The Devil Who Danced At Midni...

Af theladyinletters

353K 16.7K 5.7K

Watch Richard Faulkerson Jr. and Maine Mendoza, who are both considered geniuses, make all the foolish choice... Mere

monologue
antipholus
bassianus
cleopatra
desdemona
egeon
friar laurence
gertrude
hamlet
iras
juliet
katharine
laertes
macbeth
nicholas
octavius
pericles
quintus
valeria
willoughby
xavier
yorick
z
prologue
t a d h a n a
t i m p i
d a l i s a y
g u n i t a
k a l i n a w
t i n a t a n g i
m u n i - m u n i
p a g s a m o
k a u l a y a w
h u m a l i n g
m a r a h u y o
a l p a s
h a b i l i n
p a h i m a k a s
the lady in letters
p a r a l u m a n
R-S-T-U
romeo
silvius
thisbe
//psa
ulysses
TDWDAM Self Publishing
TDWDAM Self Publishing II
TDWDAM Self-Publishing Final Form
Landing on the Moon
Getting 11 Glances from Earth
final wave

s a p a n t a h a

5.8K 341 333
Af theladyinletters

I'd track the tag #tdwdam
so I'd see your tweets even w/o
following me. Some of my tweets can
be annoying since its a personal
account, you know.
(Again, it's okay not to follow me.
I always reply.)

Ps. Check out my new story
in my profile!

xxx

sapantaha

(n.) a hunch or presumption

xxx

Sa bawat sampung taong nakikipagsapalaran sa pagsakay sa tren tuwing umaga, isa doon, nananakawan. Dalawa, nadadanggil ang suso ('yung isa aksidente, 'yung isa sadya). Tatlo, nasisiko. Apat, nakakasakay ng maayos at ang kaisa-isang natitira sa sampu, nagigising sa kama ng walang saplot katabi ang dati nyang mangingibig.

Ako 'yon.

Gumising akong walang alam sa mga nangyari kagabi. Biro lang. Sino ba namang makalilimot ng mga nangyari kagabi? Paniguradong hindi ako. Paniguradong hindi sya. Napakaraming tanong sa aking isip noong umagang iyon ngunit hindi ako naglakas-loob magtanong. Bakit maliliit ang patak ng ulan? Bakit kapag umuulan, hindi isang bagsakan na lang ng tubig tutal, parehas lang din ang kalalabasan? Hanggang saan ang mga bagay na maaaring isulat? Bakit may mga bagay na kahit ikaw mismo ang magbigay, hindi mo matanggap pabalik? Bakit hugis tatsulok ang dulo ng lapis? Bakit bilog ang mundo? Bakit katabi ko ang mundo? Bakit mundo pa rin ang tawag ko sa kanya ngayong hindi na sa kanya umiikot ang buhay ko?

May tamang paraan ba para ikuwento ulit ang naudlot na pag-iibigan?

At noong sinubukan kong tumayo at pinigilan nya ako, doon ko nalaman ang sagot.

Hindi na ako katulad ng dati, Maine.

Ngumisi ito at iniwan akong nag-iisa.

Ako ang mauunang umalis ngayon.

Maliit ang patak ng ulan at matagal magbuhos ng sama ng loob ang mga ulap dahil kung hindi, masisira ang mahuhunang kabahayanan. Walang hangganan ang mga bagay na dapat isulat, ngunit may mga bagay na dapat sabihin kakaibang paraan upang hindi direktang malaman ng mambababasa. May mga bagay na kahit ikaw mismo ang sampung beses magbigay, hindi mo matitikman ni minsan pabalik dahil pinili mong magbigay. Nagbigay ka, eh. Iyon ang bottom line. Hugis tatsulok ang dulo ng lapis dahil weirdong tingnan kung hugis puso. Katabi ko ang mundo dahil nagtiwala ako. Dahil nagpakatanga na naman ako. Mundo pa rin ang tawag ko sa kanya dahil... hindi naman tumigil ang pag-ikot ng buhay ko sa kanya.

Walang tama o maling paraan para ikuwento ang naudlot na pag-iibigan.

Dahil wala raw tama o maling paraan para umibig. Sa pag-ibig.

Tao lang ang nagkakamali.

Hindi ang pag-ibig.

Nakatungo akong lumabas ng bahay nya at hindi ko sinubukang tumunghay. Mabuti na lamang at walang masyadong tao sa subdivision. Iyong mapanghusgang aso lang na tahol nang tahol sa akin na akala mo'y hindi nakikipagtalik sa publiko sa kanyang mangingibig. Parehas lang tayo, aso.

Parehas lang tayong marumi. Tanga. Walang modo at pinag-aralan. 'Wag mo akong tahulan na parang napakalinis mo.

Parehas lang tayong umibig kaya huwag mong ibahin ang sarili mo mula sa akin.

Tulala akong umuwi noong umagang iyon. Ibang-iba, eh. Ibang-iba noong unang beses. Pagkagising ko noon, nakangiti sya sa tabi ko, at kahit hindi ko sya matingnan, aliw na aliw syang niyakap ako at pinatulog ulit sa mga bisig nya. Masaya. Masaya umibig at magliwaliw noon kahit isang gabi lang. Masaya maging bata at walang iniisip. Masaya. Nakakatuwa ang katangahang hatid ng kabataan. Noon ay maliwanag na maliwanag pa ang pagkislap ng hiram na liwanag ng buwan sa araw at masaya itong nagningning. Masayang ginagabayan ang mundo.

Ngayon ay hindi na nito alam.

Mayroong isang maliit na butas sa puso ko. Hindi literal, ah. Baka ako'y pilitin nyo pang magpa-opera at mag-ambagan pa kayo ng pampaospital ko. Maigi, pero perahin nyo na lamang. Maigi, pero pambili na lang sana ng gatas at gamit sa eskwelahan ni Caius.

Kung may nakasakay kayo sa tren isang Linggo ng umaga, pagpasensyahan nyo na kung nabunggo kayo ng isang babaeng mukhang kakagising lang at wala pa sa huwisyo.

Ako ulit 'yon.

Hindi ko alam kung bakit ulit ako nagpakatanga. Hindi ko alam kung bakit ako naniwala sa mga sinasabi nya dahil mukha naman syang seryoso kagabi na mamahalin at mamahalin nya pa ulit ang apat na natitirang Maine Mendoza sa mundo.

Pero sa nakikita at nararamdaman ko, lahat 'yon - isang malaking kasinungalingan.

Isang perpektong plano para makuha ulit ako. Para manghina. Para matalo. Para mabalewala sa huli. Para masaktan, maubos, hanggang sa walang matira para pulutin pa.

At nagtagumpay nga si tanga.

Demonyo.

Iyon sya.

Isang demonyong hindi ko magawang kalimutan at kamuhian dahil... hindi ko kaya.

Lumipas ang mga araw na para akong si Jose Rizal na naglalakad papunta sa Bagumbayan para patayin. May dalawa lang kaming pinagkaiba: una, sya, kalmado ang pulso habang ako, naghuhumerantado ang puso. Pangalawa, sya, babarilin patalikod.

Ako, sasaksakin paharap.

Hindi ko alam kung paano ko nakakayang kimkimin ang nararamdaman ko sa puso ko o kaya sa baga ko kung walang espasyo. O kaya sa balun-balunan ko dahil sobra-sobra na talaga. Ano ba? Napakaraming tanong sa isip ko. Ano ba 'yong gabing 'yon?

Hindi masaya sa pakiramdam na nagpakalunod ako at lumimot ng limang taong pagpapahirap sa sarili para lang panoorin ang mundo at ang araw na maglandian sa faculty. Napasimangot ako agad, pagkalampas. May papunas-punas pa ng pawis. May paala-alalay pa. Sayang ang matrikula kapag ganyan ang ginagawa ng mga guro imbes na mahalin lalo ang trabaho at pagandahin ang paraan ng pagtuturo.

Nakakatawa, dahil para ulit akong bata na nagseselos.

Iyon nga lang, hindi lang selos. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang pumatay o ako na lang ang magpapakamatay para tapos ang usapan.

Huwag. Sabi ng isang boses sa utak ko. Mababawasan ang mga tanga sa mundo kapag nawala ka.

Nakakagaan sa damdamin, ha.

Ngunit isang hapon, hindi ko na napigilan. Hindi kasi ako ganoong tao. Sobrang hirap para sa akin magbigay ng piraso ng sarili ko – paano pa kaya iyong buong-buo?

Hindi ko kayang ganito lang.

Anong nangyari? Pigil ko sa kanya noong sya na lang ang naiwan sa faculty.

What? Gusto ko syang suntukin noong mga panahong iyon. Let go.

Magpaliwanag ka muna!

Doon sya tumawa ng malakas. Malakas na malakas na parang nanliliit ako. Now you're asking for an explanation, Mendoza?

Tinanggal nya ang pagkakakapit ko at nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Did you give yours? Hindi ako nakasagot. You haven't, right? Not going to give mine either.

Nagdasal na ako sa lahat ng santong kilala ko huwag lamang bumagsak ang mga tuhod ko noong mga panahong iyon. But since I was a little nicer than you. Bumulong pa ito at lumapit lalo. I'd ask you one question. Does it feel nice?

A-ano?

Does it feel nice giving your all but still – got left behind?

Napatungo ako.

It doesn't feel nice, right, Mendoza? Ngumisi ito. Now you know what I feel.

Napahagulgol ako sa parehas na lugar, kahit may dumadaang janitor, kahit nagbigay pa ito ng panyo, kahit ibinulsa ko lang ang panyo at hinayaang tumulo ang mga luha, kahit hindi ko maaming nagkamali na naman ako, kahit wala na talagang natitira sa sarili ko kahit anong gawin ko –

– dahil alam kong magpapatawad ako.

Kahit hindi humihingi ng tawad ang kabilang kampo. Kahit humingi na ako ng tawad ngunit hindi tinanggap. Kahit araw-araw ang nagiging pasakit. Na kahit makailang ulit akong gamitin, tawanan, tudyain, isang tanong lang ng mundo sa buwan....

... sasagot ito ng oo.

Sumakay ako sa bus habang tulala at nakiusap sa konduktor na ibaba ako sa kung saan. Mahirap kapag nag-tren ako. Pasensya na, manong konduktor, kung ginawan pa kita ng trabaho. Pasensya na, katabi ko, kung ayaw kong umisod ng maayos. Pasensya na, bintana, kung masyadong mabigat ang ulo ko. Pasensya na, kalsada, kung masyadong mabilis ang mga yapak ko at nagmamadali akong umuwi gayong hindi ka na makahinga. Pasensya na, ateng nasa ukay-ukay, noong nagtanong ka kung anong hanap ko noong dumaan ako sa tindahan mo at muntik na kitang sagutin ng pag-ibig, pagliligtas, at kapatawaran.

Pasensya na, mundo, kung hanggang dito lang ang paumanhing kayang hingin ng buwan.

Hindi na ako tinakasan ng kamalasan. Maging sa trabaho ko'y habol ako ni Mareng Tadhana. Sa tuwing nakakakita ako ng mga pumapasok na magkatipan ay hindi ko maiwasang magtanong kung kailan naman ako. Kailan naman ako hindi uupo sa sulok dahil walang kasama? Kailan naman ako hindi magmamadaling umuwi mula sa eskwelahan dahil may dadatnan akong nag-aalaga kay Caius na hindi si Pe? Kailan naman ako hindi lilingon sa kabilang direksyon dahil biglang pumasok ang mundo at ang araw, magkahawak ng kamay?

Napakaraming tanong sa isipan ko. Hindi ko naman kasi alam na magagawi sila rito. Malayo ito sa ekswelahan at wala namang nakakaalam na sa isang coffee shop ako nagtatrabaho, kahit si Rea at si Dusk. May isang parte ng utak ko na bwisit na bwisit na kay Mareng Tadhana na tila ba naka-belat pa sa isang sulok ng kwarto. Bakit sila nandito? Wala na bang coffee shop sa lugar nila? Bakit ito pa, sa dinami-dami ng kainan dito? Bakit hindi na lang ako nagpakamatay noong may hawak akong bread knife? Tinyaga ko na sanang laslasin ang palapulsuhan ko kung ganito lang ang mangyayari.

Agad akong napansin ni Mia. Mukhang nagulat sya, pero masayang-masaya sya ngayong araw. Nakakapagtaka. Mukha kasi syang pagod at nangangailangan ng pag-iintindi nitong mga nakaraang araw kaya nakakapanibago talaga. Maine! Sabi nito, paglapit sa counter. You work here?

Tuwing weekends lang. Sagot ko na hindi tumitingin sa mundo. Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko'y nakailang kurap na ako para lang hindi masagi ng mga mata ko ang mukha nya. Pakiramdam ko'y sasabog na lang akong bigla na parang isang bulkan kapag nangyari iyon. Anong order nyo?

Absolutely not blueberry cheesecake and strawberry frappe. Kumindat pa sa akin si Mia; hindi alam na ako ang may paborito ng mga bagay na 'yon. Tama. Huwag iyon ang order-in mo dahil may nakatapal na Maine Mendoza sa mga pagkain 'yon kapag nakikita ng mundo at baka patayin ka lang lalo gamit ang isang kutsilyong hindi mo makikita at mararamdaman. Basta magdurugo ka na lang bigla. Ganoon.

I'd have that green matcha tea, large, and a slice of red velvet. Tsaka samahan mo na rin ng iced coffee, please.

That would be three-hundred –

Ano sa'yo, Rj?

Pinigilan ko ang sarili ko na matawa. Hindi pa pala kasama iyong order nitong isa. Bale, iyon ang meron si Mia. Nakakatuwa sya kahit hindi sya nagpapatawa. Tamang-tama lang na maging araw sya; lahat, nabibigyan nya ng liwanag.

Napapahiram nya kahit ako.

Kaya kahit anong selos ang maramdaman ko, hindi ko magawang kamuhian ang babae.

Just a cup of hot coffee. Usal nitong isa. Kinuha ko ang order nila nang hindi pa rin tumitingin sa kanya at sinabihan kong umupo na lang muna at dadalhin ko na lang sa lamesa nila ang order. Naupo sila hindi kalayuan sa counter; nakatalikod ang mundo sa akin at mukha lang ni Mia ang nakikita ko.

Tahimik na ginawa ng katrabaho ko ang order ng dalawa habang ako, pasulyap-sulyap lang.

Alam mo 'yon? Hindi ko mapigilan, eh. Para akong magnanakaw na kailangang manguha ng gamit ng iba dahil sa pangangailangan. Dahil sa tawag ng puso. Iyon bang kahit... likod lang nya ang makita at matitigan ko, ayos na sa akin. Kesyo hanggang doon lang ang pwede kong makuha, kesyohanggang doon lang ang abot-kamay. 

Kesyo ganoon talaga ang pag-ibig. Pilit mong kinukuntento ang puso mo sa kung anong pwedeng mapulot kahit katiting.

Patuloy pa rin ang lihim kong pagsulyap. Pinipigilan ko naman, eh. Pinipigilan ko nang magpakamartir dahil baka may magkawanggawa at patayuan ako ng dambana pa para sambahin ang pagsasakripisyo kong wala namang pumipilit sa akin para gawin. Parang sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita kong ngumingiti at tumatawa si Mia sa mga sinasabi ng mundo.

Araw, noong isang gabi lang ay ang buwan ang sinamba ng mga labing 'yan.

Meng. Tawag sa akin ng katrabaho ko. Pakidala naman ito doon sa kakilala mo.

Mga ilang minuto akong natigilan at tinitigan iyong tray. Wala namang kaso sa akin ang pagdadala ng mga order; talagang ayaw na ayaw ko lang lumapit sa mesang iyon dahil baka tuluyan akong hindi makahinga. Para akong naglalakad talaga papunta sa kamatayan ko. Kung hindi nga lang gumalaw ang mga braso ng nasabing katrabaho ay hindi ako magigising pabalik sa realidad na ang tagal ko nang nakatitig.

At nagsimula na nga ang death march.

Dahan-dahan akong lumapit. Mabuti na lamang at maari kong idahilan ang mainit na kape na hindi pwedeng matapon. Maaari ko pang patagalin ang kamatayan ko.

Kaunti na lang, buwan. Pwede ka na ulit tumakbo papunta sa lungga mo. Lakad pa ng kaunti. Kaya mo 'yan. Halika, kaibigan. Patuloy nating suportahan ang buwan at bigyan sya ng kalakasan, parang energy ball ni Goku. Sabay-sabay tayong magtaas ng kamay at magbigay-pugay sa katangahan nyang taglay.

Noong malapit na ako, bilang si Mia lang ang nakakakita sa akin, sinenyasan nya akong tumigil muna. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha nito. Parang nagbubuntis sa batang lalaki. Ganoon daw kasi, eh. Tuwang-tuwa sa akin si Pe dahil gumanda raw at bumata ang mukha ko, kahit lumalaki ang pisngi ko noong buntis ako kay Caius. Mabuti na lang daw at hindi babae ang una kong anak; nakakahagas daw kasi iyon. Nakakahaba ng mukha.

Para namang gusto nya pang sundan si Caius ay hindi na nga kami magkandaugagang dalawa.

Para akong na-adik sa kanilang dalawa, pero mas lalo na sa mukha ni Mia, dahil para talaga syang araw. Nagningning. Nagliliwanag. Hindi literal, ah. Pero mayroon talaga sa kanya na parang gugustuhin mong lumapit at magpa-ampon na lamang dahil... ganoon sya.

Hindi ko naman masisisi kung sa kanya pinipiling umuwi nitong isa, dahil kung ako ang nasa pwesto nya, paniguradong... iyon din ang pipiliin ko. Sino ba namang gustong magtiyaga sa kadiliman kung nariyan naman at abot-kamay ang liwanag, hindi ba?

I have news. Ani Mia. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang humigpit ang hawak ko sa tray at pinaalalahanan ko ang sarili kong may babasagin at may mainit sa mga kamay ko. Hindi ako maaaring humina at maging tanga. Mainit ang kape, Mendoza. Huwag kang tanga. Hawakan mong maigi ang tray dahil wala kang pambayad kapag naulit ang order na 'yan.

What news?

I know I've been difficult these past few days. Pasensya ka na if I snapped at you at all times. Napasinghap ako noong... naglabas si Mia ng isang litrato. Nakangiti. Kumikislap ang mga mata. I finally found the reason why.

Parehas kaming pigil-hiningang nag-intay ng reaksyon ng mundo sa pagkakita sa litrato. Hindi ko maaninag. Hindi abot ng mga mata ko. Humakbang pa ako ng kaunti para makita ko. Tumingin sa akin si Mia. Malaking-malaki ang ngiti. Kadalasan, natutuwa ako kapag nakakakita ako ng taong masaya dahil nga, kahit sila na lang, oh. Kahit sila na lang 'yung masaya, hindi katulad ko. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ko nagustuhan iyon.

Hindi ko nagustuhan ang umaapaw na liwanag ng araw na pinupuno ang kasuluk-sulokan ng lugar.

At noong makita ko kung ano iyon, humiling ako na sana i-atras ng Diyos ang buhay ko, kahit ilang segundo lang. Kahit pabalik lang doon sa oras na... humakbang ako ng kaunti para mapunan ang pagiging natural na matanong ng utak ko.

Six weeks, Rj. Ngumiti lalo ito. I was six weeks pregnant and I didn't even know it.

Hindi nakapagsalita agaran ang mundo.

Basta, bigla na lang itong tumayo. Hinagkan sa ulo si Mia. Niyakap ng mahigpit.

Thank you, Mia. Suminghot ito. This has to be the best gift I have ever received in my whole life.

At noong tumulo ang unang patak ng kaligayahan mula sa mga mata ng mundo sa unang beses nyang malalaman na sya'y magiging ama, hindi ko na alam kung sinong pwedeng sisihing taksil.

Ako ba, ang mundo, o si Mareng Tadhana.

Hindi na tayo magkumare, ha.

Nablangko ang utak ko. Wala akong nakita, naramdaman, narinig. Paulit-ulit ang tawa ni araw, ang pagpapasalamat ng mundo, at ang mainit na kape at bubog sa paa ko.

Mainit ang kape, Mendoza.

Huwag kang tanga.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

2.9K 643 137
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
15.3K 844 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
434 62 13
[SHORT STORY] Ang bawat ritmo ng isang tugtugin ay kayang makapagbuklod at magbigay liwanag sa dalawang taong may magkaibang karanasan sa hamon ng b...
1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈