Fide et Amor [TimeTravel Roma...

By justbreathesofie

53K 1K 641

GALING SILA SA MAGKAIBANG MUNDO AT PANAHON. Ang isa ay galing sa nakaraan habang ang sa kasalukuyan naman an... More

Teaser
Fide et Amor [On-going]
PREFACIO
PROLOGO
CAPITULO I
CAPITULO II
CAPITULO III
CAPITULO IV
CAPITULO V
CAPITULO VI
CAPITULO VII
CAPITULO IX
CAPITULO X
CAPITULO XI
CAPITULO XII
CAPITULO XIII
CAPITULO XIV
CAPITULO XV
CAPITULO XVI
CAPITULO XVII
CAPITULO XVIII
CAPITULO XIX
CAPITULO XX
CAPITULO XXI
CAPITULO XXII
CAPITULO XXIII
CAPITULO XXIV

CAPITULO VIII

1.4K 31 8
By justbreathesofie

A/N: On your right is the painting of La Bulaqueña (1895) by Juan Luna.  According to Wikipedia, she wears a tradional Maria Clara gown. 

This is the link: http://en.wikipedia.org/wiki/Mar%C3%ADa_Clara_gown

and

An instrumental music video of 'A thousand Years' by ThePianoGuys

Great thanks to @Czesivaroham for editing my updates and giving tips to make it better.

Happy Reading!  Do not forget to vote and Comment!

-------------------------

He was still hurting.  Masakit pa din sa kanya ang makita silang dalawa.  He concentrated on his driving instead of thinking about his ex fiance.  Looking at the woman next to him, she smiled at him.  This woman has spoken his name--but she's a mystery.  He knows he has met her somewhere--someplace...but where? Her smile is so familiar to him. Where did I meet her? He asks himself with a sigh--kept his eyes on the road.  “Okay ka lang, Anthea?”  Napatingin ito sa kanya at ngumiti.

“Asaan ang kapatid mo?”

“Siya na lang mag-isa ang uuwi.” Maikling sagot ni Jordan.  Tahimik sila sa loob ng kotse.  Wala ni isa man sa kanila ang sumubok magsalita ulit.  Pinagmamasdan ang mga gusali at lugar na nalalagpasan nila.  Nananatili pa din ang kanyang pagkamangha sa pagiging moderno ng Dos Mil Trece.  Hindi niya akalain na magkakaroon ng kaganapan ang mga pinangarap ng tao noon--malalaking gusali, mga sasakyang tulad ng isang calesin na may apat na gulong at walang kabayo.  Noon, napakadami ng tao sa kalye.  Mas marami pa ang mga mga tao kaysa sa mga calesin, ngunit ngayon ay nagbago na.  Mas marami na ngayon ang mga sasakyan kaysa sa tao.  

May kakaibang--tunog siyang narinig, tila isang musika.  Musikang galing sa tabi.... ni Jordan?

“Papaano...” Tanong ni Anthea.  Hindi mawari ni Anthea kung papaano nakakagawa ng himig ang isang parihabang bagay sa harapan ng kotse.  Umiilaw ang bandang gitna nito ay may mga nakasulat na numero.  Kay ganda ng himig na nagmumula rito.

“Ikaw lamang… ang tangi kong minamahal,

Ang tangi kong dinarasal,

sana’y habang buhay tayong magkasama…"

Nakita niyang may hinawakan si Jordan at bahagyang humina ang musika.  “Naiingayan ka ba?  Gusto mo bang patayin ko na?”  Sinong papatayin?

Tinignan niya si Jordan.  Magkasalubong ang kilay nito.  Nag-iba ang timpla ng kanyang Caballero.  Masaya ang kanilang pagbibiruan noong una at biglang naging malamlam ito.  Hindi niya batid kung ano o kung sino ang dahilan.

Gayunpaman, hindi mapagkakaila na ramdam niya ang kanyang lungkot.  Gusto sa niyang tanungin ang pakiramdam nito ngunit pinigilan niya ang sarili.

“Ano yun?”  Tanong ni Jordan.

“H-Ha?  W-Wala,” kinakabahang tugon ni Anthea.  Hindi niya namalayang nakatitig siya kay Jordan.  Mabilis na pindig ng puso at pamumula ng mukha ang idinulot nito sa kanya.  Gwapo ang Caballerong nasa tabi niya kahit nakasimangot ito.  Sayang at hindi niya dala ang abaniko niya upang ikumbli ang kanyang ngiti.  Gusto niyang malaman ang dahilan ng pagkapawi ng ngiti nito.

Nagtungo sa kusina sina Jordan at Anthea pagdating nila ng unit.  Kailangan niyang makausap si Thea bago siya matulog.  Sinabihan niyang umupo muna ito sa counter habang nilalagay niya ang mga pinamili nito sa kwarto.  Pagbalik sa kusina, kumuha siya ng dalawang tasa at para magtimpla ng paborito niyang drink--hot chocolate.  Nakasanayan na niyang uminom nun bago siya matulog.  Habang nagtitimpla ng hot choco, nakita niyang nakatitig sa kanya si Thea.

“Bakit?”  Tanong niya habang hinahalo ang mga tinimpla niya.

“Sino o ano ang nagpabago ng iyong kalooban kanina?  Noong una, wari’y galak na galak ka sa daloy ng ating usapan ngunit nagbago ito nang may nakita ka. Hindi ko batid kung ano ang bagay na iyon o sino ang naging dahilan ng pagkasuya mo.”  Bumuntong hininga lang si Jordan, binigay niya ang hot choco ni Anthea at umupo sa silya.

“Salamat.”  Tugon ni Thea.

“N-Nobya ko siya...dati.”  Nakatingin pa din si Anthea habang tinitikman ang inumin.

“Dati..ano ang nangyari, bakit kayo naghiwalay?”

“Hindi ko alam.”  Ang totoo, ayaw niyang sabihin ang dahilan sa kanya.  Ayaw niyang makwento sa hindi niya kilala.

“Papaanong hindi mo alam?  Magnobyo at nobya kayo tapos hindi mo alam ang dahilan ng inyong paghihiwalay?”  Tinignan niya lang ito.  She has nice eyes, mas maganda sa mga mata ni Camille...hell, what am I thinking? Sabi niya sa sarili.  Kinuwento niya ang tungkol sa kanila ni Camille, kung paano sila nagkakilala at naging magnobyo.  Sinabi niya rin ang naudlot na kasal nila.  He was surprised--he was pouring out his love story to a stranger.

“Iniwan ka niya dahil mas gusto niya ng karangyaan--ng salapi?  Nakakamuhing ugali ng isang babae.  Ano naman ang iyong balak?  Hindi mo naman siguro susuyuin ang babaing iyon.” Hindi maitago ni Anthe ang inis na nararamdaman sa babaing taong hindi niya lubos na kilala

“Hindi.  Hindi ko gagawin yun.  Anong gagawin ko?”  Ngumisi si Jordan. “Eto, samahan uminom ng hot choco si Maria Clarang wala sa sarili.  Alam mo sa tingin ko, na carried away ka lang sa history subjects niyo dati, kaya lagi mong naiisip ikaw si Maria Clara.”

“Ilang beses kong uulitin na hindi ako si Maria Clara!  Hindi ako katulad niya.  Hindi ako paiba-iba ng nobyo.  Nanatiling walang karanasan akong karanasan sa pag-ibig--hindi katulad ni Maria Clara!”  Nawala na naman ang pagkamahinahon niya.

“Teka, Thea, wag kang magalit.  You mean kilala mo si Maria Clara?  Ano ba talaga siya?  Pero alam mo,  ibang iba ka nga sa Maria Clarang sinasabi ni Rizal, mahinhin, mahinahon, hindi palasalita--”

“Taliwas sa Maria Clarang kilala ko ang iyong binanggit.  Malayong malayo ang kanilang agwat.  Ako ay mahinhin at mahinahon ngunit hindi tahimik--ipapahayag ko ang saloobin ko kapag kinakailangan.  Turo yan ng papa ko.  Napatahimik siya sandali nang mabanggit niya ang kanyang ama.

“At ang Maria Clarang binabanggit mo ay malayo sa pagiging mahinhin.  Papalit-palit siya ng nobyo at kilala sa pagiging talipandas,” naiinis na sagot ni Anthea.

“Ah, okay,” nakangising sagot ni Jordan.

Napatitig si Anthea sa binata.  “Jordan, papaano mo ako, napapunta dito?  Anong mahika ang iyong ginamit?”

“Mahika?  Hindi ko nga alam kung papano ka napunta sa unit ko--sa sofa.  Tapos Naka Maria Clara dress ka pa.”

“Hindi ganoon ang suot ko nang mawalan ako ng ulirat sa aking kwarto.  Nang magising ako--nasa ibang bahay na at nakapanggayak pa ako.  Kung nagawa mong papuntahin ako sa kasalukuyan, maari mo din akong pabalikin sa nakaraan.  Ah, ang estatwa!  Ang estatwang kawangis ko.  Nakita ko yoon sa iyong sala noong mapadpad ako dito.  Maaring iyon ang dahilan ng aking pagparito.”

“Ano?  Hindi ko alam ang mga sinasabi mo.  Ginawa ko yun bago ka dumating.  Nabasag mo pa nga.  Kung yun ang dahilan, di sana nang nabasag yun, bumalik ka na ulit sa panahon mo.  Anthea, hindi ko alam kung ano ang drama mo at bakit ka andito sa unit ko.  Mahika kamo?  Ni hindi nga ako marunong mag magic eh, ito pa kaya?  Gumising ka, umuwi at uminom ng gamot.  Matutulog na ako.”  Nilagay na ni Jordan ang tasa sa lababo.

“Siguro kaya iniwan ka ng iyong nobya dahil sa ugali mo--hindi kagandahan.”  Nagsimula nang humupa ang pasensya si Anthea.

“H-Hindi ako ganito sa kanya--kay Camille.  Siguro, minsan nakakapagsungit din ako, pero minahal ko siya.  Mahal ko siya hanggang ngayon--kahit  hindi na kami.  Hindi ako kasing yaman ni---” Bumuntong hininga si Jordan.  Hindi ako ang pinapangarap niya, pero sinubukan ko.  Oo, sinubukan ko, pero--”  Nakikita ni Anthea ang hinagpis ni Jordan.  Ang pagpigil nito sa pagdaloy ng luha.

Pinipigilan ni Jordan ang umiyak.  Kung sana hindi niya hinayaan lumayo si Camille.  He should win her back--ask for her forgiveness, but he is too weak--too weak to fight for his love.  Wala siyang kwentang boyfriend.  Nakita niyang papalapit na si Anthea sa kanya--

“Do not say a word--Wag ka na magsalita.  Gusto ko na matulog.  Umuwi ka na.  Inaabala mo lang ako.”

Nagulat si Anthea sa mga sinambit ni Jordan.  Ngayon naiintindihan na niya ang kanyang pagiging bugnutin.  Ito ay dahil sa pag-ibig.

Pag-ibig.  Hindi pa niya nararamdaman ito.  Hindi pa siya umiibig.  Hindi pa siya nagkakaroon ng nobyo.  Ngunit hindi pagkakaroon ng nobyo ang kanyang pakay mula kay Jordan.  Kailangan niyang makabalik sa nakaraan.  Kailangan niyang  alamin ang dahil bakit nakapiit ang kanyang ama.  Alamin ang dahilan nito.  Sino ang nagtraydor sa papa niya at sa kanyang pamilya.

Kahit ang kapalit nito ay ang pagpapakasal sa taong hindi niya mahal--kay Lorenzo.

“Kailangan ko ng iyong tulong, Jordan.  Kailangan kong makabalik ng aming panahon.”  Nagmamakaawang tinig ni Thea.

“Pero hindi ko alam kung papano.”  Nabuga ito ng hininga.  Nawawalan na siya ng pasensya.  Antok na antok na siya.  Pero naawa siya kay Anthea dahil nakatungo lang ito habang nakaupo sa may kitchen counter.  Kailangan niyang pumunta ng letrina, ngunit hindi niya alam kung nasaan ito.

“Fine, hanggang bukas na lang.  At pwede, umuwi ka na.”  Umalis siya sa kusina at pumasok sa kwarto.  Iniwan niya si Anthea sa kusina.  Hindi rin siya nakatiis ang niyaya si Thea sa kwarto.  Hinila niya ang isa pang kama na nasa ilalim ng kama niya.

“Ayaw mo ba dito sa kwarto?  Gusto mong mag-isa dyan?”  Sabi ni Jordan sa kanya mula sa kwarto.

“H-Ha?”

“Dito ka na lang.  Mabobore ka lang dyan.” Hindi na niya mapigilan ang tawag ng kalikasan.

“Bakit?”  Tanong ni Jordan.  Nakita niyang hindi maipinta ang mukha ni Anthea.

“Gusto kong malaman kung nasaan ang inyong letrina.”  Nalaman ni Jordan na naghahanap ng toilet si Maria Clara.

“Wala nang letrina ngayon.  Meron kami, toilet.  Meron ako dito sa kwarto ko.  Wala na rin nagawa si Anthe kundi ang pumasok sa kwarto.  Tinuro sa kanya ni Jordan ang isang pintuan.  Pagbukas ng pintuan, nakita niya dito ang isang inidoro at lababo sa tabi nito.  “Wala na kaming letrina ngayon.  Ang baño at letrina pinag-isa na lang.”

Hinila ni Jordan ang shower curtain.  “Ito ang banyo--dito ka pwedeng maligo.  At dito…pwede mong sagutin ang tawag ng kalikasan.”  Tinuro ni Jordan ang paggamit ng toilet bowl at ng lababo pati na ang paggamit ng gripo.  Lalong namangha si Anthea sa ginhawa ng kasalukuyang panahon.  Paglabas ni Jordan, tsaka niya itinuon ang sarili sa tawag ng kalikasan.  Laking tuwa ni Anthea nang pinindot niya ang flush at nakitang hinigop ng inidoro ang tubig paloob dito.  Saan kaya napunta ang tubig?  Sa labas ng bahay?  Tanong ni Anthea sa sarili.  

Paglabas niya ng baño, nakita niyang nakahimlay na ang Caballero sa kama niya.  Nakaayos na rin ang isa pang kama sa tabi nito.  inayos ni Jordan ang isa pang kama na nasa ilalim ng kama niya.  “Dito ka na lang, kung gusto mo.  Kailangan ko lang matulog,” sabi ni Jordan habang nakatakip ang mukha nito.

“Dalawa ang iyong kama?”  Tanong ni Anthea.  Namangha na  naman siya.

“Oo.  Mamaya na ako mageexplain--kailangan ko lang matulog.”  Sagot ni Jordan.  Nakita niyang humiga na si Anthea sa kama.  Tumayo muna si Jordan at pumunta sa isang sulok ng kwarto.  Maya-maya, nagkaroon ng magandang himig sa buong silid.  “Iphone, speaker.”  Sabi niya habang tinuturo ang mga hawak niya. Tumango lang si Anthea sa kanya.  He turns on the A/C at binaba ang mga blinds.  Bumalik na siya ng kama.  Sa wakas, makakatulog na rin siya.

“Sweet dreams.”  Sabay ngiti kay Anthea.

Ipinikit na rin ni Thea ang kanyang mga mata.  Unang beses ito sa kanya--ang matulog kasama ang isang lalaki.  Sabi niya sa sarili ang tanging lalaking makakatabi niya sa pagtulog ay ang kanyang mapapangasawa.  Tinignan niya si Jordan sa kabilang kama.  Napupuno ng kahibangan ang isip niya lalo na kapag kasama niya si Jordan.  Dapat ituon niya ang atensyon sa kanyang pagbalik sa nakaraan.  Kailangan niyang makabalik para sa ama niya.

Napukaw ng musika ang kanyang atensyon. Napakaganda ng musika, ang musikang bumalot sa buong silid.  Ipinikit na niya ang kanyang mga mata sabay ang pakikinig sa kaaya-ayang musika.

Continue Reading

You'll Also Like

105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
6M 265K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
21 3 5
Das ist eine Geschichte über meine Freunde und mich mit Harry Potter🥹🥹
131K 5.7K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...