Vengeance (ViceRylle story)

By vicerylleland

28.2K 1.3K 198

Because of the treachery of an ABSCBN agent, many will suffer. Agent V22 and Agent K45 are assigned to do the... More

Preview
Disappearance
Delay
Bobby Lou Babluh
Double Agent
Followed
Reserved Agents
Parrot Man
The Corpse
Junkyard
Race
Complete
Plan
Family Bonding
Options
Project Proposals
The Group
Ramoncito
Pacific
Suspicions
1.6 Billion Pesos
Recruitment
Spy
Maia
The Group
Jasmine
Cruelty
Cornered
Escape
Lure
*just checking in.

Separation

810 42 4
By vicerylleland

Kinabukasan, ginising na ni Vhong sila Billy at Vice para sabay-sabay silang mag-agahan. Pagkatapos kumain ay nagmamadali sila Billy at Vhong dahil may kani-kanya pa silang misyon.

VICE: Saan misyon mo ngayon?

VHONG: Mga two weeks ako sa Cebu. Kasama ko si Agent Eruption.

VICE: Ikaw, Agent W33? Saan ka?

BILLY: Ako sa Laguna. I'll meet the field agent there and I'll have the case solved in three days.

VICE: Ah... Pasalubong nalang ha?

VHONG: Sige!

BILLY: Maglinis ka ha? Walis walis din pag may time.

VICE: Oo! Nagbago na 'to 'no.

VHONG: Sus! Maniwala!

BILLY: Mukhang ang misis mo palagi ang nagtatrabaho sa inyo eh.

VICE: Hindi ah.

BILLY: Baka nga pala madaan ako sa Tagaytay. Baka may iuutos ka sa inyo.

VICE: Ahm... Wala naman.

VHONG: Sige, brad. Una na kami ni W33.


Makalipas ang ilang oras, nasa byahe pa rin si Billy. Kasalukuyan nyang binabaybay ang isang main road sa Tagaytay nang makita nya ang isang batang babae na umiiyak sa labas ng isang abandonadong warehouse.


Bumaba si Billy ng sasakyan nya at agad na pinuntahan ang bata. Nang makita nya ito ng mas malapitan ay napagtanto nyang si Alice pala ito.

BILLY: Alice?

ALICE: Tito Billy! (hugs Billy)

BILLY: What are you doing here?


Hindi na nakakuha pa ng sagot si Billy mula sa bata kaya inakay na lamang nya ito at napagpasyahan na ihatid ito sa bahay.


Si Karylle naman ay halos mabaliw na dahil kagabi pa sya tumatawag kay Vice ngunit hindi ito sumasagot. At mas lalo syang nangamba nang makita ang cellphone ni Vice sa ilalim ng kanilang kama.

KARYLLE: Sh%t naman! Viceral, nasaan na yung mga bata?


Nabuhayan sya ng dugo nang marinig ang katok sa kanilang pintuan. Dali-dali syang bumaba at binuksan ang pinto. Si Billy at si Alice.

KARYLLE: Alice! (hugs Alice)

BILLY: Agent K14, I found her outside an abandoned warehouse. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero baka sa'yo, mag-open up yung bata.

KARYLLE: Thanks for bringing her home, Agent W33.

BILLY: Welcome. Ayun lang. Hinatid ko lang si Alice. Mauuna na ako.

KARYLLE: Thank you ulit. Ingat!


Umiiyak pa rin si Alice at mahigpit na yumakap kay Karylle. Pilit na kinakausap ni Karylle si Alice dahil nais nyang malaman kung ano ang nangyari pero hindi ito sumasagot. Dahil doon, napagdesisyunan ni Karylle na papuntahin si Anne sa mansyon. Alam nya na makakatulong si Anne sa kanya ngayon.

ANNE: Why did you call me? May problema ba?

KARYLLE: Hindi sumasagot si Alice pag kinakausap ko. I don't know what I should do.


Kinuwento ni Karylle kay Anne ang mga nangyari kagabi simula sa pag-alis nila Vice at Vhong, pagbalik nito sa mansyon, hanggang sa paghatid ni Billy kay Alice. Nagvolunteer si Anne na sya na ang kakausap kay Alice dahil mas alam nya ang tamang approach pero kailangan daw muna na bigyan si Alice ng mapaglilibangan para madivert ang atensyon nito.


Binuksan ni Karylle ang TV at hinayaan nyang manood si Alice ng cartoons sa Disney Channel. Pagkatapos noon ay nakipaglaro sya dito habang kumakain ng bite-size chocolate chip cookies. Nang mapansin ni Anne na medyo okay na ang bata, sinimulan na nya ang pakikipag-usap dito.

ALICE: Ninang Anne, you want cookies? Mommy baked these.

ANNE: Thanks baby girl. How are you? Hindi tayo nakapaglaro last night.

ALICE: Kaya nga po. Okay lang. Nagplay po kami ni ate Alena tapos sinundo kami ni Daddy. We went out and we ate mushroom burger.

ANNE: What did you do next?


Doon napansin ni Anne ang changes kay Alice. Simula sa facial expression nito hanggang sa hand gestures nito. Naging slightly uneasy si Alice.

ANNE: Did you watch the fireworks?

ALICE: (iling)

ANNE: What happened?

ALICE: Nilagpasan ni Daddy yung theme park. He parked the car near an old warehouse. He then wore a scary mask.

ANNE: What mask? Parang sa witch, devil, or ghost?

ALICE: No. It's not a Halloween mask but it's scary.

ANNE: Can you draw it?


Tahimik na pinagmamasdan nila Anne at Karylle si Alice habang gumuguhit ng nasabing maskara.

ANNE: Okay. Si Daddy lang ang sumundo sa inyo?

ALICE: Opo.

ANNE: Hindi kasama si tito Vhong?

ALICE: Hindi po. He's not there.

ANNE: Ahm... Alice, after magsuot ni Daddy ng scary mask, what did he do next?

ALICE: He sprayed perfume sa aircon. May dalawa pang cars pa po sa labas noon. Daddy went outside and talked to another man outside. He went to the side where ate Alena was seated. He opened the door and...

ANNE: Then?

ALICE: I can't remember what happened next. Basta po I woke up sa labas ng warehouse.


Upon hearing Alice's story, tumawag agad si Karylle kay Jugs. Nagulat pa si Jugs dahil galit na galit si Karylle. Pero ang sinabi lang nito sa kanya ay papuntahin si Vice sa mansyon as soon as possible.


Habang naghihintay kay Vice, pinagmasdan lang ni Karylle ang pagrerehabilitate ni Anne sa traumang naranasan ni Alice. Sinabihan rin sya ni Anne na kumalma lalo na mamaya na parating si Vice.


Makalipas ang ilang oras ay dumating na si Vice. Nang makita nya si Alena ay agad nya itong nilapitan para sana mayakap ngunit biglang lumayo ang bata at yumakap kay Anne. Si Karylle naman ay bumalik na galing sa kusina. Nagulat na lamang sya dahil biglang lumapat sa pisngi nya ang palad ni Karylle.

ANNE: K!

KARYLLE: Anne, doon muna kayo sa kwarto ng mga bata please.


Niyaya ni Anne si Alice sa kwarto para mabigyan ng privacy ang mag-asawa.

VICE: Para saan ba yun? Pinapunta mo 'ko dito para lang sampalin mo? Karylle naman! Kaya nga ako lumayo muna para hindi na tayo mag-away!

KARYLLE: Ikaw ang huling kasama ng mga bata kagabi. Nasaan si Alena?!

VICE: Ano??? Ikaw ang huling kasama ng mga bata! Umalis ako dito ng alas sais, kasama ko pa si Vhong!

KARYLLE: Oo! Pero bumalik ka ng alas otso para kamo mapanood ng mga bata yung fireworks display!

VICE: Ha??? Alas otso, nasa expressway na kami! At anong fireworks display? Wala akong alam dun! Kung gusto mo, tanungin mo pa si Jugs!

KARYLLE: Hay nako! Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko! Yung bata mismo ang nagkwento ng nangyari sa'kin!

VICE: Karylle! Wala nga kasi akong alam dyan! Maniwala ka naman sa'kin!

KARYLLE: Malay ko ba if you planned that to happen para lang masunod yung gusto mo na habulin yung double agent!

VICE: Ganyan ang tingin mo sa'kin?! Sa tingin mo kaya kong ipahamak yung sarili kong anak para masunod yung gusto ko?! Pucha naman!


Napahampas na lamang si Vice sa pader dahil sa sobrang inis. Kahit anong galit nya ay hindi pa rin nya kayang pagbuhatan ng kamay ang asawa.

VICE: Lagi nalang tayo nag-aaway. Sinisisi mo pa sa akin yung mga nangyari sa mga anak natin. Ayoko na nitong mga nangyayari sa atin. Siguro dapat na magkanya-kanya nalang tayo. Itutuloy ko yung paghahanap kay Alena. And once na mahanap ko sya, ihahatid ko sya dito. Dadalaw-dalawin ko nalang yung mga bata. Susustentuhan ko nalang kayo.

KARYLLE: So ayan yung nakikita mong solusyon sa mga problema natin ha? Ang pakikipaghiwalay?

VICE: Napapagod na rin kasi ako... Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko para mapasaya ka, maprovide ko lahat sa pamilya natin. Pero siguro nga hindi na enough yung ginagawa ko kasi umabot na tayo sa punto na hiniling mo na sana ako nalang ang namatay.

KARYLLE: Vice, I---

VICE: Alam mo, I thought nabigyan ako ng second chance to live another life after the accident... nung nagkita ulit tayo though wala akong maalala sa past. Pero hindi pala. It's just a reminder of what kind of man I've been to you in the past. Yung pananakit ko sa'yo noon, ikaw na ang gumagawa sa akin ngayon. Ito na siguro yung karma ko.


Hindi na naghintay pa ng sagot si Vice. Nilapag nya ang wedding ring na suot nya sa ibabaw ng coffee table at lumabas na sya ng mansyon para umalis. Si Karylle naman ay napahinto nalang at nagnilay-nilay sa mga sinabi ni Vice sa kanya.

ANNE: What happened?

KARYLLE: Si Alice?

ANNE: Natutulog na. Where's your husband?

KARYLLE: (show's Vice's ring) He left... for good.


Continue Reading

You'll Also Like

91.1K 3.3K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
4.6K 123 14
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...
2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
35.8K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"