The Mysterious Nerd

By Yourmissamazona

490K 10.3K 377

Nerd? Ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila ay yung may salamin at walang sense of fashion. Pero, ibahin ni... More

Disclaimer
REVISIONS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 1(Real)
Special Chapter 2
Last Special Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
Life of Lies

Chapter 30

6K 149 2
By Yourmissamazona

Nandito kami ngayon sa Hall ng school kasi meron daw important announcement ang principal reffering sa gaganapin na search for Ms. Campus 20**.

Madami nang tao sa loob ng hall na nagdadaldalan. Ako, nandito lang sa gilid at tahimik. Ang daldal netong si Matt pero wala ako sa mood ngayon eh. Tss. Moody ko talaga kahit kelan eh.

"Alam mo ba blah blah blah."

Ang daldal na Matt! Jusko sakit sa ulo ahh. "Uy tama na nga Matt. Inis na si Nea sayo." Salamat sa sinabi mo Zack. Argh! Pag di ako nakapagtimpi dito kay Matt babatukan ko na 'to ng malakas.

"Eh paki mo ba?" Inis na usal ni Matt.

"Will you two shut up!"

Mainit ulo ko ngayon kasi ang init sa loob ng hall dagdag mo pa lahat ng ingay at kung ano- ano dito. Kainis eh.

"Woah. Sorry na naman. Sige magbbehave na ako." Sabi ni Matt at umaktong ng zip ng bibig at bibigay pa sa akin ang susi. Tss loko. Gusto ko matawa pero hayaan niyong panindigan ko ang inis mode. Hahaha.


Maya- maya ay nagsitahimikan na kasi dumating na ang principal. Umakyat siya ng stage at kinuha ang mic.

"Good morning students!" Masiglang bati niya.


"Good morning madam pricipal."

"As you all know, kaya tayo ngayon nandito dahil ipapaalam ko sainyo ang search for the new miss campus. May twist na gagawin for this year. Kung dati ay crown lang ang maiuuwi, ngayon ay may 30,000 pesos na cash plus you will have a date with one of the heartthrobs, specifically si Mr. Travis Chase yun." She said and we're shocked.

The crowds gone wild. Nakakabigla yun. Natameme ako. Ang swerte naman ni Ms. Campus. Free date kay Travis. Hahaha. Okay sya na. I smiled bitterly.


"Kyaah! Sasali ako! Free date eh!"

"OMFG!!!!"

"I love it!"

"Students quiet muna. Hindi pa ako tapos. May mga challenges kaming gagawin at kung sino ang lucky 7 na mapipili, sila na lang ang maglalaban- laban. May requirements din na iaannounce ang mga advisers niyo kaya you may now go to your respective classrooms." Sabi ni principal at nagsitakbuhan na ang estudyante para makapunta sa classroom nila.

Nababangga nila ako pero wala man lang nagso- sorry. Tss. Salamat na lang. Grabe naman parang EDSA dito ah. Traffic na talaga kasi sabay- sabay ba naman magsitakbuhan noh! Sheez!

Nakalabas na ako ng hall. Wooo! Salamat naman sa Diyos.

"Aray!"

May bumangga sa akin. Akala ko okey na eh. Kaya lang may bumangga sa akin ng grupo ng mga haliparot na hipon na masama tumingin. Pinagtitinginan na kami pero dahil sa sama ng tingin niya nagsi alisan na ang mga tao. Aba't inaano ko ba sila? Nagtitimpi na naman ako ah!


Noong panget ako, inaaway ako. Ngayong maganda na ako, aawayin pa rin ako? Bangasan ko na kaya 'to! Insecure masyado.

"Ano na naman problema niyo?" Mahinahon pero naiinis na sabi ko at tumayo. Napaupo ako ulit dahil sa malakas na tulak niya. Takte ang sakit sa pwet ha!

"O asan ang tapang mo?! Sa salita?!" Sigaw ni Clarisse.


Ano ba pinaglalaban nito? Ang insecure naman sa akin masyado pwera malapit ako sa heartthrobs. "Don't wait for me to fight." Sabi ko at tumayo kahit masakit sa pwet ko. Maglalakad na sana ako palayo ng hilahin niya ang braso ko at marahas na pinaharap sa kanya.

Teka lang ha pigilan niyo ako dahil sa isang iglap lulumpuhin ko na 'tong babaeng 'to!

"Wag mo akong tinatalikuran!" Sigaw niya sa akin. Naririndi ako sa boses niya! Kala mo megaphone eh! Wag niya akong subukan ngayon dahil bad trip ako.

"Ano bang gusto mo?" Pinipilit ko pa din maging mahinahon. "Ang gusto ko layuan mo sila." Pautos na sabi niya.

Ano ako slave para utusan? "Paano kung hindi?" Sabi ko ng may nakakalokong ngiti. "Wala pang sumusuway sa utos ko!" Sigaw niya.


"Hindi naman ako utusan eh. Sino ka ba?" Cold na sabi ko. Namumula na siya sa inis. "Ahhh!!!! Ikaw nerd ka gumanda ka lang lumalaban ka na! Malandi!" Sigaw niya at nakatanggap ako ng isang malutong na sampal.

Nagmanhid ang pisngi ko sa lakas ng sampal niya. Ayoko na nga dito! Baka makalumpo ako ng di oras eh. Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Don't try me sweetie. Hindi mo magugustuhan pag galit ako. Don't try me." Sabi ko at ngumisi bago umalis.


Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Kahit nakalayo na ako ng konti narinig ko ang malakas niyang sigaw. "Humanda ka sa akin! Pagsisisihan mo 'to! Ahhh!"

Umiling na lang ako. Ang hapdi ng pisngi ko dahil sa sampal niyang yun. Pasalamat na lang siya at mabait pa ako at nagpigil ako, kung hindi sa ospital diretso niya.

Pagpasok ko ng room ay pinagtitinginan ako. Wala pa naman yung adviser. Whew buti naman. Umupo na lang ako sa upuan ko.

"Psst! Saan ka galing at mukha kang nakipag away?" Tanong ni Matt. "Oo nga saka napano yang pisngi mo?" Sabi naman ni Zack. "Ah, wala lang 'to." Sabi ko at tinakpan ng kamay ko.

"Anong nangyari dyan?" Tanong ni Jeff. Sinampal kasi ako ng babaeng insecure. Sabi ko ng pabulong.

"Psh. Bagay sayo infairness. Rosy cheecks kuno!" Sabi ni Travis at tumawa. Yan ang dahilan kung bakit kanina pa ako naiinis. Bumalik siya sa pag asar sa akin pero sige aaminin kong namiss ko yun. Yun kasi ang nagustuhan ko sa kanya. Medyo bad boy.

Hay. Hingang malalim. Kayanin mo ang pangungulit niya. Sakyan mo ang trip niya. "Hayaan mo dalasan ko magpasampal." Sabi ko ng sarkastiko. "Bumalik na ang dating Travis!" Sigaw ni Matt.

Oo, dating Travis.

"Ayos kaya yun!" Sabi ni Travis at nagwiggle ang kilay. "Oo nga ayos na ayos. Sobra." Sabi ko. Note the sarcasm. Napailing sila at tumawa. Dumating na ang adviser namin at umayos kami ng upo.

"Good morning! So hindi ko na kailangan magpaligoy- ligoy pa. Sasabihin ko na ang requirements kasi alam ko naman na gusto niyo na malaman kaya sasabihin ko na yun. Ang swerte naman ng magiging miss campus noh?" Panimula ni Maam.

"Eh ma'am paligoy- ligoy na kaya yun." Mataray na sabi ni Travis. Tama nga naman siya ah. Nagtawanan ang classmates ko. Nahiya naman si ma'am kaya ayun sinabi niya na.

"Uhm, kailangan walang grade na bababa sa 85, may magandang record, nasa top five ng klase, at higit sa lahat ay maganda at may attitude." Sabi ni ma'am. Madaming bulungan.

Taas ng standards ah. Parang wala naman ata ng ganun dito eh. "Eh so sino nga ma'am ang pwede?" Tanong ng isa kong classmate.

"Uhm, ang sa top 5 ako kukuha. Ang mga tatawagin ko ay pupunta sa unahan. Georgina Rodriguez, Chienna Lim, Crystal Lopez, at ikaw Linnea Davaux." Sabi ni ma'am.

Pumunta kami sa unahan. Hindi ko alam kung bakit ako nasali dito. Nga pala, napalitan na ang name ko. Linnea na talaga. Sasama naman ng tingin sa akin. Wala naman akong pake eh.

"So, sila ang maglalaban laban at isa lang ang magrerepresent ng buong section. May challenges na makakatulong para makapili kami. Imomonitor din namin kayo. And the challenges will be given today. They will be excused for the whole day. And girls please proceed at the library." She said.

Pumunta na kami sa library at binigay naman ni ma'am ang challenge namin para ngayong umaga. Bubuuhin namin yung isang jigsaw puzzle in 30 minutes at nagawa ko naman yun. Ewan ko kung bakit ganun ang challenge. Siguro ngayon yung test sa brains. Pero sorry to say na hindi nagawa ni Crystal kaya out na siya. Apat na lang kami. Mahina kasi siya sa mga jigsaw puzzle na yan. Hindi naman ako nagyayabang.

Mamaya pang after lunch ang next challenge namin at lunch break na ngayon. Nandito ako sa tambayan ng heartthrobs. Medyo nasa mood na ako pero mahapdi pa ang pisngi ko. "Ayiee napasali ka sa candidates Linnea!" Sabi ni Matt.

"Hindi pa naman yun official eh. Pag may hindi ako pinasahan, boom! Out na ko! Hahahahaha." Sabi ko at kumagat sa burger ko. "Gustong- gusto mo naman mapasali sa official candidates para magkachance ka madate ako noh?" Sabi ni Travis.

"Huh! Kapal mo chong!" Sabi ko. "Aminin na kasi!" Sabi niya naman. "Wala akong aaminin noh! Che! Makaalis na nga lang dito. Mahawa pa ako sa kapangitan mo!" Sabi ko at umalis.

Pumunta na ako sa activity room kasi doon daw gagawin ang next challenge. Wala akong idea kung anong gagawin namin dito. Nandito na kaming lahat pati yung iba pang levels at section. Madami- dami kami.

Ang gagawin pala namin dito ay magsasalita lang? Yun lang? Parang pagpapakilala ng sarili at anong katangian meron ka at karapatdapat kang maging miss campus. Chicken lang. Halos lahat ng sinabi nila dapat daw maganda ganun.

"Let's call on, Linnea Davaux." Sabi nung teacher. Hala! Ako na pala. Tumayo na ako at pumunta sa gitna.

"Hi I'm Linnea Davaux ang dating kinamumuhian niyong miss nerd. Dating may malaking salamin at loner. Anong katangian nga ba ang meron ako para maging karapatdapat? Siguro hindi yun ganda. Oo, alam ko kasing hindi ako maganda na katulad ninyo. Pero karapatdapat akong maging miss nerd dahil sa determinasyon ko. Gusto kong patunayan na hindi lang dapat puro ganda ang meron bilang miss campus. Yun lang po."



Sa totoo lang ang pangit nung sagot ko! Nakakatawa mga pinagsasabi ko dun! Hayaan na nga! Makapunta na nga sa detention room. Dun daw yung last challenge namin. Ewan nga kung ano yun at bakit detention room pa.


Pagpasok ko ay nandun sila pero walang kahit sinong teacher or kung sino man. Umupo ako sa upuan sa likod at nanahimik. Lumipas ang ilang oras at bagot na kami dito.

"Ano ba yan! Ang tagal nila ha!"

"Nagsasayang tayo ng oras!"

"Nakakainis ang init pa naman dito."

Ang aarte naman ng mga 'to! Pero bakit nga kaya ang tagal nila? Naiinip na din ako pero konting tiis. Ayan, nagbell na pero walang dumating na teacher.

Umalis na yung iba at konti na lang kaming natira. Seven na lang kami to be exact. Teka? Kami na ba ang lucky seven?! Biglang may pumasok na teacher at pumapalakpak.

"Congratulations ladies! Kayo na ang lucky 7! Yung challenge namin ay kung kaya niyo bang isacrifice ang oras niyo kasi alam niyo na, ang miss campus ay busy palagi at nassacrifice niya na kahit oras na dapat ay nagpapahinga na sila. Congrats again ladies! You are the official candidates!"


Kami na nga talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

469K 5.2K 37
HAVE YOU BEEN BORED IN YOUR LIFE? Why not take a chance to enter in our world...where you can be aware of the sickening reality that keeps on pulling...
69.6K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
33.3K 1.3K 20
For early notice, this is a VAMPIRE story. Sa mga kapwa ko adik sa mga vampire diyan, basahin niyo na po :) I'm sure makakarelate kayo dito. A/N: Bag...