Tales of Fright

By iLinaSky

3K 46 15

Ordinaryo lang ako. Pero mula pagkabata, alam kong ang mga nilalang na nakikita ko ay hindi ordinaryo. BAkit... More

Carla's Tales
Ang Itim na Aparador
Class Retreat: Calling the Spirit of the Dead
Manika ni Nicka
Pajama, Birthday Girl Ghost
Halloween Special: Trick or Treat
Carla's Vacation Part 1
Carla's Vacation 2: Nana Tela

Blood in The Girl's Comfort Room

228 6 3
By iLinaSky

iLina: I hate bullying! Kapag nabasa na ninyo ang isang ito, malalaman ninyo kung bakit ang multo ay,,,nagmumulto!!! BAsta, basahin nyo. BAka may masabi pa ako na ibang hint, eh, di, boring na ang kwento,dva???

Please, please, COMMENT AND VOTE!!! SIge na po, pindutin n'yo na ang maliit na star sa gilid!!! Uy, magvo-vote na yan...EEEEHhhh :)

SIno iyang nasa likod mo at nakikibasa?

_______________________________________________________________

Blood in The Girl’s Comfort Room

“Hello Dad, sorry po, mukhang matatagalan na naman po ako ng uwi ngayon. May project po kaming tinatapos, eh.”

Nasa loob ako ng classroom namin at ako lang mag-isa roon. Napakunot ang noo ko, ipinilig ko ang ulo ko.

Para kasing may nakakalimutan ako. Pero di ko alam kung ano iyon.

“Dad, ‘wag po kayong mag-alala. Uuwi ako as soon as we finish here.” Ibinaba ko na ang cellphone ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng classroom.

May nagbago sa silid namin. Hindi ko ma-pinpoint kung ano iyon. Ang aircon ba? Ang natatandaan ko kasi, electric fan ang gamit namin. At kailan pa nagkaroon ng computer sa loob ng classroom namin? Hiwalay naman ang computer room, ah. Huh, may nag-donate ba niyon sa school? Malapit na yata ang eleksyon,eh. Speaking of which, kelangan kong pag-isipang mabuti kung sino ang iboboto ko. Wag na iyong kurakot at mas lalong hindi iyong masyadong... general ang plataporma. Dapat, iyong may SPECIFIC na goal pag siya ang nanalo!

Pero nasaan na ba ang mga ka-grupo kong sina Carol at Lisa? Sabi nila magsi-CR lang sila.

Ayokong mag-isa lang dito. Minumulto ang classroom na ito. Minsan, bigla ka na lang makakarinig ng mga taong nag-uusap, nagtatawanan. Tapos, kung anu-anong ibang ingay. Nakakatakot talaga.

Hahanapin ko na lang sila.

Sarah!

Hahakbang na ako palabas ng classroom nang marinig ko ang pagtawag na iyon.

Teka, pangalan ko iyon, ah!

Pero sino ang tumawag sa akin gayung mag-isa lang ako dito sa classroom? Nakagat ko ang labi ko sa namuong suspetsa sa isipan ko. Sina Carol kaya iyon? Baka plano na naman nilang i-prank ako tulad ng madalas nilang gawin?

Hindi ko naman sila mga kaibigan. Mga bully sila pero walang sumisita sa kanila dahil lahat sila ay mga anak-mayaman. Tiyahin pa ni Lisa ang Dean ng College of Business...

Makakauwi rin ako. Titiisin ko lang muna sila dahil mga kagrupo ko sila. Ang mahalaga ay hindi ako magkaroon ng mababang grade.

Hahahaha!!! Nakakatawa naman iyan! Saan mo iyan binili?!

Kumunot ang noo ko. Sino iyong nagsalita? Nakarinig ako ng masayang tawanan ng mga kababaihan. Mga multong nagtatawanan? Weird.

Huy, Sarah! Bakit ayaw mong sabihin, siguro regalo iyan ng bf mo ano?! – sabi nung nagsalita kanina.

Ha? Wala akong boyfriend! Bakit ba nila ako kinakausap na para bang magkakaibigan kami?

Carla, ang malisyosa mo. Mamaya niyan, mapaiyak mo na naman si Sarah, eh! ­– sagot na naman isa pang boses.

Nagtawanan na naman sila. Tatlong boses ng mga babae ang naririnig ko. Galing sa loob ng classroom. Pero wala akong nakikita. Diyos ko... minumulto na ba ako?

Dahan-dahan akong umatras paalis ng classroom. Ayaw kong maistorbo ang mga multo!

At nasaan na ba sina Carol at Lisa?

Mabuti pang puntahan ko sila sa CR. Baka naging abala na naman iyon sa sobrang pagmi-make up!

Pero habang papunta ako sa CR ay isang soccer ball ang biglang nahulog sa harap ko. Napahinto ako dahil doon.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumaas iyon sa ere na parang may hindi nakikitang nilalang ang dumampot niyon.

Tapos di pa nakuntento ang di nakikitang nilalang na may hawak niyon, nag-dribble pa iyon habang palayo sa akin. Sa takot ko ay nagtatakbo ako.

Carol! Lisa! Uuwi na ako!

Pagdating ko sa CR ay walang tao roon.

Pero may masangsang na amoy akong naaamoy.

Carol? Lisa?

Isa-isa kong binuksan ang mga cubicle. Nasa pangatlo na ako noon nang biglang may bumundol na kaba sa dibdib ko.

Wag mo buksan...Parang bulong iyon mula sa hangin.

Pero binuksan ko pa rin. Dahil sa kaibuturan ng puso ko ay kailangan kong malaman kung ano ang nasa loob ng partikular na cubicle na ito...

Wag mong buksan...

Sinunod ko dapat ang babalang iyon. Dahil..

Isang babae ang nakaupo sa indoro. Duguan ang puting blouse ng uniform nito.

Unti-unti akong napaatras.

Hindi ko maintindihan ang magkahalong galit, paghihinagpis at kalungkutang naramdaman ko pagkakita sa duguang babae.

Sino siya?

Bakit iniiyakan ko siya ngayon? Hindi ko siya kilala!

Nagtatakbo ako palabas ng CR. Hindi ko alam kung saan ako patungo.

Napahinto lang ako nang may mapansin akong kakaiba.

Nagkaingay bigla.

Kung kanina ay tahimik dahil wala nang tao sa school, ngayon ay maingay na.

Nakita na ba nila ang bangkay ng babae sa CR?

Nang mag-angat ako ng tingin ay nasa loob na pala akong classroom namin.

Walang tao. Sa labas ng bintana ay nagkukulay-orange na ang kalangitan.

Sarah...

May tumatawag na naman sa pangalan ko.

Sarah...

Palapit ng palapit sa akin ang boses. Ang multo!

Napaatras ako. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses.

Sarah... makinig ka. Tutulungan...

Hindi!

Tumalikod ako at tinakbo ang pinto.

Sarah! Patay ka na!

Napahinto ako. Ano ang sabi niya?

Biglang nag-ring ang cellphone na hawak ko. Mama... iyon ang nasa screen.

Mama? Wala na akong ina! Namatay siya sa panganganak sa akin!

Sarah, makinig ka sa akin. Ako si Carla... matagal ka nang patay.

Nagri-ring pa rin ang cellphone pero di ko iyon pinansin. Lumingon ako.

Nakatayo sa tabi ng teacher’s table ang babae. Katulad ng uniform ko ang suot niya. Mahaba ang buhok niya. Pero di ko siya matandaan...

Ngumiti siya sa akin. Parang maiiyak.

Ikaw iyon di ba? Si Sarah, ang babaeng... nagpakamatay sa isa sa mga girl’s CR? Isang taon na mula nang mangyari iyon... hindi ko alam na hindi ka pa pala natatahimik.

Nakatitig lang ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagbukal ng mga luha sa mga mata ko at pumatak iyon, naglandas sa mga pisngi ko.

Tumingin ako sa buong classroom. Ang bagong aircon... ang computer... ang bagong pintura.

Ang mga ingay na nagtatawanan, nag-uusap.

Iyong bolang kusang tumatalbog.

Hindi pala sila ang mga multo.

Hindi sila ang multo.

Ako pala ang multo.

At isang taon na akong nagmumulto...

Oo, Sarah. Kailangan mo lang ay tanggapin sa sarili mo na patay ka na. At kusang darating ang ilaw na maghahatid sayo sa... kabila.

Pero bakit ako nagmumulto?

Anong nangyari kina Carol at Lisa?

Wala na sila, Sarah. Gumrdweyt na sila. At sising-sisi sila dahil alam nilang may kontribusyon sila sa nangyari sa iyo.

Alam ng lahat ang dahilan ng pagkamtay mo. Sila. Kaya huwag kang mag-alala. Dahil lahat ng paninirang ginawa nila...iyong mga tsismis... alam ng lahat na hindi totoo ang mga iyon.

Patawarin mo na sila.

Tumingin ako sa kanya, naghahanap ng reassurance. Dahil natatakot ako sa nalaman kong ito...

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi ang hayaan ang sarili kong makapagpahinga na?

Patatawarin ko na sila...

Matatahimik na ako...

Tatanggapin ko na patay na ako...

Isang ilaw ang pumasok sa buong silid. Natabunan niyon ang lahat ng nasa silid pati na si Carla.

Pagkatapos ay unti-unting nawala ang ilaw. Lumiit iyon. Nasa labas lang iyon ng bintana. Naghihintay na sumama ako roon.

Sige na... sumama ka na. Magpahinga ka na, Sarah. Ipagdadasal ka...namin.

Tumango ako. Pumikit. Gumaan ang buong katawan ko. Alam kong kusa akong dinadala ng hangin patungo sa ilaw.

Pok!

Nahulog ang cellphone na hawak ko sa sahig. Hindi ko na iyon kailangan. Isa pa, hindi sa akin iyon. Dahil wala naman akong mama...

Salamat, Carla...

______________________________________________________________

ADVERTISEMENT!  ADVERTISEMENT!  ADVERTISEMENT! 

You can also try reading my other works:

Carla's Tales (Paranormal/Horror)

What Matters Most (Story Collection)

Special Beauty (Romance/Drama)

Clandestine Romance (Romance/Fantasy)

___________

Thanks Again!

Follow me at: http://www.wattpad.com/user/iLinaSky

Please Comment & Vote! Comment & Vote! Comment & Vote!

Continue Reading

You'll Also Like

Bite Me By alicia

Paranormal

10.3M 413K 37
Werewolves and vampires don't mix, or that's what Kieran Callisto, a seventeen-year-old vampire, has believed all his life - until he falls for the A...
46K 986 91
Y/n is a psychic who Elton's little sister, and is very close with Colby and the rest but mostly Colby. Y/n is in a lot of videos with Elton and his...
518K 16.3K 62
When Stiles was sacrificed to the Nemeton, Lydia was supposed to be his connection to bring him back. But what if their connection wasn't strong enou...
810K 44K 156
The werewolves have left the shadows of the mountains. They now walk the streets in their true form without fear of being seen. The packs had grown t...