Regrets (My Bully Love Part 2...

By crazyyY_mea

93.7K 4.4K 3.7K

JK and Thea broke up because JK didn't see the positive side of Long Distance Relationship. After 4 years The... More

D' Stranger
Coz he's Bored
Kulit
Makin' Moves
Makin' Moves 2
Sincere
KhassRen ❤
KhassRen 2 ❤ "Boo"
Girl Bond
A Day With Him
Good Boyfriend ❤
Boo meets TRUEpa
Meeting D Friends ❤
Meeting D Friends (Part 2)
Date ❤
Date ❤ (Part 2)
Finally
The Slow Dance
Happy Birthday Boo!
School
TRUEpa Day
Same Old
Same Old [2]
MBL [R24]
Days without him
Sick
Surprise
Debut
Debut {2}
"Hindi na..."
She's Back
Let Me Be The One
Unknown
Flirt vs Good girl
igNOred
Overprotective Boyfie
Overprotective Boyfie 2
Overprotective Boyfie 3
Overprotective Boyfie 4
Partner
Pretending is not easy
❤∆
The Story of the King and the Queen <\3
What Happen?
The Concert
XD
Tag-L
Duke
Revealed
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 56

679 34 85
By crazyyY_mea



~Hi! Hehe sorry hindi natupad yung sinabi ko sa isang chapter na dapat kahapon ako naka update. So eto na medyo mahaba haba ito, at sana mag enjoy kayo. Silent readers litaw naman jan. I really really want to see your comments here guys. Motivation lang, Enjoooy. Vote and follow na rin.Thank you! Anyway didn't check the typos so if ever na may makita kayo just ignore it and keep reading. Thanks again


crazyyY_mea



Mabilis na lumipas ang mga araw at eto na nga ang hinihintay ng lahat. Ang ball ng university.


"Ang ganda mo anak." Sabi ni mommy habang tinitignan naming dalawa ang repleksyon ko sa salamin naming pang-whole body.


Feel na feel ko ang kagandahan ko tonight. Kaya naka ilang selfie rin ako at inupload yon sa IG. ^^ Nako kumusta naman kaya ang outfit ng mga girls?


Nang maka-alis si mommy ay nagretouch lang ako siyempre para Dyosa parin hanggang mamaya. Maya maya ay bumaba na ako sa living room namin. At saktong sakto ay may bumusina na sa labas. That's definitely my boyfriend.


There was a knock on our door and when I open it...


"Hi Gorgeous."


"JK?"


Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit siya? Bakit siya nandito.


Mapupungay ang kanyang mga mata at inaamin kong naaakit ako. Shet ano ba to?


Hinila niya ang kamay ko para mas mapalapit pa sa kanya. Yung puntong magkadikit na ang mga katawan namin. Hala!


Bigla niya akong sinunggaban ng isang malalim na halik.


Hindi ako makagalaw , magkadikit pa rin ang aming mga labi. Nang matapos siyang halikan ako ay hinawakan niya yung mga kamay ko at nagtama ang mga paningin namin...


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ayaw ko o nagustuhan ko... mali ito.. maling mali.


Isang luha ang tumakas sa mga mara niyang kanina ay mapupungay na ngayon ay puno na ng kalungkutan..


"Thea..."


Hirap na hirap siyang mag-salita na parang sobrang sakit na ng nararamdaman niya. Naiiyak ako.


Nakita ko pang napakagat siya sa labi niya. Tumingin siya sakin.. Yung tingin na andaming dinadala sa loob ... Yung tingin na hindi na kinaya ang sakit. Damang dama ko yon... DAMANG DAMA.


Isang luha nanaman ang kumawala sa mga mata niya.


"Thea , natatae ako."


Bigla siyang naghubad ng pants niya at umupo sa kinatatayuan niya. WTF nasa pintuan kami!


"SHEEEEEEEET!"


I woke up with my heart racing like I'd just run a marathon. Narealize kong napabangon ako sa pagkakahiga. What was that? Nag-sink in sakin yung panaginip ko at hindi ko alam napangiti ako at unting unting humalakhak sa tawa.


Sheeet nga talaga napaka weird naman nun. Tumae ba naman si JK sa panagip ko? At.... At hinalikan nga pala niya ako.


My fingers ran up to my lips at tila nakatingin ako sa kawalan. Pero napatawa nanaman ako dahil naalala ko nanaman yung sumunod na nangyare.


Siguro kung may tao dito ngayon iisiping takas ako sa mental. Nakooo hindi na nga ako iidlip hahaha


"ANONG NANGYARE? BAKIT"


Pumasok si mommy na parang naabala ko ata sa pagshoshower niya. Natawa nanaman ako at sinabing nananaginip lang ako kaya ko sumigaw. Matapos non ay pinagalitan pa ako dahil nagulat daw siya at sinabihang gumayak na ako at darating na raw ang beautician.


So nagshower na ako at nagbihis ng damit na hindi masyado mahirap tangalin para hindi magulo ang buhok na maaayusan saka ako nag bathrobe.


Ilang minute pa ay dumating na nga ang beautician na hi-nire ng mommy.


Ilang oras din ang na consume naming sa hair and make-up ko. Pero infairness ang ganda ng hairstyle ko. Wala akong ma-say. At ang make-up? Pak na pak mas lalo tuloy akong naging dyosa.


Ang hindi ko lang talaga kinaya ay yung binunutan ako ng kilay. Ang kati. Panget daw kasi pag inahit. So pumayag narin ako. Tiis ganda girl.


Habang nireretouch nung beautician yung hair ko ay biglang nagring yung phone ko.


Boo Calling...


Sinagot ko.


"Hi." Pa-charming na bungad ko



"Hello Khass. I'll be there in an hour."


"Sige sige. Ingat. "


"I love you."


"I love you too."


Then we ended the call


Inasar naman ako nung beautician na nag aayos ng buhok ko.


"Boyfriend mo iha?"


"Ah opo."


Tapos chinika na ako ng chinika which is na entertain naman ako kasi hindi na boring unlike kanina. Nakwento ko na si Darren Espanto ang boyfriend ko. Abat biglang saya niya at hindi daw muna uuwi dahil gusto daw niya mag-pa picture sa boyfriend ko.


Lumabas na siya pagtapos niya ayusin yung nireretouch niya para makapagbihis naman akong gown ko.

(A/N: I mentioned before na black ang gown ni thea but wala talaga akong mahanap na black gown na maganda so just forget about that thing at eto na ang magiging gown ni Thea^^)


*>*>*>*




*ding dong*


Binuksan na ni Mommy yung front door namin.


"Good evening Ninang."


Rinig kong sabi ni boo. Pababana kasi ako ng hagdan. Hindi ko muna sinuot yung high heels ko dahil baka matapilok ako.


"Wow, you look good iho. So handsome."


Nagpasalamat naman si Darren sa compliment ng mom ko.


"Anyway nagaayos pa si Thea she'll be here in a minute. Oh wait eto na pala siya."



Naglakad na ako papunta sa kanila. At alam kong hindi maialis ni Darren ang tingin niya sakin. Ang ganda ko naman kase. Iniwan kami saglet ni mommy at kinausap ang hinire niyang beautician.


"Ganda."



Sabi ni Darren na gwapong gwapo sa suot niyang black suit habang nakatingin lang sakin.


Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.


"Gwapo mo ngayon Boo."


Sabi ko Habang inaayos ang necktie niya.


Agad naman siyang nag-pogi sign matapos ang compliment ko.


"Ngayon lang."


Pabiro kong pahabol na ikinangisi niya.


"Ang hard naman ng mahal ko. Aminin mo na kase. Tulala ka nga kanina eh."


Tumawa nalang ako. Kikiss na niya sana ako sa cheeks kaya lang biglang eksena nung baklang beautician at nag-papicture na kay Darren. Nang matapos na ay nagpasalamat siya at umalis na.Isinuot ko na yung heels ko.


"Yan ready na." sabi ko ng makatayo ako mula sa pag ka sout ko ng sapatos ko.


Hinawi ni Darren ang nalaglag na strand ng bangs ko at inilagay ito sa likod ng tainga ko.


*click*


Biglang nagpicture si mommy.


"That was so sweet mga anak"


Kilig na kilig na sabi ni mommy habang tinignan niya nag picture naming sa dslr niya.


"Isa pa."


Pinicturan niya pa kami ni Darren. Hindi mo aakalaing business woman etong mommy ko dahil sa mga pose niya kung pano manguha ng shot. Natatawa nalang kami kaya panigurado meron kami diyang epic face ni Darren.


Akala ko tapos na ang picture session naming ni Darren kay mommy nung umalis siya,hindi pa pala dahil etong si Darren naman ang nag-aya mag selfie kami.


Selfie rito selfie roon. Wacky d'yan wacky don. Tapos inupload niya yon sa IG niya at tinag ako. Ayun Sabog nanaman notif ko.


Nagpaalam na kami ni Boo kay mommy at pumunta na kami sa ball.


*>*>*>*>




"Heeey lovebirds."


Kylie greeted us as we enter the main entrance ng pangyayarihan ng ball. Sa likod niya ay si Prince. May hawak siyang wine glass na may lamang wine at hinahalo ito sa pamamagitan ng pag ikot ng marahan sa glass. She looks very stunning and her soon-to-be-boyfriend as well.


"You look gorgeous Thea." Prince complimented me as he cling his arms aroud his soon-to-be-girlfriend's waste


Pinasalamatan ko siya at nagpalitan din kami ng compliment. Matapos non ay iniwan na nila kami at pumunta na sa mga extended friends nila.


Maganda ang napiling venue ng ball para tuloy akong nasa isang palasyo sa laki ng chandelier na nasagitna ng dancefloor. Cocktail ang theme nito kaya lahat ng tao ay nakatayo. Malamig at puno ng mga artificial flowers ang mga design sa loob at ang motif ay silver and gray na sa tingin ko ay naging mas desente at magarbo ang place. Centralized din ito ng aircon kaya medyo malamig. Napuno ng sweet ambiance ang lugar dahil narin sa soft instrumental music sa violin na itinutugtog ng mga kasali sa music org.


"Shall we?"


Sabi ni Darren habang inilalahad ang nakatiklop niyang braso sakin.


Lumakad kami ni Darren ng magkacling ang braso in a decent way. My eyes began searching for the other truepa sa mga naglalakad at naguusap na tao. And then I found them. Magkakasunod lang ang table nila kaya hindi narin kami nahirapang Makita yung iba. Pumunta kami sa kanila.


"Wui! So pretty naman this girl"


Sabi ni Terrance na nagiba pa ng boses. Ang gwapo niya sa suot niyag tuxedo na tinernohan niya ng eyeglasses yung ginagamit ng mga nerd kuno pero pamporma lang talaga plus yung buhok niyang naka-brush-up. Pinansin ko ang ayos niya at tumawa lang siya.


"Para new look at..." nilagay niya yung kanang kamay niya sa gilid ng kanyang kaliwang parte ng kanyang labi. "Para narin mapansin ng mga girls."

Sabay kindat niya samin.


Na ikinatawa naming dalawa ni Darren. Ang pilyo talaga


"Just be carefull at baka mamatay ka pag nahuli ka ni Shai which is actually... behind you."


Sabi ko habang nakatingin kami ni Darren salikod niya at nakita ko si Shai mula sa likuran ni terrance na sobra ring stunning sa kulay maroon nyang see-through na gown na longsleeve , nagmuka siyang mataray sa gown niya pero napaka-kikay parin talaga pag ngumiti.


Nanlaki ang mata niya matapos naming sabihin iyon.


Akala namin ay narinig ni shai iyon pero hindi pala sa halip ay lumapit siya samin at binati ang mga outfit namin.


"Pero Siyempre joke lang yon" Pahabol ni Terrance bago sila umalis


I turned to Darren which is now looking at me.


"Ikaw ha. Behave"


Nagpacute siya at tumango. "Ikaw rin"


Sabay touch sa tungki ng matangos kong ilong


Halos lahat ng TRUEpa ay talaga namang pinaghandaan ang suot. Talaga nga namang walang pakakabog.


Si Darren ay pumunta kila Prince at Terrace para makipag socialize with the other students. May tiwala naman ako sa kanya eh. Siyempre hindi maiiwasang may magflirt jan eh si Darren Espanto yan ,madaming darrenatics dito sa school namin pero ayos lang sakin dahil alam ko na faithful sakin ang boyfriend ko.


Papunta ako ngayon sa buffet table kung san may mga chips na pwedeng papakin. Pero bago pa ako makarating don ay nakita kong papasok ng entrance si JK.. kasama si Keilah.


Magka cling ang braso sa isa't isa. Anyway guys I didn't mention before na dito rin nag aaral si Keilah simula ng mapunta din dito si Duke kaya lang hindi ko nakikita dahil nga ayaw magpakita, yun yung mga time na nagbibigay siya sakin ng Sorry letters ng palihim.


Anong gagawin ko palapit sila sakin. Bakit ba ako ninenerbyos?


"Oh Thea! You look so good tonight."


Bineso niya ako,


Nagtama ang mga mata namin ni JK. Nag-igting ang kanyang mga bagang iniwas ko ang tingin ko sakanya at ipinokus nalang kay keilah.


"You too." Nginitian ko siya pero hindi ko maibigay yung tunay na ngiti


Kinakausap ako ni Keilah pero wala akong maintindihan dahil nadididstract ako kay JK. Hindi ko alam kung bakit, minsan naiinis na ako sa sarili ko kasi ganito na ang mga ikinikilos ko. Alam kong mali ito. Nararamdaman kong may matang nakatingin sakin at alam ko kung kanino yon , isa rin yong dahilan kung bakit hindi ako makareact ng maayos sa mga sinasabi sakin ni Keilah.


"Right thea?"


Hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ko naman siya naintindihan kanina kaya nagpanic ako.


She laughed at umiling siya.


"Nevermind."


Binigyan ko siya ng apologetic look dahil sa hindi ako nag pe-pay attention sa kanya. Hindi rin ako makangiti ng maayos at ang tanging naiibibigay ko lang ay ngiti na hilaw.


"See you around"


I smiled. Nagtama nanaman ang tingin namin ni JK this time alam kong meron siyang gustong sabihin na parang ayaw niya.


Hinayaan ko nalang silang dalawa sa umalis sa harapan ko at nagpunta na ako sa buffet table at kumuha ng ilang chips sa maliit na plato.


What's wrong with me? Why am I acting that way? Ugh! Naguguluhan na talaga ako. Hindi normal na nahihirapan ako. Hindi normal na nalilito ko. Ewan ko basta naiinis ako.


By any chance... Are they dating?


Biglang may kumurot sa puso ko ng maisip ang thought na yon. Ano ba bakit ba ako nag kakaganyan. At saka wala naman akong paki kung nag dadate sila. I mean they're both single at... at wala ng hard feelings sa mga nangyare sa past life namin. Kaya dapat hindi ako nakakaramdam ng ganito.


Naglabas ako ng hangin mula sa aking bibig.


"Relax Thea... Wala ka dapat pakialam. Kalma." Vinoice out ko yung nasa isip ko sabay subo ng chips.


"Awe , Bothered ka ba sa nakita mo kanina?"


Mapangasar na sabi ni Faith na nag appear sa gilid ko. Wow, I need to admit na ang ganda niya ngayong gabi. Ang sexy niya sa see-through niyang black long gown na hanggang hita ang taas ng slit




"H-hindi ah"


Nginitian niya ako na mapangasar.


"Really? I don't think so. I know what you feel.. siyempre."


Lumaki ang ngisi niya kasabay non ang pagsalubong ng mga tingin namin at napakunot ako.


"Hey I'm not in the mood to play for your games Faith so stop being a cheap rubik's cube. Just go and be straight forward."


Ayan na naubos na ang pasensya ko.


She laughed na parang enjoy na enjoy siyang naguguluhan ako. Iniwan niya na ako don na asar na asar sa mga nangyayari.


Bumalik nalang ako sa TRUEpa at habang naglalakad ako ay biglang nag dim yung lights. Nagulat at napatingin sa itaas ang mga kapwa ko estudyante kasi akala nila ay nawalan ng kuryente pero nagsimulang tumugtog ang mga slow romantic musics kaya nawala ang gulat nila kasabay non ang pagsway ng marahan ng mgailaw sa ibat ibang parte ng lugar. May nakikita na akong nagpupunta sa dancefloor. Biglang may humawak sa wrist ko na dahilan para mapasinghap ako.


"May I have this dance?"


Pagtingin ko ay ang boyfriend ko pala.


I smiled as a sign of response kaya naman ay nagpunta na kami sa dancefloor.


*Now Playing : One Last SONG By A1*


We stopped at the center. May dalawang dangkal ang layo naming sa isa't isa. Iniangat ko ang tingin ko sakanya. Yung mga tingin niya alam kong ang dami dami niyang gustong sabihin pero may kung anong pumipigil sa kanya. Hanggang ngayon nakikita ko pa rin ang takot sa mga mata niya.



"Take my hand, touch my face,Let me feel your embrace"


Kinuha niya ang mga kamay ko at ipinalupot iyon sa kanyang leeg. Hindi parin nagbibitaw ang mga tingin namin. Sobrang seryoso niya. Sa sobrang seryoso niya parang nawawala na ako dahil sa mga titig niya. Pero bahagyang umangat ang kanyang mga labi at nag porma ng isang maliit na ngiti.



Darren's POV




Marahan kong hinawakan ang mga kamay niya. I'm just staring at her-deadly serious ... thinking what will happen if her feelings to him suddenly come back? and at the end.. Ako ang maiiwan. It pains me to think that that day will come pero sana.. sana huwag nalang yong dumating. Because hell.. Mahal na mahal ko tong babaeng nasa harap ko that I only wanted for her is her happiness.


Can't help not to ask myself... Is she still happy being with me? Mahal niya parin ba ako? Damn.


But I'm still great because until now ... I have her.


I gave her a small smile. My deep thoughts always intrigue me. I place her arms across my neck. Then I pull her closer.


"Let me see in your eyes ,That you won't say goodbye"


Sobrang ganda niya.. Maganda pa sa isang bulaklak. No wonder kung bakit nainlove sa kanya ang bestfriend ko. Ang mga ngiti niya. Nakakawala ng pagod at hinding hindi ka mapapagod sa pag-mamahal sa kanya. Ang swerte ko


Yes, I know. First come first serve. Katulad sa pag bili ng ticket sa concert , kung sinong nauna yun dapat ang pagtuunan ng pansin.. Pero kapag tapos ka na, nagkaron na ng closure at dumating na yung time na kailangan mo ng umalis sa pila.. Umalis ka na. Dahil may mga tao pang dadating at bibili, higit sa lahat magbibigay ng mas malaking halaga para sa kanya. Kagaya ng relasyon nila,DATI. Tapos na sila..


Ako naman..


Ako naman ngayon.. Lahat ng pagmamahal ko ibinigay ko na sa kanya. Ngayon lang ako nahulog ng ganito sa tanang buhay ko. At maswerte ako... kasi sinalo ako.


I ignored all of my nega thoughts and began living the moment with her.


Ayoko ng mag-isip. Nasasaktan lang ako at mas lalo akong natatakot sa mga posibleng mangyare. Yes 


I'm scared. Scared to lose the special girl I love with all my heart. Si Khass yon. Khassandra Althea Marie Alcantara.


At kaya ko siya ipaglaban emotionaly , mentally at physically. Mabait naman ako e , pero hind nai sa tipo na ipapaagaw ko na siya. Ibang usapan na yon.


"Just tell me how you feel,I don't know what you're thinking anymore"


"Boo."


"Hmm?"


She smiled at me as we sway through the soft music. Nakatingin parin kami sa isa't isa


"Do you love me?"


She stared at me at parang may finifigure out siya .


I started to feel nervous. Ibang klase talaga siya. She's the only girl who have the ability to make me feel nervous. Well except my mom haha. Hindi naman ako kinakabahan ng ganito kapag sa mga mallshows at concert eh. Sa kanya lang talaga.


"Why?"


Bakit hindi siya nagsasalita? Ngumisi siya at tinigan akong mata sa mata. Ang mga ngisi niya ay agad napalitan ng isang matamis na ngiti


"I love you."


"And if you need me, you'd kiss me ,Then tell me how you feel"


Sinabi niya iyon ng may tonong paninigurado. Pakiramdam ko ay namumula ako. Natawa siya, siguro ay napansin niya iyon.


Kinikilig ako. Yung puso ko lumulundag sa saya kapag sinasabi niyang mahal niya ako. Geez lakas makabakla ng mga sinasabi ko. Pero wala eh.. In love eh.


"And if you want me, you'd show me ,That your love is for real. And if you love me.."


Pangiti ngiti akong nakatingin sa kanya.


"Oh bakit nanaman yang mga ngiti na yan?"


"Wala. Kinilig lang ako. "


She roll her eyes habang tumatawa at umiiling.


"You'd hold me in your arms where I belong ,So while I'm feeling strong. I sing you one last song."


She lean on my shoulders and buried her face on my neck and I felt the shivers on my spine. I always get this feeling whenever I'm with her. Iba talaga siya. Ibang iba sa lahat ng babaeng nameet ko. Mapa-fan man o babaeng nirereto sakin.


That's why I'm so inlove with her.


We swayed through the music and when the chorus came, hi-num ko at sinabayan ang kanta.


"I love you so so much Khass. I love you."


I whispered it near her ear.


Damn. Even the word "I love you" is not enough to express my love to her. Kasi sobra sobra ko talaga siyang mahal... at baka mamatay ako kapag nawala siya sakin because I swear... Masasaktan ako ng sobra sobra. Hindi ko ata kakayanin.


Naramdaman kong ngumiti siya at mas humigpit ang kapit niya sa leeg ko. Kung titignan kami ay para na kaming magkayakap.


"Let me ask time has passed ,Do you feel this could last"


Ang sarap sa pakiramdam...


Bigla akong nagulat kasi hinalikan niya ako sa pisnge. Shit eto nanaman , nag aalburoto nanaman ang puso ko sa bilis ng tibok. Ngayon ay nakatingi na kami sa mata ng isa't isa.


"Mahal kita okay?"


"Okay." I smiled


She smiled back "Okay."


Natawa kami pareho sa sarili namain. Lakas maka TFIOS.


"If you don't, why then stay , Take your wings, fly away"


Nilabas ko yung red rose na nasa likuran ko.


" 'Baaa ready siya."


Kinuha niya iyon. Inamoy bago tumingin saakin.


"Thanks Boo. Mahal kita"


I hugged her.


"I love you way too much ,To wanna be the one who brings you down"


I am contended with her , contented with the love she's giving me. And I'm happy to hear her saying those words to me. She always makes my heart flutter and jump a thousand times..


Mapapasabi ka nalang talaga ng ' Damn! Ang swerte ko sa girlfriend ko'


Tinapos namin ang kanta habang sumsabay sa mga mabagal na disco lights. Pagkatapos non ay bumalik na kami.


"And if you need me, you'd kiss me

Then tell me how you feel

And if you want me, you'd show me

That your love is for real


And if you love me

You'd hold me in your arms where I belong

So while I'm feeling strong

I sing you one last song"





Keilah's POV





Kagagaling ko lang sa mga friends ko sa kabilang table nang makita ko si JK na nag-iisa sa kabilang banda. Ang kanyang mga siko ay naka tungkod sa cocktail table habang may hawak siya na wine glass. Napaka seryoso ng mukha niya at tila may tinitignan siya.



Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at nalaman kong sa dancefloor siya nakatingin. Nagtaka pa ako kung bakit siya nakatingin doon inisip ko pa nga , Baka naiinggit siya dahil wala siyang kasayaw.


I was about to walk nang may nakita ako sa dancefloor , napatingin ulit ako kay JK at sinundan ulit ang direksyon kung san siya talagang nakatingin.


Tama nga ang nasa isip ko... sa kanila siya nakatingin.


Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa dalawa na nagsasayaw sa dancefloor. Halos magkayakap na sila.


Bigla na lamang humalik si Thea sa pisngi ni Darren at nakita kong nag-igting ang mga bagang ni JK.


Pakiramdam ko ay gusto niyang maiyak pero pinipigilan niya sa pamamagitan ng paglunok dahil mapapansin mo talaga na pataas baba ang kanyang adams apple. Lumagok pa siya sa kanyang iniinom.


Lumapit na ako sa kanya at inalok ko siya na magsayaw.


He stared at me for a moment at inabot na ang kamay ko. Siya na ang naglead papunta sa dancefloor habang nakasunod ako... habang hawak niya ang kamay ko.


Sa simpleng gesture na 'to. Masaya na ako. Masayang masaya na ako.


At pagdating namin sa dancefloor ay kasabay non matapos ang first song at umalis narin sila Thea at Darren.


He put his hand to my waste and I put mine across his neck.


Nagsimula ng tumugtog ang second song


*Now playing: Tell me where it hurts by MYMP*


Talaga nga namang pinaglalaruan ako ng tadhana. That song truly describes how I feel. Oo na damang dama ko.


"What is that sad look in your eyes ,Why are you crying


I know malungkot siya bakas na bakas yon sa mga mata niya.


"Tell me now, tell me now

Tell me, why you're feelin' this way

I hate to see you so down, oh baby

Is it your heart

Oh, that's breakin' all in pieces"


I know nasasktan siya.. at nasasaktan din ako para sa kanya. Kung may magagawa nga lang ako eh.


"Makin' you cry ,Makin' you feel blue ,Is there anything that I can do"



I know .. kasi mahal ko siya. Oo mahal ko siya. Hindi nagbago ang pagtingin ko sakanya matapos ang nangyare four years ago na ngayon ay maglilimang taon na.


I know until now siya parin ang laman ng puso niya.


I know it... because he rejected me.


"Why don't you tell me where it hurts now, baby, And I'll do my best to make it better"


Nararamdaman ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya dahil ganun din ako , katulad niya na nasasaktan habang pinapanood ang mahal niyang may mahal ng iba.


Ang swerte ni Thea , sa sobrang swerte niya ang sarap niyang sabihan ng mga negatives. Minsan parang gusto kong sabihin na ang selfish niya , pero naisip ko wala naman siyang ginagawa kaya inerase ko nalang iyon sa isip ko. Since ayoko ng mag cause ulit ng gulo. Naiinggit ako sa kanya..


Mahal parin siya ng mahal ko hanggang ngayon.


"Yes, I'll do my best to make those tears all go away,Just tell me where it hurts now, tell me

And I love you with a love so tender"


Kahit hindi sabihin ni Jk ramdam ko yun.


"Bakit mo ni-reject yung feelings ko?"


"Oh and if you let me stay ,I'll love all of the hurt away"


Magpapaka straight forward na ako. Para minsanan nalang ang sakit. Alam ko naman na hindi na magbabago ang desisyon niya na he can't accept my feelings. Gusto ko kasing i-voice out niya yung talagang dahilan.


Naalala ko nanaman yung gabing umamin ako sa kanya.




*Flashback*




Naghihintay ako ngayon sa isang park kung san malawak ang nakatanim na Bermuda grass. Tanging playground lang ang nandito. Dalawang pares ng swing , isang monkey bar at tatlong naka helerang mga slide.


Umupo ako sa isang swing habang naghihintay. Street lights lang ang ilaw dito pati ang liwanag ng buwan kaya hindi naman ako natakot. Umihip ang malamig na hangin kaya mas sinarado ko ang jacket ko.


I sighed. Kinakabahan ako. Baka bigla nalang akong mamental block. Nakooo huwag naman sana.


Narealize ko na may nararamdaman pa pala ako sa kanya matapos ang gabing pagpapakita ulit sa TRUEpa


Parang walang nangyare at nabalewala yung lahat ng effort ko sa pag momove on na ginawa ko sa Paris. Madami akong naka-fling sa ibang bansa , isang pa cute ko lang. Kami na agad pero hindi naman humahantong sa serious relationship. Sa mga ka fling ko binuhos ang stress. Nang sa gayon ay makalimutan ko naman siya.


Alam mo yung...


Akala mo naka-move on ka na pero nung nakita mo ulit siya , biglang bumalik lahat ng feelings mo para sa kanya? Yun yun e.


Plus the fact na nalaman ko na wala na pala sila ni Thea matagal na so ibig sabihin puwede na magkaron ng 'KAMI'.


At first talagang sabi ko. Okay na ako kasi parehas na silang masaya , si JK at Thea kaya hindi na ako manggugulo. Because I only want for JK is his happiness. Siguro dati nakapanggulo ako sa relasyon nila. Nung sila pa. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tuluyan akong nilamon ng selos. Na dapat ay hindi ko nararamdaman kase wala akong karapatan. Kasi hindi naman ako yung girlfriend. Pero ngayong wala na sila...


Siguro baka pwede na ako..


Na ako naman ang pumalit sa kanya sa buhay ni JK. Na ako naman ang mahalin niya. Na ako naman ang maging girlfriend niya.


Ako naman...


Ako naman ngayon.. Tapos na sila. Baka puwedeng ako naman. Ako naman, kasi mahal ko siya. Mahal ko parin siya...


"Uh Hi."


Biglang luminaw ang vision ko at nakitang may isang pares na paa sa harapan ko. Nakatulala na pala ako , hindi ko pa alam.


Bigla akong napatayo at inayos ang sarili ko.


"Umm J-jk. The reason kung bakit kita pinapunta dito ay.."


Tumingin ako sakanya. Ghad he's so damn gorgeous. Kakayanin ko ba to? Hay juskolord


"Aaaay?"


I bit my lip. Tapos tinignan ko siya ng mata sa mata.


"Ay para sabihing mahal parin kita."


Biglang sumeryoso ang ekspresyon niya na kanina ay chill na chill lang. Kinakabahan ako.


"I'm really sorry Keilah. I can't accept your feelings."


Napahigpit ang kapit ko sa dulo ng jacket ko habang nililipad ang ilang stands ng buhok ko sa mukha ko


Did I just got rejected?


Ouch. Masakit pala..


Napatango nalang ako. Then hindi ko expected yug sumunod na nangyari. Niyakap niya ako.


"I think it's better if we remain friends."


He tapped my shoulder then he walked away.


Para akong tinanggalan ng tuhod. Grabe hindi ko maramdaman parang wala akong buto sa paa at sobra akong nanlambot.


Bumagsak ang katawan ko at napaupo sa swing.


"Ha-ha.. Hahaha. HAHAHA"


Hindi ko akalaing matatawa pa ako. Pero yung tawa ko magkahalong di makapaniwala at lungkot.


Haha yes, kaibigan lang ako.


Hanggang dun lang ba talaga? Ha? JK?


Unti unti ng lumabas ang mga luha ko. Isang patak, dalawag patak, tatlo hanggang sa umagos na ito.


*Flashback ends*



He just stared at me.


Tinignan ko lang din siya. Yung tingin na normal lang.


Then he sighed.


"Keilah, you deserve someone who will truly loves you.." he began


"But-"


I was cut off by him.


"You deserve a guy who will love you completely, like the way you love me. It's just... I'm just not that guy."


"Why? Kasi mahal mo pa rin siya?"


Nagulat siya sa taong ko na parang hindi niya iyon inasahan.


Hindi siya nakasagot...


Well.. that explains everything..


Mahirap talagang mag-move on. But I need to try it again. Back to zero nanaman.


Haaay.. Maybe I should wait for the right time, right place and a right person to come.


Because I know right times are the best.


"Okay."


We smiled. Atleast may closure diba?


"Move on na. Sorry ang gwapo ko kase kaya maraming na fafall. Nabiktima ka pa tuloy."


We laughed hindi parin talaga nagbabago. Feeler parin katulad nung highschool.


"Wow. Just ...wow. Ikaw pa talaga nagsabi sakin na mag move on ha. Yabaaaang"


Yep. Unti unti ko ng natatanggap na hanggang friends lang kami. Siyempre masakit parin. Mahal ko yung tao eh. Siguro nga mas better kung ganito nalang... Kung hanggang friends lang. 


Tinapos naming ang kanta na biruan nalang ng biruan. Nag enjoy ako at siyempre masaya na rin kahit nasaktan. Lols. Pinagpatuloy parin naming ang pagsasayaw kahit na mukha kaming baliw na nagaasaran at nag tatawanan. Susulitin ko na to.




Thea's POV




"Ano ba! Wag ka nga makulit. Mag hanap ka ng isasayaw mo!"


"Bat ba sumungit ka na? Hindi ka ba nanghihinayang tanggihan ang gwapong katulad ko?"


"Gwapo mo mukha mo. Tabi d'yan!"


At nag walk out si Kristi at napakamot sa batok si Jake at sinundad yung kaibigan namin. Napatawa nalang kami ni shai. Actually kanina pa yang dalawang yan simula nung makabalik kami dito ni Darren.


"Kaya mo yan Jake!" Sumigaw si Shai


"J-Kris! J-Kris J-Kris!"


Darren chanted na sinabayan ni Khate at ni shai tapos dumagdag pa si Duke tuloy nakisali narin ako. Para tuloy kaming nagpapapansin dahil sa ingay na ginagawa namin.


Kinalabit ako ni Darren


"Boo,gutom na ako. Punta lang ako sa buffet ah"


"Haha sige pakababoy ka don!"


Tapos tumawa siya at umalis na nga ang loko.Gutom nga talaga siguro.


Nakita ko si Terrance na papalapit kay Shai.


Nagtama muna ang tingin namin ni Terrance nung hindi pa siya nakikita ni Shai. Binigyan ko siya ng isang mapangasar na tingin.


Nang makalapit siya sa puwesto namin ay nakita na siya nung girlfriend niya.


"May I miss beautiful?"


Inilahad niya yung kamay niya sa girlfriend niya.


WAAAAH kinikilig na siguro si Shai kasi ako kinikilig na din sa kanilang dalawa eh.


"Ayyiiiie" Tinusok ko ang tagiliran ni Shai


Tapos inasar rin siya nila Duke at Khate


"Ofcourse Mr. Handsome"


Napuno nanaman ng ingay sa pwesto namin. Haha grabe kasi makatili si Duke kala mo tinatanggalan ng ngala ngala.


Pumunta na sila sa Dancefloor. Pinag masdan ko lang silang dalawa na magsayaw.


Nakita ko sa may di kalayuan ay ang bestfriend kong si Kylie at si Prince na magkasayaw narin. Gosh ang strong nila. Bilib na talaga ako sa kanila. Kahit maging sila na, siguro kahit anong struggles sa love nila ay hindi na sila maghihiwalay... kasi pinagtibay na ng mga problema at panahon ang relasyon nila. I'm so happy for my bestfriend , I think natagpuan niya na yung true love niya.


May nahagip ang mata ko... May kung anong nagpabago sa mood ko ng Makita kong magkasayaw si Keilah at JK. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyare.


Nagulat ako kasi biglang tumingin sakin si JK kaya napaiwas ako ng tingin. Ugh ano bay an. Nahuli niya pa akong naka tingin. Ibinaling ko nalang yung tingin ko sa dalawa dito na kasama ko.


"Ikaw Khate? Sino na na nag-sayaw sa'yo?"


Napa-cross arm siya bigla.


"Hay nako , wala pa nga. Nag-paganda pa naman ako tapos wala man lang nagsasayaw sakin."


Nakakapagtaka talaga , ang ganda ganda nga ni Khate eh. Wala man lang nanliligaw. Tsk tsk. Napaka hopeless romantic nitong kaybigan kong to. Tapos umaasa pa na iibigin siya nung idol niyang Gimmie 5. I hope dumating na yung ka-spark niya. Haha


Napatingin ako kay duke na namamapak ng chips sa table namin. Haha ang cute niya sa outfit niyang light pink na coat.


"Eh ikaw Duke? Try mo kayang mag-sayaw ng gi-"


Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya


"Excuse me?! Like eew sis? Yuck, bagay sakin mga boylet na gwapo. Peram si fafa Darren mamaya ah."


Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya habang natatawa. Lantod talaga eh Haha


"Since walang kasayaw tong si Khate, baka gusto mo naman daw siyang isayaw."


Lols ano ba tong naisip ko haha.


Napatingin sila sa isa't isa. Hinead to foot ni Duke si Khate na napataas ng kilay sa ginawa ni duke.


"Well.. Mas maganda naman ako sa kanya kaya sigi tara na." Kinuha ni Duke yung kamay ni Khate


"Hataw lang kami sis ah at baka mamatay na tong kaybigan natin dahil sa inggit."


Pagpapaalam sakin ni Duke. Sinabunutan ni Khate si duke na gamit lang ang hintuturo at hinlalaki niya.


"Ouch! Wag mo subukan ang beauty ko sis ah. "


Tapos napatawa silang dalawa. Lol ang kukulit. Ayaan sa wakas may nagsayaw narin kay Khate lol.


Natatawa Nalang ako sa kanila eh. Paano kasi si Duke kung hawakan si Khate sa bewang eh parang diring diri kasi yung tatlong daliri niya nakataas at yung hinlalaki at hintuturo niya lang ang naka hawak. Lols


Nahagip ng mata ko sila Jake at Kristi na nagsasayaw narin. Haha galing ni Jake ah napapayag niya si Kristi. Pero ang cute nilang tignan. Nakikilig ako <3


Ngayon ay tatlong pares na silang nagsasayaw sa dancefloor. No , apat pala. Kasi si JK at Keilah mag-kasayaw parin hanggang ngayon. Nawala nanaman ako sa mood. Ewan ko basta hindi nagiging maganda ang pakiramdam ko.


Nang dumating si Darren ay nagpaalam si Prince na isasayaw daw ako. Pumayag si Darren at ang isinayaw naman niya ay si Kylie.


Nang makabalik kami sa table ay nagsayaw ulit si Kylie at prince.


Sa di kalayuan nakita kong nakatingin sakin si JK. Putspa yung puso ko bakit ganon?


Hindi ko maialis yung tingin ko sa kanya.


Nakita kong papalapit na siya sakin.


Biglang lumitaw si Darren sa harap ko at sa kanya na ako nakatingin


"Let's dance?"


"Ah.. Yeah"


Kinuha ko yung kamay niyang nakalahad at ipinunta niya na ako sa dancefloor.


Habang magkasayaw kami ay hindi ko maiwasang hindi tignan si JK.


Yung reaksyon niya...


Para siyang walang buhay kung tumingin sa akin. Iniwas ko nalang ang tingin ko.


Isasayaw ba niya dapat ako?


I sighed, heto nanaman ako. Ipinokus ko nalang ang atensyon ko kay Darren at pilit na inalis sa isip ko ang nangyare kanina.


I think puro sayawan nalang ang magaganap dito kaya matapos ang mga slow at romantic music ay nagsimulang bumilis ang galaw ng ilaw at nag iba narin ang music , napalitan ng nakakaindak at nakakabasag antok ang tugtog. Ngayon ay patay sindi na ang mga disco lights at panay hiyawan na ng mga estudyante.



To be continued....


Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
173K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
39.1K 1.2K 75
Compilation of Vhoice stories.
220K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...