My Mafia Prince Boyfriend [Co...

By BrokenBonesAndDreams

8.6M 138K 6.9K

Si Avery Lefevre ay isang simpleng babae na may simpleng buhay. Siya ay natutulog, kumakain, pumapasok sa esk... More

My Mafia Prince Boyfriend
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
The End
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty-Eight

139K 2.2K 93
By BrokenBonesAndDreams

Cain at the side. Kahawig ba ni Calvin? Hihi (;

At hindi naman pala maikli yung previous chapter! Sakto lang pala! Walang babawiin! Joke Haha.

No Proofreading.

"Tama nga ang impormasyon. Now, I will kill you." He dangerously said.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sa isang kisap-mata, hawak na niya si Calvin sa leeg.

"Dad!" I screamed. This is really horrifying.

Hindi niya ako pinansin at nagpakawala siya ng isang suntok na tumama sa mukha ni Calvin. Bumagsak ito sa damuhan.

"Hindi ko alam na ganito pala kaduwag ang mga Raven. Bakit niyo idadamay ang walang kamalay-malay kong anak?! Ha?!" Galit na wika ng aking ama habang dahan-dahang lumalapit kay sakanya.

"Hindi ko siya sasaktan." Sagot naman ni Calvin habang bumabangon ito.

"Kung maloko mo man ang iba, pwes ako hindi." Hinila niya ang kwelyo ng damit ni Calvin at sinunggaban ulit ito ng suntok. Tumilapon ulit ito.

Ramdam ko na hindi lumalaban si Calvin. Bakit nga ba? Dahil ba sakin? Dahil alam niyang masasaktan ako pagsinaktan niya si Dad?

Kahit takot na takot ako ay tumakbo ako papunta sa kanila. Hinawakan ko ang braso ni Dad.

"Please Dad, don't do this. Hindi mo naiintindihan!" Umiiyak na pagmamakaawa ko.

He pushed me away causing me to fall to the ground. "Stay away Avery." Malamig niyang wika at humakbang ulit papalapit kay Calvin.

"Dad! No! Please!" Sigaw ko. I think he is losing control. Madilim na madilim na ang kanyang mata.

He ignored me. Binuhat niya si Calvin sa pamamagitan ng paghawak sa leeg nito. Nakita kong may dugo na ang bibig ni Calvin.

"Calvin! Fight back!" Sigaw ko sa kanya. Sana naman ay sundin niya ako.

"Coward." Wika ng aking ama at itinutok ang kaliwang kamay sa dibdib ni Calvin.

No! He is going to kill him! I saw Calvin do that before!

I was about to stop him when someone came.

"William, itigil mo iyan." Tinapik niya ang balikat ni Dad.

"No." Tutol ni Dad. "Pagkakataon ko na ito para mabura ang isa sa mga peste sa buhay ko."

"If you kill him, it means you are asking for a war. At alam mong hindi pa tayo handa para doon." Sagot ni Uncle Reagan. Ang matalik na kaibigan ni Dad. Ayon sakanya ay kasama niya na ito noong highschool palang sila.

Mabait si Unle Reagan. Palagi siyang may kontrol sa mga bagay at laging tinitimbang ang mga pwedeng mangyari bago gawain ito. Mabuti nalang talaga at dumating siya. Hindi ko na kasi alam kung mapipigilan ko pa si Dad.

My father glared at Calvin before dropping him to the ground. "Pasalamat ka at hindi mo pa katapusan ngayon." Pagkatapos ay tinalikuran niya na ito at naglakad papunta sa gawi ko. Sumunod naman sa kanya si Uncle.

Pagkaabot niya sakin ay hinawakan niya ako sa braso.

"Dad, please. He needs me." I said while looking at Calvin. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

"Ano ba iyang iniisip mo? He's an enemy! Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo." Hindi na ako nakasagot pa ng marahas niya akong hinila. I can't believe my Dad is doing this to me.

Wala na akong nagawa kundi tapunan ng tingin si Calvin sa huling pagkakataon. Nakatayo na siya at ang kanyang damit ay may dugo. He looked at me like everything's gonna be fine.

Hindi. Malabo na iyon. Malala na ang sitwasyon namin.

Matapos naming dumating sa bahay ay nagmamadali akong dumiretso sa kwarto ko.

Pumasok ako sa banyo para maglinis. Nagpalit ako ng komportableng damit.

After that I climbed into my bed and cried hard.

 

---

Napakamalas ko talaga.

Ito ang narealize ko matapos ang ilang oras kong pag-iisip.

Lahat nalang sakin palpak. Napahamak na ako. Muntik na namatay. Naging bampira....

Pero dapat wag pa rin akong sumuko. Dapat wag akong mag emote nalang dito.

Hindi naman kusang aayos ang lahat kung hindi ako gagalaw. Dapat may gawin ako.

Ang tanong... ano nga ba?

Kailangan makabuo ako ng plano. Starting today, magploplot na ako ng dapat kung gawin para maayos ang lahat. Parang gagawa lang ako ng experiment. Sighs, ano na nga ba ang mga steps doon?

I was interrupted when I heard my door opened. Napaupo ako ng makita si Dad.

"I brought your dinner." Malumanay na wika niya habang hawak-hawak ang isang tray na puno ng pagkain. Iniisulto ba niya ako? Does he thinks I'm a pig? Galit na talaga ako sa kanya.

Napalingon ako sa bintana. Gabi na pala at hindi ko manlang namalayan. Tsk.

Hindi ako sumagot at humiga ulit. Tinalikuran ko siya.

Narinig ko ang pagpatong niya ng tray sa table. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko.

I heard him sigh. "Sorry for hurting you baby. Nilamon kasi ako ng galit. I swear I would never do that again."

Hindi ulit ako sumagot. Nagpatuloy ulit siya sa pagsasalita.

"I know dapat ay hindi ko ginawa iyon. I'm so sorry. Please my princess, forgive me."

Hindi ako umimik. Masama pa rin ang loob ko sa kanya.

"Aww come on. It's your fault anyway. Sinabihan naman kita na wag kang lalapit sa kanya diba?"

That made me sat up. I faced him angrily. "No Dad. Hindi mo ako maaaring utusan kung sino ang gusto kong samahan. At kung may problema kayo sa mga Raven pwes, wag niyo akong idamay!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. He looked surprised at my sudden outburst.

Unti-unti na namang naging madilim ang anyo niya. "Ano ba ang meron sa lalaking iyon at ipinagtatanggol mo siya? Anong meron sa kanya at nagagawa mo na akong suwayin ngayon?!" Tanong niya na may galit.

"Because he's my mate! Hindi naman pwe-pwedeng basta basta niyo nalang akong palayuin sa kanya! That is just so unfair!" I cried. Can he just understand that? Lord naman o bakit ba hindi niyo po ako biniyayaan ng mapag-unawang ama?

His jaw dropped. He just stared at me.

Bakit? May sinabi ba akong mali?

Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Tell me that you are not a vampire! Tell me!"

Hindi niya alam? How come he doesn't know about that?

"I am one." I answered.

Tuluyan nang nagkulay itim ang mata niya. Tumayo siya at sinuntok ang pader ng kwarto ko. Naramdaman ko ang malakas na impact. Ayun ang pader, wasak.

"Akala ko ay nag-iilusyon lang ako..." Narinig kong bulong niya.

Tumayo na rin ako. "Wait Dad, I thought you knew. Ang alam ko ay binugbog mo si Calvin because he is my mate."

"I didn't!" He shouted. "Someone sent me photos of you with him. I thought he is just you boyfriend! Mas malala pa pala doon!"

Ano? May nagpadala ng mga pictures namin ni Calvin na magkasama sa kanya? Sino naman ang gagawa noon?

"He is my mate Dad. You need to accept it." I stated. Wala naman siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin iyon.

"No." Tutol niya. "If you cared about your family, about your mother, you will stay away from him. Or maybe reject him."

He is really impossible! Ano ba ang mga naiisip niya?

"No way! I would never ever ever ever ever reject him. At teka, why you're bringing Mom at this?" Pati si Mom ay idinadamay niya. Desperado na talaga ata si Dad na ilayo ako kay Calvin.

My Dad's face turned into a dangerous one. Pati ako ay natakot sa reaksyon niya. "You can't be with him."

I raised my eyebrow. "And why not?"

He gave me a furious look. "Because of them, you lost your memory and we lost your Mom."

I caught my breath. Isang rebelasyon na naman. Hindi na ba ito mauubos?

"Oh My God." Ang tanging naisagot ko.

---

A/N: Aha! Hehe. Andami nang nangyari hano?

 

Yan na muna sa ngayon. Kailangan ko pa kasing magreview para sa exams! :/

 

Please VOMMENT! And thank you sa suporta guys! Comments lang masaya na ako haha (:

Continue Reading

You'll Also Like

58.2K 2.3K 51
♛♥♛ Hindi ako buo. May kulang sa pagtao ko at napakarami kong tanong. I've been searching for my long lost father and twin sister while fighting for...
1.6M 25.6K 50
[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as...
4M 49.6K 55
Si Zelle ay isang anak mayaman, hiredera. Ano kayang mangyayari sa kanya kung papasukin siya sa public school? Kaya niya kaya ang magpanggap na mahir...
23.9M 386K 60
(Published under Pop Fiction) I was not expecting na ang normal na takbo ng buhay ko bigla na lang magugulo. I am a 23-year old certified NBSB virgin...