ako lingunin ay malalaman niya ang aking presensiya.

Dahil sa pagkatulala ay hindi ko na napansing nakaakbay pa rin pala sa akin si Romeo.

Napayuko ako. Walang lakas na inalis ko ang kanyang braso sa mga balikat.

Inasahan ko na ito. Pero bakit ang sakit? Bakit kailangang iparamdam sa akin 'yung hangin na senyales na nilagpasan niya lang ako?

Napapikit ako habang dinadama pa rin ang naiwan niyang pabango sa paligid. Kahit iba-iba ang pabango nila, para sa akin ay sa kanya lang iyong talagang nanatili.

Humalakhak si Romeo sa nangyari. "That bastard..."

"You don't know what you're talking about, Romeo..." walang gana kong sambit bago tuluyang maglakad.

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad, nagbabaka-sakaling maaari ko pa silang maabutan ngunit ang namataan ko na lang ay ang kumpol ng mga kababaihan na unti-unting nagsisialisan. Siguro ay para sundan ang labindalawang lalaki na kadaraan lamang.

"What the fuck?" habol sa akin ni Romeo.

Napatigil ako sa pag-examine ng paligid nang mapalakas ang boses ni Romeo. Dahil doon ay nakuha niya ang atensiyon ng iilang mga estudyante na natitira pa.

Palipat-lipat ang kanilang mga tingin. Sa akin at kay Romeo na ngayon ay hinihilot ang kanyang sentido habang nakapikit, tila stressed na dahil sa akin.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa atensiyon na nakukuha ko mula sa paligid. I mean, hindi na ito bago sa akin. Ngunit iba ito. Hindi si Colt ang kasama ko, imbis ay ibang lalaki at paniguradong mabilis itong kakalat. Hindi kalaunan ay malalaman din agad ng marami na nag-iiwasan kami ni Colt.

Damn it!

Marahas akong bumuga ng hangin bago ipagpatuloy ang paglalakad. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Romeo ngunit naglakad ako na parang walang nangyayari sa aking paligid.

"In God's name! Who's that guy?" rinig kong tanong ng isang babae.

"I don't know. But I'm seeing a gorgeous man right now. Why is he following CQ?" sambit ng isa pang babae.

Pasimple akong napakamot sa noo.

"Baka naman ay kaibigan nila CK sa labas ng campus? He's not familiar tho..."

Ito na nga ang kinakatakutan ko.

Ngayon ay nasa tabi ko na si Romeo na tila walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Oh, please! I know he heard those girls talking about him!

Napairap ako. "You can roam around without following me, Romeo."

Binaba niya ang kanyang tingin sa akin. Ang kanyang aviators ay wala na sa kanyang mga mata. Nakasabit na lang ito sa kanyang shirt.

"Ang sabi ko, sasamahan kita sa hanggang silid niyo..."

"Pinapahamak mo lang ako," mariin kong sinabi.

"I can't do anything about that part. I didn't expect I'm with a Campus Queen..." nakakaloko niyang sambit. "Plus, hindi ko alam na ganito dito. Hindi ganto sa probinsiya."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko mahinuha kung inaasar niya ba ako. Parang sinasabi niyang wala sa akin ang quality. Rot to hell, Romeo!

Nakabusangot akong nakarating sa aming room.

Sa hallway ay maraming estudyante. Mahaba na rin ang dalawang linggong bakasyon kaya ganito na lamang ang epekto sa kanila noon.

Si Romeo ay palinga-linga sa paligid. He's too damn tall, alright? Sa ganitong mga matatangkad plus may hitsura ay head-turner talaga. Sanay na ako dahil ganito lagi kapag kasama ko sina Colt o ang ilang mga kaibigan niya. Ganoon na lamang ang kanilang epekto sa karamihan.

"Nandito na ako. Ngayon, puwede ka nang umalis," ani ko.

Humalakhak siya, dahilan para mas lalong makuha ang atensiyon ng mga estudyanteng nasa paligid.

I frowned.

Tinignan niya ako. Nagawa niya pang yumuko para magpantay ang aming mga mukha.

"I enjoy your school. Dapat talaga ay masanay na ako sa mga atensiyon. What do you think?" sabi niya.

Napairap ulit ako. "Go away."

Nagkibit-balikat siya at tinalikuran na ako. Sinundan ko siya ng tingin. Nang makitang wala na siya sa floor namin ay saka pa lang ako pumasok sa room.

Habang naglalakad patungo sa aking upuan ay doon ko lang naramdaman kung gaano katahimik ang room namin. Kabaligtaran ito ng mga nadaanan naming classroom.

Na-glue ang tingin ko sa mga chalk na nakakalat sa sahig pati na rin ang box na lagayan nito. Nilingon ko ang aking mga kaklase at umiwas sila ng tingin.

Iyon ang pagkakataon para lingunin ko ang puwesto ni Colt.

Tamad siyang nakaupo sa kanyang sariling upuan katabi si Ghunter na abala sa kanyang phone. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, umangat ang tingin ng huli at nagtama ang mga mata namin.

In a matter of seconds, I felt some bead of sweats trickling down my nape. As usual, Ghunter's face looked so stoic and strict, as if he knew everything about your sins and blunders the way he looked at you. He put his phone down and raised a brow like he's insinuating something.

At kung bakit iyon ang una kong napansin sa lahat ay hindi ko alam. Kaya sa huli, ako na rin ang nag-iwas ng tingin at nilipat na lang kay Colt ang pansin.

Katulad ng nakagawian, pinaglalaruan ni Colt ang kanyang pen na tila may malalim na iniisip. Nakakunot ang kanyang noo.

Parang binibiyak ang aking puso. Ito ba 'yung tinatawag nilang 'so near yet so far?'

Lumingon siya puwesto ko. Nagtama ang aming mga tingin at umigting ang kanyang panga. Para akong natuklaw ng ahas dahil doon.

His cold and bloodshot eyes met my gazes. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ito. What are you thinking, Colt?

Hindi ko kayang tagalan ang ganoong tanawin kaya ako ang unang bumitiw ng tingin.

Buong klase ay pinipilit ko ang sarili ko na ituon ang buong atensiyon sa discussion. Lahat ng outputs ay tapos na rin naming ipasa. It's hard to say that I was kind of confident with what I passed because of Romeo's help.

Nautusan pa ako upang ilagay ang lahat ng mga folder sa faculty ng aming teacher dahil sa hindi ko pakikinig sa kanyang mga itinuturo. And by that time I realized, it wasn't healthy anymore. I needed to talk to him right away. I fucking needed to talk to him whatever it takes, alright!

Pagkabalik sa aming silid ay tulad lang ng dati, kumuha ako ng post-it note upang sulatan siya. Pero hindi gaya dati, wala akong ideya kung sasagutin niya ba ang bawat papel na ipapahatid ko sa kanya.

Sa loob ng napakaikling panahon, pakiramdam ko ay napakaraming nagbago. Ganito nga siguro ang epekto ng lahat sa akin. Sa amin...

   

'Please let's talk.

- Coleen'

   

Tinupi ko iyon nang dalawang beses bago ipasa sa taong nasa likod ko. We often do this kaya sigurado akong alam na nila ang gusto kong mangyari.

Half hour had passed and to my surprise, kinalabit ako ng nasa likuran ko at inabutan ng panibagong papel.

Binuksan ko iyon at binasa.

   

'Follow me later. Recess.

- Colt'

    

Tila nalagutan ako ng hininga sa nabasa ko. I wanted to talk to him, yes. But the idea of talking to him was making me nervous especially about what might happen after. It's giving me bunch of jitters but I must admit, I was happy that he'd finally be able to entertain my request.

Sinubukan kong ituon na lang ang sarili pansamatala sa surprise quiz na inihanda ng teacher namin sa mga oras na iyon.

Nagmadali ako sa pagsagot kahit karamihan sa kanila ay hindi sigurado dahil sa posibleng dalawang bagay. Nagmamadali ako dahil baka matapos agad si Colt, at hindi ko alam ang sagot.

May natitira pa akong tatlong problem nang tumayo na siya at ipinasa ang kanyang answer sheet sa teacher namin. He was the first one to finish the long quiz!

Dala na niya ang kanyang bag nang naglakad papunta sa harapan dahil kapag nakapagpasa na ay puwede nang mag-break time. Damn it!

Hindi ako sigurado kung bakit niya kailangang pahirapan ako nang ganito.

Walang lingon niyang nilisan ang silid.

Sinulyapan ko si Ghunter sa likod. Hindi tulad ng marami sa amin ay mukhang hindi na siya nagulat sa nangyari. Lumingon siya sa akin at nahuli akong nakatingin din sa kanya.

His face hardened, isinenyas ang kanyang answer sheet sa pamamagitan ng pagsulyap doon. Noong una, hindi ko maintindihan ngunit nang mapailing siya ay saka ko lamang nakuha ang kanyang mensahe.

He's right. I must finish this too. This is my time to talk to him.

    

    

    

   

  

  

 

 

-----------------

Sino ang bias ninyo sa POHEO?

Continue Reading

You'll Also Like

5K 296 76
an epistolary ; caraehr and chino
1.3K 121 43
an epistolary ; dulce & jake
208K 8.8K 23
The background changes. One day I'm at school. The other day I'm at the playground. The trees disappeared, the flower withered and died. I saw him sm...
crush kita By louev

Teen Fiction

16.7K 811 68
an epistolary ; gi and chan