LANCE's POV
Hindi ko alam kung kailan pa ako tatagal dito sa mundo..
Di ko din alam kung hanggang kailan na lang kami magkakasama ni Sam..
Madaming katanungan na mahirap sagutin..
Madaming dahilan kung bakit ako nagkakaganito..
Ayaw ko ng saktan pa si Sam,,
Ayaw ko na siyang paiyakin..
Mahal ko siya pero kailangan kong gawin ito..
Alam niyo naman sigurong may sakit ako sa puso..
May taning na ang buhay ko..
Malapit na akong kuhain..
Malapit na akong maging angel ni Sam..
Malapit na akong mawala at maglaho sa mundong ito...
Maraming salamat dahil kahit sa kaunting panahon lang ng buhay ko ay nagkakilala kami ni Sam..
Kahit sa kaunting panahon na iyon ay minahal ko siya at minahal din niya ako..
Sana di na lang ako ang minahal niya..
Alam kong masasaktan lang siya..
Mahal ko siya ,siya lang at wala ng iba pa...
Sana kahit papaano ay madagdagan pa ang buhay ko..
Kahit saglit pa ay makasama ko pa ang babeng ngpabago sa buhay ko...
Ang babae na pilit akong minamahal at iniintindi..
Malapit na ang oras..
Malapit na..
"Lance, pasok na tayo?"
"Huh? sige ba! tara!?"
"Ngiti ka diyan? may iniisip ka na namang kalokohan nuh?"
"Huh? wala ah?"
"Sira! tara na!" yakag niya..
Sa School...
"Lance, sige na uuna na ako sa roo--"
Lumabo ang paningin ko..
*BLAAG*
May babaeng naiyak..
Pamilyar siya at tinatawag ang pangalan ko..
Isang babaeng halos mahimatay kakaiyak..
"LANCE GUMISING KA! NAANDITO AKO PLEASE? LANCE NAMAN SABI MO DI MO AKO IIWAN!SABI MO MATAPANG KA!"
Pagmulat ko ng mata ko...
"LANCE!" niyakap niya ako...
Ayaw ko siyang nakikitang ganyan!
Naman!
Bakit sa harapan niya pa ako nahimatay..
"Lance okay ka lang ba?"
Nakayapos siya...
"Sino ka?"tanong ko..
"Lance?!"
"Sabi ko sino ka?"
"Lance di mo ako..na..aalala?"
Tumingin lang ako sa kanya...
Iyak siya ng iyak...
"JOKE LANG!" ^_^V
"SIRA ULO KA!" sabi niya na yumakap sa akin..
"Ahaha.. okay lang ako ikaw? halos mahimatay ka kakaiyak ah?" asar ko..
"Ikaw kasi eh! bigla-bigla ka na lang mahihimatay tapos tatanungin---"
Pinatahimik ko siya gamit ang labi ko...
"Sam wag ka ng iiyak ng ganoon! paano kung totoo na namatay ako? di halos mahimatay ka na?" sabi ko.
"Lance!" iyak niya.
"Para ka talagang bata!"
Niyakap ko siya..
PArang walang hanggang yakap..
Ang yakap na feeling ay huli ko ng magagawa sakanya...
Ang yakap na pinaramdam kong mahal ko siya...
"Lance wag kang mahihimatay ulit huh? di ko na alam ang gagawin ko!"
"Opo! basta dito ka lang sa tabi ko huh?"
Kailangan ko ng sabihin sa iyo ang lahat Sam pero..
Mahirap!
Ang hirap sobra!
Gusto ko malalaman mo nalang na wala na ako..
Ayaw kong makikita kita na naiyak..
Ayaw kong makita ka na naaawa sa akin..
Gusto ko tulad pa dintayo ng dati..
Normal lang ang buhay
At ang tanging alam lang ay mahal natin ang isa't-isa...
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
A/N
alam niyo yung feeling na gusto ko na siyang patayin kaso madaming tutol?
Wahaha...
DI ko na alam ang susunod!
Wahaha...
Geh..geh..
Hhehe... yes puro tawa?
:P