The Mysterious Nerd

By Yourmissamazona

493K 10.3K 378

Nerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin ni... More

Disclaimer
REVISIONS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 1(Real)
Special Chapter 2
Last Special Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
Life of Lies

Chapter 32

6K 140 10
By Yourmissamazona

Travis' POV

"Travis?"

Si Matt nasa kwarto ko nga pala ngayon at kumakain ng chocolate.

"Huh?" Sabi ko at bumalik sa realidad. Hanggang ngayon kasi hindi ako mapakali ehh.

"Uy, nakakapag-alala ka na ha. Kahapon pa yan nung pageant eh." Sabi ni Linnea.

"Ah, wala 'to! Hehe." Sabi ko at tumawa ng peke. Tumango-tango lang sila at nagpatuloy sa ginagawa nila. "Mamaya na yung celebration mo Linny!" Sabi ni Matt.

"Ayy oo nga. Pero simpleng salu-salo lang naman diba?" Sabi niya at napakainosente ang mukha.

"Anong simple ka dyan?! Bonggang-bongga kaya ang gagawin namin!" Pasigaw na sabi ni Jeff na kakapasok lang galing sa labas. "Aish! Bakit ba nandito kayo sa kwarto ko?!" Sigaw ko. Kasi naman hindi na nga ako makapag-isip ng maayos ang ingay pa nila.

"Ang HB ni boss! Sayo 'to? Sayo 'to?" Sabi ni Matt. Anak ng!

"Oo room KO 'to kaya pwede bang lumayas kayo!!" Sigaw ko at pinagdiinan yung KO.

"Psh. Bakit binili mo ba? Binili?!" Pasigaw ulit na sabi ni Matt at yung ugat niya sa leeg kita na. Effort naman nito!

Natahimik ako sa sinabi niya. Oo nga di ko binili. "O ano ka ngayon!" Pang-asar pa ni Matt. Loko 'to! Uupakan ko na 'to! Pigilan niyo kaya ako. Tss.

"Aishh!! Bahala na nga kayo!" Sigaw ko dahil sa inis at napasabunot ng buhok. Lumabas ako ng pinto at isinara ng padabog ang pinto.


Hala napalakas nga ata yung pagsara ko ng pinto. Masira pa yun. Nevermind lampake dun! Edi palitan ko! Narinig ko pa ang pagsigaw ni Matt mula sa loob.


"Sisirain mo ba yung pinto ha!?"


Napailing ako at dumiretso na lang sa may terrace. May duyan doon at umupo ako. Nilanghap ko ang sariwang hangin. Hapon ngayon at hindi gaano kainit kaya okay dito.

Kanina ko pa iniisip yung nangyari kahapon ehh. Yung tungkol doon sa pageant na kung saan nanalo si Linnea.


Nandito na kami sa loob ng hall at nakaupo kami sa gitnang part. Dun kasi talaga makikita ng mas maganda yung lahat eh. Nagsimula na ang program at nakatutok ako sa mga candidates. Syempre magaganda noh!

Nagsilabasan na sila isa-isa pero hindi ko pinansin dahil hindi komaintindihan yung nararamdaman ko. Parang may hinahanap ang mga mata ko. Hinihintay lumabas ang isang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang bakla diba?

Nang lumabas na siya ay parang nag slowmo. Tumibok ng mabilis ang puso ko. Natahimik saglit ang paligid ko pero maya- maya ay hiyawan na ang naririnig. Ang ganda niya ngayon. Ang simple at mukhang natural lang.

"Ang ganda mo pala Linnea!"
"I love you na!"
"Go Linnea!"

Oo tama kayo ng iniisip ngayon. Si Linnea ang babaeng nagpatibok ng puso kong bato. Ang bading ulit!! Hindi ko alam kung paano, bakit, at kailan ko siya nagustuhan eh. Alam nila na ang tipo ko ay sexy, maganda at malakas ang dating pero nagbago yun.

Hindi ko inaasahan na titibok ang puso ko para sa isang misteryosang nerd. Yung simple lang at hindi palaayos, maingay pala at makulit, at higit sa lahat matapang at ngumingiti kahit nasasaktan.

So back to the pageant. May hawak ng banner sina Jeff na nasa tabi ko lang at todo cheer. Alam kong silang tatlo ay may gusto kay Linnea. Madali lang talagang magkagusto sa kanya. Halata ko na matagal na. Gusto nila siya kaya ayaw ko sana magkaaway-away dahil dun. Kaya ako, tinatago ko yung feelings ko.

Nagsalita na siya habang naghihiyawan pa rin. "Hi everyone! Linnea Davaux your nerd! You know why a is the first letter in the alphabet and not b? Beacause attitude comes first before beauty. I thank you!" Sabi niya at ngumiti.

Nakita ko na hinahanap kami ng mga mata niya kaya nagkunwari akong kumakain at naka earphones para hindi niya ako mahuling nakatitig. Alam kong nakatingin siya sa akin pero pinipigilan ko ang sarili kong lingunin siya.

"Ladies, proceed now at the back stage and get ready for the talent portion." Sabi nung emcee at isa-isa ng pumasok ang mga candidates. Nilingon ko na siya at nakita siyang pumasok na agad.

Nagdaan ang ilang minuto at nagsimula na naman ang talent portion. May sumayaw, nag-acting, ballet, gymanstics at kumanta. Ngayon, yung kay Linnea na.

Lumabas na siya mula sa backstage ng nakasuot ng blue dress. Bigla din lumabas mula sa kung saan si Zack. Aray naman uy! Parang may kumirot sa puso ko. Hayy kung ako lang sana yun. Napangiti ako ng mapait. Nginitian niya si Zack bago ito umupo.

Nagsimula nang istrum ni Zack yung gitara niya at nagsitilian ang mga babae. Okay, heartthrob eh. Hindi ko kayang tignan sila ng ganyan. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin at huninga na ng malalim. Sinimulan niyang kumanta.

Napatulala na lang ako bigla sa ganda ng boses niya. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Nababasa ko sa ekspresyon ng mukha niya na hindi niya maintindihamln kung anong ipinapahiwatig ng tingin ko.

Bawat salita na sinasabi niya ay parang damang-dama niya. Para bang sinasabi ng mga tingin niya sa akin ngayon na para sa akin ang kantang yun.

Yeah, same sa alin. I think I'm falling for you. Paunti-unti. Nahuhulog ako.

Alam niyo ba kung bakit bumalik ako sa pang-aasar? Kasi akala ko kapag bumalik kami sa dati, mawawala na yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero nagkamali ako, ngayon parang nagguiltyako sa tuwinginaasar ko siya gamit ang masasakit na salita.

"Wag!!" Biglang sigaw ng kung sino dahilan para mahulog ako sa duyan kung saan ako nakaupo."Ayy kabayong bulag!" Napasigaw ako. Sino ba 'to?!


Chloe's POV

Nakakapanibago talaga si Travis. Tulala mula nung kahapon. Ano kayang nangyari? Hmm, kaya nga para malaman ko ay hinahanap ko siya. Lumabas kasi ng padabog sa kwarto niya kanina. Susundan ko lang. Pero nasaan kaya?

Pumunta akong kitchen tapos wala siya. Garden, wala din. Game room, wala. Eh saan ba magsusuot ang taong tulala na parang malalim ang iniisip? Hmm, oh my geez! Baka magpapakamatay siya sa may terrace! Wah!! No Travis! I will save you!

Dali-dali akong tumakbo paakyat diretsong terrace at muntik pa akong magkanda dapa doon. Kainis naman kasi ang dulas sa hagdan! Masyado naman nipolish!

Nung malapit na ako sa sliding door ay sumigaw na ako para pigilan siya kahit hindi ko pa siya nakikita. "Wag!" Sigaw ko sa kanya at dumiretso ako papasok.

"Ayy kabayong bulag!" Yan ang sigaw niya na sumalubong sa akin.

"O anong ginagawa mo dyan sa baba?!" Pasigaw pa rin na sabi ko. "Nahulog lang naman ako dahil sa gulat!" Sigaw niya na ikinabigla ko. Oo, sinisigawan niya ako! Wahh! Kasalanan ko ang pagkahulog niya!

Napapaiyak ako! Una, dahil sa sinigawan niya ako at pangalawa dahil ako ang dahilan para mahulog siya dun.

Konti na lang tutulo na ang luha ko. Nakita ko siyang tumayo at lumapit sa akin. Mula sa inis niyang itsura ay tila nanlambot ang ekspresyon niya ng makita ang itsura kong paiyak na.

"T-teka nga bakit ka ba kasi nandito?" Tanong niya sa akin na kalmado na. "Kasi nag-aalala lang naman ako sayo. M-mukha kasing may may problema ka at naisip ko na baka malaki yun at tatangkain mong magpakamatay." Sabi ko at naiyak na.

"Hay naku. Baliw ka talaga."sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Hindi ako magpapakamatay dahil may mamahalin pa ako." Sabi niya at ngumiti. Kacurious naman pero parang ayaw kong malaman kung sino yun. Pero gusto ko din.

Bahala na nga. "S-sino naman?" Tanong ko na may halong kaba. Nakakakaba kasi eh. "Uhm, sikretong malupet. " sabi niya sa akin ng may pakindat pa. Feeling ko namula ako.

"Ano nga pala kasi ang problema mo?" Tanong ko sa kanya. "Upo muna tayo kapagod tumayo." Sabi niya at nauna nang umupo sa may duyan.

Nang makaupo kami ay may katahimikan. Awkward silence guys. Yun ang nakapalibot sa amin ngayon. "So anong problema?" Tanong ko pambasag ng katahimikan.

"Uhm.." sabi niya ng parang nahihiya sa sasabihin.

"Kung tungkol 'to dun sa 'date thingy'
na yun, okay lang kahit di na yun." Sabi ko at pilit na ngumiti. Deep inside winiwish kong sana hindi siya pumayag na hindi kami mag friendly date."Ok lang?!" Tanong niya na parang biglang-bigla.

Dahan-dahan akong tumango.

"Ayaw mo siguro akong ka-date kasi."


Hala ano daw? Hindi ko narinig. "Ano yun?" Tanong ko. "Ahh ano sabi ko okay lang naman na mag date tayo."sabi niya at ngumiti. Siguro kung nandito ang fangirls niya kinikilig yung mga yun. Madalang ngumiti ang isang Travis Chase.


Swerte mo na lang kung ngitian ka nyan. Matutunaw ka.

"Staring is rude." Bigla niyang sabi ng nakangisi. Napayuko na lang ako sa hiya.

Nandito kami sa sala at ineenjoy ang pagkain. Naisipan namin na magpadeliver na lang. Naisipan nila pala. Merong dalawang box ng thin crust na pizza, burgers, ice cream, at syempre syempre! Hindi mawawala ang...

FRENCH FRIES NG MCDO!!!

OA na kung OA! Peyborit ko kaya yun! Wahahahahaha. Ang saya naman! Yey! Madaming foods! ~_^

May katakawan akong tinataglay kaya ang dami kong kinakain. Woo! Happiness! Let's celebrate!!!

"Inuman na!" Sigaw ni Matt. "Oy loko! Hindi pwede!" Sigaw ni Travis. "Inuman ng juice! Grabe ka Travis ha!" Sabi ni Matt na ikinatawa na lang namin. Kahit kailan talaga.


Pero may naramdan akong kakaiba.

Parang may nagmamasid sa amin.

Someone's POV

Nandito lang ako at nagmamasid. Lintek! Sige magpakasaya na muna kayo! Pero sisiguraduhin kong sa huli, nasa akin pa rin ang huling halakhak.

Kukunin kita. Akin ka lang at walang pwedeng umangkin sa iyo kung hindi ako! AKO LANG!

Kung sino man ang humarang...

PAPATAYIN KO...

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 191K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...