Worth The Risk (Bachelorette...

Autorstwa ailyween

466K 10.1K 673

Book Four of Bachelorette Series ✔️ Completed There's a type of love that's not worth keeping for, you can le... Więcej

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapte 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Bonus Chapter

Chapter 4

19.3K 455 12
Autorstwa ailyween

Chapter Four

"Viral na viral itong picture mo sa instagram account ni Rye! Tsaka ang ganda ganda mo dito o, you look like an angel. Ang amo amo talaga ng mukha mo kahit kelan." Rica said as he make himself busy with his phone.

Mula sa pagchecheck ng mga damit na nasa rack ay liningon niya ito na prenteng nakaupo sa sofa. She sighed. "Hindi parin ba tapos 'yang issue na 'yan?" Mahinahong tanong niya. Ilang araw na rin kasing usap-usapan sa internet ang tungkol sa picture niya.

"Hindi pa. Viral parin nga hanggang ngayon. Nung una hindi ka nakilala kaso may nagcomment na ikaw yung designer at may-ari ng clothing line na Crescent. Kaya ayun, curious na curious ang lahat."

"I told him to delete it. Pero ayaw niya eh." Binalik niya ang pansin sa mga damit na fina-final check niya. Ready for display na kasi ang mga ito sa baba ng building kung saan located ang main branch ng Crescent.

"May article  pa nga na baka special ka daw talaga sa buhay ni Rye dahil ikaw ang kauna-unahang babae na pinost niya sa instagram account niya na hindi relatives. I mean, nagpopost siya ng picture with Ianna but you see she is his cousin. May picture din with his mom and still she's a family. He never posted pictures of the girls he dated. Ikaw lang talaga yung nandito."

She sighed. "I told you we're not dating. We're friends. That's all."

Kaya nga nahihiya na siya eh. Bukod sa pinag-uusapan na sila ay kung anu-ano na rin ang ina-assume ng mga tao. Pati sa parents niya ay nakarating na ang balita. Kung bakit kasi ang kulit kulit ni Rye.

Nag-ring ang kanyang phone kaya agad niyang chineck kung sino ang tumatawag. She sighed when the screen flashed Rye's name. "I have to take this call, sa office lang ako Rica. Ready for display na 'tong mga na-final check ko."

Lumabas siya ng work room at dumiretso sa kanyang opisina.

Good afternoon.  Bungad nito.

"Good afternoon too." Dumiretso siya sa kanyang swivel chair at naupo.

Where are you?

"Dito sa Crescent."

I heard from Erin na a-attend ka sa premiere night ng movie niya mamayang gabi.

"Yes. Why?" Sumandal siya sa kanyang upuan. Mukhang alam na niya kung saan papunta ang usapang ito.

May date ka na ba? We can go together.

Sinasabi na nga ba niya. "Rye, people will talk some more if they saw us together." Mahinahon niyang paliwanag.

He sighed on the other line. Then let's tell them that we're friends. Para malinaw na natin lahat. What do you think?

"Why do I have this feeling that even when I say no, you'll still come and fetch me?"

He chuckled. Exactly. That's why you can't say no.

Naiimagine na niya ang ngisi nito. "Okay." Wala na siyang magagawa pa. Rye is just so persistent.

Okay, I'll pick you up at seven. Sa condo mo ba? Halatang halata ang tuwa sa boses nito.

"No. Dito na ko sa Crescent magbibihis. You can fetch me here."

Okay then. I'll see you... damn! I can't wait to see  you.

"JUST leave my hair as it is." She said politely to Dianne. Ang hair stylist ng kanyang team tuwing may runway show ang Crescent.

Tumango ito.

"And of course just a powder and pink lipstick." Saad ng make up artist niyang si Angel.

Marahan siyang tumango at ngumiti.

"Nako, dapat dito kay Therine trinatry din ang dark lipstick! Tapos big curls sa hair. Yung sexy tignan!" Litanya ni Rica habang pinapanood siyang nilalagyan ng powder ni Angel.

"Asa pa tayo! Kahit ata magpustahan tayo dito hinding-hindi mangyayari yan." Iling ni Rissa na siyang photographer sa kanyang team.

Nginitihan niya ang mga ito mula sa salamin. Bakit nga ba kumpleto ang mga ito ngayon dito sa Crescent at siya na naman ang napiling puntiryahin?

"Mala-prinsesa sa royal family itong boss natin kaya huwag na kayong magtaka!" Saad naman ni Dianne habang umuupo sa gitna ni Rica at Rissa. "Prim and proper ganerns."

"Ayan tapos na." Pumapalakpak si Angel bago iniligpit ang mga gamit.

Marahan siyang tumayo at tinignan ang sarili sa salamin.

"Bagay na bagay sayo yang kulay at tela ng dress. So classy and elegant." Kumento ni Rica.

"Thank you." She said gently. Her hair is falling naturally while the black dress that reach above her knees gives her this simple yet classy and elegant look.(Therines look on the picture-->)

"Picture dali!" Pag-aaya ni Rissa habang hawak ang cellphone nito.

"Naku, sayang talaga at may trabahong kailangan tapusin kundi pupunta talaga ako sa premiere night. Sayang din iyong mga gwapong artista na dadalo!" Litanya ulit ni Rica/Rico.

"Next time Rica." She smiled assuringly.

"Oo nga, may next time pa kaya manahimik ka diyan Rico!" Saway ni Dianne.

"Stop calling me Rico, Dianne! You're so gross!" Saway nito.

May kumatok sa pinto kaya napalingon silang lahat doon. Pagkabukas ay bumungad sa kanila si Lina.

"Ma'am? Andito na po si sir Rye." Medyo energetic nitong sabi. "Should I send him in?"

Sunod sunod ang naging tikhiman ng mga tao sa loob ng silid. Naaaliw niyang pinagmasdan ang mga ito. Mas lalo na si Rica na medyo napa-oa na.

"Uhem!" Rica said exaggerately. "Date mo pala si gwapong model huh? Papasukin mo na Lina! Ora mismo!"

"Girl kamusta ang face ko? Haggard ba?"

"Magpapicture tayo dali! Hindi araw-araw eh nasisilayan natin ang kagwapuhan ni Rye!"

Bumukas muli ang pinto kaya natahimik na ang mga kasama niya. Naunang pumasok si Lina na parang kinikilig, sa likod nito ay si Rye na may dala pang bouquet ng white roses.

Narinig niya ang impit na tili ng mga staff niya.

"Hi everyone." Bati nito sabay ngiti. Ngiti na nakapagpatili kina Rica at ang mga girls.

She chuckled lightly habang pinapanood ang mga staff niyang kiligin sa ngiti ni Rye.

"Hello sir!" Masiglang bati nila.

Binalingan niya si Rye, nakangiti parin ito habang lumalapit sa kanya.

"For you."

Tinanggap niya ang bulaklak. "Thank you." She uttered gently as she give him a sweet smile. Binaling niya ang pansin sa kumpol ng mga puting rosas at inamoy iyon.

"You look great."

Nag-angat siya ng tingin. "So do you." Ngiti niya. She appreciate the flowers.

May tumikhim kung saan sa loob ng silid. Nakalimutan na niya ang presensya ng mga staff niya dahil sa bulaklak. She love flowers, kahit na anong uri pa basta bulaklak. Para kasi sa kanya, nakakagaan ito ng pakiramdam.

"Bago kayo umalis, pwede bang magpapicture muna?"

"Sure why not." Sagot nito kina Rica.

Daig pa si flash na nagsilapitan ang mga staff niya. Natatawa siyang umatras para mabigyan sila ng space.

Inilapag niya sa mesa iyong bulaklak at lumapit sa kanila. "I can take your picture." Nakangiting saad niya.

"Hindi na kayo nahiya kay Ma'am!" Saway ni Lina.

"Pero sige na nga Ma'am!" Sabay abot ni Angel ng cellphone.

"Minsan lang naman 'to eh." Katwiran ni Dianne.

"It's okay guys. Ano ba kayo." Nakangiti niyang saad habang itinututok sa kanila ang camera. "Okay, ready." Nakatuon ang pansin niya sa screen habang kinukuhanan sila ng picture. Kahit talaga kelan, stand out na stand out si Rye kapag nai-mix mo siya sa crowd. Kahit kasi sa kumpulan nila, ito parin ang una niyang napansin. Nakatitig ito sa camera at may nakakalokong ngiti. Siguradong madami nang nahulog sa ngiti na iyan. Walang duda.

"Okay! Tama na guys. Baka malate na sila." Awat ni Rissa.

"Bye Therine! Ingat kayo. At Sir Rye, ingatan mo siya." Bilin ni Rica.

"I will." Inilahad nito ang braso nito. "Shall we?"

Tumango siya at lumapit dito. "We'll go ahead. Pwede narin kayong umuwi."

Nagsitanguhan sila at pinanood sila hanggang sa makalabas ng silid.

"Have I told you that you look beautiful tonight?"

Tumango siya. "You told me I look great." She said as a matter of fact.

"Seems like, I'll have a hard time tonight." He sighed.

Kunot noong tinignan niya ito.

"I'll have a hard time keeping my eyes off of you."

Natahimik siya doon. Hindi kasi niya alam kung ano ba ang dapat sabihin sa mga ganyang bagay. Ni hindi nga niya alam kung seryoso ba talaga ito sa sinabi nito. Rye is a playboy, that's a fact.

"You're ready?" Tanong ni Rye sa kanya ng makarating sila sa venue. Tanaw na niya ang red carpet at ang mga reporters.

She took a deep breath and smiled gently. Saka siya tumango.
Nagsimula silang maglakad palapit sa red carpet. May mga artistang pinagkakaguluhan na ng mga fans at reporters. Sana lang ay hindi na sila mapansin.

Pero mabilis na nabasag ang hiling niya ng may makapansing fans kay Rye at nakuha nito ang atensyon ng mga reporter. Pagtapak na pagtapak pa lang nila sa red carpet ay sunod sunod na ang flash ng camera. Halos masilaw na siya roon.

"Stay close, makakalampas din tayo dito." Marahang bulong ni Rye habang ang kamay nito ay nakapulupot sa bewang niya.

Akala niya ay mararating na nila ang entrance ng cinema pero naharang sila ng iilang reporters.

"Anong ibig sabihin ng pagpost mo ng picture ni Therine sa iyong instagram account?" Agarang tanong ng reporter.

"It's so picture perfect. I mean... the scene and of course the subject of the picture." Tumingin si Rye sa kanya at ngumisi ng nakakaloko. He even pulled her closer.

And  she can already feel the heat that is creeping on her cheeks. He is sending them a different message!

"Kumalat din sa internet na siya ang unang babaeng pinost mo sa iyong instagram account, except of course the girls in your family. What can you say about that?"

"Well... she is special." Tipid nitong sagot.

Narinig niya ang impit na tilian ng mga fans na nakarinig.

His answer surprised her as well. Hindi niya inasahan ang sagot nito.

"Kayo na ba talaga ni Therine?" Deretsahang tanong ng reporter habang nakatutok ang mic kay Rye.

Gulat siyang napatingin sa reporter. Now where did that came from?

Ngumisi si Rye at tumingin sa kanya, sakto namang nakatingin na siya sa binata. Alanganin niya itong tinignan. Nakangisi parin itong umiling at bumaling sa reporter.
"No. We're just friends. Friendzoned eh." Rye chuckled.

She looked down shyly. She's starting to feel uneasy with this whole thing.

"Miss Therine, is it true? Friends nga lang ba talaga kayo ni Rye?"

Napaangat siya ng tingin sa reporter. Mahinhin siyang tumango at marahang ngumiti. "Yes. We're just friends."

Bago pa makapagtanong muli ang reporter ay hinigit na siya papasok ni Rye na siyang ipinagpapasalamat niya.

"Thank god." Marahan niyang usal ng makatakas na sila sa mga reporter.

"They can be so nosy most of the time." Iling din ni Rye. "Come, let's go greet Erin and Keenan."

Tumango siya at tumuloy na sila sa paglalakad.

"Therine! And Rye huh?" Salubong ni Erin sa kanila pagkatapos ay humalik sa kanyang pisngi.

"Congratulations to your movie. I'm looking forward to it." She smiled.

"Siyempre maganda yan! Kaibigan mo ata ang nagdirect. Wait correction, magandang kaibigan." Nakangising saad ni Erin.

Tumikhim si Rye kaya napatingin silang dalawa dito.

"Medyo humangin?" Biro ni Rye while scanning the whole place.

"Shut up Rye." Natatawang sabi ni Erin. "Hindi mo lang matanggap ang kagandahan ko. Bitter." She huffed.

"You're so full of yourself." Rye snorted.

Nangingiti niyang pinapanood ang dalawa. She can say that they're really close. They're comfortable with each other and they can joke around with no hard feelings.

"Sus if I know, paparaan ka lang kay Therine mamaya kasi alam mo na, sinehan... madilim." Erin shrugged.

"Erin..." Mahinahong saway niya.

"Naku Therine, kapag itong si Rye may ginawang kababalaghan mamaya sabihin mo lang sa akin. Humanda yan sa amin ni Ianna." Bumaling ito kay Rye. "At ikaw lalaki ka, Ianna already told you diba? Therine won't be part of your collections or else..."

"I know that Erin." Putol nito sa dalaga. "Therine is different. Tsaka, we're friends. Ask her."

Bumaling si Erin sa kanya. Tumango siya. "Yes, we're friends."

Sinamaan parin ni Erin ng tingin si Rye. "Siguraduhin mo lang! Hindi lang ako at si Ianna, siyam kaming makakalaban mo kapag ginawan mo ng kalokohan si Therine."

Napangiti na lang siya. Napaka-protective talaga ng mga kaibigan niya pagdating sa kanya. Kahit hindi naman siya ang pinakabata.

Tumango si Rye saka binalik ang hawak sa kanyang bewang.

Agad dumapo doon ang mata ni Erin saka nag-angat ng tingin kay Rye. "I'm warning you Rye." Banta nito.

"Oo nga. Tsss."

Bago pa makaangal si Erin ay dumating na si Keenan. Tipid itong ngumiti sa kanila at tumango. May pagka-suplado talaga. Pero paglingon naman kay Erin ay ang lapad na ng ngiti. He really is badly smitten to Erin.

"Na-greet mo na iyong ibang guests?" Tanong ni Erin dito.

Tumango ito at humalik sa pisngi ni Erin. "Yeah..."

"Let's go to our seat?" Untag ni Rye kaya nabaling dito ang atensyon niya.

Marahan siyang tumango at nagpatianod dito.

Madaming bumati kay Rye bago sila nakarating sa kanilang assigned seats. May iilan ding bumati sa kanya, mga naging kliyente niya at kapwa designer.

"Are you cold?" Masuyong tanong ni Rye. Nagddim na ang lights, hudyat na malapit ng magsimula ang movie.

Umiling siya. "I'm fine." Sumandal siya sa upuan.

Tumango ito at sumandal rin sa sariling upuan. Bumaling ito sa kanya. "Iyong mga sinabi ni Erin kanina, don't mind it. Kontrabida talaga yon kahit kelan."

Liningon niya ito. Now their faces were too close. Ngumiti siya at tumango. "I understand." Binalik niya ang pansin sa big screen.

Pero makalipas ang isang minuto ay nararamdaman niya parin ang pagtitig ni Rye. Liningon niya ito at nakangiting umiling. He look so cute with that dreamy eyes of him. Hindi bagay sa napakamanly nitong mukha. "It's rude to stare." Mahinhin niyang saad.

"I can't help it." He mumbled.

Hindi niya talaga matagalan ang titig nito kaya binalik na lang niya ang pansin sa harap. Nag-umpisa na ang movie. Dinampot niya ang coke sa lagayan ng drinks at sumimsim doon bago muling sumandal sa kanyang upuan. At the side of her eyes she can see that Rye is still looking at her. She sighed and look at his direction.
"Rye. Nagsimula na ang movie." Marahan niyang saad para di makaistorbo sa ibang nanonood.

Pumangalumbaba ito. "I'd rather watch you." He grinned.

"Magtatampo sa'yo niyan si Erin."

He sighed. "Fine." Humalukipkip ito at bumaling sa harapan.

Maya-maya pa ay naramdaman niya ang paghilig nito sa balikat niya.

"Rye?"

"Sssh. Mabigat na ang ulo ko. Mas kumportable dito."

Gusto niyang mapailing. Ang valid nga ng rason nito eh.

"That's my drink." Bulong niya ng sumimsim ito sa inumin niya.

"Doesn't matter. Indirect kiss din 'to."

She chuckled gently. "You believe in that?"

"Kapag sayo lang." Ngisi nito. "Damn! Your chuckle is very angelic."

"The indirect kiss thing. Hindi ko inasahang naniniwala ka doon." Hindi na siya magugulat kung may sisita sa kanila dahil sa kakausap nila.

Umayos ito ng upo at umalis sa pagkakahilig sa kanya. The next thing she knew, nakaakbay na ito sa kanya. "Baka ginawin ka." Bulong nito.

"I told you I'm not cold."

Hinawakan nito ang ulo niya at inihilig sa balikat nito.
"Just stay there, don't ask why. I just want you in my arms." He whispered gently.

She gulped. Now... what is the meaning of this?

_

A/N:
Ipinublish ko na iyong first teen fiction story ko dito sa wattpad. Pikit matang ipinublish. Lol!
Sana suportahan niyo din po iyon. Kapag kasi hindi ko feel ang pagsusulat sa bachelorette series, yun ang pinagtutuunan ko ng pansin. Title is "Coming Undone." Thanks. 😃

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

39.7K 1.5K 39
Until when are you going to fear love?
1.6K 63 43
Every second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know...
27.1K 1.2K 32
How hard is it to be loved?
4.2M 124K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...