Chapter 60

748 36 27
                                    

Thea's POV

Sa mga oras na to ang tanging gusto ko lang gawin ay sampalin ang sarili ko.

Bakit hindi man lang ako nakapagsalita?

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, kung bakit ako nanlalambot- hindi makapagsalita, hindi makagalaw. Hindi ko alam kung bakit yung puso ko.. Kumikirot.

Napahawak ako sa dibdib ko habang pinapanood ko siyang naglalakad palayo hanggang sa lumabo na siya sa paningin ko dala ng mga luha sa mata ko na kanina pa umaagos.

"JK..."

Nawala na siya. Oh God . Hindi ko lubusang maisip kung paano niya natiis lahat yon.

Nasasaktan ako para sakanya. Naalala ko kung gaano siya nagtatampo saakin noon kapag may lalaki akong nakakausap na hindi ko kilala. Yung mga pagseselos niya kapag hindi ko naiibibigay sakanya ang atensyon ko.

Lahat yon tiniis niyang makita kapag magkasama kami ni Darren.

How Jk? How? Paano.

Dahan dahan akong pumasok sa pinto ng villa at dahan dahan ko ring sinarado ang pinto. Tulog na silang lahat , baka magising ko pa

Nahiga na agad ako. Pero maya maya ay tumulo nanaman ang mga luha ko. Nagkamali ako, dapat hindi muna ako pumasok at baka magising ko pa sila.

"Jk..."

Pangalan pa lang niya ang nababanggit ko halohalong emosyon at sakit na ang nararamdaman ko. Ang hirap naman nito. Wala akong kaalam alam na may nararamdaman pa siya sakin.

Mas lalong lumakas ang pagiyak ko. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay dahil gumalaw si Kylie. Gosh napakatraydor ng luha.

Hawak ko parin ang aking bibig para pigilan ang mga hikbing kanina pa lumalabas.

"T-Thea?"

Boses iyon ni kylie. Tumahimik ako at ang sumunod ay wala na akong narinig na nagsalita. Kundi ang hilik nalamang ulit ni kylie.

Buti hindi siya nagising dahil alam kong hindi ako makakapagsalita kung sakaling tanungin niya ako kung ano ang problema. Gosh luha kelan ka ba mauubos.

*.*.*.*

"Good morning."

Antok na antok na bati ni shai habang papunta sa rectangular table kung saan kami kakain.

"Good morning" tugon ng iba.

Hindi ko alam kung anong oras o kung paano ako nakatulog kagabi. Basta ang alam ko lang hindi ko mapigil ang sarili ko sa pag iyak-mas lalo pa ngayon at makikita ko siya.

This will be our last day sa resort at siguro bandang hapon ay uuwi narin kami.

Geez i'm getting sad whenever i hear the word 'last'

Jk ano nanaman bang ginagawa mo saken :( bakit ganito nanaman?

Kumpleto na ang girls dito sa table , boys nalang ang wala pa kaya hindi kami maka order. Karamihan kase gusto makasabay yung boys sa pagkain.

Napaayos ako ng upo ng marinig ko na yung boses nila terrance.

Hindi ko sila makita dahil nakatalikod ako sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Regrets (My Bully Love Part 2) A Juan Karlos Labajo FF ~By: crazyyY_mea~Where stories live. Discover now