Dealing with My Ex's Twin (Pu...

By Whroxie

4.8M 104K 5.6K

Pagkalipas ng isang taon ay hindi akalain ni Red na makikita pa niyang muli ang dating kasint... More

Synopsis
Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter Three
Chapter four
Chapter six
CHAPTER 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
NOTE
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Cahpter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter Five

193K 5K 426
By Whroxie

NAPAPANGITI si Red habang tumutulong sa pagluluto kay Nana Julieta. Naalala niya kasi ang pangyayari kagabi. Hindi niya alam kung ano'ng sumagi sa isip niya at bigla na lang niyang ginagawa ang gan'ong bagay kay Rostov. Nang maramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Rostov ay bigla na lang siyang pumihit pahara sa lalaki at sinadya niyang haplusin ang katawa nito. She hesitated to touch his private part but eventually the naughtiness struck her kaya sinapo niya iyon. Sobra ang kabog ng dibdib niya ng gawin niya iyon. Na-curious siya kung talagang hindi ito titigasan sa haplos niya. Pero gusto niyang matawa nang sobrang tigas ng pagkalalaki ni Rostov. Naramdam pa niyang kumibot iyon. Parang gusto pa niyang pisilin pero hindi na niya ginawa. Pero ang laki ng alaga nito.

"Grabeng laki, talaga," wala sa loob na naiusal niya.

"Alin ang malaki, Senyorita?" para siyang nahimasmasan nang magsalita si Nana Julieta.

"Ho? Um.. ang laki ng talong?" alanganin niyang sagot nang makita ang talong na ginagayat ni Nana Julieta.

"Parang hindi naman malaki 'to," komento ni Nana Julieta. Hindi naman kasi iyon malaki.

"Ano'ng malaki?" bigla ang pagsulpot ni Rostov, yumakap ito sa mula sa kanyang likuran. Ipinatong pa nito ang baba sa kanyang balikat.

"Malaki raw ang talong sabi ni Senyorita," sagot ni Nana Julieta. Pinihit siya paharap ni Rostov.

"Malaki ba?" Napayuko siya, bigla siyang nahiya. Napasinghap siya nang bigla siyang yakapin ni Rostov. Hindi niya iyon inaasahan.

"Tinulugan mo ako kagabi. Sabi ko sa 'yo mag-uusap tayo 'di ba?"

"Pasensiya na, medyo napagod ako sa pamamasyal namin ni Dara kahapon kaya paglapat ng likod ko sa kama agad akong nakatulog."

Bumitaw ito mula sa pagkakayakap. Hinaplos nito ang pisngi niya. Pigil ang kanyang paghinga ng bumababa ang mukha nito at kinintalan siya ng isang napakapinong halik sa labi. Ano bang ginagawa niya? Ang galing-galing umarte ng lalaking 'to. Kahit yata sinong makakakita sa ka-sweetan nito ay maniniwala ng talagang mag-asawa sila.

Tumingin si Red kay Nana Julieta na abala pa rin paggagayat saka inilapit ang sarili kay Rostov. "Kailangan talagang maging ganito ka?" bulong niya rito.

"Ano ba ako?"

"Yakap ka nang yakap at halik nang halik," ngumisi ito. That smirk made him more handsome. Inakbayan siya nito saka naglakad palayo sa kusina.

"Sabi ni lola, kapag naging mabuti akong asawa sa 'yo ibibigay na niya ang mana sa 'kin. Ayaw mo ba n'on? Kapag nakuha ko na ang mana ko matatapos na rin 'to." Sabagay, may point naman ito.

"Sana lang 'wag mong ipakita sa lola mo ang badside mo kapag tayong dalawa lang." Bumuntong-hininga ito.

"About that.. I'm sorry, I didn't mean it—"

"It's okay. Nagpapakatotoo ka lang. Hindi ako ang klase ng babae na matitipuhan mo. My vital statistic is 34-24-36, which is not ideal figure ng mga kalalakihan dahil ang tipo mo ay ang mga katulad ng kay Ayanna at ng dalawang kana sa resort na halos utong na lang ang natatakpan ng mga top nila." Tuloy-tuloy na sabi ni Red. Natawa si Rostov. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. Hinawakan siya magkabilang balikat at pinakatitigan.

"I'm sorry, okay. You're lovely, Red, really."

"I know, right." Marahan itong tumawa at muli siyang inakbayan. Nagpatuloy sa paglalakad. Tiningala niya ito.

"Sorry rin sa nasabi ko. Hindi ko sinasadya," isang ngiti ang ibinigay sa kanya ng binata.

"Balik tayo sa usapang talong." She swallowed repeatedly to clear her throat.

"Alam mo bang may pilyang nangdakot ng talong kagabi." Madiing nakagat ni Red ang pang-ibabang labi.

"Huh? M-may ano?" nangangatal niyang sabi. Naramdaman niya ang paglapat ng labi ni Rostov sa kanyang sentido.

"Nothing," he said and chuckled.

"OH MY GOD!" Napapabulalas si Red habang isa-isang tinitingnan ang mga damit na dala ni Tesmarie para sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa kuwarto kasama ang kaibigang si Tesmarie. Binisita siya nito. May pinapirmahan ito sa kanyang kontrata. May bago silang kliyente pero inako na muna ni Tesmarie ang lahat ng pagaasikaso. Tumulong pa rin naman siya sa pagpapalano. Nagbibigay ng idea pero thorough online sila nag-uusap. Dinalhan rin siya nito ng mga sexy na kasuotan. Pero pakiramdaman niya ay hindi niya kakayanin ang magsuot ng ganito. Initaas niya ang isang short "Pekpek short" eeer! Hindi niya kaya at hindi niya gusto ang ganitong kasuotan.

"Ano ba naman ito, Tesmarie, hindi ko keri ang ganito." Binitawanan niya ang short at umupo sa kama paharap kay Tesmarie.

"Hindi ko na kailangan ang mga 'yan. Hindi na naman niya ako iniinsulto eh. In fact nag-sorry na siya sa 'kin."

"So, how's to deal with your ex's twin?"

"Ayos lang naman."

"You seem as if you are enjoying with your new job huh?"

"Of course not!" Mabilis niyang tanggi.

"Kung alam mo lang kung gaano ko na kagustong matapos ito. Kaso mukhang matatagalan pa. But Rostov did his part well para matapos agad ito."

"Really? What did he do?"

"Hay! para siyang isang napakabuting asawa. Sometimes he made me breakfast in bed, he kisses me every time when his grandma was around us." Red said dreamingly but she doesn't realized it until she noticed Tesmarie's reaction. She looked amused. Napapikit si Red ng ma-realized niya ang mga nasabi niya na dapat hindi niya sinabi.

"Uh-huh! Nagugustuhan mo nga!"

"Ano ka ba hindi 'no? 'Pinagsasabi mo! Hindi ko 'yon magugustuhan. Kapag nakikita ko ang pagmumukha niya naiirita ako eh. Naalala ko sa kanya si Rogue kahit pa ba mukha lang nila ang magkatulad." Of course she lied.

Inaamin niyang sa una ay naaalala niya si Rogue sa tuwing matitigan niya ito. Namamangha siya sa pagkakatulad ng mukha ng dalawa. Pero kung pagmamasdang mabuti ay makikita ang differences ng mukha ng dalawa. Rostov had this arrogant look, giving you a lascivious stare na talagang ikaiirita ng marami at talagang hindi niya gusto sa isang lalake. While Rogue was noble and sparkling na talagang hahangaan ng mga kababaehan. Isa sa mga katangiang nagustuhan niya noon kay Rogue. Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit parang nagiging asset iyon ni Rostov to the point na nasabi niya sa sarili niyang mas gusto niya ang katangian na iyon ni Rostov kaysa sa katangian ni Rogue.

Pero sa totoo lang ay hindi niya makita si Rogue kay Rostov higit pagdating sa pag-uugali. Rogue is an ideal man. A husband material. Kind, gentleman, responsible, humble, he has self-respect and gives respect to others, he seeks peace when possible. Nakita niya iyon noon sa tuwing may hindi ang dati niyang nobyo napagkakasunduan ng business colleague nito at talagang kalmado lang ito. He is loving, committed and faithful boyfriend and many too mention. But Rostov. Hindi pa niya alam pero sigurado siyang kabaliktaran ito ni Rogue.

"Hindi 'yan ang nakikita ko. If you could only see how your eyes twinkled habang nagkukuwento ka. And you look happy and in love."

Kinikilabutan siya mga pinagsasabi ni Tesmarie. Pero hindi naman magsisinungaling ang kaibigan niya. Sa loob ng isang linggong pagsasama nga nila ni Rogue parang naging komportable na siya sa lalaki. Ni hindi siya nagrereklamo kapag yayakap ito mula likod niya sa tuwing natutulog sila. Kapag nagigising siya na hindi nakapulupot ang braso nito sa katawan niya ay siya mismo ang sisiksik dito. Parang bang gusto niyang madama ang init ng katawan nito.

"Uh uh! You're dead, Red. In just a week he made you fall in love with him. Tinalo pa si Rogue na almost one month kang niligawan. Si Rostov hindi ka pa nililigawan kung mag-blush at mag-twinkle twinkle eyes ka wagas!"

Dedepensahan pa niya sana ang sarili nang bumukas ang pinto. Sumilip doon si Rostov.

"Hi, ladies, may I come in?" tanong nito. Tumango si Red. Agad niyang ibinalik sa paper bag ang lahat ng damit na ibinigay ni Tesmarie. Lumapit sa kanila si Rostov at umupo sa likod niya. Halos pangapusan siya ng hininga nang yakapin siya nito sa likod.

"Meryenda muna kayo." Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Pigil naman si Tesmarie na hindi maibulalas ang kilig. Mabilis siyang tumayo.

"Ano ba Rostov? Tayo lang ang tao rito, hindi mo kailangan magkunwari!"

"Hindi naman ako nagkukunwari. Nasanay na akong niyayakap ka kahit tayong dalawa lang at hindi ka naman nagrereklamo, so I assumed that you like it too."

"Hoy! Tigilan mo ako ah! Feelingero ka talagang lalaki ka!" Napakamot si Rostov sa batok at bahagyang napangiwi nang bulyawan niya ito.

"Ang gulo niyo talagang mga babae," usal nito. Tumayo si Tesmarie na may nakakalokong ngiti.

"Ganyan talaga kaming mga babae kapag kinikilig. We were acting as if we are mad para pagtakapan ang kilig na nararamdaman namin." Malapad na napangiti si Rostov.

"Talaga kinikilig ka—"

"Hindi. B-bakit ako kikiligin? H-hindi.."

Tumayo si Rostov at inakbayan siya.

"You don't have to explain yourself, baby. It's okay, I can't blame you na kiligin ka sa 'kin— aw!" she elbowed him on his stomach.

"My brute beautiful wife." Tesmarie chuckled. Red lowered her head sheepishly. Bakit ba parang dumadagundong ang puso niya? Kinikilig siya pero hindi dapat. Pagkukunwari lang ang lahat Red, you should keep that in your mind. You must! Paalala niya sa kanyang sarili.

Nagpatiuna na si Tesmarie palabas at sumunod naman sila ni Rostov.

"Kumustang maging asawa si Red, Rostov?" tanong ni Tesmarie nang makalabas na sila ng silid at patungo sa hagdan.

"She's perfect wife," tugon ni Rostov. Hindi na siya umimik pa.

"Magaling ba siyang humalik?" napawaang nang husto ang bibig niya sa tanong ni Tesmarie. Parang gusto niyang tadyakan ito pababa ng hagdan. Kasalukuyang nasa tuktok na sila ng hagdan para bumababa.

"Hindi nga eh. Naninigas ang labi." Madiin niyang nakagat ang pang-ibabang labi. Gusto niyang depensahan ang sarili niya. Marunong naman siyang humalik kahit papaano, kahit isang taon na siyang hindi nahahalikan.

"Tigilan niyo nga ako! I know how to kiss, of course! Eh puro smack kiss lang naman ginawa mo at sa harap ng ibang tao pa." Tuloy-tuloy niyang sabi. Napahilot ng sentido si Red sa tuloy-tuloy nang pagdulas ng mga salita sa bibig niya. Huli na para bawiin iyon. Ang ngiti ng dalawa ay parehong nakakaloko.

"So, alam mo na Rostov, next time give her wild and wet kiss.."

"Isa pa, Tesmarie at tatadyakan na kita." Tumawa ang dalawa.

"Pero kung hindi ka man magalingan sa kanya, pagpasensiyahan mo na lang. Alam mo na, ang kambal mo ang una't huling halik niya. Isang taon na rin 'yon, puro bote ng red horse na lang ang pinag-pa-practice-an niyan," ani Tesmarie at sinundan pa ng malakas ng tawa.

"Talaga? Hindi ka na nagka-boyfriend since then?" tiningala niya si Rostov, pagkamangha ang bumalatay sa mukha nito. Marahan siyang tumango. Ang sakit ng experience niya sa unang pag-ibig niya para muling sumuong sa panibagong relasyon. Hindi na niya gustong maranasan pa iyon.

MAGKAHAWAK kamay si Rostov at Red habang naglalakad sa baybayin. Tutungo sila sa bahay ni Kapitan. Pinakiusapan sila ni Donya Conching na sila na lang ang magtungo dahil masakit raw ang tuhod nito dahil sa rheuma. Agad nilang nakita si Dara, nakatayo ito at nakaharap sa direksiyong kinaroroonan nila na tila ba sila ang hinihintay dahil sa lapad ng ngiti. Kumaway pa ito sa kanila. Natanaw rin nila ang ilang mahabang mesa sa ilalim ng mga punong niyog. May mga kalalakihang nakaupo sa isang mesa at nag-iinuman. Sa isang mesa naman ay mga bata, dalaga at matatandang salu-salong kumakain at sa isa pa ay mga kalalakihan at kababaehan naman.

"Senyorito, Senyorita!" Magiliw na sigaw ni Dara habang papalapit sila na ikinalingon ng halos lahat ng naroroon. Kumaway siya kay Dara. May isang lalaking tumayo mula sa mahabang mesa at nakangiting tumayo sa tabi ni Dara habang nakatingin sa gawi nila.

"Siya si Kapitan Guillermo," wika ni Rostov.

"Rostov, hijo, ikinagagalak ko na maging panauhin kayo sa kaarawan ko. Maraming salamat sa pagpapaunlak," nagagalak na sabi ni Kapitan hustong makalapit sila. Binati ni Rostov si Kapitan at nakipagkamay. Binalingan ni Kapitan si Red.

"Siya ba ang asawa mo, hijo?"

"Oho, Kapitan, si Red ho. Red, siya si Kapitan Guillermo."

"Happy birthday ho, Kapitan."

"Salamat, hija."

"Siya nga pala, Kapitan, munting regalo naming mag-asawa." Iniabot ni Rostov ang kulay asul na paper bag.

"Salamat, nag-abala pa kayo. Hali kayo," yakag sa kanila ni Kapitan.

Bago pa man sila makaupo sa mahabang mesa ay isang tili ng isang babae ang kanilang narinig. Halos magkapanabay na naibaling ni Rostov at Red ang kanilang ulo sa pinanggalingan ng boses.

Isang babaeng may malabanos na balat pero sa wari niya ay hindi natural ang puti nito. Marahil ay nagpapa-gluta-drip ito. Ang mukha naman nito ay makalorete. Ang kapal ng foundation, well-defined brows, long thick eyelashes pero sigurado siyang false eyelashes lang ang mga iyon. Ang pula ng tuka nito kapares ng suot nitong pulang tube maxi-dress na halos kalahati lang ng dibdib ang natatakapan. Kinikilabutan siya sa suot nito. Pero mas kinilabutan siya nang tumakbo ito palapit sa kinaroroonan nila at dambahin si Rostov. Binigyan pa ng halik sa magkabilang pisngi ang asawa niya dahilan para maiwan ang pulang marka sa magkabilang pisngi ni Rostov na hugis labi.

"Lalo kang gumuwapo! Balita ko nag-asawa ka na? Ang daya mo ah, sabi mo hihintayin mo ang pagbalik ko mula sa Japan at magpapakasal tayo." Gustong paikutin ni Red ang mga mata pero nagpigil siya.

"Pasensiya na, Rica, hindi na kita nahintay. I have suddenly fallen in love with a lovely girl named Red." Binalingan siya ni Rostov, inakbayan siya. Napangiti naman siya sa sinabi nito.

"This is Red, my wife, Red, this Rica my—"

"His ex girlfriend," dugtong ni Rica sa sinasabi ni Rostov. Nagsitawanan ang lahat, maging si Rostov. Ano ba ang nakakatawa? She finds it very offending!

"Anak siya ni kapitan," sabi ni Rostov.

"Nice to meet you, Red," nakipag-beso sa kanya ang babae at muling binalingan si Rostov kapagkuwan. Hinila nito si Rostov at pinaupo sa mahabang kahoy na upuan. Bigla naman siyang hinila ni Dara sa kabilang bahagi ng mesa.

"Maupo ka, seÔorita." Umupo siya sa mismong katapat ni Rostov at tinabihan naman siya ni Dara.

Ipinakilala si Red sa lahat na naroroon. Mga workers pala ang mga ito ng ELWM. Masaya ang naging salo-salo sa kaarawan ni Kapitan. Pagkatapos nilang kumain ay naglabas ng alak — lambanog na prudukto mismo ng ELWM.

"Alam mo, SeÔorita Red, ang lambanog ng ELWM ang pinakamasarap na lambanog sa buong Pilipinas. Oh subukan mo." Inialok sa kanya ni Dara ang isang basong lambanog.

Hindi pa niya nasubukan uminom ng lambanog. Kinuha niya iyon para pagbigyan si Dara pero ang akma niyang pag-inom ay natigil nang biglang matapunan ni Rostov ng alak si Rica ng alak sa mismong dibdib. Mabilis na hinugot ni Rostov ang panyo mula sa bulsa at walang babalang pinunasan nito ang dibdib ng babae. Tuwang-tuwa naman si Rica sa ginagawa ni Rostov.

"Ikaw talaga, Rostov. If I know sinadya mong matapunan ako ng alak." Buong harot na wika ni Rica.

Humigpit ang pagkakahawak ni Red sa baso. Naiinis siya sa closeness ng dalawa. Wala siyang karapatan dahil hindi sila totoong mag-asawa ni Rostov pero sa paningin ng lahat ng tao sa lugar na ito ay mag-asawa sila at nakakainsulto iyon sa parte niya. Iyon ang kinaiinis niya. Iyon lang ba talaga? Hindi kaya nagseselos ka? Kontra ng bahagi ng isip niya. Napailing at hindi nagdalawang isip na inisang lagok ang alak as baso.

"Ay ang galing pala ni SeÔorita Red!" Tuwang-tuwang sabi ni Dara. Lumipad ang mata ni Rostov sa kanya at inirapan niya ito.

"Have you still remembered our high school days. Lagi tayong naliligo sa ilog at panay ang hipo mo sa 'kin n'on." Muling napuno ng tawanan ang buong mesa. Maging si Kapitan na ama nito ay nakikitawa rin. Kinuha niya ang bote ng lambanog at muling nagsalin saka tinungga iyon. Nagmumuka na nga yata siyang tumador sa ginagawa niya. But she doesn't even care. She was pissed!

GABI na nang magpaalam si Red at Rostov kay kapitan at nagpasayang bumalik na ng mansiyon.

"Red, what's wrong?" tanong ni Rostov habang naglalakad sila sa baybayin. Hinawakan ni Rostov si Red sa siko pero ipiniksi lang nito ang braso. He didn't understand why Red acting like this all of a sudden. She was ignoring him since earlier and every time na lalapitan niya ito ay sisinghalan siya. What's with this girl?

"Red, please!" pinigilan niya ito. Hinawakan niya ito sa braso at pinihit niyang paharap. Nananiningkit ang mata nitong tinitigan siya dala ng kalasingan. Napansin niya kung paano nito sunod-sunod na inumin ang alak kanina.

"May problema ba tayo?" ngumisi ito saka tinabig ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.

"Still have the guts to ask me that question!" Pumihit ito saka nagpatiunan pero hindi pa man ito nakakadalawang hakbang ay napigil na niya ito. Humarang siya sa harapan nito. He wet his lips by licking it.

"Red, I don't understand you. May nagawa ba ako? Ayos naman tayo bago tayo nagpunta kila Kapitan, tapos bigla ang sungit-sungit mo na."

"Sino ako sa 'yo?"

"What?"

"Ano mo ako sa harap ng mga tao rito?" she snarled.

"A wife."

"Exactly! They all know that I'm your wife! Your wife! But you were flirting with that girl!" Nangunot ang noo ni Rostov.

"Hindi mo man lang ako binigyan ng kahihiyaan. Talagang binabalikan niyo pa ang nakaraan niyo ng ex mo sa harapan ko pa mismo!" Malakas siyang itinulak ni Red at pa-exis-exis na naglakad. Hinabol niya ito at muling hinarap.

"Red, I'm sorry if we have offended you but we just had hoaxed." Sa kabila ng pag-aalala ay napangiti si Rostov dahil kung pagbabasahin ang nagiging asta nito ay para itong nagseselos na asawa and that made him happy.

"Why are you smiling? Naaalala mo siya? O siguro naaalala mo kung paano kayo maghalikan noon! O baka kanina hinipuan mo siya ilalim ng mesa." Napahilamos si Rostov sa sariling mukha at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang tawang gusto kumawala pero hindi niya mapigilan ang paguhit ng ngiti.

"Fuck you!" Sigaw sa kanya ni Red at hinampas siya nito sa dibdib.

"Red, hindi sa—" naputol ang sasabihin ni Rostov nang kabigin ni Red ang batok niya at siilin siya nito ng halik.

A groan slipped from his mouth when Red pushed her tongue inside her mouth. Agresibo ang halik nito. He froze for a while pero nang makabawi ay sinabayan na niya ang halik nito na may kasing init ng halik nito. He enclosed her in his arms as their tongues dueled. Halos malunod na siya sa sensasyon. Hindi niya gustong putulin ang maalab na halik na pinagsasaluhan nila, sa halip ay gusto pa niyang palalimin iyon o i-level-up pa.

Habol ang hiningang napamulagat si Rostov nang itulak siya ni Red.

"See. I know how to kiss. I can be a good kisser too!" Pagkasabi nito ay tinalikuran na siya.

Napahaplos si Rostov sa likod ng ulo. Napangiti siya. May kakaibang saya siyang nadama. At sisiguraduhin niyang masusundan ang gan'ong klaseng halikan nila. Kailangan pala pinagseselos ito eh. Selos? Nagseselos nga ba ito? O baka naman dahil na-offend ito dahil mag-asawa nga naman sila sa mata ng iba pero nakipaglandian siya kay Rica kanina. Natampal ni Rostov ang sariling noo nang maalala ang ginawa niyang pagpunas sa dibdib ni Rica kanina.

Natawa siya nang malakas!

"God! Hahaha! Hindi niya nga pala alam. Rica is transgender." Lalo siyang natawa nang malakas. Kababata niya si Rica o mas kilala sa tawag na Ricardo. Kaya nga tawa lang siya nang tawa sa mga biro nito na pulos kolokohan lang naman.

Mabilis na tumakbo si Rostov at walang babalang pinangko si Red.

"Ano ba?" tili ni Red at nagpumiglas. Ninakawan niya ito ng halik sa labi saka ngingisi-ngisi na nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya ibinaba si Red kahit nagpumiglas pa ito.

Continue Reading

You'll Also Like

47.7K 722 24
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] Elorae Dunmore Duscha dedicated her new life pretending to be an innocent, vulnerable and sultry maid as her fi...
2.3M 6.5K 3
Mr. Justine Clyde Montreal, CEO and a ruthless Mafia Boss is entitled as one of the richest young bachelor in the world. He is the Mafia Boss of the...
803K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3M 84.8K 33
|R-18| Will it be a sin to fall in love with a Sin? He is sinful. A walking sin. He took me by force. He wanted his ways on me. He imprisoned me in s...