Dealing with My Ex's Twin (Pu...

By Whroxie

4.8M 104K 5.6K

Pagkalipas ng isang taon ay hindi akalain ni Red na makikita pa niyang muli ang dating kasint... More

Synopsis
Prologue
Chapter one
Chapter two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter six
CHAPTER 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
NOTE
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Cahpter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter four

176K 4.7K 310
By Whroxie


"AHAHAHA!!" Malakas na tawa ang kumawala mula kay Tesmarie sa kabilang linya pagkatapos niyang ikuwento sa kaibigan ang panlalait sa kanya ni Rostov kagabi.

"Hay naku, Red. Alam mo maganda ka na naman at sexy. Iyon nga lang ay talagang mas pak na pak ang alindog ni Ayanna dahil sa fashion style niya."

"Buwesit na 'yon! Hindi raw siya tinigisan sa 'kin. Wala ba akong sex appeal?"

Hindi talaga siya natutunawan sa sinabi ni Rostov. Isang malaking sampal iyon para sa pagkababae niya. Kahit naman siguro sinong babae ay hindi nanaisin ang masabihan ng gan'on.

Kahit paano ay may mga nanliligaw sa kanya at hindi basta-basta ang iba niyang manliligaw. Ang isa pa nga ay anak ng mayor sa probinsiya nila sa Isabela. Pero kahit isa sa mga iyon ay wala siyang pinagbigyan. Hindi pa siya handang makipagrelasyon uli. Kailangan niyang pagtuon nang pansin ang negosyo nila at ang kanyang pamilya. Gusto niyang mapagtapos ang mga kapatid niya kaya nga nagsisikap talaga siya nang husto para sa pamilya niya. Gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang. Kaya nga siya pumayag sa kalokohan na ito dahil sa oras na mawala ang negosyo nila ay hindi na niya mabibigyan ng katuparan ang pangarap niya para sa kanyang pamilya.

"Haist! Nakakainis talaga siya. Tingin mo kaya kapag naglakad-lakad ako sa harap niya na sexy ang suot ko makakaramdam kaya siya ng arousal?"

"Why don't you try for you to find out?"

"Wala akong mga sexy na damit eh."

"Ako'ng bahala diyan. Kailangan na ipakita mo sa lalaking 'yan kung sino ang totoong diyosa sainyo ni Ayanna. Eh mukhang retokada naman iyon eh."

Pagkatapos nilang mag-usap ni Tesmarie ay lumabas siya ng silid.

"Red hija, nasaan ba si Rostov?" tanong ni Doña Conching nang makita niya ito sa sala.

"Hindi ko po alam, Lola."

"Ang batang 'yan talaga. Pagpasensiyahan mo na siya, hija." Nginitian lang niya ito. Naglakad sila patungo sa patio.

"Hija, may ipapakiusap sana ako sa 'yo." Ani matanda nang nasa patio na sila. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.

"Hija, sana mahalin mo ang apo ko. Gusto kita para sa kanya. He really needs someone like you. Gusto kong kapag nilisan ko ang mundong 'to ay nasa maayos na kalagayan si Rostov. I want him to be happy. Hindi masaya ang naging kabataan niya. Sa edad niyang bente nuebe ngayon ko lang nakita ang ningning sa mga mata niya at alam kong dahil 'yon sa 'yo."

Umaasa ang matanda na may pagmamahal sa pagitan nila ni Rostov. And she felt kinda guilty about it! Magaling lang sigurong umarte si Rostov kaya napapakita nito ang ningning sa mga mata nito. Eh halos lumiyab nga sa apoy ang mata nito kagabi sa sobrang galit sa kanya. Pero inaamin niyang may mali siya. I-compare ba naman niya kay Rogue at binanggit pa niya ang nanay nitong nang-iwan dito. Pero kinumpara rin naman siya nito kay Ayanna kaya quits lang sila. Ang bastos pa nito para sabihing hindi siya seductive.

"'Wag po kayong mag-alala, lola. Rostov will be fine."

"Just promise me na hindi mo siya iiwan." Lola, kung alam mo lang na hindi kami mag-asawa.

"Opo," mahina niyang tugon. Malawak ang ngiti ng matanda at mahigpit siyang niyakap.

"Salamat, hija." Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Gusto mo bang mamasyal? O kaya mag-swimming ka, papasamahan kita kay Dara. Nasabi na ba sa 'yo ni Rostov na may resort kami?"

"Talaga po?"

"Hindi ba niya nasabi sa 'yo kung ano ang mga negosyo namin?" umiling siya. Dismayadong napabuntong-hininga ang matanda.

"WHERE is your wife?" tanong ni Ezra kay Rostov. Pinsan niya ito na siyang namamahala sa kanilang resort - Esquivel Resort. Naisipan niyang bisitahin uli ang resort. Oras na siguro para gampanan niya ang kanyang tungkulin. He was sitting on the beach table across from Ezra.

"Nasa bahay," sagot niya.

Paggising niya kanina ay nagtungo siya sa kanilang winery - ELWM (Esquivel Lambanog Wine Manufacturer). ELWM is the largest lambanog manufacturer in the province of Quezon. Mayroon din silang coconut plantation. Itong mga negosyong hindi niya talaga gustong pamahalaan. May sarili naman siyang negosyo. Isang bar kung saan kasosyo niya ang kanyang mga kaibigan - The Rock Bar. Pero syempre hindi niya naman gustong mapunta ang ari-arian ng kanyang lolo't lola sa iba lalo na sa kapatid niyang si Rogue. Magkamatayan na pero hinding-hindi niya iyon mapapayagan.

"Oh! Si Dara 'yon 'di ba? Sino ang kasama niya? Guest?" sabi ni Ezra habang nakatingin sa may likuran niya. Nilingon niya ito. His eyes were squinting. Nakita niya nga si Dara na naglalakad sa dalampasigan kasama si Red. Isang white floral maxi dress ang suot nito. Dilaw na bulaklak ang disenyo sa damit nito. Tinatangay ng hangin ang mahabang buhok nito. Malapad itong nakangiti habang binubusog ang mata sa tanawin.

"She's fucking gorgeous, bro. I think I should to meet her." Kunot-noong binalingan ni Rostov si Ezra.

"She's my wife." Pinagdiinan pa nito ang salitang "wife". Nagulat si Ezra sa sinabi niya.

"Your wife?" untag nito at muling tiningnan ang kinaroroonan ni Red. Tumayo si Ezra.

"I wanna meet her." Anito at iniwan na siya. Patakbo pa itong lumapit papunta kay Red. Agad siyang tumayo at sumunod sa pinsan. Tumingin si Red sa direksiyon niya nang ituro siya ni Ezra. Nakita niyang nagkamay ang dalawa.

"Bakit nandito ka?" tanong niya hustong makalapit siya. Hindi siya nito pinansin o tapunan man lang ng sulyap. Kay Ezra lang ito nakatingin at ang lapad ng ngiti.

"So, are you really my cousin's wife huh?" untag ni Ezra.

"Sad to say, yes. No choice eh." Tumawa si Ezra. Marahang napabuga ng hangin si Rostov. Mukhang galit sa kanya si Red dahil hindi talaga siya magawang sulyapan.

"Hey, Rostov, baby." Noon naman may lumapit na dalawang babae. Naka-two-piece ang mga ito. Kumapit pa sa magkabilang braso niya ang dalawa. Mga guest ito ng resort at pawang mga banyaga.

"We're glad that you are here again. We had really enjoyed your company lastnight," said the woman with a fair hair.

"Halika na nga, Dara. Ang init masyado, nakakapang-init ng ulo!" Red walked out. Halos kaladkarin nito palayo si Dara. This time ay mas marahas ang pagbuga niya ng hangin mula sa bibig.

"You're dead, bro! Mukhang LQ kayo ah at nadagdagan pa," komento ni Ezra.

"Excuse me, ladies, I'm very sorry but I think you have to keep your distance from me. That gorgeous woman is my lovely wife, and you wouldn't want her to get mad."

Inalis niya ang kamay ng dalawa na nakakapit sa braso niya saka hinila palayo si Ezra. Nakilala niya ang dalawang babae kagabi nang magtungo siya rito para magpalipas ng oras. Lumapit sa kanya habang nakahiga siya sa beach chair kagabi at umiinom mag-isa. Nang magpakilala ang dalawa ay agad rin siyang nagpaalam. Hindi siya interesado at hindi niya mawari kung bakit. Parang dati naman kasi sa tuwing may lalapit sa kanya ay talagang pinapatulan niya at mauuwi sila sa kama.

"Sa lahat ng babae mong nakilala ko si Red na yata ang masasabi kong high quality." Komento ni Ezra habang naglalakad sila.

"Hindi ko siya babae, asawa ko." Pagtatama niya.

"She is simple yet gorgeous. Unlike to your previous girls.. You know, socialite bitches." He was agreed with Ezra. Ibang-iba talaga si Red sa lahat ng nakilala niya. Parang hindi marunong magpa-impress. She can get attention without putting any effort.

Okay, he lied when he said that he wasn't effected when he kissed her. Nang pagbuksan niya ito ng pinto ng sasakyan at magkalapit ang mukha nila ay hindi niya napigilan na halikan ito. Sinabi niyang hindi siya naapektuhan dito para na rin maging komportable sa kanya si Red. Pero ang totoo ay apektadong-apektado siya. Nagsisisi rin siya nang pagsalitaan niya ito kagabi. Nasobrahan siya d'on. He doesn't want to sound rude and conceited. Hindi rin niya gustong ipamukha rito ang pang-iiwan dito ni Rogue. Uminit lang ang ulo niya bigla nang tanungin nito sa kanya si Rogue. Idagdag pa ang pagkokompara sa kanya ng kanyang lola sa kambal niya. He wanted to apologize but he didn't know how to?

PINAGMAMASDAN ni Red ang katawan sa body length mirror. Isang puting tuwalya lang ang nakapaikot sa kanyang katawan habang basang-basa pa ang buhok niya. Hindi ba talaga siya seductive? Her busts' size are 34, not that big katulad ng kay Ayanna at sa dalawang boobies na kana sa resort.

36-24-36 was supposedly perfect woman's vital statistic. 34-24-36 ang vital stat niya at ang height niya ay 5' 5". Wala siyang kabil-bilbil at hindi rin naman niya gusto ang sobrang laking dibdib. Her size was fine to her. Maganda rin naman siya.

Pero wala kang dating kay Rostov! Paalala ng isang bahagi ng isip niya. Ang kontrabida.

"Bombshell ang tipo niya," usal niya. Bakit ba siya apektadong-apektado?

"Nainsulto lang ako." Totoong nainsulto siya dahil noon lang siya nakarinig nang gan'ong pang-iinsulto. Tinungo niya ang kama at kinuha ang itim na underwear na inihanda na niya kanina bago siya naligo. Gusto niya talagang naliligo bago matulog sa gabi. Noon naman bumukas ang pinto, si Rostov ang bumungad doon. Lihim na napangiti si Red nang makita ang reaksiyon nito. Parang naging uneasy ito bigla. Was he affected at the sight fo her?

"Um.. babalik na lang ako-"

"No. It's okay. Magbibihis na rin ako. Hindi ka naman tinitigisan sa 'kin 'di ba?" pinagdiinan pa niya ang salitang "tinitigisan".

"Are you going to sleep na?" untag niya saka tumalikod at muling humarap sa salamin. Napangiti si Red nang may kalokohang naisip.

"Gusto sana kitang makausap," sabi ni Rostov. Narinig niya ang pagsara ng pinto. Mula sa salamin ay nakita niya itong lumapit sa bahagi niya. Umupo ito sa gilid ng kama sa likod niya.

"Ano'ng pag-uusapan natin?"

"'Yong nasabi ko kagabi. I'm sorry, hindi ko sinasadya."

Umuklo si Red para isuot ang panty. She made sure she had given him a great view. Malapad siyang napangiti nang makita niya kung paano manglaki ang mata ni Rostov. Alam niyang sa posisyon niyang ito ay kahit sino ay maaakit. Kabaliwan ang ginagawa niya pero gusto niyang ipamukha sa lalaki na may alindog siya. Dahan-dahan niyang itinaas ang panty niya sa paraan na magiging kaakit-akit siya sa paningin nito.

Humarap siya kay Rostov pagkatapos niyang maisuot ang underwear. Pinakatitigan niya ito sa mata. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Umuklo siya sa harap mismo nito dahilan para maging magkalapit ang mukha nila. Inilapit niya ang mukha sa gilid ng mukha ni Rostov. Rinig na rinig niya ang marahas nitong paghinga.

"What are you doing?" paanas nitong tanong. Inabot niya ang kanyang bra sa likod nito saka tumuwid ng tayo.

"I just got my brassiere. No foam." Inikot-ikot pa niya ang bra sa harap nito.

Muli siyang tumalikod. Kinalas niya ang pagkakaipit ng tuwalya sa dibdib niya dahilan para lumuwag iyon. Hinayaan niyang bumagsak ang likod ng tuwalya hanggang baywang niya habang kipkip niya iyon sa kanyang dibdib para hindi malantad ang firm bosoms niya. Hinawi niya ang buhok at isinabit sa balikat kaya mas makikita ni Rostov ang sexy back niya.

"Fuck!" She heard Rostov cursing.

"I'll just get back to you after ten minutes, siguro naman nakapagbihis ka na n'on." Tumayo ito at mabilis na lumabas ng silid. Humagalpak ng tawa si Red. Tuluyan niyang ibinagsak sa sahig ang tuwalya at lumantad ang maganda niyang dibdib.

"You were affected, Mr. Rostov Esquivel. May alindog ako at ipapakita ko 'yon sa 'yo."

NAGTUNGO si Rostov sa patio. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at agad na tinipa ang numero ng kaibigang si Eliam.

"Hello, Eliam," bungad niya nang sagutin nito ang cell phone.

"Sandali lang, Bro!" sigaw nito sa kabilang linya. Maingay ang background. Nasa bar ito panigurado. Isa si Eliam sa kasosyo niya sa negosyo. Bali anim silang may-ari ng bar.

"Oh, napatawag ka?" untag nito. Wala na siyang naririnig na ingay. Marahil ay lumabas ito.

"Fuck, Eliam! She's a tease! Damn!" palatak niya.

"Who?"

"Si Red," he replied. He huffed and puffed his chest.

"Ow! Your brother's girlfriend."

"Ex!" He encountered. Alam nito ang tungkol sa plano niya. Naroon din naman kasi ang mga kaibigan niya sa araw ng kasal niya. Nakita ng mga ito kung paano sirain ni Red ang kasal nila ni Ayanna. Kaya nang sabihin ni Red ang pangalan ni Rogue ay alam na agad niyang napagkamalan siya nito. Nasabi niya sa mga kaibigan niya ang plano niya.

"Sinabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa kambal mo?" tanong nito.

"Hindi niya kailangan malaman."

"Bakit hindi? Rostov, malay mo naman kapag nalaman niya ang totoo baka magkaroon ng second chance ang dalawa-"

"No! Godammit, Eliam, wala kang kuwentang kausap!" Tumawa ang kaibigan sa kabilang linya.

"Ginagawa mo 'yan para makuha mo na ang mana mo. Ayaw mo na mapunta ang lahat kay Rogue kaya mo 'yan ginagawa 'di ba? But it seems like your plan had changed huh? O 'di kaya ay 'yan na talaga ang plano mo simula pa lang. Ang agawin ang girlfriend ng kapatid mo."

"What are you talking about? Wala na akong pagpipilian. Si Red ang perfect na maging asawa ko. Magugustuhan siya ni lola at hindi nga ako nagkamali nang ipakilala ko siya kay lola."

"'Yon lang ba talaga?"

"'Yon lang! Sige na, wala kang kuwentang kausap." Hindi na niya inantay pang sumagot si Eliam. Pinatay na niya ang telepono at ibinababa diretso sa bulsa. Napatingala siya habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang balakang. Napailing siya 'pagkuwan.

Humiga siya sa lanai chair at inunan ang isang braso. Rostov is not a type of man na gugustuhin magpatali. Long time girlfriend niya si Ayanna or mas tamang sabihing long time fling - three years to be exact. Sa lahat ng naging babae niya si Ayanna ang masasabi niyang pinakagusto niya. Physical appearance ay talagang perpekto ito at kahit sinong lalaki ay kaiinggitan siya. Sa ugali naman ay ayos lang din naman ito. Happy go lucky at hindi nananakal kaya marahil sila nagtagal. Hinahayaan siya nito sa nais niyang gawin at gan'on din naman siya rito. No string attached.

Kaya nang bigla niya itong inayang magpakasal ay talagang nagulat ito. Iyon raw ang isang bagay na hindi niya inaasahan dahil nakapa-impossibleng bagay iyon. Agad-agad itong pumayag na hindi man lang siya tinanong kung bakit bigla siyang nag-aya ng kasal, na ipinagpasalamat niya dahil hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin dito. Nagulat din siya kung bakit ito pumayag ng gan'on kadali pero hindi na siya nagtanong pa. Ang mahalaga sa kanya ay ang makasal katulad ng gusto ng kanyang lola. Ni hindi na niya naisip ang consequences pagkatapos.

Pero napaisip siya bigla dahil sa ginawa ni Red para pigilan ang kasal niya. Iniligtas siya nito sa isang bagay na hindi naman talaga niya sigurado kung gusto ba niya. Ni hindi nga niya ipinaalam sa kanyang lola na ikakasal siya. Sinabi niya sa matanda ay noong araw na mismo ng kasal niya. Alam niya kasing hindi magugustuhan ng kanyang lola si Ayanna. Laging ipinapaalala sa kanya ng matanda na dapat ang mapangasawa niya ay isang family oriented at hindi takot magkaanak ng marami. Alam niyang hindi gan'on si Ayanna at alam niyang hindi magugustuhan ng kanyang lola si Ayanna. Kaya naisip niyang ipakilala ito sa oras na makasal na sila para hindi na ito makakontra pa. Pero si Red, alam niyang magugustuhan ito ng kanyang lola at hindi nga siya nagkamali.

Tumambay muna siya sa patio nang ilang minuto bago bumalik ng silid. Tulog na si Red. Lumapit siya sa kama at humiga sa tabi nito. Hindi muna niya pinatay ang lampshade. Umupo siya at hinubad ang sando, inilagay niya sa uluhan bago humiga ulit. Tumagilid siya ng higa paharap kay Red. Hinaplos niya ang buhok nito na nakasabog sa unan. Tuyo na ito na paniguradong ginamitan ng blo dryer. Iyon ang madalas niya nakikitang ginagamit ni Ayanna kapag tinutuyo ang buhok nito.

Gumalaw si Red at pumihit paharap sa kanya. Napangiti siya nang mapagmasdan ang magandang mukha nito. Napasinghap si Rostov nang isiksik ni Red ang sarili sa kanya at iniyakap pa ang isang braso. Napapalunok siyang tumihaya. Fuck! Mura ng isip niya nang lumanding ang kamay nito sa dibdib niya. He could feel his cock aching. Nilingon niya si Red. Mahimbing itong natutulog.

"Shit!" Napamura siya nang humaplos ang kamay ni Red pababa sa tiyan niya at bumaba pa sa puson niya. Ramdam niya ang unti-unti pagkabuhay ng pagkalalaki niya.

"Ugh! Fuck!" this time ay napalatak na siya ng biglang sapuhin ni Red ang nag-uumigting niyang pagkalalaki. Ilang sandaling nakapatong ang kamay nito sa kanyang paglalaki bago muling pumihit patalikod sa kanya. Ipinatong niya ang braso sa kanyang mata. Para siyang kinapos ng hininga dahil ginawa nito.


Continue Reading

You'll Also Like

3M 50.3K 21
"Huwag kang magtaka kung palagi akong nakangiti kapag kaharap ka, your smile is equal to a bucket of tears, a pond of heartaches and an ocean of pain...
1M 32.6K 45
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
237K 204 1
(OLD VERSION) Helley May Perez had amnesia, she could not remember her past, but she also did not know that she had amnesia, only friends and her mo...
1.2M 47.5K 73
WARNING : MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] Anastasia Roza is a simple girl who dreamed about having an easy life. Dahil hindi madali ang buhay para sa ka...